dennis-kucinich-dnc

Sabi ng isang komentarista, mas pipiliin niya ang pagiging ipokrito ng mga Democrats kaysa sa pagiging sinikal ng mga Republicans. Ibig sabihin, hindi na kailangang itanong pa kung matutupad ng mga Democrats ang mga pangako sa talumpating ito ni Rep. Dennis Kucinich ng Ohio. Anu’t anuman, magandang sukatan ito kung paanong malamang na lumagapak sa opinyong publiko sa hinaharap si Presidente Barack Obama. Anu’t anuman, magandang talumpati ito – sana’y makapagsulat ng ganitong mga talumpati para sa mga líder-masang makabayan.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • guiller  On November 14, 2008 at 9:04 am

    nasaan na ang bonggang post mo kay tanglad? fan niya ako eh. ehehehehe.

  • kapirasongkritika  On November 14, 2008 at 3:42 pm

    Aba, Guiller! Buhay ka! Bakit natigil na yata sa Eraserheads ang blog mo? Naiisip ko na tuloy na may password na nakalimutan ang isang katoto. Hehe.

    Ayan, Tanglad, ha. Gaining readership ka. Hehe. Nasimulan ko na. Pero hindi talaga tungkol sa kanya. Kung makikita mo nga, hindi ko nga siya gaanong kilala. Dito na lang siya unti-unting nagpapakilala. Mas paghanga ang sasabihin ko sa pagpapatampok niya sa lagay at pakikibaka ng mga manggagawa sa mga export-processing zones — na bihira kahit sa mga blogger dito sa Pinas. Hehe.

  • amadbrownwoman  On November 15, 2008 at 8:25 am

    hello, hello hello how do you do, teo?, hello hello i’m fine thank you!

  • amadbrownwoman  On November 15, 2008 at 8:29 am

    ay wrong account, basta, nakita ko ang visit mo sa amadbrownwoman.blogspot.com

  • kapirasongkritika  On November 15, 2008 at 6:51 pm

    amadbrownwoman: I am so glad nakita ko ang site mo! It looks like you’re fine, thank you! And I could not be happier! Kumusta ka na? Kung mapapansin mo, may e-mail address sa gilid nito, kaysa naman dito tayo mag-chat! I’m glad you’re writing again! Ili-link kita, ha. Ingatz!

  • guiller  On November 16, 2008 at 11:43 am

    hay, super buisy lang kaya walang panahong magsulat. may binabasa ako from our favorite zizek: http://www.inthesetimes.com/article/4039/why_cynics_are_wrong/
    wala kasi ako sa kabihasnan nung nanalo si obama. via text lang dumating ang balita. pero pag-uwi ko, naluha pa rin ako nang panoorin ang victory speech ni obama. sabio nga ni zizek, universal freedom of humanity.🙂

    dahil lang dito kaya ako naging fan ni tanglad. hintayin ko ang sulatin mo. at mga bago rin niyang entry.🙂

  • kapirasongkritika  On November 16, 2008 at 7:16 pm

    Mukang uber-busy ka nga, kung di mo mailugar ang paborito mong gawin, o ang bagay na madali lang sa iyong gawin. Naluha ka? Parang di naman um-arrive sa akin ang moment na iyun. Hehe. Babasahin ko ang sinulat ni Zizek tungkol dito. Dumarami naman tayong mga fan niya eh. Hehe.

  • tanglad  On November 21, 2008 at 12:12 am

    Heh, Guiller at Teo, napa-blush ako🙂 Pero hindi lang naman mga blogger and hindi aware sa mga manggagawa sa EPZs. Noong nag-try silang mag-organize, hindi rin priority ng kilusang manggagawa and mga isyu ng kababaihan. Tapos, maraming women’s group na walang pakialam sa isyu ng babaeng manggagawa. Ayan, init na naman ang ulo ko.

    Balik kay Kucinich, nagkaroon ng botohan sa unyon ko (yes, union member ako!) noong primaries pa lang, para sa kandidatong i-endorse. Naging medyo heated. Nag-argue ako para kay Kucinich (at tingin ko pa rin na dapat siyang presidente) at maraming nag-boo. Tapos, may nag-boo ulit noong sinabi ko na magre-resign ako sa unyon kapag si Mitt Romney, Tancredo, Guiliani, or si Huckabee ang i-endorse. Heh. In the end, si Obama ang naging kandidato ng unyon.

  • kapirasongkritika  On November 22, 2008 at 11:39 am

    @Tanglad: Talaga? Pero minsan, ganoon talaga, overtaken ng events ang mga kilusan. Sabi nga ni Lenin, reality is infinitely more complex… at hamon ito sa pag-unawa ng mga kilusang mapagpalaya.

    Mabuti naman at hindi ka nag-resign, para makapag-work within ka at maradikalisa sila. Hehe. Si Kucinich na nga daw ang pinaka-liberal sa mga mambabatas diyan sa Amerika. Pero bakit parang walang nagkokomento sa speech? Baka akala ng mga tumitingin, feel good ito. Hindi kaya. Ito kaya ay isang agit-akong-maslider-kaya-hihiyaw-ako-sa-ibabaw-ng-trak-na-ito-laban-sa-imperyalismo kindofa speech. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: