Obama sa Kaitaasan

Marami nang nasulat at nasabi tungkol sa pagkapanalo ni Barack Obama bilang presidente ng Estados Unidos sa kakatapos na halalan. Tulad ng marami, nakatawag ng pansin ko ang grabeng saya at pag-asa na ipinakita ng maraming mamamayang Amerikano, maging ng mga progresibo, sa pagkapanalong ito. Kasing-saya, halimbawa, ng kanta ng Martha and the Vandellas ang sumalubong: “Dancing in the Streets” – sayawan sa kalye.

Sa isang banda, positibo ang pagkapanalo ni Obama – bilang sintomas ng mga pagbabagong pangkultura at pangkamalayan sa Amerika. Una, protesta ito sa sagad-sagaring militarista at maka-mayamang rehimen ni George W. Bush – na tiningnang ipagpapatuloy ni John McCain kung siya ang mananalo. Ikalawa, kahit pa sinasabing 55% ng mga puti sa US ang bumoto kay McCain, pagluklok ito sa unang pangulong Aprikano-Amerikano, patunay ng pag-ibabaw – kahit sa isang antas – sa malaganap na rasismo ng lipunang Kano laban sa mga Itim. At ikatlo, pagpili ito sa pangkalahatang pangako ng “pagbabago” at “pag-asa,” laban sa tiningnang banta ng pagpapatuloy at takot.

Sa kabilang banda, kahit pa mukhang kontrabida at kontrapelo, kailangang ipambalanse ang reyalidad, na masasabi ngayon pa lang na hindi makabuluhang pagbabago ang ihahatid ni Obama. Una, gaya nga ng paalala ni Ralph Nader, “aktibistang taguyod ng mga konsyumer,” at ng maraming iba pa, hindi malayo ang mismong mga pahayag niya sa militarista at maka-mayamang mga patakaran ng rehimeng W Bush, at hindi lang sa isyu ng pagpyansa sa mga institusyong pampinansya nitong huli. Ikalawa, hindi malalim ang rekord niya ng pagtaguyod sa interes ng mga Aprikano-Amerikano. Ni hindi siya bahagi ng Kilusang Karapatang Sibil (Civil Rights Movement) o iba pang gayong kilusan ng mga kalahi niya – di tulad ni Rev. Jesse Jackson na tumakbo rin, noon, bilang presidente sa Democratic Party. Ikatlo, sa madaling salita, maaaring sa antas at pamamaraan lang ng pagpapatupad sa parehong mga patakaran mag-iiba ang rehimeng Obama sa naunang mga rehimen.

fredric-jameson1

Sabi ni Eric Michael Dyson, progresibong siyentistang panlipunan, ipinapakita ng pagkapanalo ni Obama ang mga pagsulong at nakamit na sa pagtataguyod ng tunay na demokrasya sa US. Oo, pero mas mahalaga ring sabihing ipinapakita nito – laluna ng saya at pag-asa ng sambayanang Amerikano na kaakibat nito – ang mga kailangan pang gawin para iabante ang demokrasya sa US. Marami pang kailangang gawin kapag ang pagkapanalo ng isang taong may rekord ng tulad ng kay Obama – sa harap ng grabeng bulok na kalagayan marahil at lalong dumidilim na hinaharap – ay ipinagsasayaw na sa kalsada ng mga mamamayan. May laging islogan ang mga progresibo sa US: “Huwag magdalamhati. Mag-organisa! (Don’t agonize. Organize !).” Ngayon, mas angkop yatang sabihin sa kanila bilang paalala: “Huwag magdiwang. Mag-organisa!”

May sumikat na pahayag si Obama noong simula ng kampanya niya: “Tayo ang pagbabagong hinihintay natin (We are the change we have been waiting for ).” Hindi si Obama ang unang nagsabi niyan, kundi si June Jordan, radikal na progresibong manunulat na Aprikano-Amerikano. At hindi eleksyon lang ang tinutukoy niya, kahit pa – o lalo na nga kung – maghahalal ito ng taong titingalain ng marami bilang tagapagligtas. Paalala nga ni Adolph Reed, Jr., progresibong komentaristang Aprikano-Amerikano, isa sa pinakamadaling porma ng paglahok sa pulitika ang pagboto. Tiyak na hindi lang ito ang tinutukoy ni Jordan, kundi ang sama-samang pagkilos para baguhin ang buong bulok na balangkas ng lipunan, hindi lang ang pangulo.

Mahalagang simula ang tanong ni Manning Marable, progresibong siyentistang panlipunan, bagamat hindi ako sang-ayong “kaliwa-ng-sentro” si Obama: “Ang tunay na hamon ngayon ay hindi ang kung ano ang gagawin ni Obama, kundi ano ang gagawin ng mga progresibo?” Tanong niya: “Paano tayo makakapagsulong ng isang adyendang… makakapaghapag ng mga isyu ng pagkakapantay-pantay ng mga uri… ng mga kasarian sa lipunang ito?” Hindi kung paano “itutulak sa Kaliwa” si Obama ang usapin, kundi: Anong panawagan, halimbawa, ang makakapagbigay ng ginhawa sa mga mamamayang Amerikano at dapat ipaglaban? May mga pag-asang binuksan si Obama na maaaring maging batayan ng mga progresibo at mamamayan para igiit laban sa reyalidad ng katangian niya bilang pulitiko.

Sa ngayon, isang magandang pangako si Obama para sa mga mamamayang Amerikano. Mahalagang magpaalala tayo – at hindi lang tayong mga progresibo ang tinutukoy ko, kundi tayong mga Pilipino – na hangga’t walang tunay na pagbabagong panlipunang isinulong ng mismong sambayanan, mapait na pagkabigo ang idudulot ng mga lider-gobyernong ating aasahan.

10 Nobyembre 2008

Polusyong Komersyal:

Bakit ganoon ang patalastas ng Speed Babad? Parang si Piolo Pascual lang ang ginastusan? At talagang minaksimisa: Sinabihan niya ng “losyang” sa paglalaba ang kababaihang siyang target ng mga patalastas ng sabong panlaba. Na para bang ginagatungan pa ang mababang pagtingin ng lipunan sa gawaing bahay. Sabi ng isang kaibigan, ginawa niya ang patalastas para kontrahin ang para sa Pride (“All you need is pride… ”) ni Judy Ann Santos na kaaway daw niya. Para talagang makapaghiganti siya, dapat buhayin at papelan na lang ni Piolo ang “Ula, ang Batang Gubat.” Hehe.

At sino ang nagbigay ng pahintulot sa administrasyon ng MRT na bombahin ng commercial advertisement ang mga komyuter gamit ang sistemang pang-radyo nito? Hinarangan na nga ang tanaw natin ng naglalakihang billboard , ni hindi pa tayo matahimik sa pagbyahe dahil laging lumulusob sa tenga natin ang mga patalastas. Walang kawala! Una kong narinig ang patalastas ng Chowking para sa isang konsyerto ni Ogie Alcasid. Papasok ang pasakalye ng “Nandito Ako” tapos hindi naman pala papatugtugin! Nakakainis! Sana iyun na lang ang pinatugtog. Iyung may mga iPod – silang maykaya, syempre – lang yata ang naliligtas sa ganitong atake sa pandinig.

john-mccain-and-sarah-palin

Goodbye to you…

Bakit may mga patalastas sa mismong “Betty la Fea”? Maya’t maya ang labas ng produktong anti-oxidant na inendorso ni Bea Alonzo, kesyo sineserbisyuhan ng kompanya ni Betty. Noong minsan, lumabas din ang shampoo na ilan sina Bea at John Lloyd sa modelo. Alam ko, ganyan na ang nangyayari sa “Wowowee” pero show naman iyun. Garapal ang pagpapatalastas kapag sa telenobela na, parang madaya. Ang mga nanonood, naobserbahan ko, nahahati ang atensyon, nababanas. Masyado na bang gipit sa advertisers ang Kapamilya – dahil Numero Dos na lang daw ito sa Kapuso? – kaya desperado na ang mga pakulo nito?

May artikulong matagal ko nang gustong ibahagi, pero lagi kong nalilimutan. Ngayon, para bang magbubuhol sa isinulat ko tungkol sa pagkapanalo ni Obama at sa polusyong komersyal sa ilang bahagi ng bansa, narito ang artikulo ni Barbara Ehrenreich – na para bang hindi ko pa napupuri nang husto sa blog na ito – na “How Positive Thinking Wrecked the Economy.” Dito, tinatalakay niya ang ginawang-popular na kamalayan sa US na malamang ay kaakibat ng mga aksyon ng mga mamamayang Amerikano na pinagmulan ng kasalukuyang krisis: ang “pag-iisip nang positibo.” Maganda siguro kung sa halip na nakadireksyon ang positibong pag-iisip natin sa mga pantasya ng kasalukuyang sistema, nakatuon ito sa pagtatagumpay ng tunay na pagbabago at sa ating mga gawaing progresibo sa bawat araw.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • tanglad  On November 11, 2008 at 5:30 pm

    Kasamang Teo,

    Bilang peminista, props sa iyo sa pagbigay ng props kay June Jordan.

    Nabasa mo na ba ito: “Inaugurating Multiculturalist White Supremacy” ni Dylan Rodriguez (Pinoy! Represent!) sa http://tinyurl.com/673dk2

    Noong nagbigay ng concession speech si McBush, binanggit niya ang need for reconciliation at compromise. Binato ko ng yema ang tv, kasi tse! Anong compromise? As Dylan points out, there’s a lot of work to be done to undermine the racist, violent, and white suprematist institutions which form the foundations of the US state and by extension, neoliberalism.

  • E.P.  On November 11, 2008 at 11:13 pm

    ang weird, may progresibong tsismis pa. hehe.

    pero mas weird ang posisyon ng mga right wing fanatics dito sa pinas na todo ang suporta kay obama. nakakatuwa talaga ang neoliberalismo, parang napaka-flexible. unyangong-ungyango ang dating. hehe.

    interesante ring nakikita ng karamihan na magmumula ang pagbabago sa isang tao, o sa mas espispiko, kay obama. anu ito? self-omposed infantilization? bakit, wala bang kapangyarihan lumikha ng pagbabago ang hende presidente? mas mahina nga ang kapangyarihan, pero pag pinagsama-sama, makakawasak. hehe.

    yun lang, more progressive tsismis ha! hehe

  • coldFuse  On November 12, 2008 at 12:27 am

    Bakit may mga patalastas sa mismong “Betty la Fea”? – 360 degree business plan po yan imposed po nang betty franchises kahit sa ibang bansa ganun rin based sa nabasa ko…

  • kapirasongkritika  On November 14, 2008 at 12:02 am

    Tanglad at E.P.: Mga kaibigan ko na talaga kayo. Kasi kahit walang link ang entri, kahit iyung ipinangako, sira ang video na dapat kasama, komento pa rin kayo. Hehe. Salamat! Pasensya na sa huling sagot, sira Internet.

    @Tanglad: Labs ko si Ms. Jordan, lalo na sa libro niyang Civil Wars. Maganda nga ang isinulat ni Mr. — o dapat ba, Prop.? — Rodriguez. Pati ang blog! Refreshing si Mr. Rodriguez sa malinaw na pagpapaliwanag ng kumplikadong ideya. Pero yema ba talaga? Mayroon diyan? Hehe.

    @E.P.: Naku, huwag ka. Si Francis Fukuyama, itinatwa ang pagiging “neoconservative” at tinuligsa rin ang rehimeng Bush, noon pa yatang 2004 sa isang libro: “After the Neocons.” Binabasa ko pa ngayon. Nagustuhan mo ba? Sige, pipilitin ko. (Pipilitin? Kunwari pang hindi nakakapanood ng TV! Hehe.)

    @coldFuse: Talaga? As in Owwws? Sige nga, kapag may libreng oras ako, alamin ko. Pero ang punto: masagwa talaga. Lalo na’t ipinapakilala pa lang iyung ibang brands sa pamamagitan ng mismong show.

  • E.P.  On November 14, 2008 at 1:19 am

    andami mo namang interesanteng libro. san ka nakakahanap? gawa ka naman ng teo marasigan’s must read list. hehe.

  • kapirasongkritika  On November 14, 2008 at 3:39 pm

    @E.P.: Naku, ganoon ba ang dating? Kaunti lang. Pahanap-hanap lang kung saan-saan. Minsan, may kaibigan abroad na nagpapadala. Hehe. Gagawa ako ng ganoong listahan? Sino naman ako? Hehe. Naaadwa nga ako doon sa mga laging nagpapakita ng mga librong binabasa nila — ang iba, may mga picture pa ng mga shelves nila na puno ng libro. Parang mahangin ang dating. Hehe.

  • tanglad  On November 14, 2008 at 4:54 pm

    Heh, mga miyembro kami ni EP ng KK fanclub. And yes, yema, pasalubong galing sa Market Market. Pagkatapos kasi ng eleksyon, naghahanap ako ng mahinahon at realistic na analysis sa mga pagbabago na kailangan pa, pero hindi naman kj ang dating. Of course, dito ko nakita sa KK! At mula kay Prop. Rodriguez din

  • E.P.  On November 14, 2008 at 11:35 pm

    aray! sapul ako dun. hehe.

    ang hirap kasing maghanap ng magandang mababasa. di naman kita nilalagay sa pedestal (sa entablado lang. tas may mic. hehe). palagay ko lang kasi marami kang interesanteng nabasa, na nag-mamateryalisa naman sa mga sulatin mo.

    atsaka napaka-ikli ng panahon para magbasa kaya mas mabuti kung may “katuturan “ang binabasa. hehe.

    pero kung ayaw mo, di ka namin mapipilit. (insert pa-victim effect here)

    p.s. uu may fan’s club na kami. si tanglad ang aming high priestess, ako naman ang secretary, pero di ako magjo-joc-joc. pramis.

  • kapirasongkritika  On November 15, 2008 at 6:58 pm

    @Tanglad: Salamat! Naku, parang nagbobolahan tayo, eh collegial tayo dapat. Naks! Feeling co-faculty! Hehe. Salamat din na hindi pa pala ako mukhang KJ. Hehe. Parang kay Erap noon: maraming pangako, na ginamit para maggiit ng mga reporma sa kanya at i-expose siya in the process. Maraming ganansya ang mga progresibo sa ganoong taktika.

    @E.P: Talaga? Hindi ko gustong mang-offend, ha. At tiyak naman ako sa kaso mong ginagamit mo ang nababasa mo para sa pagsusulong ng pagbabago. Iyung iba, parang hindi eh. Hehe. Mass leader ang dating? Gusto ko ng ganoon! Hehe. Sige, napag-isipan ko nga rin na pwede namang magrekomenda ng magandang basahin.

    Pero nagulat ako nitong huli dahil may mga tao akong nakilala na mas may akses sa Internet kaysa sa makabuluhang babasahin sa mga library, halimbawa. So mas websites ang inirekomenda ko. Hehe. Matapat naman si Joc-Joc sa amo niya, nilinis niya ang pangalan. Hehe. Pero collegial-comradely tayo dapat, hindi hierarchy. Hehe. Truth happens that way. Ingatz!

  • kapirasongkritika  On November 15, 2008 at 6:59 pm

    @E.P: BTW, iyun bang sinasabi mong chika ay iyung sinabi ng kaibigan koong kaya kinuha ni Piolo ang commercial ay para tapatan si Juday? Hindi iyun information, ha. Inference lang niya. Kung inference din lang sa mga bagay-bagay, marami tayong pwede pang isulat. Hehe.

  • gingmaganda  On November 18, 2008 at 1:49 pm

    matagal ko nang problema iyang speed commercial ni piolo. naghahanap nga ako ng kopya sa YouTube para sana mai-blog. hayup sa kawirduhan. jusko.

  • E.P.  On November 19, 2008 at 3:36 am

    hehe. sige, gusto ko yang collegial-comradely ekek na yan.

    ang hirap pala maghanap ng libro ni zizek. pumunta ako sa as, wala raw, mahirap daw talaga. pero may chomsky sila, anlabo. iniwan ko na lang contact ko para heads up kun meron na. wala lang. paawa efek lang, baka sakaling gumana.

  • guiller  On November 19, 2008 at 9:22 am

    e.p., ebooks ni zizek bet mo? i got some. i can send you. and also yung mga articles niya ay nasa “in this times” online magazinel.

  • E.P.  On November 19, 2008 at 11:30 pm

    guiller, in true wowowee fashion, wowowowowowowowow — sing!

    sige ba! hihihi. itoh email ko – sentrodegrabedad@yahoo.com. may mga nakuha rin akong ebooks sa sageonline (may promo sila dati, libre lang download) kaso mas eduk ang topiks. trip mo?

    send, send na.

    pero alam mo, iba pa rin ang romansang dala ng tunay na libro. di ba?

  • kapirasongkritika  On November 22, 2008 at 11:33 am

    @Gingmaganda: Wirdo, ano? Low-quality. Hehe. Babasahin ko ang komento mo kapag naisulat mo na. Gusto kong magkomento sa ibang entries mo, kaso ang hirap sa Blogspot. Pero lalo na sa Motime! Hehe.

    @E.P.: Mabuti naman at nagustuhan mo. Hehe. Parang online department tayo. Hehe. Sa UP Main Libe, ang alam ko, mayroon. Pero salamat na rin sa kabutihang loob ni Guiller! Hehe. Iba ang romansang dala ng tunay na libro pero minsan, pasikip din. Hehe.

    @Guiller: Salamat sa kabutihang loob! Ipadala mo na rin sa teosmarasigan@gmail.com. Hehe. Books mode ka sa huling entri mo, ha. Hehe.

  • Ging Flores  On November 23, 2008 at 11:01 pm

    kumbaga sa pelikula ay B movie. hahahaha. kukunan ko na lang ng video yung patalastas, sana matiyempuhan ko.

    click mo lang ang Spank Me Baby para magkumento. oo nga mahirap magcomment sa Motime! hehe. =)

  • guiller  On November 24, 2008 at 3:15 am

    kay e.p. at teo, sorry medyo madedelay ang pagroward ng mga ebooks kasi naisra ang pc sa bahay. may kalakihan ang ilang ebooks, baka ilagay ko s aisang shring chenes, yun ay kung pwede. basta, gawa ako ng paraan.😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: