Facebook Status, Edisyong Eleksyon

Minsan, nasabi ni Jim Hightower, nagpapakilalang “Kaliwa-populistang aktibista,” na sa kulturang pampulitika ng US, hindi mo masasabing malaganap ang isang ideya hangga’t hindi ito laman ng mga bumper sticker ng mga kotse. Sa kaso ng naaabot ng Internet sa Pilipinas, Facebook status na siguro ang masasabing katulad. Kaya heto ang ilang panukalang Facebook status kaugnay ng paparating na eleksyon. Sana ma-like.

Nu’ng sumigaw ng “Villar!” si Baby James at nagpahayag ng pagkatuwa si Villar, sinabihan siya ng mga maka-Noynoy: Huwag pagsamantalahan si Baby James. Nu’ng nag-presscon ang nanay ni Villar tungkol sa mga atake sa anak niya, sinabihan si Villar ng mga maka-Noynoy: Di na nahiya, ginamit pa ang nanay na malapit nang mamatay. Eh sino bang gumagamit kay Baby James at kay Cory Aquino to the max sa kampanya?

Kaka-text lang ng isang kaibigan mula Antique. May kumakalat daw na CD doon na may nakasulat sa labas na “NP-PKP, Bagong Alyansa” at may logo ng Nacionalista Party at Communist Party of the Philippines. Sa isang bayan daw doon, may nagkakalat ng “balita” na uupo sa gobyerno si Jose Maria Sison kapag nanalo si Villar. Hindi raw pala militar ang nagkakalat ng ganitong black propaganda, kundi ang mga taga-Liberal Party. Tunay nga: naliligo ngayon sa dagat ng paninira ng LP si Villar at ang Kaliwa.

Paki-verify: Sabi ng isang kaibigan, nu’ng mahina pa raw ang panawagang “Noynoy for President” matapos mamatay ni Cory Aquino, napanood daw niya sa TV na nag-presscon sina Mar Roxas at Butch Abad (campaign manager ngayon ni Noynoy). Ang sabi: Wala pang karanasan si Noynoy sa pamumuno, at dumadaan siya sa “psychiatric help” dahil sa nangyari sa kanya noong kinudeta ng mga rebeldeng sundalo ang nanay niya.

“Abnoy” raw ang tawag ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita kay Noynoy. Hindi ko alam kung totoo, pero malinaw na ngayon, na ABNOY siya: American Boy si NOYnoy.

Tanong: Paano mamumuno ang walang nagawa bilang kongresista at senador, hindi tumampok sa paglaban kay Gloria, at tumatakbo ngayon sa kasikatan ng “Mama at Papa” niya? Sagot: Sasandig sa mga tagapayong neoliberal at sosyal-demokrata. Hindi man siya awtistik sa pakahulugan sa sikolohiya, awtistik naman siya sa pamamahala.

Ilang araw na lang, mahahalal na si Cong. Gloria Macapagal-Arroyo. Huwag nating kalimutan: may Randy David na kaya sana siyang labanan, nangakong lalaban sa kanya, pero naduwag noong dulo at umatras dahil daw sa “pamilya” niya. Hindi ba’t iyan ang pakahulugan ng “kasamaan (evil)” ni Alain Badiou? “Ang kasamaan ay ang yugtong wala akong lakas na maging tapat sa Kabutihang nag-uudyok sa akin.”

Baka ayaw lang ni Randy David na mawalan ng kolum sa Philippine Daily Inquirer kaya hindi siya tumakbo kontra kay Gloria. Paano pa siya mangangaral ngayon tungkol sa kanyang klase ng aktibismo? May kolum nga siya, wala naman na’ng kredibilidad.

Sabi dati ni Jessica Zafra, “Paano’ng nangyaring hindi pa ako nainterbyu para sa mga tinatawag na sarbey pang-opinyon? Na wala pang kaibigan ko ang nainterbyu para sa sarbey? Na wala pang kaibigan ng mga kaibigan ko ang nainterbyu para sa sarbey? Gusto ko tuloy silang tanungin: Gusto ninyo ng opinyon? Marami akong opinyon!”

May kakilala akong nagtrabaho dati sa dyaryong pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy, malapit na kaibigan ni Gloria at nag-endorso nitong huli kay Gibo. Noong gusto raw ng kakilala kong magsulat tungkol sa ekstrahudisyal na pagpaslang, sinabihan daw siya ng editor na huwag na lang. Hindi raw kasi gusto ng mahal na Pastor ang isyung ito.

“Pribadong usapin” daw ang isyu sa Hacienda Luisita, sabi ni Manuel Buencamino. May mga tao diyan, sobrang iniisip na ang magiging pagbabalik-gobyerno nila kapag nanalo si Noynoy kaya hindi na makapag-isip nang tuwid. O pribadong usapin ba ang pagtatrabaho dati sa gobyerno ni Cory at pagpapanggap na “independyente” ngayon?

Ang kolumnistang si Manuel L. Quezon III, ipinagtatanggol ang kawalan ng reporma sa lupa sa Hacienda Luisita. Karapat-dapat magtrabaho sa gobyernong Aquino! Makakabalik na kaya siya sa Malakanyang, siyang dating speech writer ni Gloria?

Aktibista 1: Ang tatag ng nag-iisang uod na hindi pa pumipirma sa pagkuha ni Lord kay Juan Ponce Enrile. Aktibista 2: Wala ba tayong pag-oorganisa sa mga uod?

Villar ka man o Aquino, sinuman ang manalong pangulo, kailangan may nagbabantay, naglalantad, at bumabanat sa gobyerno. Iboto: Liza Maza at Satur Ocampo sa Senado!

Revilla, Lapid, Enrile, Marcos – pasok lahat sa sarbey para sa halalang pang-senador. Magiging trend kaya ito sa mga susunod na halalan? Na kapag matindi ang tutok sa mainit na kumpetisyon sa presidente at bise-presidente, pipiliin na lang ng mga tao ang mga pangalang pamilyar o inaakala nilang kilala nila? Kahit dapat na’ng ibasura?

Sa tingin ko, ang sinasabi ni Jose Maria Sison sa panayam sa Bulatlat.com ay suicide, pagpapakamatay na para kay Gloria na sikapin pang manatili sa poder sa pamamagitan ng failure of elections o ibang paraan – pero hindi ibig sabihin na hindi siya magpipilit.

Mag-ingat sa napakaraming party-list ni Gloria! Huwag silang iboto! Para makasiguro, pumili sa subok na’ng mga partylist ng masa at para sa masa: Act Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, Katribu. Pero huwag silang lahat ang iboto. Isa lang!

Sabi ng kolumnistang si John Nery, kapag isinulat daw ang kasaysayan ng eleksyong 2010, dalawang kapwa-kolumnista niya ang lalabas: si Conrado de Quiros, syempre pa, para sa pagpanawagang tumakbo si Noynoy na pangulo, at si Solita Monsod para sa “independyente” raw na paglalantad sa pekeng kwento ng karalitaan ni Villar. Talaga? Independyente? Lantad na maka-Gloria na halatang maka-Noynoy! Tsaka kasabay lang ng kolum niya ang kay William Esposo ng Philippine Star, na malinaw na kontra-Gloria.

Ito namang si Bong Revilla, wala man lang pagpapanggap na may dala ng isyu ng masa, puro “Otso-otso” na lang ang propaganda. Sapat na ang isyu ni Katrina Halili?

Ano ang ugnayan ng mga berdugong militar tulad ng senatoriable na si Jovito Palparan at ng nagpapanggap na aktibista pero maka-Kanang senatoriable na si Risa Hontiveros? Kumbaga, sina Palparan ang mga sundalong Hapon, si Hontiveros ang Makapili.

Noong eleksyong 2004, hindi masyadong maganda ang labas sa mga sarbey ng rebeldeng sundalong si Sen. Antonio Trillanes IV, pero nanalo siya. Tulungan nating mag-ala Trillanes ang mga rebeldeng mambabatas na ipinakulong din ni Gloria dahil sa matatag at mahusay na pagtutol sa kanya! Iboto sa Senado: Liza Maza at Satur Ocampo!

05 Mayo 2010

Ginunita ni Gabriel Kolko ang ika-35 anibersaryo ng pagbagsak ng Saigon, bahagi ng gera sa Vietnam na isinulong ng imperyalismong US.

Araling Gaga. May ilang teorista na ang nagmuni sa “sining” at kasikatan ni Lady Gaga. Heto ang imbentaryo ni Steve Shaviro. Heto naman ang isang magandang komentaryo ni Anwyn na sinasang-ayunan ko.

Pansinin ang editoryal ng Ang Bayan, opisyal na publikasyon ng CPP: maghanda raw sa pagsambulat ng krisis pampulitika sa bansa kaugnay ng eleksyon.

Jejemon, Jejemon, puro na lang Jejemon! Heto ang isinulat tungkol dito ni Dekano Rolando Tolentino at heto naman ang kay Marocharim. Totoo ba ang sabi ng isang kaibigan, na malaki ang papel ni Vice Ganda sa pagsikat nito?

Mabuhay ang pagbabalik ni Tanglad! Nagkomento siya sa entri ni Edgar Allan Paule tungkol sa bidyong propaganda ng mga maka-Noynoy — na may isa, dalawa, tatlong maganda at nakakatawang mga entri tungkol sa eleksyon.

Kuhang-kuha ng Arkibong Bayan ang laki ng hanay ng mga manggagawa at mamamayan na kumilos noong Mayo Uno. Bangon sa pagkakabusabos!

Isang update sa tinatakbo ng krisis at mga pakikibakang kontra-imperyalista ang mensahe ni Jose Maria Sison noong Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Narito ang pangangampanya ni Carol P. Araullo para kina Liza Maza at Satur Ocampo.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Leon  On May 5, 2010 at 3:22 am

    Praktis na ba ito sa debut niyo bilang micro-blogger sa facebook? Nakahanda ang fanpage niyo for your use!🙂

    Maikli pero matamis ang mga banat, ser. Maganda kung meron kayong mga witticisms hinggil kina Gibo at Gordon. Yun ang matinig sa middle class intelligentsia eh.

  • kapirasongkritika  On May 5, 2010 at 3:32 pm

    Salamat, Leon! Pinag-iisipan ko pa iyan. Pero kung micro-blogging rin lang, baka dito na rin. Hehe. Pero napapaisip nga ako dahil may format na akong nakasanayan.

    Gibo at Gordon? Talaga? Mabenta sa middle class? Ah, dahil sa “galing” nila. Parehong maka-US. Hehe.

  • Manuelbuencamino  On May 7, 2010 at 6:22 pm

    Money Villarroyo, Gloren Legarda, Satur Ocampo, Liza Masa, Bongbong Marcos, Chavit Singson, Jocjoc Bolante, Romeo Jalosjos, Andal Ampatuan Jr., at marami pang ibang mga progresibong Pilipino na katulad mo Teo. Kayo nga ang mga bagong Pilipino na pag-asa ng bayan.

    Paano na kaya kung manalo sa pandaraya ang manok ninyo at ni Gloria at mag-alsa ang taong bayan, makikihanay na din kayo sa AFP/PNP para ipagtanggol ang demokrasya?

    At kung matalo ang manok ninyo, hahanay na din kayo sa oposisyon at ihahalal si Gloria bilang Speaker?

    Nagtatanong lang naman…at namimilit sa katatawa sa ginawa ninyo sa sarili ninyo…bwahahahaha

  • Manuelbuencamino  On May 7, 2010 at 6:30 pm

    Teo,

    Pero huwag mong sabihin na hindi ko sinubukan liwanagan ang inyong pagiisip. Sinubukan ko din ipakita yan kay Teddy, Satur, at Maita noong huli kaming nagkita noon Nobyembre ng nakaraang taon pero wala ganun talaga. Utos ng partido. Maayos naman ang pagkakahiwalay namin, “walang personalan” ang sabi ko sa kanila “pasensya na lang kung madamay kayo pagbinato ko na si Villarroyo, dokumantado naman.”

    Ikaw Teo pati ba naman yan mga fake psyche report na kinakalat ni Villarroyo ay sasakyan mo pa. Para namang si Jojo Robles, Guido Delgado, at Carmen Pedrosa ka na. Napaka cheap. Wala ka bang makuha na meron namang batayan na dokumento o di kaya eye-witness?

  • Leon  On May 7, 2010 at 6:33 pm

    Andito nanaman yung makapili. Parang Akbayan talaga itong gunggong na ito. Napakaingay, wala namang mass base. Parang Noynoy rin. Isang malaking Abnoy.

    Sige, buencamino, ikaw na. Ikaw na ang “namimilit.” Haha!

  • Manuelbuencamino  On May 8, 2010 at 3:28 am

    Leon,

    Nakalimutan ko na nga kayo kaya lang may nagsabi sa akin na bumisita daw ako dito kasi binanggit ako ni Teo.

    Naknampucha eh hanggang ngayon pala ginagawa pa niyang isyu ang HL na kung saan wala naman siyang pakialam.

    Hayaan na ninyo ang mga tiga-doon magusap-usap hindi naman kayo ang naninirahan doon pakikialaman ninyo ang buhay nila.

  • kapirasongkritika  On May 8, 2010 at 2:09 pm

    @ ManuelBuencamino: So pinilit mo palang liwanagin ang isip ng mga lider namin. Salamat naman nang marami! Napakataas ng bilib mo sa sarili mo! Haha.

    Ang problema sa inyo, bilib na bilib kayo sa sarbey. Eh kaduda-duda rin naman ang gumagawa niyan. Eh kung mananalo si Noynoy, pero malawak ang pandaraya sa bansa, magpoprotesta ba kayo? O masaya na kayong makabalik sa gobyerno?

    Kahit naman kaninong rehimen, oposisyon kami, pero hindi namin papatusin si Gloria. Nasabi ko na noon — na ang katayuan ni Gloria para sa Kaliwa pagkatapos ng termino niya, katulad ng mga Marcos na hindi inaalyado.

    Sabihin mo nga sa akin: Mukha bang matino ang pag-iisip ng kandidato ninyo? Such an underachiever! Kung sabagay, mas madali ninyo siyang makokontrol dahil ganyan nga siya.

    Sabi nga ni Ina Silverio, dating staff ni Ka Bel:

    “Aquino is a boring, uninspired and uninspiring politician who stood (or dozed) in the sidelines as congress debated over measures that had serious implications on the welfare and future of Filipinos…”

    http://allecoallende.wordpress.com/2010/05/07/before-and-after-may-10/

    Kaya may kapit ang tsismis na wala siya sa tamang pag-iisip!

    Ano naman ang batayan mo sa mga claims mo tungkol sa Hacienda Luisita? Biglang naging expert ka sa usaping ito? Ano bang posisyona ng inaasam mo sa bagong gobyerno, Sir? Iba-blog mo rin ba ang pangingibang-bansa mo kapag nagkataon? Haha.

    Prinsipyado kunwaring nabibili naman.

    @ Leon: Nakakatawa sila. Ipagpalagay nating manalo si Noynoy, babalikan natin ang mga gunggong na itong akala mo eh nagsasalsal sa imahen ng kandidato nila.

    Talagang isinakripisyo na ang kung anong prinsipyo nila para sa pwesto sa gobyerno sa ilalim ng idolo nila!

    Nakalimutan na niya tayo kasi nagbibilang na sila ng panalo, tsaka ng balato. Hehe.

  • Leon  On May 9, 2010 at 3:51 am

    Wag na nating patusin ang mga palaka ng kasaysayan. Siyangaps, ser. Parang may problema sa FB page natin. Down siya, hindi ko lang sure kung terminal na o hindi.

  • manuelbuencamino  On May 9, 2010 at 4:34 pm

    Teo,

    “Kahit anong regimen oposisyon kami” kaya nga magkasalyado na din kayo ni Gloria ay ng mga PaLaKa kung manalo si Noynoy.

    Aah nagkataon lang pala na magkasama sina Satur at Liza at Bongbong sa entablado.

    Daan Hari!

  • kapirasongkritika  On May 10, 2010 at 9:03 am

    @ Leon: Oo nga. Walang kwenta kausap. Hehe. Parang okey naman nitong huling binisita ko. Ano ibig sabihin ng “terminal”?

    @ manuelbuencamino: Talagang nagbibilang ka na ng manok, hindi pa napipisak ang itlog. Pwede naman naming labanan si Noynoy nang hindi nakikipag-alyado kay Gloria.

    Natatakot ka bang maging puntirya ng tuligsa? Nagkataon lang talaga iyun! Walang nakakaintindi ng mga pauso mong “Daan Hari”!

    Perfect! Ang daan ni Noynoy ay Buangcamino — the crazy way! Haha.

  • kel  On May 11, 2010 at 6:18 am

    Sino po ang nag-paint ng huling image na nasa entry ninyo? Gusto ko. jejejeje lolz

  • Manuelbuencamino  On May 11, 2010 at 2:59 pm

    Teo,

    Ang bagong jingle ninyo nila Villarroyo, Gloren, Satur, Liza, at Joma…

    “Nakaligo na ba kayo sa kakungan?”

    At ang masa bumoto para kay Noynoy! Yehey!

    Nasaan yun milyong milyon command votes ninyo mula sa masa? Mukhang iniwan kayo!

    At least nanalo si Gloria, at pa landslide daw, so meron na kayong opposition lider sa Batasan. Bwaahaha!

    Lubak-lubak pala ang Daan Hari!

  • Manuelbuencamino  On May 11, 2010 at 3:04 pm

    Teo,

    Dumikit yun pauso kong Money Villarroyo. Napilitan pa kayong gumawa ng Opo Oposisyon kami na commercial. Wala naman naniwala sa inyo, kabit pa din yun Villarroyo!

    Loser!

  • kapirasongkritika  On May 11, 2010 at 4:10 pm

    @ Kel: Naku, hindi ko po alam. Nakuha ko lang sa tumblr site sa itaas. Salamat sa pagbisita!

    @ manuelbuencamino: Ganyan talaga? Haha. Buhay kasi talaga ninyo ang eleksyon kaya ganyan ka kasaya. Pero hindi kami ganyan kahit sa ilang pagkakataong nananalo kami.

    Iyung Villarroyo? Madali lang isipin iyun! Kahit ako, kung gusto kong maupo sa gobyerno ni Noynoy, maiisip ko rin iyun. Kumusta ba? Makakabalik ka na raw ba sa pwesto mo? Ano daw ba assignment mo? Share mo naman!

  • Leon  On May 11, 2010 at 4:47 pm

    Sa dami ng maniningil ng pampulitikang balato kay Noynoy, siguradong walang tunay na pagbabago ang makakamit. Lahat ng nakapaligid sa kanya ay may kanya-kanyang makauring interes na punung-puno ng bahid ng tradisyunal na pulitika.

  • Manuelbuencamino  On May 12, 2010 at 5:58 pm

    Teo,

    Masarap bang maligo sa kangkungan?

  • Leon  On May 13, 2010 at 11:46 am

    Wala kang ascendancy magyabang, punyeta kang burukratang makapili ka.

Trackbacks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: