Para kay Solita ‘Mareng Winnie’ Monsod (1)

wmonsod.jpgTutularan kita, diretso sa punto: Sumulat ako sa iyo tungkol sa ipinapalaganap mong posisyon sa krisis pampulitika sa bansa at pagpapatalsik kay Pang. Macapagal-Arroyo.

Naninimbang ako. Sa isang banda, may mga labang tumindig ka para sa bayan – at hindi lamang mula sa punto-de-bista mo kundi sa pagtingin ng mga makabayan at progresibong grupo at intelektwal sa bansa. Kasama ka sa mga lumaban at nagpatalsik kay Marcos noong 1986 at kay Estrada nitong 2001. Noong 1986, nanawagan ka kay dating Pang. Cory Aquino na gamitin ang prestihiyo niya para hingiin sa ibang bansa na patawarin ang ating bansa sa mga utang panlabas na hindi pinakinabangan ng bayan.

Pero bukod sa mga labang ito, kadalasan, nasa panig ka ng mga kalaban ng bayan. Pabor ka sa pagratipika sa bulok na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos noong 1991 na magpapanatili ng mga base militar sa bansa. Lagi’t lagi, tutol ka sa panukalang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, kahit kumakalam na ang mga sikmura nila. Nitong huli, ikaw at ang mga kasapakat sa Unibersidad ng Pilipinas o UP ang nagtulak sa gobyernong Arroyo na itaas ang kinokolektang buwis sa taumbayan.

Noong 1996, isa ka sa mga pinakamaingay na sumuporta sa “malayang kalakalan” at “malayang pamilihan” at sa Asia-Pacific Economic Conference o APEC – na pawang bumihag sa bansa sa kahirapan. Iyan naman talaga ang tugma sa uri ng economics na itinuturo mo sa loob at labas ng klase, lalo na sa midya. Lagi’t lagi, nauuna ang pagpanig mo sa negosyo, mga negosyante, sa pantasya’t panlilinlang ng “hindi nakikitang kamay” ng pamilihan na diumano’y nagtatama at nag-aayos ng ekonomiya.

At diyan ka sumikat: Ang tinatawag na “autistic economics” o economics na may sariling mundong hiwalay at napakalayo sa tunay na mundo ay nailalapat mo sa malinaw na Ingles o Pilipino. Naipagtatanggol mo ang pagsusuri ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga propesor sa economics sa salitang jolog – direkta sa punto, matalas para sa inyo. Marahil, kahit ang absurdong panukalang kusang pababain ng bansa ang halaga ng piso kontra sa dolyar ay magiging kapani-paniwala kapag ikaw ang nagdala.

At ngayon ito: Matapos ang pagsama mo kay dating Pang. Aquino sa pagdarasal para humingi ng kalinawan sa kasalukuyang krisis, kumalas ka sa kanya at ipinapagtanggol si Arroyo. Sabi mo, malinaw na nanalo si Arroyo sa nakaraang halalan, ayon sa surveys at patotoo ng mga dayuhang tagamasid. Sinang-ayunan mo si Mike Defensor na kahit ibigay sa kalaban ni Arroyo ang lamang niya sa Mindanao – na pinagtatalunan ngayon – ay lalabas na panalo pa rin siya sa buong bansa. Hindi siya dapat magbitiw sa pwesto.

Hindi talino ang ipinapakita mo, kundi imoralidad. Napakababa ng pagtingin at paggalang ng ganyan sa Pilipino. Kapag nahuli ang isang estudyante na nandadaya sa eksamen, hindi na tsine-check ng guro ang papel niya para malaman kung pumasa o bumagsak siya. Pinapatigil na siya at pinaparusahan. Kapag nahuli ang isang mandurukot sa palengke o matataong lugar, hindi na inaalam kung malaki o maliit ang perang laman ng pitakang nakuha niya. Binubugbog na siya at ipinapa-aresto sa pulis.

Ngayon, ang gusto mo, ang “pangulo” ng bansa na nahuling nandaya sa halalan ay hayaang magtagal sa pwesto? Napakarami sa ating kababayan ang magsasabi sa iyo niyan: Na nandaya si Arroyo. Tanging talinong galing sa UP School of Economics – katulad mo at ni Arroyo – ang makakaunawa sa katwiran mo. At hindi lamang pandaraya ang ginagawa niya bilang pangulo. Lalo niyang ibinaon sa kahirapan, pagsasamantala at pambubusabos ang ating mga kababayan. Kasalanan niya iyang dapat panagutan.

Hindi pa kita huhusgahan, kahit mas tampok sa rekord mo ang pagkakanulo sa bayan. Lalong nakikita iyan sa pagkampi mo kay Arroyo. Mag-isip ka. Hindi pa huli ang lahat.

10 Nobyembre 2005

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • redhotchilli77  On May 25, 2007 at 8:59 am

    wow, ang galing, may blog ka na rin sa wakas. ginawan kita ng link from my site at multiply. that way i could easily check on your blog (di kasi ako madalas gumamit ng wordpress) hehehe🙂

  • mcnutt42  On June 7, 2007 at 1:16 pm

    yey, inaabangan ko itong blog niyo.wuhooo..!

    si monsod din ang nagpanukala ng import liberalization noong siya ang naupong pangulo ng NEDA.

    naisip ko hindi naman usapin ng pagiging matalino at magaling ang bawat bagay. ito ay usapin kung saan at para kanino mo ginagamit ang iyong talino at kakayahan.

  • Maria  On September 2, 2008 at 10:49 pm

    who do you think will stand for the country if gloria steps down? Noli? OMG! Lalong maghihirap ang Pilipino! Baka ang alam lang nyan eh magbroadcast. Its like putting a lawyer on the field of a doctor.

  • kapirasongkritika  On September 3, 2008 at 6:02 am

    Kung lalakas ang kilusan para patalsikin si Gloria, pwede rin si Noli, kung mababantayan lang siya. Definitely, hindi uunlad ang bansa natin, pero at least may pahinga tayo sa mga kalokohan ng rehimen ni Gloria.

    Kung lalakas ang kilusan para patalsikin si Gloria, pwede pa ngang magkaroon ng sama-samang pamumuno kung saan nakaupo ang iba’t ibang grupong mahalaga sa pagpapatalsik kay Arroyo: mga pulitiko at iba’t ibang grupo sa lipunan.

    Sabi nga nila, kahit aso, pwedeng pumalit. At least hindi gagawa ng mga kalohang kasing-tindi ng kay Gloria.

    Salamat sa pagbisita at pagkokomento!

  • Maria  On September 11, 2008 at 11:18 am

    Oo nga pagod na din ang mga magulang ko sa kalokohan ni Gloria. Hindi lang sila pati ako, kayo at sila. Pero pagod na rin siguro ang mga Pilipino sa kakapatalsik ng pangulong sablay kung kaya’t hanggang ngayon wala pa ring malakas na kilusan na makpagpatalsik sa kanya.

    Re: Monsod

    Monsod is my professor in Economics this semester. I am not taking sides, but I think you are slightly misjudging her with those little flaws that you note on her. If you can listen to her every 9-10, t-th morning classes, you’d be bombarded by how much she sees too much flaws on not just the economic sector but as well as the totality of the current status quo of the Philippine government.

    I flunked my 1st exam on her .. and we’d be having our 3rd exam this sunday. Haha!

  • kapirasongkritika  On September 12, 2008 at 9:14 am

    Maria: Salamat ulit sa pagbisita!

    Sa tingin ko, hindi naman sa napapagod. Naghahanap lang ang mga tao ng ipapalit — kay Gloria at sa sistema mismo. Sa halip na tingnan nating masama, mas maganda ngang tingnan natin na mabuti: Dahil marami talagang dapat alamin at pakialaman sa lipunan natin. Lilitaw talaga ang papalit kapag kumilos tayo sa lansangan — at sa iba’t ibang larangan din.

    Marami na rin akong naisulat tungkol kay Prop. Monsod sa blog na ito. Tingnan mo rin ang isa pang liham ko sa kanya at iyung “Krisis the Moment.” Pwede mong gamitin ang search engine dito.

    Alam ko ring marami siyang tinutuligsa sa lipunan. Pero ganoon din naman talaga ang maraming konserbatibo: tinutuligsa ang kasalukuyan para dalhin sa direksyon nila.

    Propesor mo siya? Hehe. Sa “Krisis the Moment,” nandoon ang mga itinuturo nila sa School of Economics. Paano ko nalaman? Secret! Hehe.

    Hindi naman yata mahirap ang mga eksamen doon — mula sa perspektiba ng isang aktibista. Basta ang sagot mo sa multiple choice exams iyung pinakapabor sa market, papasa ka. Hehe. Batay daw sa karanasan iyan. Hehe.

  • Maria  On September 13, 2008 at 12:50 am

    Econ major ka pala. Haha! Hindi ko kasi talaga hilig ang econ sa totoo lang dahil nasa kolehiyo ako ng agham panlipunan at pilosopiya.

  • kapirasongkritika  On September 13, 2008 at 9:21 pm

    Econ ba ako? Hehe. Secret! Ano ang kurso mo? Sa totoo lang, sa pakiramdam ko, mahalaga talagang alam natin ang Econ, kahit pangkalahatang tanaw lang sa panimula. Hehe.

  • yemon  On September 18, 2008 at 6:09 am

    basta balib ako ky MARENG MONSOD. parang magic

  • kapirasongkritika  On September 18, 2008 at 8:30 am

    Yemon, no problem. May mga endearing siyang mga hirit. Hehe. Pero sana masuri mo siya batay sa mahahalagang mga isyung tinindigan niya.

  • ashley raq  On May 26, 2009 at 5:13 am

    mam winnie, sana po ay mutulungan ninyo ako about sa legal matters about sa lupa na minana namin sa grand parents ko… hindi po kasi namin makuha ang parte namin dahil binenta po ng tita ko ng walang consent or permission ng ibang kapatid nya eh patay na po ang tatay ko kami na po ang representative nya… ano po ba ang pwede naming gawin sana po ay matulungan nyo po kami… ito ang email address ko maraming salamat po… God bless and more power… ashleyraq@yahoo.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: