Left Lite, Left Zero, Postmoderno

Sa seksyong komento ng huling entri sa blog na ito, tinawag kong “maliit” at “grupong NGOista” ang Akbayan. Ganito ang isang bahagi ng naging tugon ni Caffeine Sparks: “Kung hilaw ang gawain ng mga NGOistang kilusan, ano ang ‘tama?’ Ano ang ‘wasto?’ Ano ang ‘awtentiko?’ At sa tingin mo ba ikaw at ang katulad mo ang may hawak sa mga tumpak na sagot?” Mamaya, sasabihin ko ang mabilis na sagot ko sa tanong na ito. Pero makabuluhan muna sigurong lumiko bago tumbukin ang sagot. Mapapaunlad kasi ng pagliko ang pagtumbok.

May kung anong nagsasabi sa akin na may bahid ng postmodernismo ang komento ni Sparks. Hindi ko alam kung ang panakot na quote-unquote niya sa tama, wasto at awtentiko. O ang nauna niyang akusasyong “paghulma sa isang elite na grupo” ang pagtuturo sa mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na maging mga “iskolar ng bayan.” O ang panindak niyang pagbanggit sa praseng “master plan” – ng Kaliwa? – sa dulo ng komento niya. O lahat ng nabanggit.

Kung anuman, makikita sa mga puntong ito ang hibo ng postmodernismo. Hindi ba’t kinwestyon ng postmodernismo ang tama, wasto at awtentiko – kadalasan sa pamamagitan ng paglalagay ng panakot na quote-unquote sa mga salitang ito? Hindi ba’t galit ang postmodernismo sa lahat ng klase ng hirarkiya at tinatawag nitong “elitismo” ang anumang nagbibigay-halaga sa partikular na grupo? Hindi ba’t takot ang postmodernismo sa mga “master plan,” ng Kaliwa man o Kanan? Magdudulot daw kasi ito ng karahasan, ng pagdanak ng dugo at kamatayan?

Sa sanaysay niyang “Where do postmodernists come from?” binuod ni Terry Eagleton, Marxistang intelektwal, ang pagsusuri ng maraming Marxista – Alex Callinicos, Aijaz Ahmad, Teresa Ebert at ng Pinoy na si E. San Juan, Jr. – sa postmodernismo. Aniya, o anila, resulta ang postmodernismo ng karanasan sa pampulitikang pagkabigo ng isang henerasyon ng mga intelektwal sa Kanluran. Naganap ang pagkabigo matapos ang 1968, o ang panahong 1968-1973 – panahon ng matinding atake sa kilusang rebolusyunaryo sa maraming bansa.

Ayon kay Eagleton, mula sa mayor na mga “prinsipyo” – ayaw ng mga postmodernistang tawagin ng ganyan ang mga pinapaniwalaan nila – ng postmodernismo, pwedeng magbalik-tanaw at tuklasin ang naturang pagkabigo. Para bang kapag pumasok ka sa isang klase ng magulong kwarto, mauunawaan mo lang ang samu’t saring bahagi ng kaguluhan kung matutumbok mong nagkaroon doon ng inuman – o orgy siguro, ewan ko – bago ka dumating. Iniluwal ang magulong mga paniniwala ng pagkalasing ng postmodernismo.

Irene Suchocki1

Ang mga paniniwalang tinukoy ni Eagleton, pwedeng palitan ng mga sinabi ni Sparks, at matutumbok pa rin natin ang pagkabigong pinagmulan ng mga ito. Dahil bigo at mahina naman ang Kaliwa, aanhin pa nga ang “tama,” “wasto” at “awtentiko”? Sa isang banda: May magagawa ba ang mga ito? Sa kabila: Hindi kaya’t mapanupil rin ang mga konseptong ito – dahil ang namamayagpag ngang tama, wasto at awtentiko ay ang sa mga konserbatibo at reaksyunaryo? Kung tunay tayo, dapat “di-tama,” “di-wasto,” “di-awtentiko” ang linya natin!

Dahil bigo at mahina ang Kaliwa, at ang namamayaning hirarkiya sa lipunan ay iyung sa mga imperyalista at naghaharing uri, hindi ba’t elitista nga naman ang lahat ng pagbibigay-halaga sa anumang grupo ng tao? Wala namang welgang bayan, taktikal na opensiba o insureksyon, bakit kailangan pa ng hirarkiya? Bakit magtitiwala sa mga nagpapakilalang “master plan,” eh ilang beses nang nabigo iyan? Malala pa, paulit-ulit nang humantong ang mga planong iyan sa dahas. Sa halip na magbuo ng malalaking plano, maging pragmatiko na lang tayo ngayon.

Irene Suchocki2

Sa Pilipinas, pumasok sa progresibong pulitika ang postmodernismo sa isang partikular na panahon – noong maagang bahagi ng dekada ’90, noong nagwawasto ang pinakamalaking bloke ng Kaliwa sa malalaking pagkakamaling nagawa noong dekada ’80, at nabubuo ang bagong mga grupo at tendensya ng mga umalis o pinaalis sa nasabing Kilusan. Nagamit ang postmodernismo hindi lang sa pagtuligsa sa sistema, kundi sa mismong Kilusan – hindi ng mga intelektwal na nasa akademya, kundi nasa mga organisasyong bagong-tayo.

Makikita ang pagpasok ng postmodernismo sa pulitika ng Kaliwa sa bansa sa librong Reexamining and Renewing the Philippine Progressive Vision (1993) na inedit nina John Gershman at Walden Bello. Tumining ang tanong ng napadalong si Prop. Delia Aguilar, matatag sa kanyang Marxismo at feminismo: “Ang gusto kong malaman… ay kung mayroong kagyat na ugnayan sa pagitan ng kagustuhan nating bakahin o alisin ang mga tendensyang awtoritaryan at pagbasura sa isang malaking teorya, malaking naratibo” – ang Marxismo.

Dahil kung anu-ano na ang sinasabi sa forum na pinagbatayan ng libro, nagtanong siya: “[D]apat ba tayong sumunod sa postmodernistang pag-ilag sa malalaking naratibo dahil hindi na natin kayang ilarawan ang katangian ng kabuuang panlipunan (social totality)?… [N]atatakot ako nang todo-todo sa totoo lang sa postmodernistang mga hakbangin na umatras… Diyan hahantong iyan. Sa takot na ilarawan ang kabuuang ito dahil ang paglalarawan sa kabuuan ay kagyat na hahantong sa totalitaryanismo. Ganyan ba ang iniisip natin?”

Mangyari, nagtugma ang maraming tema ng postmodernismo sa propagandang maka-imperyalista at maka-kapitalista noong dekada ’90. Kakabagsak lang ng Unyong Sobyet, ng tinatawag nilang “aktwal na umiiral na sosyalismo” at nagkokoro ang mga sumisigaw ng “Katapusan ng Kasaysayan” at mga postmodernista sa pagkwestyon sa malalaking teorya, sa hirarkiya at kawalan diumano ng demokrasya sa Kaliwa, sa pagtalakay sa mga isyu ng kasarian, lahi, etnisidad, relihiyon pero bihirang uri, sa takot kina Mao Zedong at Joseph Stalin.

Irene Suchocki3

Sa sanaysay na “Akbayan – A New Left Party in the Philippines: Learning New Ways of Being (Left)” ni Joel Rocamora, teorista ng Akbayan, makikita ang hibo ng postmodernismo sa Akbayan at kay Rocamora mismo. Pero hindi pa siguro dahil mulat na sinusunod ng Akbayan at ni Rocamora ang postmodernismo, kundi dahil pareho sila ng phobia, ng kinatatakutan: ang malalaking teorya o ideolohiya (mas pinipili ang talakayang “masigla” sa pulitika) at ang malalaking proyektong panlipunan (mas pinipili ang hakbang-hakbang na mga taktika).

Madaling makita sa sanaysay ang mga kahinaang inaamin mismo ng Akbayan at ni Rocamora: elektoralista (“ang ating paglahok sa sistemang party-list ang… kumuha ng kalakhan ng ating enerhiya sa nakaraang siyam na taon”), NGOista (“bukod sa mga staff ng NGO, wala gaanong miyembro ang Akbayan na galing sa panggitna at nakatataas na uri sa mga eryang urban”), hindi lubog sa masa (“nakikipag-ugnayan lang ang Akbayan sa mga komunidad kapag may parating na eleksyon”) at buhaghag (“buhaghag na katangian ng ating mga istruktura”).

Sa ganitong konteksto makabuluhang ilugar ang sinabi ni Sparks na “Kung ang mga totoong radikal ay may hawak ng mga kasagutan… kulang siguro sila sa [press release]… Kasi di nila mapaabot sa ordinaryong mamamayan ang mga nilalayon nila.” Paano inuunawa ng ganitong pahayag ang mga mamamayan? Ang pag-oorganisa sa hanay nila? Nadadaan sa PR ang masa? Hindi kailangang mag-organisa sa hanay nila? Madaling gawain ang magsulong ng pagbabagong panlipunan? Malaki nang ambag sa pagrerebolusyon ang pagba-blog lang?

Irene Suchocki4

Sa isang bahagi ng sanaysay, sinipi ni Rocamora ang isang Latino-Amerikanong intelektwal – isang higante ng sosyalismo? sino nga ba siya? – na nagsabing “binibigyang-kahulugan ngayon ng proyektong sosyalista ang sarili bilang isang proseso kaysa isang lipunan.” Ang kailangan daw ay “isang permanenteng pagbabago. Walang sosyalistang modelo, tanging sosyalistang proseso” – na binigyang-kahulugan na “pagpawi sa iba’t ibang porma ng alyenasyon, pang-aapi at pagsasamantala.” Pokus na lang tayo sa Cubao, huwag na kahit sa Cuba.

Mahigit 100 taon na ang nakakaraan, inilantad ni Vladimir Lenin ang pagtinging ito. Aniya, “’Ang pagkilos ang lahat, walang halaga ang ultimong layunin’ – ipinapakita ng islogang ito ni Bernstein ang laman ng rebisyunismo nang higit sa maraming mahabang paliwanag. Ang itakda ang kondukta nang kaso-por-kaso, umangkop sa mga pangyayari ng bawat araw at sa pagkakahati at pagbabago ng mababaw na pulitika, kalimutan ang pangunahing mga interes ng proletaryado at batayang mga katangian ng sistemang kapitalista, ng buong ebolusyong kapitalista, isakripisyo ang mga pangunahing interes na ito para sa tunay o ipinagpapalagay na bentahe ng yugto – iyan ang patakaran ng rebisyunismo.”

Bagamat iginigiit ni Rocamora na nasa “Kaliwa” pa rin ang Akbayan, na “Mapagpalahok na Sosyalismo” o “Participatory Socialism” pa rin ang ipinaglalaban nila, na binubuo ang Akbayan ng iba’t ibang grupong “Kaliwa,” malinaw na taliwas ang sinasabi niyang ito sa kinikilalang “sosyalismo” ni Lenin. Kinakatawan nila ang repormismo at parlamentarismo na si Lenin ang isa sa unang tumuligsa. Bagamat tanggap ni Rocamora ang bansag sa Akbayan na “Left Lite,” sa mas malawak na pagtingin, halos “Left Zero” na ang natitira.

Irene Suchocki5

Sabi ni Eagleton, bagamat binayo ng postmodernismo ang mga pundasyon ng naghaharing sistema at dominanteng mga kaisipan sa mundo, binayo rin nito ang mga pundasyon para muling makapagbuo at makapagpatatag ang Kaliwa. Halimbawa ang mga tanong ni Sparks ng ganito: Bagamat kinukwestyon ang katumpakan ng naghaharing sistema at namamayaning kultura’t kaisipan sa lipunan, inaatake rin ang progresibong Kilusan at ang mga ideya nito. Hindi tama, wasto at awtentiko ang sistema, hindi ba’t magkatulad lang din kayo?

Tama ang postmodernismo sa pagkwestyon sa lahat ng ipinagpapalagay nang tama, wasto at awtentiko ng lipunan, at maging ng Kilusan para sa pagbabago. Pero ipinapataw nito sa lahat ang ahistorikal na paghusgang lahat ng kilusang nagsasabing tama, wasto at awtentiko ang sarili ay kumakatawan sa kung anong pulitikang awtoritaryan, mapanupil at kontra-progresibo. Itinuturing nitong imposible, mapanupil at di-makatarungan ang pagsasabi ng isang kilusan – kahit anong kilusan – na ang kinakatawan nito ay ang tama, wasto at awtentiko.

Tama ang postmodernismo sa pagsasabing walang metapisikal at absolutong lokasyon kung saan mahuhusgahan ang tama, wasto at awtentiko. Pero hindi dapat humantong ang pag-atake nito sa obhetibismo sa sagad-sagaring suhetibismo sa pagsusuri sa mundo – na siya na ngang nangyari rito. Mangyari, hindi naman kailangang sa isang metapisikal at absolutong lokasyon magmula ang paghusga kung alin ang tama, wasto at awtentiko. Maaaring magmula ito sa kongkretong pagsusuri at tunggalian ng mga umiiral na pwersa sa lipunan.

Irene Suchocki6

Kaya ano ang mabilis na sagot sa tanong ni Sparks? Ang kilusang pambansa-demokratiko ba ang kumakatawan sa tama, wasto at awtentiko? Kung ibabatay sa kalagayan ng lipunang Pilipino, at pandaigdigang sistemang kapitalista, sa ugnayan ng mga uri sa bansa, at kung ihahambing sa katunggaling mga pananaw, kahit iyung nagpapakilalang “Kaliwa” katulad ng Akbayan, ang sagot ay mabilis na maibibigay, wala mang garantiyang metapisikal at absoluto: Oo.

13 Hulyo 2009

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • guiller  On July 13, 2009 at 7:25 am

    antalas! nakakahiwa. still true, still dangerous. hehehehe.🙂

    pordat binasa ko rin ang mga links.

    curious lang din ako, open ba sa kilusan sa kritisismo at tunggalian sa loob ay maisapubliko, katulad ng ginawa ng akbayan na nilista na lang ang lahat ng naging kahinaan nito na nagbunsod sa setbacks noong 2007? kasi sa isang nabasa kong mga sulatin ni mao, openly binabatikos niya yung isang chapter ng party sa isang probinsya. parang hindi pa ako nakaka-encounter ng ganito sa mga sulatin sa kilusan.

  • FreeSince09  On July 13, 2009 at 1:55 pm

    Mga Kontras talaga pera lang ang hinahanap. hindi kayang mag-organisa at makilahok sa batayang masa. Pero hindi pa rin ako nakukumbinse na “tama” ang pananaw nang pambansang demokrasya,

    hmm… sige nga sagutin mo ang pagbagsak nang China at pag-babalik ng Vietnam sa kapitalismo.

  • Will  On July 13, 2009 at 7:00 pm

    Ikaw naman Free, masasagot mo yan basta hindi “static” ang pananaw mo sa lipunan. May mga nagtutunggaliang mga pwersa sa loob ng lipunan, kahit sa isang tumatahak sa landas ng sosyalismo. Ang paglitaw na mas malakas ang panig ng pagbalik sa kapitalismo sa Tsina at Vietnam ay bungga ng maraming salik: mahinang edukasyong masa sa mamamayan, pamamayani ng petty-b na kaisipan sa mga mataas na opisyal, etc.

    Man makes history, not the other way around, aniya ng Marx for Beginners. Ideal ang pagtingin natin sa proseso ng kasaysayan kung iniisip agad natin na dahil lang nabigo sa ilang mga ehemplo ay ibig sabihin walang katotohanan/batayan ang ideolohiya ng sosyalismo.

  • Leon  On July 14, 2009 at 3:07 am

    ^modern revisionism, much?

  • Clarity from the Left  On July 14, 2009 at 10:57 am

    […]I do not claim to have any intimate knowledge of these rifts among leftists in the Philippines. Given this caveat, let me explain the utility of asking questions such as those I have asked Kapirasong Kritika.[…]

  • Francis Acero  On July 14, 2009 at 11:15 am

    Ang lahat ng mga advocate ng isang partikular na teorya ay revisionist.

  • kapirasongkritika  On July 14, 2009 at 2:37 pm

    @ Guiller: Salamat! … Still hope of the hopeless! Hehe. Para sa mga hindi nakakaalam, naga-allude po si Guiller sa titulo ng parangal ni Raymond Lotta sa Communist Manifesto na may ganyang titulo, na minsang pinagsaluhan namin. Hehe.

    Ang dating sa akin, sa Kilusan, may mga bagay na isinusulat nang pormal at hinahayaang mabasa ng publiko, at mayroon din namang hindi isinasapubliko. Tingin ko, may wisyo ang ganoong pagdadala. May nagsabi rin sa aking ang minsan, sa seemingly neutral na statements ay may puna, so you have to read between the lines din. Hehe.

    Feeling ko nga, masyado lang honest si Rocamora — sa puntong nakakasira na sa Akbayan. Well, ganyan din naman ginawa niya sa Kaliwa dati, hindi ba? Ang ibuyangyang sa publiko ang mga usaping hinaharap sa loob nito.

    @ FreeSince09: Salamat sa pagbisita at pagkokomento! Mukhang ang tinutukoy mo ay ang “pagtahak sa kapitalistang landas” ng Tsina at Vietnam. Tama si Will, hindi naman mulat na desisyon ang mga bagay na ito ng mga mamamayan ng mga bansang iyan. May mga tunggaliang internal at eksternal na nagdulot ng ganyang tunguhin. Minsan, may isusulat ako tungkol dito. Hehe. Pakiabangan na lang. Shameless self-promotion! Hehe.

    @ Will: Salamat sa pagdalaw at pagkomento! Tama ang sinabi mo. Gusto ko ring idagdag ang eksternal na mga presyur sa mga bansang sosyalista — pananabotahe, embargo, impluwensyang maka-kapitalista, at iba pa — na nagdulot ng ganitong mga pagbabago. Syempre, ang mahalaga ay ang mga salik na internal sa bansa, ang mga binanggit mo. Dugtungan ko ang sinabi mo: “Man makes history…” pero hindi batay sa sarili niyang kapasyahan, kundi sa mga kalagayang nariyan at umiiral na. Sabi ni Marx iyan. Hehe.

    @ Leon: Mas klasikal na rebisyunismo, dahil umiral ang pagtunggali ni Lenin — at sa gayon ay ang mga kaisipang tinutunggali niya — bago ang pagtatagumpay ng rebolusyong sosyalista. Kapag moderno kasi, hindi ba, iyun ang isinapraktika nina Khruschov at Deng noong nasa estado poder na ang mga sosyalista.

    @ Caffeine Sparks: Salamat sa pagsagot. Babasahin ko ang isinulat mo at titingnan ko kung paano ako makakasagot. Baka dito na lang sa seksyong komento, baka rin naman sa isa pang entri. Pero natutuwa akong maayos ang pagsagot mo at kakikitaan ng kagustuhang makipagkaisa.

    @ Francis Acero: Atty.! Hehe. Salamat at napadaan at napakomento ka. Ano ang ibig mong sabihin? Ang tinutukoy ni Lenin na rebisyunismo ay ang sistematikong pagrebisa sa batayang mga prinsipyo ng Marxismo. So dapat sistematiko ang pagrebisa at batayan ang mga prinsipyong binabago, tapos ipinapakilala pa ring “sosyalismo.” Sa tingin ko, ganito ang sinasabi ni Rocamora.

  • jay  On July 15, 2009 at 3:06 am

    gusto ko lang ulit alamin kung ano ang rebisyunista sa hindi..isang nakakaconfuse kasi na salita ang rebisyunismo..isang magandang tingnan ang teorya ni fukuyama (think tank ng impe) upang makita kung paano ginamit ng impe ang pagusbong ng postmodernismo upang magamit nila ito sa pamamayagpag ng impe, gayundin ang mas elaborated na teorya ni eagleton sa illusions of postmodernism… subalit hindi ko makita kung ano ang tinutukoy na rebisyunismo mula sa mga ito…wala naman akong makitang masama sa akbayan maliban sa mga sablay na polisiya at hindi makapagorganisang ng baseng masa na ilang taon na nitong problema. sa tingin ko, kahit sa usapin ng mga post-modernong kaisipan ay sablay sila…madaming gma post-modernong ideya ang mahusay na maaring magamit..ang post-colonial na isang naging susi sa prinsipyo ni malcolm-x, gayun din ang na-i-ambag nito sa mga iba’t-ibang pampulitikang struggle sa iba’t-ibang bansa.
    so ano ulit ang rebisyunismo?ang pagamit ba ng postmodernong kaisipa na tulad kay foucault, williams, stuart hall, at iba pa ay maaring sabihing rebisyunismo?

  • kapirasongkritika  On July 16, 2009 at 9:39 pm

    Hey, Jay! Hehe. Nabanggit ko na sa itaas ang pakahulugan ng rebisyunismo — ang sistematikong pagbago sa batayang mga prinsipyo ng Marxismo at pagkatapos ay sasabihin mong ito ang Marxismo, o Marxismong pinaunlad para sa kasalukuyan. So I think ang weaknesses ng Akbayan, nakaugat sa hindi na nila pagtangan sa Marxismo.

    Totoo, may mga bahagi naman ng mga sulating tinatawag na postmodernista at post-kolonyal ay may pakinabang, lalo na halimbawa sa pagsusuri sa kultura at sa materyalidad nito. Pero syempre, dapat nasa lugar, nasa balangkas ng Marxismo at ng pagsisikap nitong baguhin ang mundo. “Ang Marxismo ay hindi dogma, kundi gabay sa pagbago ng mundo,” sabi nga ni Lenin.

    Tama ka, postmodernista nga kung ituring si Foucault. Nagpapakilalang sosyalista at Marxista si Williams, habang post-kolonyal naman si Stuart Hall. Malinaw ang mga tuligsa sa Marxismo ni Foucault, bagamat hindi naman siya nagpapakilalang Marxista, so walang panganib sa kanya ng rebisyunismo. Si Williams ang posible, pero magmumula dapat iyan sa pagbasa sa mga akda niya. Si Stuart Hall, medyo malabnaw na Marxismo na kung tutuusin, dahil nga sinagad ang impluwensya ni Althusser.

    Ang mahalaga sa pagbansag ng “rebisyunista,” dapat nakabatay sa kongkretong pagbasa sa mga teksto nila.

    So you can make the judgment. Sino sa kanila ang postmodernista? Hehe.

  • missphilippines  On July 17, 2009 at 4:13 pm

    basta ako magiging masama ako sa mga taga-Akbayan! tanga sila kagaya nina Jeffrey Crisostomo at Jay Bagcal. Pangit na nga, tanga pa sila. Tignan mo nga yung itsura nila, sa tingin mo ba magiging bahagi ba ng pamantayan ng burges ang kanilang mga mukha? kapal lang ng mga pangit na yan. tse!

  • Leon  On July 18, 2009 at 6:21 am

    @teo: tinutukoy ko po yung sa China at Vietnam ngayon. Hindi ba modrev ang dahilan kung bakit narestore ang kapitalismo sa mga bansang ito? Si Deng nga. Haha. Sorry hindi properly addressed ang komento ko, nakatuon yun kay freesince09.🙂

  • kapirasongkritika  On July 19, 2009 at 7:21 pm

    @ missphilippines: Ang evil mo! Hehe. I suppose itong sina Crisostomo at Bangcal ay mga taga-Akbayan sa school mo? I hope may kongkreto kayong pag-argue sa kanila, at hindi lang ninyo sinasabihang “tanga.” Hehe. Though, syempre…

    @ Leon: Ah, ganoon ba? Pasensya na. Hehe. Tama, modernong rebisyunismo nga. Sana nasisilip pa ito ni FreeSince09. Ingat!

  • Karlito  On July 20, 2009 at 1:16 pm

    “Totoo, may mga bahagi naman ng mga sulating tinatawag na postmodernista at post-kolonyal ay may pakinabang, lalo na halimbawa sa pagsusuri sa kultura at sa materyalidad nito. Pero syempre, dapat nasa lugar, nasa balangkas ng Marxismo at ng pagsisikap nitong baguhin ang mundo.” Kung ilulugar natin ang postmodernismo sa hapag ng marxismo eh hindi na po iyon postmodernismo.

    Yung tungkol sa akbayan, nag-aagree ako sa inyo sa punto ng kanilang pagkilos na sabi ay hindi o wala namang maayos na naoorganisang masa. Pero sa aking napapansin ay may kontribusyon din po naman ang akbayan para makatulong sa kamulatan ng masa. Baka nga ay may kanya kanya lamang na pamamaraan ang mga tao upang kilusan ang isang sistemang panupil sa karapatan ng mamamayan.

    Ako man din ay may mga puna sa akbayan bilang partido pero hindi ko kayang makuwestyon sa pangkalahatan ang kanilang mga motibo sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan. Gaya din ng aking pagrespeto sa ibang mga progresibong grupo gaya ninyo na matindi ang paniniwala kay marx at lenin (pwede pa ata isama si stalin at mao).

    Isa lang aking napapansin, ang mga simbahan at ang ilan sa kaliwa ay may pagkakahalintulad ata. Bakit hindi natin magawang tanggapin na may mga pagkakaiba talaga tayo sa pananaw at pamamaraan basta’t ang importante ay hindi natin makalimutan na pagbabago ng balangkas ng kasalukuyang lipunan ang ating hinahangad.

    Mukhang napapatunayan na tayo ay mga organismo pa rin na pilit mabuhay upang magpatuloy pang mabuhay. Ang pangingibaw ng isang ideya upang patuloy na mabuhay. Sangayon ako kung ito ay para sa kapakanan ng nakakarami sa ating daigdig (hindi lang ng tao o masa).

  • kapirasongkritika  On July 22, 2009 at 4:05 am

    Ang tinutukoy kong postmodernismong dapat ilugar sa Marxismo ay iyung mga sulatin ng mga postmodernismong maka-Kaliwa o may simpatya sa Kaliwa. Pwede iyun, matagal nang ginagawa ng maraming teorista. Gamitin halimbawa ang pagtingin ng mga postmodernistang feminista tungkol sa kultura para unawain ang kultura at baguhin ito.

    Iyan ang problema, kapag tayong dapat na nagsusuri ay hindi sumasangkot sa debate at sinasabi na lang na “may kanya-kanyang pamamaraan.” Maaari naman, pero ang problema sa Akbayan, lantad ang banat sa Kaliwa, hindi na naman palihim. Basahin ninyo ang artikulo niya. Kulang na lang ituro ang mga progresibo bilang mga tagasuporta ng NPA.

    Hindi naman motibo ang usapin. Pwede nga nating sabihing maganda ang motibo ni Marcos sa pagdedeklara ng batas militar sa bansa. Ang punto: ano ang pangkalahatang epekto ng aktwal nating pagkilos? Pabor ba sa sistema o kalaban nito?

    Katulad ng mga teorista ngayong nagsasabing kapaki-pakinabang para sa Marxismo na matuto sa relihiyon, wala akong problema sa paghahambing ng Marxismo sa relihiyon. Pero kung pag-iisipan mo na lang din ang mga punto rito, tumbukin mo na iyung aktwal na pinagdedebatehan. Ano ba, tama ba ang sinasabi ni Rocamora? Iyun ang usapin, hindi iyung para kayong relihyon, blah blah.

    Ano ibig mong sabihin? Hindi ba’t nakakarami ang tao at masa sa daigdig?

  • joma sison  On July 22, 2009 at 4:16 am

    tanga nga yung mga taga-akbayan!! dahil mga tanga lng ang tawag sa hindi sumAsapi sa isang bulok at makasariling kilusaN…

    ANG akbayan ang totoong partido na nagsusulong ng totoong demkrasya at hindi sentralisado na takot sa debate gaya ng mga Reaksyonista na nagkokonwaring rebolusyunaryo!

  • kapirasongkritika  On July 22, 2009 at 7:03 am

    Eh di lumitaw din ang pagkiling at pulitika mo. Hindi bulok at makasariling kilusan? Saan may pera? Sa mga NatDem o sa Akbayan? Saan mas madali ang pakikibaka? Haha!

    Takot sa debate? Nakipagdebate ka na ba sa blog na ito? Puro ka panggugulo. Reaksyunista? Ano’ng salita iyan? Haha.

  • missphilippines  On July 22, 2009 at 5:57 pm

    to that psuedo joma sison: don’t you think that by using his name as a mask and not clearly define your identity precisely indicates that in this debate akbayans are totally afraid to face the challenge of argumentations and debates on matters of waging a proper revolution and genuine democracy. It seems that your logic has totally collapsed the moment you bang at the wrong door by saying that we are self-absorbed revolutionaries and such because in the last forum of Akbayan in Ateneo, Rissa Hontiveros Baraquel has clearly declared that it is high-time for us to value the needs and rights of the landlord in the latest CARP bill.

    But anyway, why would I waste to a silly bugger like you? Perhaps, you have to be reminded that the revolution of the natdem has achieved its universality by creating its own governments in the countryside and the world has accepted its status of belligerency against the current state. At the end of the day, our revolution will take over and no one can stop us. Sad to say, the National Democrats will all have the slice of cake and eat it. Time for the akbayans to face their doomsday!

    And regarding to Jeff and Bangcal, no need to argue with them because they don’t argue at all. I just pity their lack of capital. They are oddly looking creatures and at the same time, they are stupid. wahahaha

  • Marius D. Carlos Jr.  On July 23, 2009 at 1:45 am

    @pseudo joma sison

    Umuwi ka na sa inyo, pate.

    Tapos mag-bigti ka, para sumaya ang mundo.

    Wag nakikihalo sa usapan ng mga matatanda; hindi abot ng kaisipan mo ang mga pinag-uusapan dito. Balik ka muna sa basic grammar, mukhang kailangan pa ng konting hasa.

  • Esme  On July 23, 2009 at 5:21 am

    @pseudo joma sison

    mahiya ka nga… gamit mo pa panagalan ni Joma…
    Kung wala kang magawa, akyat ka sa 6th floor ng main building ng PUP tapos, Talon ka pababa!

    Makassariling kilusan? Paano nangyari yun? Eh, alam mo ba na kasama sa prinsipyo ng mga natdem ang internasyunalismo? naku! anlakas ng loob mong sabihin na bulok ang kilusan, samantalang yung mga tulad mo ang binubulok ng sinasabi mong totoong partidong nagsusulong ng tunay na demokrasya!

    Nagkukunwaring Rebolusyunaryo? Tingin ka sa salamin, makikkita mo kung sino yung tinutukoy mong nagkukunwaring rebolusyunaryo.

  • kapirasongkritika  On July 25, 2009 at 6:14 pm

    @ missphilippines, Marius D. Carlos Jr., & Esme:

    Salamat sa mga komento at pagsaklolo ninyo. Akala ko, walang makakapansing may nanggugulo. Hehe.

    Tama iyun, nakapagpursige ang mga ND para makilala bilang pwersang pampulitika. Ang patuloy na paglakas nito sa kabila ng pasistang panunupil dito, ay isang patunay ng kawastuhan ng mga prinsipyong isinusulong nito.

    Totoo, napakababa nga ng antas ng upak niya.

    Lutang ang mga paratang, hindi nakatuntong sa mga datos sa aktwal na takbo ng mga kilusan.

  • missphilippines  On July 26, 2009 at 11:32 am

    @ Teo: As far as I can see, what he did cannot even be considered as any critical attack nor an attack. Let’s just say that psuedo joma sison is just another common reactionary which represents the moribund character of our current state. A decaying mind, a senseless organism.

  • kapirasongkritika  On July 28, 2009 at 7:02 pm

    Ano pa nga bang masasabi ko kundi ang sumang-ayon. Hehe. Sana man lang, argumento ang inihapag niya, ano? Magalang naman ako kahit noong tinutuligsa ko si Caffeine Sparks. O pinilit kong maging magalang — alang-alang sa kalinawan ng pinag-uusapan.

  • missphilippines  On July 29, 2009 at 1:56 am

    Sa tingin ko mas magalang ako kasi sinasabi ko ng buo na tanga sila at diba dapat ihapag mismo ang katotohanan at ipakita ang pinaka-binhi ng tunggalian! Lalo na, i-expose ang kabulukan ng kanilang idey! For that, mas harsh ako sayo so mas mabait at magalang ako! wahahaha! Charot! Sana may video lecture ka naman or podcast! Bilis i-try mo naman yun Teo.

  • kapirasongkritika  On July 29, 2009 at 4:34 pm

    Haha. Mas mabait at mas magalang ang prangka. Hehe. Makes sense. Parang iyung halimbawa ni Zizek na dahil mahal niya ang tao, pwede niyang tortyurin. Hehe. Sa lebel syempre ng inter-personal relations. Pero syempre, may mga nate-turn off kapag ganoon ka-confrontational ang pagtunggali.

    Maksimum na sigurong layunin ng ganitong pagtunggali ang mabago ang isipan ng mismong katunggali. Pero ang mas mahalaga pa rin ay makabig iyung hindi pa gaanong sarado ang isip sa mga posisyong inilalahad — bukod pa sa mismong mga kakampi na, na gusto rin naman nating pangaralan sa tradisyon ng preaching to the choir. Hehe.

    Video lecture o podcast? Masyado namang pa-celebrity iyun. Hehe. Pero mas mahalaga pa ang kawalan ng oras gawin ang ganoon. Hehe. Pero malay mo, baka sa hinaharap. Hehe.

  • joma sison  On July 31, 2009 at 1:50 pm

    wahahaha naghahanap ng kakampi ang mokong!..hehehe anyway malapit ng manalo? saang bansa?hehehe baka noong 1980!!!!hehehehe malapit na nga kayong manalo dahil ibininta ninyo yung ideolohiya ninyo sa mga trapo!!!! mga mapagkunwaring aktibista na hindi mapangatawanan ang ideolihiya!!! cge nga kung seryoso kayo bakit ba kayo nakipag-line up sa mga trapo? kasi maraming pera…mga walang kwenta!

  • missphilippines  On July 31, 2009 at 3:04 pm

    My god psuedo joma sison! it seems not just your brain is suffering from the intensification of capitalism, so is your filipino grammar and spelling. I cannot understand why reactionaries from Akbayan, Sanlakas and various contrasting political standpoints brave themselves by hilting the backs of the National Democrat through looking at the strong attraction of Bayan and other National Democratic organizations as the prime movers of various alliances in the country. Is it our fault that we are brilliant and we have the proper analysis why these various politicians, even they are at some point classified as traditional politicians, are enamoured, delighted, to participate in our alliances and not in your spacious, rejected, cursed political groups by the majority of the masses? If you cannot increase your membership for so many years, do not blame the national democrats for it. Blam your own stupidity.

    Let me answer why do we entertain these traditional politicians participating in our festive and teeming of membership alliances. We never allowed them to join because we would like to be exploited by them. We allow them to participate because this is the basic practice of democracy in this state of polis that we have. More so, the narrowest target in the middle of this fight is not simply the trapo but GMA herself. They might be giving monetary supports and other goods but what is vital in every alliances is that you gather the support of the people to provide the very finite ground to struggle for a proper way of advancing the struggle of the people, and for the very maximum, to let everyone appreciate and love National Democracy.

    How come then that National Democrats in the countryside and the national democratic revolution are about to win the war? Simple, AFP and DND are crazy enough to produce and draft various military campaigns that have been placed and practiced in various battlefields as impotent, irrelevant, or much so, illogical. All campaigns from the reactionary army are simply thwarted by the people’s protracted war waged in the countryside. And by taking over this whole country, I am sorry, you might be from Sanlakas, but the red governments are all over the nation and none of them would even consider yellow to be the colour of the day.

    To end this one, if you are simply bitter of the past, specifically the split, blame your own group for being the very seeds of such mistake. For more info, check the Philippine Revolution web central so you’ll be updated about our victories.

    Another psuedo Joma, another envious activist. Good night.

  • kapirasongkritika  On July 31, 2009 at 4:46 pm

    @ joma sison: Binura ko na iyung isa mong komento kasi nagmura ka na naman doon. Hindi ako naghahanap ng kakampi. May kakampi talaga ako hindi tulad mo. Nalalantad lang ang kabobohan ninyo sa mga sinasabi mo. Ano ba talaga, malapit nang manalo o hindi? Sabi mo, siguro noong 1980. Tapos, oo dahil nakipagtulungan sa mga trapo.

    @ missphilippines: Binibigyan mo naman masyado ng dangal itong mokong na ito. Tsaka shhh. Huwag kang maingay. May nagpapakita ng kahinaan ng kukote sa mga taktikang progresibo. Malamang, inggit dahil hindi man lang nilalapitan ng mga pulitiko. Hehe. Pakinggan na lang natin si Lenin:

    “The more powerful enemy can be vanquished only by exerting the utmost effort, and by making, without fail, the most thorough, careful, attentive and skilful use both of every, even the smallest, ‘rift’ among the enemies, every antagonism of interests among the bourgeoisie of the various countries and among the various groups or types of bourgeoisie within individual countries, as well as of every, even the smallest, opportunity of gaining mass ally, even though a temporary, vacillating, unstable, unreliable and conditional ally. He who has not understood this, has not understood even a particle of Marxism, or of scientific, modern socialism in general.” — Lenin

    Galing dito:

    http://www.marx2mao.com/Lenin/LWC20.html

  • joma sison  On August 1, 2009 at 10:19 am

    ang sabihin mo tinanggal mo dahil ayaw mong amining mga tanga kayo..ehehe

  • joma sison  On August 1, 2009 at 10:20 am

    missphilippines lumalabas din kabobohan mo

  • joma sison  On August 1, 2009 at 10:22 am

    you allow them kasi may pera and your frustrated in gaining power..palibhasa ang mga tao ay mulat at di nyo na pwedeng lokohin

  • missphilippines  On August 1, 2009 at 1:50 pm

    really psuedo Joma? how come? you cannot launch any critical analysis here. You simply rant just for the sake of opposing the brilliance of the national democrats. More so, we don’t totally need their money, they are just afraid of our magnitude that pushes themselves to share some donuts coming from their surplus. At the end of the day, we are all about preparation for the day where we will hammer down the enemy like you and crush to the bottom. More so, it is funny you use Joma Sison as your name. I wonder if you use Etha Rosales or Hontiveros, those names won’t ring a bell or more so, would not even matter. bye dear!🙂

  • kapirasongkritika  On August 2, 2009 at 1:08 am

    @ joma sison: Pinag-iisipan ko talaga kung papayagan pa kitang magkomento rito nang ganyan. Iyung spam nga, hindi ko pinapayagan, ikaw pa kaya. Kaya baka last mo na talagang labas ito. Salamat na lang at mas ginanahan akong banatan nang banatan ang mga maling prinsipyo at hakbangin ng grupo mo. Halata naman kung ano. Hehe.

    @ missphilippines: Ang agap mo na naman. Hehe. Mukhang rah-rah boy si joma sison ng Akbayan. Hehe. Mulat na daw ang mga tao kaya hindi na pwedeng lokohin. Oo nga eh. Kaya paliit nang paliit ang mga rali ng Akbayan. Kung anu-anong pakulo na lang sa midya ang ginagawa para mag-landing.

  • missphilippines  On August 2, 2009 at 9:42 am

    to add also to this boring rant from that leech, if he claims that we are totally irrelevant, how come he perpetually visits this site and try to rave against us in the most unsophisticated and cheapest way? Why would he bother every now and then to visit this blog and post a comment? Are we totally irrelevant in this practice? Don’t you think that the very statements laid on here are the same statements that betray his claim of our impotence and insignificance? Anyway, bakit is Kiko ang iyong avatar pic? Cookie monster pa rin ako chika!

  • Esme  On August 3, 2009 at 1:22 pm

    Hay naku…
    last comment na ba talaga yun ni fake papa joms?
    @missphilippines:
    ang agap mo namang magreply.
    Sayang nasagot mo na lahat bago pa ako nakapag i-net ulit.
    Ano pa bang idadagdag ko? wala na ata… sa sobrang inis mo kay fake Joma halos gusto mong isapak sa utak niya lahat ng pagpapaliwanag na dapat niyang intindihin. hahaha!
    @joma sison (kung makapag komento pa siya ulit):
    alam mo kung talagang mahusay ang linya nyo at mulat ang mga tao, maipapaliwanag mo kung bakit patuloy ang paglaki ng bilang ng mga manggagawa at magsasakang napagsasamantalahan. Subukan mo kayang ipaliwanag ng maayos yung panig mo? (kahit alam naming walang patutunguhan ang paliwanag mo) nang sa gayon hindi kasing igsi
    ng pasensya mo yung inilalagay mo sa bawat komento mo. Kung masama ang loob mo sa biyakang naganap… ABA! yung kampo nyo ang punahin mo ukol dun… kung tama ako, PAKSYONISTA ata ang tawag sa inyo?

    “you allow them kasi may pera and your frustrated in gaining power..palibhasa ang mga tao ay mulat at di nyo na pwedeng lokohin”

    Sinong nanloloko? hahaha nagsalita ang di manloloko!
    Mulat? Mukha mo kaya ang imulat ko nang hindi nagkokomento ng malabnaw? Para kang 1/3 na kutsaritang kape na inihalo sa isang litro ng
    tubig na malamig!

  • missphilippines  On August 3, 2009 at 2:15 pm

    honestly, hindi naman ako naiinis sa kanya. nagprapractice lang ako mag-english! chika! hahaha. bakit naman ako maiinis sa kagaya niya. for sure, this psuedo joma is another unfortunate looking organism who cannot squarely afford a decent moisturizer, a branded laptop or order a book from Amazon.com. Kung baga, siya yung ilan sa mga social climber na hindi maka-climb sa system kasi the system itself would never want someone like him. charot! wahahaha naawa ako sa kanya. tignan mo para nga magkaron siya ng reli dito gagamitin pa niya pangalan ni Joma. How I wish they will use the name of etha or baraquel? ehh ang mga natdem hindi nila gagamitin ang mga pangalan nila dahil their names speak of nothing, irrelevance or simply, state of inanity.

  • kapirasongkritika  On August 3, 2009 at 6:03 pm

    @ missphilippines: In fairness talaga, ang bilis ng sagot mo. Iyan nga rin ang tanong ko. Kung irrelevant na, bakit kailangan pang puntahan ang blog na ito at i-effort sagutin. Ang honest mo lang sa motives mo, ha. Hehe. Binaligtad mo pa siya: Bakit nga naman hindi ang mga katrabaho niya ang gamitin niyang pangalan? Hehe.

    @ Esme: Salamat rin sa komento. “Paksyunalista” yata ang tawag doon. Hehe. Pakipaliwanag naman ang metaphor mong kape. Parang enjoy. Hehe. Walang kwenta ba ang ibig sabihin noon? Hehe.

    Anyway, para sa inyong dalawa, sumingit na naman siya kanina at direkta ko nang binura, kahit hindi ko pa nababasa. Hehe. Pero sana mapagmatyag pa rin kayo. Salamat! Ingatz.

  • Will  On August 4, 2009 at 4:40 am

    Ambilis sumagot ni Miss Philippines, at na-cover pa lahat.

    Gusto ko lang idagdag ang isang ehemplo (mula sa idolo kuno ng mga paksyonalista, si Lenin!). Ang lumalabas sa kritisismo nung huwad na joma sison, mali ang ginagawa ngayon ng mga pambansa-demokratikong pwersa sa mga iilang trapo. Kung gayon, ibig sabihin ba nun mali yung ginawa nila Lenin at ng mga Bolsheviks na pumaloob sa Duma noong panahon pagkatapos ng pagpapatalsik sa Tsar at bago ang October Revolution?

    Atsaka, sino ba yung himod-pwet kay Mar Roxas ngayon? Hindi ba ang Akbayan-Sanlakas gang pa rin?

  • culturalcritic  On August 4, 2009 at 1:59 pm

    @missphilippines ma’am kayo ba yan? ikaw ba yung teacher ko sa socio10 dati?

  • missphilippines  On August 4, 2009 at 5:21 pm

    hayaan mo pa rin para mag-enjoy tayo sa blog mo. kailangan din natin ang katangahan niya para marealize pa natin na matatalino tayo. wala pa naman tayo sa tagumpay anez! wahahaha

  • kapirasongkritika  On August 5, 2009 at 6:51 am

    @ Will: Wala naman talagang masama kung ang mga progresibo ay makipagkaisa sa mga pulitiko sa mga batayang prinsipyado, at hindi pera-pera lang. Maliban na lang kung ang isinusulong natin ay moralismong walang alam sa mga kailangan ng pulitika para magtagumpay.

    @ culturalcritic: Sige, hingiin natin kay missphilippines na magpaliwanag. Pero hinala ko, mas impluwensyado siya ng tinutukoy mo. Hehe.

    @ missphilippines: Hayaan? Ayaw ko, kasi sayang ang panahon kung panggagago lang ang ilalabas dito. Sayang ang espasyo, parang nagmumukha pang may sinasabi. Dapat argumento talaga. Hehe. Sagutin mo ang tanong ni culturalcritic.

  • skalover  On August 6, 2009 at 1:47 pm

    parang kilala ko si missphilippines…naging teacher ko ata sa socio😄

  • esme  On August 20, 2009 at 8:48 am

    @KK: yung dun sa metaphor ng kape…
    hehehe
    diba, kapag hinalo mo yung 1/3 na kutsaritang kape sa isang litro ng tubig, may makikita ka paring kulay ng kape… may kulay at may onting lasa… pero hindi tama ang timpla at malabnaw….
    Sa pakikipag-debate ng mga NatDem sa mga taga SocDem sa school, makikita mong may punto naman sila kahit onte… malabnaw nga lang. Yung Stages of Society ni Marx, tinatawag nilang araling aktibista(ARAK)…. oo nga isa yung sa mga inaaral ng aktibista pero…. hindi naman yun, yun eh…
    Ang mga mangingisda at guro, tinawag nilang manggagawa, kesyo ang gamit daw nila ay lakas paggawa… haaayy…. ayun… hehe
    Nagagalingan ako sa’yo sumulat… Natutuwa ako. =)

  • kapirasongkritika  On August 20, 2009 at 4:11 pm

    Salamat sa paliwanag! At sa impormasyon tungkol sa mga soc-dem. Kritikal nga rin naman sila sa lipunan, pero kadalasang ayaw nila sa paggamit ng dahas para sa pagbabagong panlipunan. At marami pang ibang kaibahan. Problematiko nga ang pagtawag na “manggagawa” ang mga nabanggit mo.

    Salamat at nagagalingan ka. Hindi naman ako masyadong nagtutuon ng pansin sa estilo, basta isinusulat ko ang gusto kong sabihin at minsan sa paraang gusto ko. Hehe. Mas magaling ako talagang kumanta. Hehe.

  • esme  On August 21, 2009 at 8:17 am

    hahaha! ganun ba? bakit hindi mo subukang ilagay ang pagkanta mo dito? onetime lang… =)
    Para naman maniwala ako.. hi hi hi

    Umm… ganun din naman ako. Kung anu lang yung gusto kong sabihin yun yung sinusulat ko. Siguro magaling ka lang magpaliwanag. ^_^

  • kapirasongkritika  On August 21, 2009 at 6:20 pm

    Naku, baka sabihin ng iba, ano ba naman ang mga maka-Kaliwa. Hehe. Salamat! Sana maintindihan tayo ng mas marami. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: