kempeno.jpgscadapan.jpg

Sa pamamagitan ng kanyang koleksiyon ng mga tula, nag-aambag si Philip Anorico sa kampanya para sa pagpapalaya kina Karen Empeno (Kaliwa) at Sherlyn Cadapan.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • PHILIP ANORICO  On August 13, 2007 at 12:02 am

    Ilang Paliwanag sa 5Tula ng Paghahanap

    Isang tanghaling tapat nitong nakaraang Hunyo, kumatok ako sa bahay ni Richard Gappi, hawak ko ang sample hard copy ng polyeto-tula. “Ano’ng trip mo sa buhay?” nakangiting tanong niya sa akin. “Sir, mamomolyeto ako. Mag-aanibersaryo na kasi ang pagdukot kina Karen. Alam ko babasahin ako ng tao,” sagot ko sa kanya. Sa sumunod na tatlong gabi, sigarilyo’t konting red horse ang kaniig namin habang sinasala ang mga tula.

    Matapang akong magsulat. Hindi ako nangingiming sabihin ang alam kong totoo. Bakit ako magdadalawang-isip na magpakilala bilang kaibigan ni Karen? Hindi ko siya dapat ikahiya, at talagang isinisigaw ko sa buong daigdig na siya ay kasamahan ko sa UP! Bago ko ilabas ang mga tula, may mga nagpayo sa akin na i-conceal ko ang aking pagkatao. Ang sagot ko: Bakit ako gagamit ng pseudonym e wala namang libelous sa mga sinabi ko? Bakit ko ipapasa sa pahayagan o magasine ng “ilalim” ang mga tula kong ito samantalang ligal-na-ligal ang lahat ng sinabi ko!? O bakit ko ito kailangang isali sa panitikang underground? Kailan pa naging kasong kriminal ang pagtula? At bakit kailangan kong magtago bilang makata?

    Pero, kung ano’ng tapang kong isiwalat at ibulalas ang katotohanan; taray-tarayan, yurak-yurakan at tapak-tapakan ang mga militar sa aking mga tula, siya namang kinakabahan ako sa maaaring maging reaksyon ng mga mambabasa, kapwa makata at kritiko. Kapag nagsusulat ako, ang lagi kong pangamba ay kung magugustuhan kaya ng target-awdyens ang tula? Ano’ng kailangan kong gawin upang madulas na maipasa ang mensahe? Mapupukaw kaya sila ng aking metapora? Makamasa ba ang aking pananalinghaga? Aminado ako na malalim ang bahid sa aking panulat ng burgis na akademya, at ng burgis kong pamumuhay mula sa aking pagkabata. Pero lagi, gusto kong makawala dito. Kaya ko nilalanguyan ang mga ordinaryong idiom na bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

    Kaya ko din pinapasok ang pamomolyeto. Ginaya ko lang ito sa estilo ng iginagalang nating si Gelacio Guillermo. Masaya ako dito dahil “masa” ang awdyens ko. Libre at para sa lahat ito. Ipinamimigay ang mga tula ko sa mga rally at asembleya. Hindi ako nahihiya kahit na para akong namimigay ng “papromo” sa mga tao, sa mga pasilyo at tambayan sa FC. Basta ang laging nasa isip ko, para ito kay Karen. Pagdating ng araw, wala akong pagsisihan sa huli dahil ginawa ko ang abot-kaya ko bilang isang nagpapakamakata para sa aking kaibigan. At anak ng tokwa’t tipaklong! Parang pinipiga ang dibdib ko kapag nakikita ko ang nanay niyang aboridong-aborido!

    Sa maikli, ito ang gusto kong ipakita sa mga tula ko at patunayan sa mga ka-batch kong nagpapakamakata sa UP: na ang payak na personal na karanasan, kapag nilagyan ng artistic intervention ng makata, ay maaaring maging magandang pyesa na tumatalakay sa mabibigat na isyung panlipunan, pampolitika’t pang-ideolohiya; maaaring gamitin ang mga palasak na cultural images, kontemporaryo man o mula sa klasikong tekstong kultural, upang maging daluyan ng mensahe sa tula; at hindi hadlang ang pulitika sa kasiningan ng pagtula (na ipinapalaganap ngayon ng mga “anti-linyado” sa CAL!) at ang totoo’y ang pagsasanib ng dalawa ay nakapagpapataas pa nga sa rebolusyonaryo at artistikong halaga nito.

    Hindi ko na papasukin pa ang pagbubutbot sa bawat tula. Hinahayaan ko na ang mga mambabasa na siyang humusga dito, at nagtitiwala ako sa mga kritiko na sila na ang maghihimay-himay sa mga tula. Kung mayroon mang mga puna, o nakitang mga kahinaan sa tula, buong pagkukumbabang tatanggapin ko ito at pagsusumikapan kong sa susunod ay mas maging mahusay at malinis ang pagkakasulat.

    Marahil ay tama nga si Teo Marasigan. Aba! Napaka-KSP ng aking mga tula! Sino ba itong pangahas na makatang nagkakalat ng mga tula at umeeksena sa mga okasyon? Sino ba itong parang “promo boy” na namimigay ng mga papel? Simple lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at ang aking panulat—kinanti nila ang aking kaibigan at kasamahan, lalo’t higit ang marami sa hanay ng kilusang pagbabago. Kaya, walang humpay akong magsusulat upang baragin ang katauhan ng mga “buhay na patay na sumasagpang sa ating dibdib at kalooban”, at upang ipahayag ang pagtitiwala natin sa masa na sila ay ang tunay na bayani sa palihan ng rebolusyon.

    (Maaaring i-download sa ARKIBONG BAYAN ang 5Tula ng Paghahanap; June 26, 2007 ang petsa. Maaaring i-xerox, i-mass produce, i-post sa kahit anong site.)

    PHILIP ANORICO
    11 Agosto 2007
    Angono, Rizal, Pilipinas

  • kapirasongkritika  On August 13, 2007 at 4:43 pm

    Salamat sa reaksiyon, Philip. Dahil hindi ako marunong tumula, ito ang munting ambag ko sa pagpapalaganap at pagbibigay-halaga sa makabuluhang mga tula — mo o ninuman sa hinaharap siguro. Masyadong maikli ang espasyong ito para magbigay ng buong reaksiyon sa sinabi mo, pero sa pangkalahatan, sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo. Karen-Sherlyn, Palayain!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: