Unang 300 Salita

Inimbitahan ako ng mga kaibigan sa Pinoy Weekly, progresibong publikasyong online sa wikang Filipino, na magkolum sa kanila. Mahirap silang tanggihan. Una sa lahat, karangalang maimbitahan ng masigasig na staff ng Pinoy, na naglalabas ng mga impormasyon at komentaryong hindi inilalabas ng midyang mainstream. Sa panig ko, na nagsusulat ng komentaryong pinipilit kong maging progresibo, magandang pagkakataon ito na umabot sa mas maraming mambabasa. Gusto ko ring mag-ambag, sa abot ng makakaya, sa pagsisikap na magpundar ng isang sentro ng progresibong midya sa wikang Filipino.

May ilang tanong na sumulpot at may sagot na ako. Ano ang lalamanin? Dahil inimbitahan nila ako, pakiwari ko, nagustuhan nila ang mga pinaksa ko sa blog ko, kaya ganoon pa rin – kung anu-ano. Ano ang porma? Gusto kong tumugma sa estilo ng Pinoy – magaang at nakakatawa kung maaari. Matagal ko na ring gustong paikliin ang isinusulat, kaya ako na ang nagsabing 300 salita lang. Gaano kadalas? Lingguhan sana, sa minimum. Paano ang blog? Mauuna nang isang araw ang pag-upload sa website bago sa blog. Ano ang ortograpiya? Iginagalang ko man ang ortograpiya ng Pinoy, akin ang gagamitin.

Pinaka-excited ako sa pagpapaikli sa 300 salita. “Kapirasong Kritika” ang ngalan ng blog ko, pero mas “Kilometriko” ang naging tamang pang-uri. Sa totoo lang, marami akong naiisip isulat na maikli lang – na hindi ko nagagawa dahil hindi akma sa nakagawiang pormat ng blog. Naeengganyo akong magsulat nang maiksi pero siksik. Maraming posibilidad: sipi sa mga sulatin at maikling reaksyon, komentaryo sa kulturang popular, opinyon sa musika bagamat sa pop kaysa sa progresibo, pang-araw-araw na repleksyon – bukod sa kadalasan nang suri sa lipunan at pulitika. Mas angkop kasi ang mga ito sa 300 salita.

Hindi ako nangangako at kaya rin 300 salita ay para hindi matrabaho. Pero dahil naengganyo ako, baka maging mas madalas pa ito sa linggu-linggo.

04 Hunyo 2010

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Leon  On June 4, 2010 at 1:32 pm

    Nagugustuhan ko ang mga pagbabagong ginagawa ng Pinoy Weekly ngayon ah. May kilala rin ako na iniimbitahan nilang magsulat. Sa pagpasok ninyong dalawa palang ay excited na ako agad para sa PW!

    300 words! Kung challenge ang pagsulat ng mahabang diskurso ay hindi rin kaiba ang pagsiksik ng kumpletong pahayag sa ganyan kaonti na salita.

    Pero tingin ko magandang hakbang ang pagbalik sa ganitong limitasyon ng mga salita. Nacapture mo na yung crowd na mahilig sa kilometrikong mga sanaysay. Magandang hakbang ito sa pag-abot sa masmalawak na hanay ng mga low-attention span culture na mambabasa! Hehe.

    Mabuhay!

  • gingmaganda  On June 5, 2010 at 12:57 am

    yehey! mabuhay ka! excited na ako para sa’yo. good luck pfuohzzzz!!!

  • kapirasongkritika  On June 5, 2010 at 11:57 am

    @ Leon: Salamat! Mahusay iyung isang kilala mo na iniimbita rin nilang magkolum. Hehe.

    Na-capture ko ba? Actually, baka mas masaya talagang magsulat nang maikli. Hehe. Pero kapag kailangan ng mahaba, babanat tayo nang mahaba. Hehe.

    @ Gingmaganda: Salamat! What if ikaw rin magkontribyut? Taguyod ka rin naman ng wikang Filipino at pulitikang kritikal. Hehe.

  • gingmaganda  On June 8, 2010 at 12:24 am

    hehehe nakakaflatter naman ang suggestment mo pero sabi nga sa isang pelikula: “i’m not worthy!!!”

    =)

  • kapirasongkritika  On June 9, 2010 at 12:49 am

    Sobra ka naman. Magaganda kaya ang mga komentaryo mo. Kahit iyung mga angas lang. Hehe. Sulat ka ng film o book reviews!

  • Tine  On June 9, 2010 at 4:23 am

    Good.🙂 aabangan namin.

  • kapirasongkritika  On June 11, 2010 at 9:53 am

    Salamat! Bakit hindi mo ni-link ang blog mo?

    http://tinesabillo.wordpress.com/

  • gingmaganda  On June 12, 2010 at 4:29 am

    hehe. maraming salamat. pero parang kalawang na ako. hihi.

  • kapirasongkritika  On June 12, 2010 at 4:47 pm

    Sinumang makakakita ng blog mo, hindi maniniwala. Para ka lang humihinga ng mga salita, pagsusuri at angas! Hehe.

    Pero syempre, talaga namang may disiplina din dapat. Pero pwede naman tayong madisiplina ng pagsisikap, hindi ba? Hehe.

  • gingmaganda  On June 13, 2010 at 3:45 am

    totoo! sa sipag at tiyaga lahat ay madale! disiplina, tama yan.

    salamat sa iyong mga mabubuting salita. nakakataba ng puso. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: