Pamilyar? Siya si Pat Robertson, napapanood noon ng marami sa Channel 7, sa palabas na “700 Club.” Kontrobersyal ang pagtingin niya sa nangyaring malakas na lindol sa Haiti: parusa raw ito ng Diyos dahil sa “pakikipagsandugo” ng mga mamamayang Haitians noon sa demonyo, para makalaya sa dayuhang mananakop. (Galing ang mga larawan sa ibaba sa blog na Tales of Light. Thank you!)

Advertisements

8 thoughts on “

  1. @ Karen: Sa kasamaang palad, oo. At nagkakalat pa ng lagim.

    @ Anonymous: Pinayagan kong lumabas itong huling komento mo para malantad ka na talaga.

    Bakit ganyan ang logo mo? Bakit puro black propaganda ng militar ang dala mo sa blog na ito? Halata namang black prop, itinatanong mo pa. Kunwari ka pa.

    Talagang banned ka na rito. Napaka-bulgar ninyo. Kakamatay lang ng ilang kabataan dahil sa pagiging NPA.

    Malamang sinuswelduhan ka sa ginagawa mo. Sayang ang pera ng taumbayan, inaaksaya mo lang dahil ni hindi ka swabeng magpropaganda.

    Hindi lang ito labanan ng propaganda, Anonymous. Ang ugat ng lahat ay ang kabulukan ng lipunan. Kahit anong propaganda ninyo, hangga’t ganito kabulok ang lipunang ipinagtatanggol ninyo, lalaban at lalaban ang mga mamamayan.

  2. @ Malaya: Salamat! Nakakainis nga iyan! Hindi nga ako nagsulat dati tungkol sa “I…am…sorry” speech ni Cory Aquino kay Erap. Pero dahil ginamit na si Kemberly, kailangan sigurong tugunan, ano? Talaga namang ang mga tauhan ni Erap, hahamakin ang lahat, maitaas lang sa pedestal ang dating pangulong papet, pasista at pahirap din.

    Pero paano ba iyan, may pingback si Unwell Buencamino. Direkta akong tinutuligsa sa huling entri niya. Dapat sigurong sagutin ulit ang mokong na ito. Hehe.

    @ KRGuda: Interesanteng tanong. Siguro kasi sa malalim na antas talagang bangga ang pasismo sa sining. Hindi sila tinuturuang magkaroon ng pakiramdam, kundi ang pawiin ito. O hindi mahusay ang edukasyon nila sa kabila ng malaking pondo para sa kanila? O pagtatatwa nila ito na sila ay institusyong kontrolado ng US? Hehe.

  3. Bakit mo naman kasi binabasa si Cocoy? Hehe. Nakakabanas lang. Akala mo kung sinong matalino.

    Totoong may antas ng desperasyon, at posible pa ngang labis na magiit ng mga magsasaka noon.

    Pero kailangan bang paputukan ang mga magsasaka? At overkill talaga, pati ang pagtugis sa mga lumahok, ayon sa kanila.

    Iyan ang lagi nilang sinasabi: Napawalang-bisa ang Kaliwa ni Cory at ng Edsa. Talaga? Masaya ba tayo sa kalagayan ngayon ng bansa? Baka si Cocoy! Hindi magtatagal, iimbitahan ng militar iyan — kung hindi pa man nangyari — na maging manunulat nila. Haha.

    Ang mga binaril at pinatay pa ngayon ang may kasalanan. Sila pa ngayon ang nasira sa ginawa nila.

    Mali. Pinatunayan ng Mendiola Massacre na walang pundamental na pagbabago sa bansa kahit noong napatalsik si Marcos.

    Kahit si Cory Aquino, sinabing isa sa pinakamababang punto ng pagkapangulo niya ang Mendiola Massacre. Pero may nagdiriwang! Si Cocoy! Interes iyan ng mga maka-Kanan. At ng mga militarista.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s