BushGlobalWarming

Syempre, bihira na ang naniniwala sa kanya ngayon. Tinanggihan ng rehimen ni George W. Bush ng US ang pagkilala sa Kyoto Protocol na hinggil sa pagbawas sa ibinubugang greenhouse gases ng mga bansang abanteng kapitalista. Isang makabuluhang panawagan ito ngayon, sa gitna ng mga kapinsalaan na katulad ng bagyong Ondoy na tumama sa bansa.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • kapirasongkritika  On October 3, 2009 at 12:20 pm

    Salamat sa link! Grabe rin, ano? Alam ng mga Republican ang halaga ng “framing” sa mga tunggaliang katulad nito. Health care reform bilang kudeta, death panels laban sa pagpapa-ospital ng mga Kano.

    Naisip ko lang, interesante rin itong tunggalian sa US. Hindi syempre sa puntong may radikal na pagbabagong iluluwal, kundi sa posibleng kumpigurasyon ng mga pwersa.

    All-out ang upak ngayon kay Obama ng Republicans. Nabalitaan ba ninyo iyung survey sa Facebook kung dapat siyang patayin? Pakana kaya ito ng mga kaaway niya o ni Obama mismo para ipagtanggol siya ng Kaliwa?

    Kakayanin kaya ng Republicans ang iluluwal ng mga radikal nilang hakbangin? Abangan… Hehe.

  • diwa81  On October 6, 2009 at 9:51 am

    nabasa mo na ba ang sinulat ni rey o light tungkol kay obama. sa ngayon, iyon ang pinakamalaman na kritika sa administrasyong obama na nabasa ko.

    kamusta pala. dito kami ngayon.

  • kapirasongkritika  On October 7, 2009 at 12:34 am

    Diwa81! Nabuhay ka! Hehe.

    Ang nabasa kong isinulat ni Ray O. Light tungkol kay Obama ay noong tumatakbo pa lang ang huli. May bago na ba? Pabasa?

    Ang natatandaan ko sa nabasa ko, tinukoy doon na pinaka-progresibo sa Hollywood ngayon ang artistang si Danny Glover. Bakit kaya? Hehe.

    Mabuti naman! Kita tayo! Manlilibre ka ba dahil mukhang patok ang negosyo mo? Hehe.

    • diwa81  On October 8, 2009 at 1:05 am

      meron nang bago. nakalimutan ko lang title. nahiram ko lang minsan sa kaibigan. isinalarawan niya doon ang halos pagpapatuloy lang ng mga patakaran ni Bush, lalo na ang mga taong kinuha niya sa gabinete niya.

      anong patok negosyo, binaha nga kami e. kailan tayo kita? ipaabot mo na lang, baka sa linggo pa kami pwede, hanggang next week.

  • kapirasongkritika  On October 8, 2009 at 11:58 pm

    Sige, sige. Kita tayo! Pahiram ng babasahin! Maganda makita kung gaano ka-kongkreto ang continuity ng mga patakaran ng dalawang rehimen.

    Si Obama kasi, parang laging may tingin sa gilid, sa Kaliwa, sabay kumikindat. Para bang sinasabing kakampi ko kayo, pero kailangan kong gawin ito. To the rescue naman ang maraming Kaliwete sa US. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: