Parang ganito ang mensahe ni John L. Nery, kolumnista ng Philippine Daily Inquirer. Sa harap ng isa sa pinakamatinding krisis ng kapitalismo sa huling kasaysayan, iginigiit niyang may lihim ang kapitalismo: ang kakayahan nitong patuloy na buhayin ang sarili. Hindi daw alam ito ni Marx. Ang patunay ni Nery? Ang mga cell phone at kompyuter. Magaling, magaling, magaling.