Drawing A Blank
Parang nabura ang utak, nakikipagkoro si Rigoberto Tiglao kay dating Sen. Jovito R. Salonga sa pagsisi sa Kaliwa sa pagbomba sa Plaza Miranda noong 1971. Mas masahol kay Salonga, sinasabi ni Tiglao na pwede na sanang bumaba sa kapangyarihan si Ferdinand Marcos noong 1976, kung hindi lang ito natakot na magantihan dahil sa nasabing pagbomba. Ang Kaliwa kasi! Nasaan ang ebidensya?

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • FreeSince09  On September 4, 2009 at 7:57 am

    Hello Amnesia! Enrile nasaan ang fake mong ambush!

  • kapirasongkritika  On September 5, 2009 at 2:37 am

    Tinangay na daw ng hangin… ang masamang panaginip. Hehe.

  • bstok7virac  On September 5, 2009 at 10:28 am

    Sino ba ang utak ng pagbomba sa Plaza Miranda noong 1971? Sabi daw si joma ang iba si macoy? Sino kaya??? 1983 kasi ako ipinanganak.hehe

    Try kong basahin ang blog mo teo. Medjo bc pa kasi.

  • kapirasongkritika  On September 6, 2009 at 3:34 am

    Salamat sa pagdalaw at pagbasa, kahit panimula pa lang. Hehe.

    Tama naman ang isang punto ni Tiglao: Talagang isinisi ng halos lahat ang pagbomba kay Marcos. Nitong huli lang nagkaroon ng mga gustong rebisahin ang ganitong pagtingin.

    Kung pakinabang at pakinabang, mas si Marcos ang nakinabang sa naganap. Ibang bagay pa na lumakas ang NPA noong panahon ni Marcos.

  • bstok7virac  On September 6, 2009 at 5:32 am

    Kelangan ba nating malaman kung sino ang utak ng pambobomba ng miranda? (hehe ako pala ang nagtanong sa taas ano).
    Pero siguro di na natin kelangan pang malaman kung sino ang utak kasi magriresulta lang ito ng hugas kamay at turuturuan.

    Alam mo kapirasongkritika bicolano ako at lumalakas ang NPA sa amin ang sabi pangalawa sa mindanao at gusto kung sabihin na “AYAW KO SA NPA!” Ano ba ang trabaho ng NPA? Kolektor ni ka Joma pero parang magandang pakinggan na kolektor lang sila kesa mamamatay tao. Madami na pong napapatay ang NPA sa amin. PO1 PO2 at PO3 sa tingin mo sila ang kalaban ng NPA?

    Natutuwa ako na Filipino ang usapan natin dito hindi tumitingin sa kung anung pangkat kabilang bicol o visaya o tagalog naglalarawan lamang na tayo ay isang lahi, na tayo ay isang pilipino. Napakasarap isipin na nagkakaisa tayo sa iisang lengwahe. Pero kelan kaya tayo magkakaisi sa iisang tyeorya sa pag-unlad. Capitalismo o Sosyalismo? Demokratiko o Komunismo? Kelangan ba tayong magpatayan para maghari ang matira at matibay?

  • bstok7virac  On September 6, 2009 at 5:47 am

    ps

    Alam mo ba kung bakit nanananlo ang bayan muna at si ka satur at mananalo at magiging sinador? At alam mo rin ba kung bakit wala ng karisma si ka joma dahil sa NPA. Si ka satur parlamentaryong pakikibali samantalang si ka joma magarmas at mamundok.

    Sa palagay ko kung kelangan natin ng pagbabago pumunta tayo sa kongreso at munisipyo wag sa bundok at manakot. Sana magising si ka joma at malaman na hindi sa bundok ang labanan kundi dito sa batag na lugar.

    Alam mo ba na kelangan namin ng isang lider na maykakayahang kami pamunoon hindi namin kelangan ng patayan.

  • kapirasongkritika  On September 7, 2009 at 1:07 pm

    @ bstok7virac: Marami ka nang komento sa blog na ito. Hehe. Dito ko na lang sasagutin ang mga punto mo. Natutuwa na rin ako kahit paano na nababasa mo ang blog na ito dahil marami ka ngang tanong. At paniniwalang hindi tama. Hindi mo man gustuhin, at bagamat nagtatanung-tanong ka pa, nauulit mo na ang mga konserbatibong pagtingin sa lipunan.

    Kalayaan ang kapitalismo? Nasaan ang kalayaan sa kasalukuyan? Hindi malaya ang nakakarami, at ang kalayaang nagagawa ng marami ngayon ay napakakitid — paborito mong telenobela, damit. Iyun na ba ang kalayaan?

    Walang sosyalista sa ginagawa ni Obama. Natatangay ka na ng propaganda ng mga maka-Kanan sa US! Hehe. Hindi porke nakialam ang gobyerno sa korporasyon ay sosyalista na.

    Mahirap na ibatay sa uso ang tama. Noong nagapi ng mga Espanyol ang mga kababayan nating nag-alsa, at nakabatay tayo sa uso sa pagtingin, ipagdiriwang na ba natin ang pagkagapi sa mga ninuno natin? Hindi ito usapin ng pagpapatunay sa kung ano, usapin ito ng kahirapan at pagsasamantalang dinaranas ng mga kababayan natin.

    Gusto ba ng mga mamamayan ang kasalukuyang sistema? Saan mo naman napulot iyan? Sukang-suka at sawang-sawa na ang mga tao sa sistemang ito. Alam nilang hindi ito para sa kanila. Hindi totoong pinili ng mga tao ng lipunang ito. Mainam kung magbasa ka ng mga libro ng kasaysayan para makita mo kung paano tayo humantong sa kasalukuyang sistema.

    Oo nga. Bicolano ka nga. Bakit hindi mo tanungin ang mga kababayan mo kung bakit sila sumusuporta sa NPA. Malakas ang NPA diyan, hindi ba? Hindi sila magiging malakas kung puro pananakot at pangongotong ang ginagawa nila. Ang dali-dali nilang ituro sa militar. Pero sa pagkakaalam ko, itinatago talaga ng mga kababayan mo diyan ang NPA. Bakit kaya?

    Dapat suriin mo nang mas malalim ang nagaganap na karahasan. Walang taong ipinanganak na gusto ang karahasan. Wala rin namang talagang gustung-gusto lang ng dahas. Pero bakit nila ginagawa ito? Magsimula ka sa pagbibigay sa kanila ng benefit of the doubt, at posibleng maunawaan mo ang mga ginagawa nila.

    Andami-dami nang pumunta sa kongreso at munisipyo pero ano na ang nagawa nila? Natutuwa ka ba sa lagay ng bansa natin? Na karamihan ay hirap at pinagsasamantalahan? Ilang daang taon nang problema iyan — na lahat ng tao sa Kongreso at munisipyo pumupunta. Hindi nila nababago ng mga ito. Sila ang nababago.

  • bstok7virac  On September 7, 2009 at 1:43 pm

    Sa pagkakaalam ko kapirasongkritika kung bakit tayo nasa kahirapan ngayon ay dahil sa madumi ang ating politika, vote buying na kinukonsente rin nating mamamayan.

  • pilibustero  On September 11, 2009 at 9:31 am

    bstok7virac Says:

    Maari kang sumangguni dito, ang tugon ni Propesor Sison laban sa alegasyon sa Plaza Miranda Bombing. Nawa’y malinawan ka kahit papano: http://www.bulatlat.com/archive1/020ds_jms_plaza_miranda.htm

  • kapirasongkritika  On September 13, 2009 at 3:49 am

    Salamat sa impormasyon, Pilibustero! Sana makapag-blog ka ulit. Hehe.

  • missphilippines  On September 13, 2009 at 11:08 am

    para kay bstok7virac: mungkahi ko na basahin mo ulit yung comment ko. magtanong sa sarili kung bakit may classes, class struggle at nagiging lunan ng revolution ang mismo pananamantala ng mga naghaharing uri. Magandang sanggunian rin ang Philippine Social Realities, Mga bagong libro ni Joma Sison, mga aklat at sulatin ng IBON. Magbasa ka ng mga akda nila upang maunawaan ng mabuti ang mga bagay bagay.

    para kay Teo:

    gawa ka nga ng separate page para sa mga staple na babasahin para sa mga tao or parang virtual library pero maintindihan din nila ng buo ang mga bagay bagay

    Salamat

  • kapirasongkritika  On September 13, 2009 at 5:53 pm

    @ missphilippines: You mean Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero? Hehe.

    Naku, malaking trabaho iyan, ah. Hanga nga ako sa mga blogger na may ganyan, iyung tantyado nilang signipikante ang isang dokumento kaya laging naka-link sa gilid ng blog nila.

    Pero effort talaga iyun. Baka sa pana-panahong usaping sumusulpot na lang natin gawin. Tulong ka, ha. Salamat!

    @ Pilibustero: Pahabol — iyan palang ipinakita mo mismo ang artikulong lumabas sa Midweek noon kung saan ipinagtatanggol ni Prop. Sison ang sarili laban sa mga akusasyon kaugnay ng pagbomba sa Plaza Miranda. Salamat ulit!

  • missphilippines  On September 14, 2009 at 6:44 am

    haha oo nga pala, minsan kasi yan ang gamit na name para attractive chika! gusto ko man tumulong pero di ko alam yang mga link at paglalagay ng mga code like html at ano pa. same as the backward technology of this mkmp na society, ganon din ang computer knowledge ko. hahaha pero sige, sa kahit anong paraan, gagawan ng paraan. salamat din

  • kapirasongkritika  On September 15, 2009 at 10:36 am

    Ipasok-pasok mo na lang sa mga komento mo — na ginagawa mo na rin.

    After all, may nakasalubong ako kagabi, ang sabi niya, bukod sa gusto niya ang mga entri rito, tagahanga raw siya ng isang “missphilippines.” Hehe. Dumadami ang pang-akit ng blog na ito! Hehe.

  • FreeSince09  On September 15, 2009 at 3:09 pm

    Sorry, now ko pa to sinusulat pero sabihin mo nga kay Jester, RiaJose et al na walang hitlist laban sa sumusulat laban sa NPA

  • kapirasongkritika  On September 17, 2009 at 9:34 am

    Sino ba sila? Kilala kaya sila ng NPA? Bakit may ganoon silang mga delusyon? At bakit naman sila galit na galit sa NPA?

  • FreeSince09  On September 18, 2009 at 8:40 am

    SI Jester, nag-sasabi naman ng di totoo. Ang sabi niya sa akin meron dawng hitlist. Pruweba daw dito anf papatay kay Lagman. Sila Ria Jose, davao blogger at mga kaPlurk niya

  • kapirasongkritika  On September 18, 2009 at 6:02 pm

    Iba naman si Lagman sa mga blogger, lalo na iyung pakiwari eh impluwensyal sila. Hehe.

  • collin  On February 20, 2010 at 11:52 pm

    Hello,
    Sorry I don’t speak/write Tagolog (I think that’s what language this is, but maybe I’m wrong). I see a little bit of English so hopefully some of you understand this. I actually got to this blog via an image search for Beatriz Milhazes, but the image at the top of this post is really striking. Can anybody tell me who painted it or its title?
    Thank you kindly.

  • kapirasongkritika  On February 21, 2010 at 3:00 pm

    Hi Collin! I don’t know who painted this or what its title is. I just lifted it from http://www.bookforum.com when I made this post. Maybe you can check the archives of that website? Thanks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: