Thank You for the Pop Music

Matagal na akong walang entri tungkol sa kulturang popular. Isa na naman ba itong palatandaan ng pagtanda? Bihira na akong manood ng telebisyon, maliban sa balita, at radyo na lang ang napagdidiskitahan ko. Kaya noong nakita ko ang isang survey na sinagutan ni Prop. Sarah Raymundo – na pinagkakaitan pa rin ng tenure ngayon! – naisip kong sagutin. Maganda ang mga tanong, masarap pag-isipan.

Kapag sinasabing mahilig ang mga Pinoy sa musika, kahit tutol ako sa mga esensyalismo at istiryutipo, madali kong maintindihan. Lumaki ako sa angkang mahilig sa musika, musikang pop sa partikular.

Naabutan ko pang gumagana ang turntable ng mga tito ko, at ayos pa ang katakut-takot na plakang binili nila. Sentral na gamit sa bahay ang radyo, na lagi naming pinag-aawayan noon ng mga kapatid ko. Noong bata ako, pag-uwi ko galing eskwela, lagi kong maabutan ang tatay kong nanonood ng palabas sa tanghali na nagpapakita lang ng mga music video. At napakahalagang bahagi ng paglaki ko ang panonood ng MTV, simula noong makuha namin ito sa telebisyon noong 1992.

Joseph Stalin Elvis Presley

Sa angkan namin, kailangan alam mo kung ano ang lyrics ng kanta at, madalas, pati kung sino ang kumanta. Noong una kong napanood ang video ng “We are the World” tuwang-tuwa ang tatay ko sa pagpapangalan sa mga kumanta. Tinatandaan ng mga kamag-anak ang maling lyrics, at paulit-ulit na pinagtatawanan – kahit pa bata ang kumanta: “Siguyas, kanatis” ang ambag ko, mula sa “Bahay Kubo” habang “mamang surgitiro” ang isa pang paborito, na ambag ng pinsan ko.

Ang bawat tito at ang nag-iisang tita ko, makikilala mo batay sa paborito nila. Ang tita kong naging singer sa Japan, Kuh Ledesma. Ang tito kong OFW sa Saudi Arabia, sina Nonoy Zuniga at Rey Valera – na parehong may kantang “Kumusta Ka?” Ang tito kong aktibo noon sa choir at lumipad sa US, Basil Valdez at James Ingram. At ang tatay ko, sari-sari, pero Beatlemaniac siya at paborito niya si Lionel Richie. Todo-emosyon siya lagi sa pagkanta: “Hello. Is it me you’re looking for?”

Ang tatay ko, napakahilig kumanta. Kahit ano ang gawin niya sa bahay, laging bukas ang radyo – na sa isang punto ay pinakabitan niya ng speaker sa bawat kanto ng sala namin. Kapag intro pa lang, gawain na niyang kantahin ang unang linya. Minsan, kapag bago ang kanta, haharap pa iyan sa akin pagkatapos, magyayabang: “Bakit alam ko ang kantang iyan, ha? Bakit?” Pero hindi na masyado ngayon, at hindi ko pa naman narinig na kinanta niya ang “Closer” ni Ne-yo, halimbawa.

Pakiramdam ko lang, may mga taong gumagamit sa musika sa isang porma ng elitismo. Para bang sinasabihan kang “Puro musikang pop ang alam mo, hindi mo alam ito.” Ngayon, naiisip ko, siguro may mga ganyan, pero talaga rin namang napapayagan na ng teknolohiya ang mga tao na magkaroon at magpaunlad ng partikular kung hindi man eksentrikong panlasa sa musika. Pero syempre, hindi elitismo ang bagsak kapag nagyabang ang isang kabataan mula sa komunidad ng maralitang lungsod na Pinoy hardcore rap ang gusto niya. Magandang paglalarawan ang mga istasyon sa radyo ngayon. Sa gitna ng dagat ng mga “Kailangan pa ba’ng i-memorize ’yan?” mayroong mga istasyong partikular na musika lang ang tinutugtog – Crossover, rock, o R&B lang. May mga i-pod at kung anu-ano pa ang iba.

Mao Zedong Kiss

Sabihin pa, hindi ako naniniwalang ang relasyon ng musikang pop sa progresibong pulitika ay simpleng antagonismo. Tiwala akong nagkakaroon ng talab sa musikang pop ang ligalig ng lipunan. Pero pakiramdam ko, sa paglakas ng progresibong kilusan, at sa mga panahong malakas ito, nahahawi sa sekundarya ang musikang pop kumpara sa musikang mas kumakatawan sa pulso ng panahon – hindi bilang resulta ng ganitong kagustuhan, kundi ng paglanap at pagpatok ng ibang klase ng musika.

Heto na ang survey:

Sinong artista ang gusto mong maging singer?
Alessandra de Rossi. Parang may pang-singer siyang dating, pero hindi boses. Hehe.

Sinong singer ang gusto mo nang bawalang kumanta?
Toni Gonzaga. Hanggang hindi niya nailuluwa ang bola ng Rexona na nasa lalamunan niya.

Kung magiging singer na negro o negra ka, sino ka?
Maurice White, lead singer ng Earth, Wind and Fire. O James Ingram, syempre. Ang tindi!

Eh kung puti?
Ang hirap naman. Michael Jackson? Hehe. Hindi ko gusto ang mga kanta, pero magaling ang boses: Michael Bolton. Eddie Vedder ng Pearl Jam.

Rollingstone Pearl Jam

Katang gusto mong kantahin sa Grammy’s?
Naks, parang malapit na at may choice ako. Hehe. Overjoyed ni Stevie Wonder. One Hundred Ways ni James Ingram. O Spend the Night ng Earth, Wind and Fire.

Paboritong mainstream na socially-relevant song?
What’s Going On ni Marvin Gaye, kahit parang bukas pa sa rekonsilyasyon ng mga uri. Hehe. In the Name of Love ng U2, para kay Martin Luther King, Jr – na naging radikal pala sa dulong bahagi ng buhay niya.

Sinong singer ang gusto mong maka-duet?
Si Alicia Keys. Tingin ko, karapat-dapat siya. Hehe. Tsaka progresibo raw.

Aling kanta ang tunay na naiintindihan lang ng mga tunay na nagmahal?
Ayan na, pinaka-cheezy na. Without You ni Charlie Wilson. The Day You Went Away ni Wendy Matthews (hindi ng M2M!). What Might Have Been ni Lou Pardini. Just Take my Heart ng Mr. Big. Sa OPM, kahit isinagot na ng iba diyan, totoo iyun: Sa Kanya ni Ogie Alcasid.

Kaninong kumbinasyon ng mga boses ang gusto mong maging sayo?
Paano ba kung kay Aretha Franklin at Ray Charles? Pamatay!

Rollingstone Whitney Houston

Kung magigising ka nang maaga, anong kanta ang gusto mong marinig?
Dapat magaang. Lady Wants to Know ni Michael Franks. Para sa Akin at Hey, Look at the Sun ni Sitti. Friends ni Mike Francis.

Paboritong kanta sa pinakanakakaantok na oras ng hapon?
Kumusta Ka ni Nonoy Zuniga. Can We Just Stop and Talk Awhile ni Jose Mari Chan. Say That You Love Me ni Basil Valdez. Paalala ng mga lumang pelikula na parang laging mataas ang sikat ng araw.

Kantang pinakanagpapaalala ng first year college mo?
Marami. Maganda: One Sweet Day ni Mariah Carey at Boyz II Men. Pangit: You Oughtta Know ni Alanis Morisette. May syentipikong pag-aaral na nagsasabing nakakasama sa mga gold fish ang mga kanta ni Alanis, natatanggalan sila ng kaliskis. Tingin ko, masama rin sa tao.

Kantang pinakanagpapaalala ng high school?
Syet. Found Out About You ng Gin Blossoms. All I Want ng Toad the Wet Sprocket. Goodnight Girl ng Wet Wet Wet. Plush ng Stone Temple Pilots. STP! Pinakamagagandang kanta kapag nasa hayskul ka. I Will Always Love You ni Whitney Houston din.

Pinakamagandang kantang panromansa?
Sumthin’ Sumthin’ ni Maxwell. Twisted ni Keith Sweat. I’d Die Without You ng PM Dawn.

Paboritong kanta kapag nalalasing?
Ito siguro ang kanta noong una akong naglasing: Soon ng Moonpools and Caterpillars.

Rollingstone REM
Kantang siguradong magpapasayaw sa ‘yo
Marami. Pero ngayon, Disturbia ni Rihanna. Dying Inside ni Timmy Thomas – pumasok lang sa isip ko. Hehe. Narinig ko lang sa radyo na gusto ko pala: Just Another Dream ni Cathy Dennis. Back-up vocals niyan si Rick Astley.

Paboritong kanta sa mahahabang byahe sa bus?
Sa bus? Air Supply ang lagi nilang pinapatugtog eh. Naks! Parang napipilitan pa kunwari. Hehe. Pwede ring Guns N’ Roses.

Paboritong kanta sa namatay?
Staying Alive ng Bee Gees. Biruan dati ng mga kaibigan. Hehe. Isa pang pwede sa biruan ang Lift Up Your Hands ni Basil Valdez. Hehe.

Ano sana ang gusto mong patugtugin sa libing mo?
Hindi ko pa iniisip eh. Hehe. A Song for You, bersyon ni Ray Charles. Sana may kumanta ng One Sweet Day. Hehe.

Ano ang huwag na huwag patutugtugin sa libing mo?
Hindi Kita Malilimutan ni Basil Valdez. Napaka-ordinaryo.

Ano ang kanta mo sa first love mo?
Hmmm. Smile Again ng Manhattan Transfer. Closest Thing to Heaven ni Carl Anderson. Drowning in Your Eyes ni Ephraim Lewis.

Paboritong kanta ni Madonna?
Crazy for You, syempre. Pero sa tingin ko, pinakamaganda ang boses niya sa Papa Don’t Preach. Na maganda rin dahil kakaiba ang kwento. Ang tatay na konserbatibo ang palakad sa bahay ang may gusto ng aborsyon at ang anak na maagang nabuntis ang ayaw.

Kapag nasa putikan ka ng kalungkutan, ano ang paboritong kanta mo?
Hey Laura ni Christopher Cross. May kaibigan kasi akong naaalala na talagang nagpapalungkot sa akin. “Taken away so young / taken away / without a warning…” Stay (Far Away, So Close) ng U2. Ang lungkot.

Kantang gusto mong ipa-revive at kanino?
Any Other Fool ni Patti Austin at Sadao Watanabe. Kay Bituin Escalante o kay Jinky Vidal ng Freestyle, kahit pa mas gusto ko noong miyembro pa nila si Top Suzara – na magaling ding singer. Hehe.

Rollingstone U2

Paborito mong kanta na ikinahihiya mo?
Wala naman masyado. Iyung Angelina na kantang Pranses. Ginawa kasing bastos ang lyrics, pero brings back memories. Tsaka Here I Am ng Air Supply. Kasi pinagtatawanan ang may paborito sa Air Supply. Good Enough ni Bobby Brown. In These Arms ng Bon Jovi. Lahat sa parehong dahilan na nakakahiya ang mga kanta ng Air Supply.

Ano ang feeling mo na pinaka-under-appreciated na kanta?
Redemption Song ni Bob Marley. Hehe. Ang ganda ng titik. Gusto ko lang ding i-appreciate ang Pakisabi na lang at Muntik na Kitang Minahal ng The Company para sa paggamit ng mga ekspresyong Pinoy na Pinoy.

Pinaka-under-appreciated na singer?
Gladys Knight, with or without the Pips. Kung sa Pilipinas, si Ric Segreto. Appreciated naman sila, pero we can never appreciate them enough. Hehe.

Ano sa tingin mo ang paboritong kanta ng mga kapitbahay mo?
Batay sa mga ibinubulyaw nila sa videoke gabi-gabi? Bed of Roses ng Bon Jovi. Tsaka iyung lintek na Lonely is a Man Without Love (Ev’ry day I wake up! / Then I start to break up!) ni Engelbert Humperdinck. Bwisit na kanta.

Ano ang paboritong kanta mo na sa tingin mo paboritong kantahin ng ng mga babaeng malaki ang boses?
Bridges ni Kevyn Lettau. Sweet Love ni Anita Baker.

Paboritong kanta na may kinalaman sa ulan?
Blame it on the Rain ng Milli Vanilli. Come on in out of the Rain ni Wendy Moten.

Paboritong kantang pampasko?
The Gift ni Jim Brickman, kahit pa inaakusahan siyang plagiarist ng isang Nelson del Castillo. My Grown-up Christmas List ni Amy Grant. Parang pampasko rin ang Healing ni Deniece Williams. Pag-ibig na walang hangganan at kondisyon – ang sarap ng ilusyong ito, hindi ba?

Paboritong kanta na hindi mo naintindihan ang lyrics (bago mo i-Google)
Hindi ko talaga naiintindihan ang Brick ng Ben Folds Five. May tsismis pang tungkol sa aborsyon, kaya nakakagulo ang mystique ng kanta. Hehe. Drive ng REM.

15 Nobyembre 2009

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • krguda  On November 15, 2009 at 6:57 pm

    Baka nga may masamang nagawa sa aking ang mga kanta ni Alanis Morrissette. Noong araw na nagkonsiyerto siya rito, may rali din kontra sa GATT-WTO. Hindi ako sumama sa rali para manoond ng konsiyerto. Yikes.

  • uyayi  On November 16, 2009 at 4:40 am

    “Ayan na, pinaka-cheezy na. Without You ni Charlie Wilson. The Day You Went Away ni Wendy Matthews (hindi ng M2M!). What Might Have Been ni Lou Pardini. Just take my Heart ng Mr. Big. Sa OPM, kahit isinagot na ng iba diyan, totoo iyun: Sa Kanya ni Ogie Alcasid.”

    hindi ko kinaya, kinailangan kong magkomento. wahahahahahaha.

  • Ryan Damaso  On November 16, 2009 at 1:17 pm

    ka teo, para akong kinargahan ng sanlibong bultahe ng kuryente ng karunungan ng mabasa ko itong part “Sinong singer ang gusto mo nang bawalang kumanta?
    Toni Gonzaga. Hanggang hindi niya nailuluwa ang bola ng Rexona na nasa lalamunan niya.” ang tagal ko na kasing gustong ipaliwanag ang tungkol sa pagkanta ni Tony Gonzaga, pero di ko maisip at maarticulate kung paano.. pero ikaw nasapol mo! yun ang gusto kong pinaka magandang paliwanag.. salamat! biruin mo kapag nasa CR ako, nasa BUS at nasa byahe, nakikinig ng FM radio, nag susurf ng Net, kumakain at nangungulangot.. yung kanta ni Tony Gonzaga ang gusto kong i-define.. Panalo ang “Bola ng Rexona!” kagaya ni Uyayi, di ko mapilitang di mag komento. Apir!

  • Maykel  On November 16, 2009 at 4:13 pm

    sa totoo lang, sa maraming bahagi di ako nakarelate…hehe pero ayos naman..oldies talaga ung iba at sa palagay ko di na nga ata pop ung iba jan, pop sa porma pero di na commercially pop hehe

  • kapirasongkritika  On November 17, 2009 at 4:45 pm

    @ krguda: Naku, nakapagpuna ka tuloy sa sarili nang biglaan. Sabi na nga ba, masama talaga iyan si Alanis! Hehe. May kakilala pa naman akong paborito siya, gabi-gabi nagpapatugtog!

    @ uyayi: Kayanin mo. Hehe.

    @ Ryan Damaso: Apir! Hehe. Sana huwag nang hintayin ni Toni na maraming tao ang mag-impersonate sa pagkanta niya bago siya tumigil. Feeling ko, dahil mahal siya ng mga tao, hindi pa siya kinukutya. Pero kapag dumami na ang kanta niya, naku.

    @ Maykel: Oo. Parang ngayon ko nga lang din naiisip na so dated ang mga sagot ko. Hehe. Pero ano ibig mong sabihin sa “pop sa porma pero di na commercially pop”? Hindi patok sa takilya?

  • moriarty  On November 18, 2009 at 7:01 pm

    sasagutan ko ba?
    hehe

  • Anita Bakery  On November 20, 2009 at 1:43 am

    I- agree, i think everybody loves a song or two ng air supply, pero ayaw nating aminin sa sarili natin kasi jologs na jologs ang dating..kagaya mo, gustong-gusto ko ang STP, si Alanis at ang Moonpools tsaka sympre ang fave natin na si Gladys Knight ( neither one of us?) Yung kay toni hindi ko alam kasi never akong nakinig ng kanta nya. Kung ako, si Vina Morales and pagbabawalan ko kumanta dahil may kakaiba syang halinghing sa kada linya ng kanta na sobrang nakakairita. Parang ikaw, alam ko kung anong trick na ginagawa mo kapag pataas na ang tono ng kinakanta mo. I’m ready this TAAAAAYYYYYMMMM..

  • Maykel  On November 20, 2009 at 5:18 pm

    bon jovi ay pop sa porma at sikat (comercial success) pero halimbawang milli vanili, di ko sigurado kung sumikat ba talaga yan given na dala niya ung traditional pop formula hehe

  • kapirasongkritika  On November 21, 2009 at 6:10 pm

    @ moriarty: Oo! I-post mo rito, para masaya. Hehe. Naalala ko, dahil sa iyo: gusto ko rin pala ang New Radicals! Hehe.

    @ Anita Bakery: Hindi ko nga gusto si Alanis! Hehe. As in never kang nakinig sa kanta ni Toni Gonzaga? Naririnig mo pa lang, inililipat mo na ang radyo? Hehe. Huy, wala akong tricks sa pagkanta. Purong natural na talento ito, oy!

    @ Maykel: Alam ko na hijo ang gusto mong sabihin. Masyado ka pang bata para malaman ang mga sinabi ko rito. Hehe. Sumikat ang Milli Vanilli! Naging kontrobersyal pa nga eh. Hehe. I-Google mo. Hehe.

  • ada  On November 23, 2009 at 5:18 am

    parang gusto kong magvideoke dahil sa blog na ito..
    hehe.. sa sobrang dami ng kanta pwede na ito bigyan ng platinum award.. mabuhay ang mga singer na tulad mo, teo.

  • kapirasongkritika  On November 25, 2009 at 2:09 am

    Tara! Hehe. Pam-platinum ba? Hehe. Mabuhay ang mga singer who keep the music playing, katulad mo! Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: