marx-lenin-mao-others-studying6

Name that student: Magandang klase ito, pero imposibleng mabuo – bagamat sasabihin ng ibang lagi naman silang buhay sa iba’t ibang tao at grupo. Para sa mga relihiyoso, tiyak na Iisa lang ang pinakikinggan ng mga estudyante. Siya na nga! Para sa mga Marxista, maraming posible: Kasaysayan, uring manggagawa, tunggalian ng mga uri, kapitalismo, at iba pa. Magandang malaman ang pagtingin nila sa malawakang tanggalan sa trabaho ngayon sa termino ng tubo.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • krguda  On April 14, 2009 at 5:29 pm

    Sige nga: Sino sa kanila ang GC (grade conscious)? Sino ang pleaser, balimbing, bully, mahilig mangopya, mahilig mag-absent? Sino ang achiever, tahimik, geek, tuso, class president?

    Hehe.

  • E.P  On April 14, 2009 at 10:32 pm

    feeling ko ang socially akward dito si lacan (kung andito man sya. hehe). di ba madaming beses na syang nilaglag ng mga organisasyong sinalihan nya? kahit nga yung binuo sya nilaglag din sya eh. pero sa huli, panalo pa rin sya. hehe.

    ang gusto ko namang malaman, sinu ang tinitingnan nila. ang pagtingin kasi nila sa iisang direksyon (?) ay nangangahulugan na sumasang-ayon sila, o baka ito rin ang perspektiba nila. at inperness, row 1 ang MLM boys. hehe. di nga lang sila buddy-buddy dito. hehe.

  • kapirasongkritika  On April 15, 2009 at 5:50 pm

    Ganito ang posibleng nangyari:

    Sa eleksyon para sa presidente, syempre si Marx ang nangunang kandidato. May naggigiit na si Lenin, kasi hindi naman daw nakapagpanalo ng rebolusyon si Marx. Pero si Lenin na ang tumanggi at nagpaulan ng katakut-takot na papuri kay Marx.

    So naging Vice-President si Lenin. Sa totoo lang, siya ang nagpapalakad sa organisasyon ng klase.

    Sa halalan para sa sekretarya, unanimous ang pagkapanalo ni Mao. Siya ang pinakamalinaw magsulat at pinakamalinaw maglahad ng mga punto.

    Naging madugo ang eleksyon para sa Sargeant at Arms, dahil ito ang haharap sa mga noisy sa klase. Ang gusto ng mayorya, manalo si Trotsky, dahil complacent at laging walang pinapanigan sa mga debate.

    Pero sa kung anong paraan — may nagsasabing tinakot niya ang mga kaklase — nahalal si Stalin. Iyun nga lang, mabigat ang parusa sa mga noisy.

    Sa Treasurer, kinonsidera ulit si Trotsky. Tinutulan ni Lenin dahil hindi resourceful sa pinansya si Trotsky, tinutulan ang pagholdap dati sa mga bangko.

    Nanalo si Ho Chi Minh dahil nakapagpanalo siya ng digmaang kalakha’y magsasaka ang pwersa laban sa pinakamalakas at pinakamayamang hukbong sandatahan sa mundo.

    Wala si Lacan dito, EP. Siya ang Guidance Counselor.

    Masakit ang ulo ng mga prof sa pag-check ng papers. Lalo na kay Sartre dahil may logorrhea, kay Lenin dahil laging mahahaba ang sentences, at kay Trotsky dahil pa-intelektwal ang mga sinasabi.

    Paborito ng profs si Mao dahil hindi siya nagsasalita kung walang imbestigasyon, simple lang ang mga papers at malinaw maglahad ng ideya.

    Malakas din ang protesta ni Simone de Beauvoir, dahil marami daw kababaihan ang dapat kasama sa klase. Ang totoo, pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat umupo sa klaseng ito. Baka si Rosa Luxemburg pa raw.

    Go! More kwento pa… Hehe.

  • krguda  On April 16, 2009 at 9:19 am

    Haha! Angsaya ng klase!

    Actually, sit-in lang si Simone de Beauvoir, dahil kaibigan niya itong si Sartre at di sila maihiwalay. Tingnan mo, habang nagkaklase, parang nakatingin lang siya kay Sartre.

    Maliit kaya di ko masyado makita yung iba sa likod. Si Che ba yung nasa harap? Maharot yan. Matalino pero laging nagme-may-I-go-out. Eventually, nag-drop sa klase yan, kasi maraming extra-curricular activities.

    Matalino rin si Ho Chi Minh, pero laging natutulog sa klase. O dahil lang ba singkit siya?

    Ano pa? Hehe!

  • krguda  On April 16, 2009 at 9:30 am

    Si Fidel, iniiwasang tawagin ng mga prof. Maligoy kasi magsalita at laging nauubos ang oras ng klase sa kanyang pagre-recite.

  • E.P  On April 17, 2009 at 11:36 pm

    feel ko rin yun kay fidel. nagulat nga ako yung imperialist globalization na libro, speech pala yun. tatlong oras daw na speech eh. maraming reserbang laway.

    sinu pala yung pumapagitna kina marx at lenin?

  • kapirasongkritika  On April 18, 2009 at 5:09 pm

    True, mahaba ngang magtalumpati si Fidel — nasa likod. Ganoon din naman si Lenin, three hours daw.

    Bust ni Hegel iyung nasa pagitan nina Marx at Lenin.

    Andiyan ba si Althusser? Weird kung wala. Kung mapapansin ninyo, si Gramsci ay nasa dulong kaliwa. Ulo lang, walang katawan. Si Bakunin ba ang nasa dulong kanan?

    Ang hindi ko lang gusto rito ay ang pwesto ni Trotsky. Oo, alam nating sipsip siya kay Marx, kaya lang nagmumukha silang malapit at mas malapit pa kay Mao! Hehe.

  • kilabot ng lihis  On May 19, 2009 at 5:57 am

    ngayon ko lang nakita ito! nakakatuwa!

  • kapirasongkritika  On May 19, 2009 at 7:29 am

    Ikaw, ano ang take mo? Hehe.

  • marius  On June 19, 2009 at 5:19 am

    Kinilabutan naman ako sa picture na yan. Ang sarap isipin na nasa isang kwarto lang lahat ng mga taong yan. At pwede silang tanungin! Yehey

  • kapirasongkritika  On June 20, 2009 at 11:30 pm

    Oo nga. Kung may isang tanong ka lang na pwedeng ibato, ano iyun? Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: