Si Jaqueline Gonzales, dating estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas–Diliman na kasama sa Morong 43, ang grupo ng dinukot, idinetine at tinortyur na mga manggagawang pangkalusugan. Pinag-aalab ng kagitingan nina Jaq at mga kasamahan ang giting ng paglaban para sa paglaya nila – at paglaya rin ng sambayanan. (Galing ang larawan sa ibaba sa website ni Gerhard Richter. Salamat!)

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Tambay  On February 14, 2010 at 10:42 pm

    Teo,

    Alam mo, sa pakilasa ko e talagang may kumunista diyan sa grupo ng 43. Noong nasa UP Diliman ako, totoong may mga istudyante na pakumu-kumunista. Pakumu-kuminista dahil para bang kausuhan ito sa kanila. Marahil hindi nila alam ang ibig sabihin at consequence ng ganoon gawain. Kawawa naman. Pinahihirapan nila ang kanilang mga magulang na durog na ang mga tuhod at kamay sa kakatrabaho. At ngayon, ayun, halos himatayin sa kaaalala.

    Eto ang tanong ko sa iyo. Kumunista ka ba, Teo? Kung hindi, maka-kumunista ka ba? Para sa akin may karpatan kang sundin ang pulitika o idealogy ng gusto mo. Karapatan iyan ng isang mamamayan sa demokrasya. Gusto ko lang malaman kung saan ka nangagaling.

  • kapirasongkritika  On February 15, 2010 at 3:36 pm

    Tambay, alam mo pakilasa ko, militar ka. Hindi iyan ang isyu ngayon, kung komunista sila o hindi. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Hindi iyun ang isyu. Ang isyu: dapat bang inaresto, idinetine at tinortyur sila? HINDI.

    Bakit ikaw, matalino ka? Alam mo kung ano ang ibig sabihin at consequence ng komunismo? Uso lang sa kanila? Grabeng uso iyun! Nagsusugal sila ng buhay! Ang tatanga naman noon. Napakatalino mo siguro.

    Kung gusto mong malaman kung saan ako nanggagaling, basahin mo ang blog na ito. Patanung-tanong ka pa. Hindi basta-basta sinasabi ang ganyang bagay dito sa Pinas, nakakamatay.

    May karapatang sundin ang pulitika o ideology na gusto? Eh bakit mo pa itinatanong? Haha.

    Tuluy-tuloy lang kayong nagdadala ng ganitong komento rito, walang patid. Mula doon sa may “virac” sa pangalan, hanggang kay Anonymous, at iba pa.

    Hindi ko kayo papayagan.

    Sabi ni Mao, “Let a hundred flowers bloom.”

    Sabi niya, “flowers,” hindi “bulok na weeds.”

  • Tambay  On February 15, 2010 at 10:05 pm

    Ka Teo,

    Ang isyu na sinasabi mo e isyu mo nga yun. Para sa akin, yung mga nagaaral gumawa ng bomba kailangan kulungin. Oo naman matalino ako. Hindi ako nadadala sa mga salitang kunwari e makabayan o makabatas pero ang katotohanan e mapansarili.

    At totoo naman na marami diyan sa mga eskuwelahan ang dinedemonyo ng mga kaliwete na sumali sa pangugulo nila. Alam ko yan from experience tots. Alam mo siguro ibig sabihin nun.

    Siyanga pala, may bago bang recruit doon sa 43? Kailangan magpalago kayo. Diba yan ang dikta ng bago ninyong bossing?

    Bakit ako nagtatanong kung komunista ka? E, bakit di mo sagutin?

    Babangitin mo pa yung si Mao na nananahimik na. Sa katunayan mismong mga instsik e sinusuka ang mga pangaral niya.

    May kilala ka bang intsik na red guard dati? Ako meron. Sabi niya masamang tao at mapansrili si Mao.

    Let a hundred flowers bloom = mga salitang walang katuturan sa tunay na buhay.

    Alrighty, ka Teo?

  • kapirasongkritika  On February 17, 2010 at 5:10 am

    Panggugulo? Magulo na talaga ang lipunan. Dapat alam mo iyan dahil matalino ka, sabi mo. Ang ginagawa ng Kaliwa, nilalabanan ang gulo.

    Bastos na talaga ang mga sinasabi mo. Bagong recruit? Bossing? Desperado kayong patunayang mga NPA sila. Hindi naman ninyo magawa, dahil hindi.

    Eh bakit sa militar, marami rin naman ang isinusuka na ang militar, naniniwala ka pa rin sa militar? Kay Mao Zedong na lang ako. At least siya, pinapaniwalaan ng mga kababayan niyang masa, kahit hindi ng mga naghaharing uring bulok.

    Hunghang iyang Red Guard na iyan. Tingnan ninyo ang historical record ng nagawa ni Mao sa sambayanang Tsino.

    Talagang walang katuturan para sa inyo ang Let a hundred flowers bloom kasi sinusupil ninyo ang Kaliwa.

    Iyan na ang huling komento mo sa blog na ito. Bistado na kita. Bayaran kang ahente.

  • krguda  On February 17, 2010 at 4:15 pm

    Ipagpalagay na lang natin na NPA sila. Pagpapalagay lang, kasi malinaw na hindi. Pero sige. Kung mga NPA sila, puwede nang itortyur? Puwede nang hindi patulugin nang mahigit 36 oras, tuluy-tuloy na interogasyon, hinaharas, sinusuntok, sinasapak, iniipit ang bayag, kinukuryente, nakapiring ang mata at nakaposas? Puwede nang hindi pakainin? Puwede nang hindi pagbasahan ng Miranda Rights, puwede nang pagkaitan ng karapatan sa independiyente at may-kakayahang abogado? Puwede nang kulungin incommunicado?

    Puwede nang pagnakawan ng pera? Puwede nang hindi agad iprisinta sa Court of Appeals kahit iniutos na ng Korte Suprema na iprisinta sila? Puwede nang pagtaniman ng pekeng ebidensiya? Puwede nang ratsadahin ang inquest?

    Kung okey lang sa iyo, pinagpala ka. Kahanay mo ang prestihiyosong talaan ng mga pasista sa mundo: Hitler, Nixon, Marcos, Gloria Arroyo, Palparan…

  • Karen  On February 20, 2010 at 1:18 am

    “Let a hundred flowers bloom”

    ang pagkakakuha ko nyan e, huwag hayaang mamamayagpag ang damo. Tulad sa pagsasaka, binibigyang pansin at pinaghihirapang bunutin ng paisa’t isa ang mga damo para mabuhay ng maayos at masigla ang palay.

    Ganun din sa mga ideya: kunin ang progresibo at umuusad, bakahin naman ang mga bulok at dekadente.

  • radulce  On February 20, 2010 at 3:54 am

    Ang bobo talaga ng mga militar na ito. Palibasa isa nanamang wave of worldwide condemnation ang kaharap nila kaya todo-portrayal na mga NPA yung mga hinuli.

    Pero narereveal nga naman ang mentality nila: basta kaaway nila, pwedeng tortyurin, patayin with the benefit of a trial, i-deny ang legal assistance. Hoy mga barbaro, alam nyo ba yung Geneva Convention? Pero kung sa bagay, karamihan naman sa inyo mga tambay at maton na nag-militar kasi wala ng trabaho. Kaya ineexport nyo yung pagiging siga nyo.

    Pero pag tunay na NPA ang katapat nyo, takbuhan kayo ng parang mga aso na nasa gitna ng dalawang paa ang buntot. Umuwi nalang kayo at magpa-libreng tule. Masyadong sopistikado ang Internet para magamit nyo, gago!

  • kapirasongkritika  On February 20, 2010 at 3:17 pm

    @ KRGuda: Salamat sa paglilinaw! Naririnig kong ginagamit ng militar sa ahitasyon sa hanay nila ang ganyan: Na butas-butas ang batas kaya nakakalusot ang mga NPA. Na para bang pwede na ang mga pinaggagawa nila kung NPA nga ang mga health workers.

    @ Karen: Amen. Pero ang problema rito sa ibang nagkokomento — at mahaba-haba na ang hanay nila, magkakasunod, hindi nagsasabayan — talagang pambabansag lang ang alam gawin, hindi makipag-argumento. Talagang wala silang mapapaniwala sa mga moda nila, at hindi ko na lang sila papayagang magkomento. Hindi na bumalik iyan si Tambay, parang ang mga nauna. O iisa lang ba sila?

    @ RADulce: O, galit ka na naman. Hehe. Totoo, marami sa kanila ang mahirap, kaya magandang makabig ang mga ito. Mas mga heneral nila ang nagpapasasa sa kurakot. Oryentasyon talaga ang problema, at katiwalian sa tuktok.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: