May BookSale pa sa Iyong Buhay

Matagal na akong tumatangkilik sa BookSale. Hindi ko lang ibina-blog dahil, sabi nga ni Mong Palatino sa isang pag-uusap namin, “madamot” daw ako. Na medyo totoo naman. Implikasyon din na “feelingero” ako – feeling dadagsa ang mga tao sa BookSale kapag ibinenta ko sa blog na ito. Syempre, ang matibay kong dahilan ay kontra ako sa komersyalismo. Pero ngayon, naiisip kong libro naman ang ibinebenta at sa murang halaga pa kaya ayos lang. Higit pa rito, maraming progresibong librong mabibili rito.

Noong una akong pumupunta sa BookSale, inspirasyon ko sa pangangalahig ang mga “success stories” na narinig ko sa ibang tao tungkol sa magagandang librong nabili nila. Hayaan ninyong ibahagi ko ang ilan. May kakilalang nakabili ng isa sa mga volume ng Das Kapital ni Karl Marx at may ilan namang isa sa mga volume ng Collected Works nina Marx, Vladimir Lenin at Mao Zedong. Ako naman, dalawang beses nang nakabili ng Fanshen, sikat na libro ni William Hinton tungkol sa rebolusyong agraryo sa Tsina.

Ang hinala ko, batay sa karanasan, sa US galing ang kalakhan ng mga libro sa BookSale. Kaya narito ang mga basura ng kulturang popular nila. Ganoon din ang mga sulatin ng mga maka-Kanan at antikomunista sa kanila – na syempre ay basura. Bagamat minorya, marami na ring progresibo o liberal na mga propesor sa mga unibersidad at kolehiyo sa US – kaya nga naging panakot sa publiko ng Kanan sa US ang mga “tenured radical” o mga aktibista ng dekada ’60 at ’70 na naging propesor.

de-beauvoir

Hinala ko, ni-require o itinulak ng mga propesor na ito ang mga estudyante nila na magbasa ng samu’t saring librong progresibo o liberal. Sa kung anong dahilan – hindi siguro gustong itago ng mga estudyante? – bumabagsak ang mga libro sa mga bentahan ng mga segunda-manong libro, hanggang umabot sa BookSale. Ang totoo, narito ang mga pinakasikat na mga aklat ng mga pinakapopular na awtor na liberal at progresibo. Halimbawa ang A People’s History of the United States ni Howard Zinn.

Napag-uusapan na rin lang si Zinn, sa Original Zinn [2004], libro ng panayam sa kanya – na sa BookSale ko rin nabili, syempre pa – pinansin niya ang isang penomenon sa panahon ng rehimeng W. Bush sa US: ang pagiging popular ng mga libro nina Howard Zinn (shameless self-promotion!), Noam Chomsky, Michael Moore, Barbara Ehrenreich, Jim Hightower at iba pang awtor na kontra sa imperyalista, militarista at maka-korporasyong mga patakaran ng gobyernong Amerikano. Mabenta ang mga libro nila.

jean-baudrillard

Ngayon, parang tumatagos na rin ang mga bagong librong ito sa BookSale. Sa paglilibot ko ngayon sa iba’t ibang branch – sangay? – ng BookSale, masasabi kong tiyak na makakabili ang taong pursigido ng isa o ilan o lahat ng sumusunod na mga libro:

>> Thieves in High Places [2003] ni Jim Hightower. Simple at nakakatawang paglalantad sa kontra-mamamayang mga patakaran ng rehimeng W. Bush at ng gobyernong Kano sa kalakhan. Punung-puno ng datos at optimismo sa kakayahan ng mga mamamayan.

>> The Best Democracy Money Can Buy [2000] ni Greg Palast. Mga imbestigatibong ulat hinggil sa pandaraya ng pangkating W. Bush sa halalang pampresidente noong 2000, maruruming pakana ng mga korporasyon ng US, at neo-liberal na globalisasyon.

>> Nickel and Dimed [2001] ni Barbara Ehrenreich. Oo! Marami na ngayong kopya ng librong itong minsang nirebyu ko. Ilang beses na akong nakabili, pinakamura ang P20.00! Ipinamimigay ko sa mga kaibigan na parang panyo ng Salmo 91 o agua bendita.

>> Bait and Switch [2005] ni Ehrenreich. Kung tungkol sa pakikipamuhay sa maralitang manggagawang Kano ang unang libro, tungkol naman ito sa pakikipamuhay sa mga manggagawang white collar. Nakakatawa, mapagmuni at mapagmulat pa rin.

>> The Worst Years of Our Lives [1990] ni Ehrenreich. Okey, hindi ito kasama sa mga mas bagong libro, pero maganda pa rin. Matalas at mapagpatawang komentaryo sa iba’t ibang aspekto ng buhay sa US noong dekada ’80, panahon ng opensiba ng Kanan.

>> Sister Outsider [1984] ni Audre Lorde. Hindi rin ito kasama sa mga mas bago pero ayos. Koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa napakapersonal at tagos-sa-butong feminismo at kontra-rasismo at sa pagiging manunulat at makata. Minsan, P5.00 lang!

psychiatry-couch2

Iyan ang mga librong nakikita kong nagkalat ngayon sa iba’t ibang sangay ng BookSale. Pero sa mahabang panahon ng pagbalik-balik ko rito, marami-rami na rin akong nabiling libro nina Zinn (kontra-imperyalista at anarkista-sosyalista), John Berger (Marxista), at Cornel West (kontra-rasista at sosyalista bagamat tinutuligsa ng iba). Dito rin ako nakarami ng libro ni bell hooks (kontra sa rasismo, seksismo at kapitalismo). Paglilinaw: Hindi ko sinasabing nabasa ko sila lahat at mapera ako. Dahil hindi.

Ilang paalala at personal na pakiusap: Pinakamainam kung pupunta sa BookSale nang alam ang mga awtor at librong target basahin. Mahirap isa-isahin ang mga libro at sana’y nakatulong ang entri na ito. Huwag maingay – at sana’y sundin iyan kahit ng mga empleyado. Huwag ihambalos ang mga libro o gumawa ng ingay gamit ang mga ito. Masakit sa tenga, lalo na ng mga naghahanap ng libro sa baba ng mga lagayan. Huwag makipagsabayan o makipagkarera sa isang erya sa ibang tumitingin.

Panghuli: May isang sinabi si Prop. Ramon “Bomen” Guillermo hinggil sa pagbabasa na tumimo sa akin at sana’y naisasabuhay ko sa blog na ito. Bilang mga progresibo, hindi tayo dapat magbasa para makapagbasa lang; magpakasarap sa matatayog na ideya, magagandang kwento o mahuhusay na pagkakasulat; o magyabang. Sana’y nagbabasa tayo para ipaglingkod ang natutunan natin sa sambayanan, para maunawaan ang ating bansa at mundo kaalinsabay ng pagsisikap na baguhin ito.

Sana’y nagbabasa tayo nang “paglaya ang tanaw ng diwa.” (Shameless self-promotion!)

19 Abril 2009

Basahin ang parangal ni Kenneth Guda kay Vincent Jan Cruz Rubio. Pareho silang mahilig sa BookSale.

Natabunan ng isyu kay Ted Failon: Pagkakatatag ng Makabayang koalisyon ng Mamamayan o Makabayan.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Kontras  On April 18, 2009 at 9:12 pm

    Hi. Saan bang mga book sale ka nagpupunta? May book sale malapit samin pero wala naman akong makitang kaliwa-liberal na libro.

  • unidentifiedwalkingobject  On April 19, 2009 at 1:46 pm

    Vietnam and America: A Documented History.. Ang pinaka-“jackpot” na librong mula sa Booksale na napunta sa aming collection. Tungkol sa kasaysayan ng Vietnam War samahan ng iba’t ibang documents (geneva Accords, Paris Agreement) pati na rin mga speeches nila Uncle Ho, Vo Nguyen Giap atbp.

  • kapirasongkritika  On April 19, 2009 at 7:14 pm

    @ Kontras: Pakiwari ko, sa Crossing-Edsa ang sentro ng segunda-klaseng mga libro. May BookSale sa Gamol, sa isang bahagi ng Crossing (tabi ng sakayan ng mga dyip), at sa Starmall. Bukod pa sa National Book Store sa Gamol at sa bandang Crossing. May Books for Less at iba pang bilihan ng segunda-klaseng libro sa Starmall. Meron iyan, tiyak!

    @ Wow! Maganda nga iyan. Parang iyung isang libro ni Felix Greene tungkol sa Vietnam. Kaya lang sa Books for Less namin nabili iyun. May mga photographs. Gusto kong i-feature minsan dito iyun.

    Alam ninyo, may isang libro akong ipina-reserve na hindi ko nabalikan! Ito lang naman ang Open Veins of Latin America ni Eduardo Galeano — na laman ng balita ngayon, bilang regalo ni Hugo Chavez kay Barack Obama. Sayang, ma-rebyu ko sana rito. Hehe.

  • Kontras  On April 19, 2009 at 9:18 pm

    Okay salamat pupuntahan ko yang mga yan minsan. Matinding lakaran to. Salamat din sa pa-footnote mong pagbalita sa Makabayan. Goodluck sa mga RA at sa Philippine Left in general.

  • guiller  On April 20, 2009 at 9:36 am

    hi teo, long time na hindi ako nagpa-sense dahil madalas din wala ako sa kabihasnan. hin di ko lang mapapalampas ang pagkakataong magyabang sa aking finds. hehehe. soobrang addicted na ako sa booksale. kahit nung nasa probinsya ako, booksale ang unang hinahanap ko. nitong huli nakauwi ako ng 7 libro galing iloilo/capiz. pero mas crime novels ang hanap ko. pero eto ang mga super paborito kong nahanap sa mga booksale ko:

    booksale gamol:
    borderlands/ la frontera – gloria anzaldua
    minima moralia – theodor adorno

    booksale farmers:
    salvador – joan didion

    booksale fiesta carnival:
    nickel and dimed – barbara ehrenreich
    sontag & kael – (di ko na matandaan kung sinung fan ang nagsulat ng libro)

    bookay-bookay maginhawa st.:
    slouching towards betlehem – joan didion

    ibon bookshop:
    the long stag party – dolores feria

    hehehe. wlaa tuloy akong natatapos dahil sa kamal lang ako ng kamal ng cultural capital. to the point na absurdo na nga eh. ehehehe.😛 pakopya naman ako ng mga libro mo. btw, nakapagpaxerox na rin ako ng illuminations ni walter benjamin. bwehehehe.

    ok din ang bookaybookay kaya lang mahal. marami akong nakitang sartr, didion, de beauvoir etc. marami din akong nakuha an ebooks, pero mahirap kasing basahin aty wala akong tiyagang magbasa sa pc. haaay. sabi ng isang kaibigan, may kakilala siyang nakabili ng galeano book na niregalo ni chavez kay obama.

  • kapirasongkritika  On April 20, 2009 at 4:07 pm

    @ Kontras: Hindi ka magsisisi. Laging may makukuha kang kahit isang maganda. Magbaon ka ng maraming pera, para lang sigurado. Hehe. Curious lang: Saang grupo sa Kaliwa ka kabilang? Hehe. Goodluck din sa inyo… bagamat alam nating ang linya ng isa’t isa ang magpapanalo o hindi. Hehe. Peace!

    @ Guiller: Eh wala ka sa lolo ko! Hehe. Balita ko nga, adik ka raw. Ikaw nga ang pinaghinalaan ng kaibigan nating si Kenneth na nakabili ng Galeano na ipina-reserve ko. Hindi pala! Hehe. Bakit ka nga pala nasa probinsya?

    Nakita ko na yata lahat ng sinabi mo. Maliban sa MINIMA MORALIA! Shit, ang swerte mo! Go! Minsan, magkita tayo at nang makapagpahiram. Hehe. Ano iyung Bookaybookay? Sana masagot mo pa ito. Hehe.

    Marami rin akong success stories: John Berger, Multitude, Tariq Ali, Alexander Cockburn, etc. Hehe.

    True, mahirap talagang magbasa sa PC. Hindi relaxing: Tumataas ang kuryente! Hehe. Kaya nga daw may author na willingly niyang ikinakalat ang mga akda niya, para mahikayat ang mga taong bumili ng tunay na kopya. Hehe.

  • guiller  On April 20, 2009 at 6:59 pm

    actually, ang point talaga ng mahabang litanya ay ang minima moralia. hehehe. meron din akong nabiling mga john berger pero 2 nobela. yung bookay ay isang second hand bookshop parang yung sa SC dati. sila yung mga pangkista na nagbebenta tuwing fair at naglalatag lang ng banig sa damuhan. may multipkly sila: bookay.multiply.com

    field work ako sa probinsya nitong mga nakaraang lingo kaya hayun.

    basta pag andito ka, kape tayo with krg. hehehe.🙂

  • kapirasongkritika  On April 23, 2009 at 4:17 pm

    Hehe. Hindi ko na rin sinabi rito ang ibang dapat sabihin. Sa pagkikita na lang. Hehe. Nakita ko nga ang “multipkly” nila, maraming magaganda! Hehe.

    Field work? Please explain, 5 points each. Hehe. Kapag nagkita na lang tayo ni KRG! Civilize ’em with a KR(a)G! Ingatz!

  • gingmaganda  On May 3, 2009 at 2:40 am

    mahal din namin ang Book Sale! maitim naming balak dati ang mang-hi jack ng delivery van nila. haha.

  • kapirasongkritika  On May 3, 2009 at 7:16 am

    Ging! Nabuhay ka! Hehe. Naku, marami kayong makukuhang hindi maganda. Usually, kapag pupunta ako sa BookSale, marami na ang tatlong libro na gusto kong bilhin. Madalas din, wala. O maganda man, masyadong mahal kaya hindi rin magandang bilhin.

  • gingmaganda  On May 6, 2009 at 3:25 pm

    oo, nabuhay ako, nedepress din ako ng ilang linggo ba.

    mababaw lang kaligayahan ko sa libro, basta may mga drowing masaya na ako!

  • E.P.  On May 6, 2009 at 10:56 pm

    fetisismo bang maituturing ang pangangalap ng libro?

    sabi ng isang matanda sakin, bungkos pa lang yan ng papel hangga’t di mo pa binabasa. andami ko pang bungkos ng papel. yung isa, ginagawa ko nang libro! hehe.

  • kapirasongkritika  On May 9, 2009 at 2:34 am

    @Gingmaganda: Iyan ba ang linggong nawala ang blog mo sa Blogspot? Gusto ko sanang baguhin ang link ko sa iyo, na WordPress, tapos hindi lumalabas ang sa Blogspot. Sana okey ka lang. Drowing? Kurt Vonnegut? Hehe.

    @E.P.: Oo naman. Pero depende siguro sa gamit. Totoo, bungkos ng papel! At walang bagay na progresibong hindi natin inuunawa o binabasa. Hehe.

  • gingmaganda  On May 14, 2009 at 2:51 am

    hehe. pansin ko nga “reyes” pa ang apelido ko dun hehe. oo, tinanggal ko talaga ang blog ko ng ilang linggo kasi, kailangan ko magtago. hehe.

    medyo okey-okey naman na ako. may slight pa rin na bahid ng PTSD, pero 95% functioning na po. =)

  • kapirasongkritika  On May 15, 2009 at 11:02 am

    Hindi na ba Reyes? Hehe. Sana okey ka lang. Ano ang PTSD?

    Nabasa mo ang komento ko sa entri mo tungkol sa “At Seventeen”? Matagal ko nang gustong magsulat tungkol sa hilig ko sa musika sa blog na ito, hindi ko lang alam kung paano. Hehe.

  • gingmaganda  On May 15, 2009 at 11:43 am

    kakabasa ko lang ngayon ng komento mo! nakakatuwa rin magbasa ng trivia tungkol sa mga kanta-kanta at sa mga kumakanta, nahuhusayan lang ako ba.

    ptsd ay post-traumatic stress disorder, karaniwang pinagdadaanan ng mga taong galing sa gera, ahehehe.

    reyes, kahit kelan hindi naging reyes, minsan, ginawang santos, pero nananatili pa rin siyang flores. as in flores de mayo. =)

  • kapirasongkritika  On May 15, 2009 at 12:10 pm

    Paalis na ako dito sa Internet shop, pero kailangan kong sumagot. Hehe.

    Sige, try kong mag-assemble ng iba’t ibang trivia. Hehe.

    Bakit ka naman nagka-PTSD? Sa email na lang? Galing kang gera? Ano’ng klase? (Biglang wala akong alam sa gera sa bansa. Hugas-kamay!0 Hehe.) Sana okey ka lang. Ilabas mo lang sa iyong blog ang lahat. Ano ba’ng tawag ni Freud diyan? Hehe. Nadadala sa positibo at konstruktibo ang negatibo sa emosyon?

    Naku, sorry. Sige, aayusin ko agad. Pero hindi pa ngayon. Mahal na ang bill ko. Naks, bill! Sa internet shop! Hehe. Flores, Flores… Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: