Larawan ng Limang B

Blogger, bakti (tibak), barkada.

(1)

Matagal na siyang nagba-blog, tuluy-tuloy. Napakaraming materyal, mayroon na siyang mahabang listahan. Ano pa kaya ang posibleng magmulat sa kanila? Kapag walang ginagawa, kapag naantig ng napanood o nabasa, nagsusulat siya – sa wika at estilo na kasing-karaniwan ng Times New Roman, tulad ng isang gurong egalitaryan. Pero mapag-alsa ang mga ideya, ang tono, ang lipad ng imahinasyon. Mapahanga man lang sila sa pilosopiyang kayang iugnay ang marami, ang lahat, sa rebolusyon. Kabisado niya sa puso, bagamat hindi niya siguro alam, ang sabi ni Bertolt Brecht. Ang pagsisisigaw laban sa pang-aapi ay nakakapaos. Ang kailangan ay magpaliwanag nang matyaga, matalino, nagpapatawa. Kaya ganito ang larawan niya. Tumatawa nang nakapanyo, parang may nakakaaliw na kausap. Laban sa mga istiryutipo, heto ang pino at malumanay na aktibista – masarap tumawa pero bakal ang gulugod. Nitong huli’y marami siyang tangka sa pagteteorya. Sana magustuhan ng mga tao. Dangan lang kasi sa Motime, mahirap magkomento.

by_the_river_v_by_glennmichael

(2)

Para siyang nag-aalaga ng kaktus sa pagba-blog niya. Napakaraming gawain. May pinapaunlad pang bagong relasyon. Magandang pag-abante sa dati? Dalaga rin siyang maraming kaibigan, aktibista at hindi. Kaya mas masaya siyang kumuha ng larawan – mas madaling gawin sa masigla at malikot na buhay, nag-iiwan ng paalala ng napakaraming memorableng pinuntahan, sinalihan at ginawa. Kung mayroon kaya ang ibang blogger ng kahit kalahating mayroon siya, magba-blog pa kaya sila? Marami nang naisulat tungkol sa kung anu-ano – at ang dapat pa niyang isulat ay kailangang matamang alamin, saliksikin. At kung makakasulat ng pinaghirapan, bakit sa blog pa at hindi sa pahayagan? Totoo, kung nasa mainstream siya, nakilala na siguro siya sa maraming tahanan, at hindi lang dahil sa bukod-tangi niyang pangalan. Pero ano naman? Hindi iyun ang mahalaga sa kanya, kundi ang mga nasa laylayan, ang sinusupil pero sumusulong nilang kilusan. Anong saya, karangalan at pananagutan ang maging sundalo nila sa pahayagan.

roadtrip_v_by_glennmichael

(3)

Sekretarya siya ng tortyur at kamatayan, mamamahayag ng sinusupil na katotohanan. Siguro’y sa ganoon din tumatatag ang pagiging progresibo at lumalabas ang pagiging tao. Ang titigan ang mga paglabag sa karapatang pantao at ang makita ang sariling nakikiramay, bumibigat ang kalooban, nasusuklam. Siya rin si Ginoong Fundador.
Sa isang pelikula nina Tito, Vic and Joey, may guro sila sa Pilipino, si Binibining Fundador – malalim managalog, istrikto sa klase, konserbatibo ang moralidad. Laking gulat nila, minsang dinalaw nila sa bahay, nakasuot ito ng hapit na damit na tiger print, mahalay na umiinom ng Fundador sa gobleta at nagi-Ingles nang mapang-akit. Seryosong pamamahayag sa wikang Filipino ang gawain niya, pero may ibang mundo sa blog: mga artistang Amerikano, panitikan, kulturang popular at pulitikang progresibo, madulas na Ingles, minsan palatawa at minsan mapagmuni, bagamat may mga sumpong ng modang palaban. Patunay ng masaklaw na talino at napakaraming talentong ipinaglilingkod niya sa bayan.

batang_pnr_by_glennmichael1

(4)

Kung pwede lang ilagay ang napakaraming memorandum, samu’t saring praymer, ang walang katapusang pagtatasa, pagpaplano, pagpapartikularisa ng balangkas at pagharap sa nagsusulputang usapin – mas madalas sanang may bagong entri ang blog niya. Bukod sa mapanganib sa mata ng Estado – at iyun ang pangunahin – hindi ito ang talino, o intelektwalidad, na inilalagay at kinikilala sa blog. Pag-aaral sa totoo at praktikal na buhay, higit sa mga libro. Nagkolehiyo siya sa mga klase sa labas ng maraming paaralan, sa mga komunidad at bahay-pulungan. Tiyak, masaya si Nanay. Ngumingiti sa kabilang buhay? Hindi na niya ginagawang entri ang humuhusay na mga talumpati sa kalsada – bagamat tiyak nang kumintal at kumapit sila sa isipan ng marami. Pangangaral sa choir at kongregasyon? Tumataas ang diwang palaban nila sa ganoon. Sa ibang entri, sumasangkot siya sa lipunan, halos sariling mundo, na hinuhubog ng komunikasyon at midya. Hindi padadaig at hindi pakakahon, mandirigma siya ng kanyang panahon.

the_simple_life_by_glennmichael1

(5)

Kapag sinisipag, mayroon. Kapag hindi, kung kailan lang maisip o kapag may haharaping kontradiksyon. Napakarami niyang ginagawa. May aklatang sa espesyalisasyon niya ay panis ang sa Unibersidad. Mamahaling restawran siyang bukas sa lahat ng gustong kumain: kapwa-gurong kailangan ng matinong kausap, estudyanteng gustong matuto higit sa klase, kapwa-aktibistang pinaghahalawan at binibigyan ng lakas. “Mamahalin” – gusto man niya o hindi, nahahatak niya ang may ibubuga o may kaloobang dalisay at rebelde. Iyung wala, natatakot at posible talagang hindi nakakasabay. Sa hapon, gabi, tumatakbo siya – mahalagang bahagi ng mapagmuning buhay ng pilosopo, sabi ni Martha Nussbaum. Hindi siya papahuli sa kulturang popular. Hinuhuli niya ang mahika nito. Nasa gitna pa siya ngayon ng kontrobersya, resulta ng pakapa-kapang metodolohiyang ala-tsamba ng mga sosyologong kontra-Kaliwa. May mundo higit sa teorya, pero hindi mauunawaan nang wala ang huli. Matapat dito ang mga sulatin niya. Akma sa bukod-tangi niyang pagkatao – mga sulating may sariling estetika at uniberso.


03 Marso 2009

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • culturalcritic  On March 4, 2009 at 12:51 pm

    the last one, si ano ba yan, si ma’am S.R.?

  • E.P  On March 4, 2009 at 10:57 pm

    sarap manghula dito ah. si palatino ang una, ano (tiyak ako dito, hehe)? hula ko sa sunod si ilang-ilang quijano (tama ba?). yung mga sumunod, di ko kilala. pakilala mo naman para makapag-subscribe ako. hehe.

    dapat may prize ang makahula, mr t.

  • kapirasongkritika  On March 5, 2009 at 12:22 pm

    Madali namang hulaan eh. Hehe. Pero hula pa kayo. Hehe.

    @E.P. Ano’ng prize? Hehe. Huy, sana mas maraming entry ang nakalabas agad sa blog mo. Payo sa akin iyan ni Mong Palatino: tatamarin na daw agad ang mga tumitingin na pumindot. Hehe. What you think? Baka sariling estetika mo iyan eh. Hehe.

    Malapit na ang March 8, Araw ng Kababaihan!

  • mercy  On March 5, 2009 at 3:07 pm

    teo, nahulaan ko ang karamihan. sigurado ako sa 1, 4 at 5.

    hindi ako madalas bumisita sa mga blog. sa totoo lang, ikaw lang ang dinadalaw ko. hindi rin naman palagi. may mga sinusulat kang patok na patok sa akin, may ibang mabigat pero sa dulo, sapol mo pa rin. minsan, napapansin kong matulain o may pagkamakata na rin ang mga blog mo. gusto ko yun kasi nakukumbina mo na ang tamang timpla ng lalim at “babaw” o gaang hinahanap ng mga mambabasang tulad ko.

    pagkatapos ko mabasa ang entring ito, ang naisip ko lang, sana may mag-describe din sa blog mo tulad ng ginawa mo sa 5 bloggers. pasensya ka na at ito lang ang nakayanan ko.

  • E.P  On March 5, 2009 at 11:10 pm

    hehe. mas pansariling kaeklatan nga. medyu wala rin ako sa mood mag-circulate. basa-basa lang ang moda ko. atsaka may panibagong kaeklatan ako ngayon, humingi ako ng reading tree kay marcus. kakarerin ko muna yun. pansamantala, pang-link building lang talaga ang blog ko, para naman mas lumabas sa search results ang mga progresibong blogs tulad ng sa iyo. hehe.

    kung prize lang rin, gusto ko libro, kahit fotokapi, oks na. hehe. kaso isa lang ata tama ko eh.

    sirit nako sa iba. hehe

  • mong  On March 6, 2009 at 8:17 am

    ano ang ililibre mo sa akin sa Mayo Uno? may bilin ka ba? email mo ako

  • kapirasongkritika  On March 8, 2009 at 12:55 pm

    @ Mercy: Talaga, ha. Hehe. Madali namang makilala ang mga tao kung kilala mo sila. Labo, ano? Hehe. Nakakataba naman ng puso ang sabi mo. Hehe. Minsan, nagdadrama lang ako. Minsan, gusto ko lang mag-iba ang tono ng isinusulat ko. Hehe. Mayroon bang may kakayahang i-describe ang blog na ito? Hehe.

    @ E.P.: Ano iyung “reading tree”? Salamat sa pag-iisip ng blog ko sa iyong pagba-blog! Hehe. Libro? Naku, tingnan natin. Iniisip ko nga minsang makipag-get together — eyeball? — sa inyo ni Guiller Luna. Nakikinig kaya siya? Hehe.

    @ Mong: Hindi mo na itatanong kung sinu-sino ang mga tao rito, ano? Hehe. Lumakas ba ako sa iyo dahil dito? Hehe. Ano nga ba? DVD dahil malapit na iyun sa Quiapo? O ice cream, kasi mainit? Sige, ha. Magre-request ako. Ingat!

  • E.P.  On March 9, 2009 at 11:03 pm

    ginawa ni marius (hindi pala marcus, paumanhin), isang structured na listahan ng mga batayang babasahin na tutumbok sa suring cultural marxism. gusto mo? (pero feeling ko di nabasa mo na rin eh). may paborito na nga ako dito eh, si fromm. pero kailangang magsimula sa simula(, hello hegel, kamusta ka na?).

    kung sakaling matuloy ang ‘eyeball’ (di ka ba nangilabot nung tinipa mo yung salitang yun? hehe), saan naman? sarah’s (or gusto mo sa isang coffee shop na may wifi tas mag-plurk eklat tayo habang magkakaharap? hehe. joke lang, mas nakakapangilabot ‘to)? sama mo rin si marius? tingin ko oks sya kakwentuhan.

  • culturalcritic  On March 10, 2009 at 6:11 pm

    game ako dyan!

  • kapirasongkritika  On March 11, 2009 at 2:46 am

    Patingin naman. Hehe. Si Fromm? Mababaw lang ang pagbasa ko doon sa mayroon ako dati, iyung Escapre from Freedom. Maganda nga ring magsimula kay Hegel.

    Naku, hindi ako malakas uminom — alak man o kape. Softdrink pwede pa. Hehe. Email na lang tayo kung paano! Kitakitz!

  • culturalcritic  On March 11, 2009 at 7:16 am

    ako din, sopdrinks! si E.P. ata, malakas sa booze!😀

  • E.P.  On March 11, 2009 at 11:23 pm

    di ah. hina lang rin ako. kumbaga sa boksing, lightweight. cool lang kasi tingnan. hehe. atsaka pagna-e-excite kasi ako sa pag-iisip kailangan ko maghanap ng distraction, yuse, o kahit anung maiinum. pag wala, napapakuyakoy na lang ako, pangit tingnan. hay.

    san ba masarap tumambay na medyo presko at may mauupuan, pwedeng magyuse, uminom ng sopdrinks, kumain ng chicha, at mura? wala kasi ako maisip eh. tomato kick, maingay, sarah’s ayaw nyo, hehe, tsaka techno na rin kasi, saan ba, saan?

  • kapirasongkritika  On March 12, 2009 at 4:48 am

    Hoy, sa email na lang ito! Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: