Mga Plakard sa Panahon ng Con-Ass

Noon, nagpanukala ako ng “Mga Plakard sa Panahon ng ZTE.” Pumatok naman, lalo na ang “Zobra na, Tama na, Exit na!” na nakita kong ginagamit sa mga rali.

Ngayon, dahil sa pagratsada ng Kongreso sa resolusyon nitong ipatawag ang constituent assembly para sa pagbabago ng Konstitusyong 1987, tiwala akong naghahanda na ang iba’t ibang grupong pampulitika para maglunsad ng mga kilos-protesta – na sana’y malalaki, dumadagundong! – sa mga darating na linggo. Heto ang munting ambag, mga konsepto para sa mga gagawing plakard:

CONGRESS OF ASSHOLES
Wala nang ginawang mabuti ang kongresong ito. Bukod sa pagpasa ng iba’t ibang patakarang kontra-mamamayan, ilang beses nitong ibinasura ang mga kasong impeachment laban kay Gng. Arroyo. Tumabo ang mga miyembro nito sa pork barrel, bukod pa sa mga suhol ng pekeng pangulo kapag nalalagay sa krisis.

ABNER AFUANG, NASAAN KA? MAS MARAMING BABOY SA KONGRESO, BUHUSAN MO… NG ASIDO
Sabi nila, mulat man o hindi, nagsilbing distraksyon ang sex scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili sa maruruming pakana ng Malakanyang at Kongreso. Anu’t anuman, mas dapat kabwisitan ng mga mamamayan ang mga kongresistang maka-Gloria. Ang Inang Bayan lang naman ang binababoy nila.

NOGGIE, DOGGIE NI GLORIA
Ipinapakita ni Speaker Prospero “Noggie” Nograles kung bakit siya ang ipinalit kay Kong. Jose de Venecia. Mas tuta siya ng Malakanyang. Noong una, pinagdudahan pa kung itutulak talaga niya ang Con-Ass. Pero ngayon, kitang-kita ang paglibot niya sa Kongreso para tiyakin ang tagumpay ng amo niya.

VILLA-PWERTA: LOKOHIN MO ANG LELANG MONG PANOT!
Maganda kung may imahe ito: Si Kong. Luis Villafuerte, ipinapakita ang pwet niyang malabsak at may galis – pagsasa-literal ng kabastusan niya. Nagdrama pa siya dati na hindi raw matutuloy ang Cha-Cha, galit pa kunwari kay Speaker Nograles. Ngayon, kesyo mga probisyong pang-ekonomiya lang ang babaguhin.

ralph steadman1

ralph steadman2

ralph steadman3

MIKEY ARROYO: MASAMANG AKTOR, MAS MASAMANG KONGRESISTA
Ito rin, maganda kung may imahe: mula sa pelikula niya, bilang action star. Masagwa siyang aktor, at walang nag-isip na kinailangan niyang umarte para sa sining o dahil kailangan niya ng pera. Pero ngayon, hindi lang mga walang-magawang nanonood ng pelikula niya ang apektado ng pangit niyang ginagawa.

KONGRESMAN: BALATO NAMAN DIYAN!
Tuwing mahaharap sa krisis ang rehimeng Arroyo, yumayaman ang mga kongresista. At saan naman kaya kukuhanin ang P20 Milyon na ipinangako diumano sa kanila ng amo nila? Tinatanong pa ba iyan? Ang kakapal ng mukha! Biglang nagsidalo, nagsalita at naging episyente sa pagpasa ng isang panukala.

CON-ASS: CONCEPT NG ASSHOLE
CON-ASS = GLORIA FOREVER
CON-ASS: CONGRESSWOMAN ARROYO SAYS SO
CON ASSEMBLY AY MATULOY, GLORIA AY IWAS-PUSOY

Hindi kailangang maging henyo para malaman kung sino ang utak ng Con-Ass. Ang plano daw ay maging punong ministro si Gng. Arroyo kapag binago ang sistema ng gobyerno sa pagbago sa Konstitusyon. Kung si Noli de Castro ang pangulo, si Gloria pa rin ang reyna. Ni hindi siya masasampahan ng mga kaso.

UNCLE SAM: I WANT YOU… TO BE MY BEDSPACER
PHILIPPINES
FOR SALE
Dapat may imahe ito. Sabi ng mga kongresista, gusto lang nilang magkaroon ng 100% pag-aari ang mga dayuhan ng lupa sa bansa – hindi raw nila gustong palawigin ang termino ni Gloria. Na para bang maganda na magmay-ari ng ganito ang mga dayuhan. Lalo tayong magiging iskwater sa sariling bansa. Hindi na residente, bedspacer na lang.

CONVERGE AND ASSEMBLE NOW!
CONVERGE AND ASSERT OUR NATIONAL PATRIMONY!
CONTEST THE ASSEMBLY!
Lalong pinapatunayan ng mga naganap na wala tayong maaasahang mabuti, tayong mga mamamayan, sa Kongresong ito. Nakita natin kung gaano sila ka-pursigido at ka-garapal sa pagtutulak ng masamang pakana nila para sa bansa. Kailangan natin itong tapatan. Gawin natin ang lahat para iparinig ang ating pagkasuklam at mariing pagtutol. Pero higit sa lahat, sumama tayo sa kilos-protesta. Sa harap ng ganitong klaseng mga kalaban, wala nang mas mabisa.

04 Hunyo 2009

Basahin din ang pagsusuri nina Diwa Dimagiba at Bikoy Villanueva sa isyung ito. May bukas na liham si Marocharim sa mga kongresista.

May masinsing rebyu si Tanglad sa mga rebyu sa sikat na pelikulang Kinatay.

May nakakatawang panawagan naman si Ging Flores.

May isinulat si Ada Engkantada tungkol sa magkapatid na Balweg.

May pagsusuri si Joann Wypijewski tungkol sa pulitikang sekswal ng kakatapos na season ng American Idol.

Umanggulo naman si Katha Pollitt sa away-bating relasyon nina Rihanna at Chris Brown para magpalalim sa usapin ng mga kababaihang binubugbog ng kanilang asawa at karelasyon.

Sinuri ni Noam Chomsky ang mga memorandum kaugnay ng tortyur na inilabas ng White House.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • krguda  On June 4, 2009 at 6:35 am

    Nasa PW online na ito. Ayuz! http://pinoyweekly.org/new/mga-plakard-sa-panahon-ng-con-ass/

  • tarenstaren  On June 4, 2009 at 2:05 pm

    Uy, gagamitin ng KARATULA ang ilang mga panawagan para sa icon o image. Maraming salamat!

  • kapirasongkritika  On June 4, 2009 at 6:13 pm

    @ KRGuda: Kumpiskado? Hehe. Salamat!

    @ Tarenstaren: Ako ang dapat magpasalamat! Mabuti naman at dumating ang mensahe sa dapat puntahan. Hehe.

  • gingmaganda  On June 5, 2009 at 9:57 am

    ayy! ayy! nandito ako! ayy!

    grabe, ang haba ng hair ko! haha!

  • J  On June 6, 2009 at 1:23 am

    hehe. panalo to! lalo na yung lokohin mo lelang mong panot! tingin ko magandang ideya nga na ibahin ang tono, di ba?

  • kapirasongkritika  On June 6, 2009 at 5:07 am

    @ Gingmaganda: Mahaba naman talaga, hindi ba? Hehe. Marami kasi akong kakilalang nanonood ng Tayong Dalawa. At hindi ba’t numero uno na daw ito sa ratings? Kakatwang may ganoon palang obserbasyon sa acting! Hehe.

    @ J: Oh, bakit nag-iba ka ng pangalan? Hehe. May gamit at pinagbabagayan ang mapagpatawa pero kritikal na tono, mayroon din iyung talagang hard-core na mga panawagan. Hehe.

    Balita ko nga, ginagamit na ng mga kapwa-aktibista ang ilan dito. Sa akin naman, kung sabihin nilang corny ang iba at mag-iisip sila ng iba, walang problema. Mas maganda pa nga. Hehe. Masaya na ring makapagtulak sa pagpapanukala. Hehe.

  • gingmaganda  On June 6, 2009 at 1:27 pm

    literal na mahaba. haha.

  • adaengkantada  On June 6, 2009 at 1:32 pm

    weeemacheck nga ang stats ko, baka naambunan na ako ng mga panauhin mo.

  • wawam  On June 6, 2009 at 3:57 pm

    A call to pinoy blogs and bloggers to link blogs on HR 1109

    We are issuing this call to all pinoy blogs and bloggers to link to other blogs discussing or posting on the issue of the House Of Representatives passing HR 1109 in congress. Link to these blogs even if your blog’s topic is not on anything related to HR 1109.

    HR 1109 is one the most important actions of the current congress that will affect the whole country and our lives.

    Let us link together to give pinoys the opportunity to be properly informed on the issue so that they can intelligently decide on their own or join a group to take action.

    http://bit.ly/4CiZC

  • kapirasongkritika  On June 6, 2009 at 5:03 pm

    @ Gingmaganda: Ngayon ko lang nabago ang surname mo sa links ko. Hehe.

    @ Ada Engkantada: Batay sa aking records, mayroon nang bumisita sa iyo. Hehe. Sana hindi ikaw din iyun. Hehe.

    @ Wawam: Salamat! Sige, sisikapin kong gawin ito! Mahalagang may magawa tayong mga bloggers sa isyung ito. Malaking bagay para sa akin na makasama tayo sa mobilisasyon sa June 10. Kitakitz sana!

  • jen  On June 9, 2009 at 4:12 am

    Teo, maaari bang i-repost ito? At gagamitin rin namin ang mga calls na ito, kung okay lang. Salamat!

  • kapirasongkritika  On June 9, 2009 at 2:26 pm

    No problem. Sana mas magtulak pa ng innovations.

  • adaengkantada  On June 12, 2009 at 3:04 pm

    eto ang mas updated na blog ko, http://kaututang-dila.blogspot.com

    huli man daw at magaling… huli pa rin….. eto ang matagal ko nang iupdate sa Midnight Express ko last week.
    http://kaututang-dila.blogspot.com/2009/06/viva-la-independencia.html

  • kapirasongkritika  On June 12, 2009 at 6:19 pm

    Salamat sa pagbabalita! Sige, aayusin ko na ang Links ko. Hehe.

  • dej  On June 16, 2009 at 12:25 pm

    tsong!! nakita ko lng ang site mo sa ka SP ko.. galing!! tama yan!! hanep din sa drawing!! sakto!! pambato sa gobyerno!!

  • kapirasongkritika  On June 16, 2009 at 11:53 pm

    Salamat, Tsong!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: