An anti-Communist is a rat,” minsang nasabi ni Jean-Paul Sartre, pilosopong Pranses, sa harap ng maruruming pakana ng mga anti-Komunista ng kanyang panahon. Hindi naman daw anti-Komunista si Manuel Buencamino, pulitikal na blogger at kolumnista. Pareho lang daw talaga ang Kaliwa at si Gloria na nagpapakilalang kumakatawan sa masa pero tiranikal. Sabi pa niya, “hindi kanais-nais” si Jose Maria Sison, alinsunod sa mga pamantayang ginawa niya.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • juancho  On September 3, 2008 at 10:44 am

    malupit mga banat mo kay manuel buencamino and co. pero iba din talaga ang kabastusan niya, nakakapang-init ng ulo

  • roneiluke  On September 3, 2008 at 2:07 pm

    wall-eyed pala xa..si pareng jean?

  • kapirasongkritika  On September 4, 2008 at 1:56 am

    @ Juancho: Salamat! Baka hindi pa sapat ang lupit para mapayapa ka. Hehe. Kung may sarili ka pang punto, isulat mo na sa seksyon ng komento rito. Hehe.

    @ Roneiluke: Salamat sa pagbisita! Oo, wall-eyed nga. Hindi ko alam ang tamang salin sa Filipino, hindi naman banlag. “Pangit” ang minsang paglalarawan niya sa sarili, pero hindi naman iyon ang mahalaga sa mga kumpare niyang tulad natin hindi ba? Hehe.

  • diego r. banaag  On September 11, 2008 at 8:36 pm

    HIndi kaya alam ni Buencamino na sa klase ng pagsusulat niya, lumalabas ang pagiging tiranikal niyo mismo — walang habas na pag-atake kay Sison at sa buong kilusan kinabibilangan nito, na iisipin mong ito lang ang pinaka-obsesyon niya , ang makita ang katapusan ng grupong ito.

    Nag-aastang progresibo at maka-mamamayan ang mga kagaya ni Buencamino subalit hindi naman mapatunayan ang paglilingkod sa masa at sa halip ay kuntentong nagbababad sa kanyang egotistang kolum at blog na namamarali ng walang direksiyong alternatiba at panatikal na tiranyang anti-komunista.

    Di kataka-takang walang tumatangkilik at nagtataguyod ng kanilang simulain maliban sa kanilang sarili.

  • kapirasongkritika  On September 12, 2008 at 9:04 am

    Salamat sa pagbisita, Diego!

    Ang nakakalungkot nga, eh nakakakuha sila ng mga mambabasa. Ang nangyayari tuloy, nagiging sinikal ang mga tao, kasi wala namang alternatiba kundi ang kutyain ang nagaganap at maging masaya na rito.

    Tapos nakakapagpahina rin ng galit ng iba kapag sinusupil ang Kaliwa. Magandang masagot mo rin sa blog mo. Ingat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: