Inquirer Idiotorial

“Susuportahan kita. Pero kapag nanalo ka, magiging kritiko ako.” Ito, ayon kay Cornel West, progresibong intelektwal na Aprikano-Amerikano, ang pangako niya kay Barack Obama noong tumatakbo pa lang ang huling pangulo ng US. Batay sa editoryal nitong “Noynoy’s choices,” malayo sa ganyan ang pakikitungo ngayon ng Philippine Daily Inquirer kay Noynoy Aquino – na sinuportahan nito noong eleksyon.

Totoo ang “batayang prinsipyo” na sinasabi nito, na dapat “pipili ang president-elect ng mga taong tutulong sa kanyang tuparin ang mandato niya.” Pero ano ang sinasabi ng kasaysayan ng bansa? Na ang mga itinalaga ng mga pangulo, ang sarili, uri at pangulo ang pangunahing pinaglilingkuran – hindi ang anakpawis at bayan. Na, kadalasan, bayad-utang ang batayan ng pangulo sa pagtalaga sa isang tao, hindi ang kakayahang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng isang pwesto.

Kaya hindi nakakagulat sa Pamalakaya, militanteng grupo ng mga mangingisda, na kondenahin ang natsismis na pagpasok sa gabinete ni Noynoy ng isang opisyal ng Makati Business Club. Ang nakakagulat, ayon sa editoryal, pananaw na “economically deterministic” ang sabihing hindi maisusulong ang interes-publiko ng mga sangkot sa “laro ng malaking negosyo.” Pa-intelektwal! Nagbasa ng tuligsa sa Marxismo at hindi lubusang naunawaan. John Nery, ikaw na naman ba iyan?

Sabi ng editoryal, dahil iba ang ibinoto ng lider-Pamalakaya sa pangulo, wala itong karapatang “magdikta” sa paano bubuuin ni Noynoy ang gobyerno para tuparin ang kanyang mandato. At sino ang mayroon? Ang mga sumuporta? Eh naetsapwera na ang mga volunteers ni Noynoy, ayon kay Juana Change. Ang Inquirer, ABS-CBN, Time Magazine, MBC, mga burgis-komprador, panginoong maylupa at imperyalista? Mabuhay ang demokrasya ng iilang mayaman at makapangyarihan!

Hindi dapat diktahan si Noynoy ng mga grupo ng maralita na hindi sumuporta sa kanya. Sa mga mambabasang panggitnang uri: tapos na ang eleksyon, dapat na tayong magpahinga. Magtiwala tayo kay Noy; alam niya ang mandato niya.

14 Hunyo 2010

[Salamat kay JP Corpus para sa larawan!]

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Karen  On June 16, 2010 at 5:00 am

    Ay fuck.

    Yan lang masasabi ko.

  • Leon  On June 17, 2010 at 2:08 am

    Kapuna-puna talaga ang pagbabagong hubog ng INQ at ABS-CBN sa pagpasok at pagtagumpay sa kampanyang pampangulo ni Noynoy.

    Ang tanging positibong nakikita ko dito ay ang pagkakaroon ng konkretong halimbawa sa pagpapaliwanag sa MK kung papaano naisasailalim sa interes ng estado ang lahat na aspeto ng superstructure – media, culture, science & tech, education, etc.

    Best practices ng ideological state apparatus, ika nga! Napakaganda bagamat napaka-intelektwal na konsepto ang ISA ni Althusser, pero nakakasawa nang marinig ito minsan mula sa ibang YS na parang sloganeering na ang dating.

    Share ko lang. Hehe.

  • Layka  On June 17, 2010 at 5:47 pm

    Kababasa ko lang ng taeng editoryal ng inquirer. Fearless news as in walang takot nilang ibinubuyangyang ang pagkahumaling kay Noynoy.
    I’m sure,pagkatapos isulat ang editoryal, isinabmit na ng nagsulat nito ang resume niya kay Noynoy.

  • gingmaganda  On June 17, 2010 at 7:11 pm

    alas tres pasado ng umaga at bigla akong natawa nang mabasa ko ang title ng post na ‘to. haha.

    errr, kakawirdo ang mga larawan ni noynoy. di ko type ang kulay ng labi niya. kulay abo.

  • kapirasongkritika  On June 18, 2010 at 10:32 am

    @ Karen: Talaga! Nakakasuka ang implikasyon ng mga pinagsasabi.

    @ Leon: Ganyan naman sila talaga dati, natigatig din lang ng protesta ng mga mamamayan kay Gloria. Kung lalakas ang protesta kay Noynoy, for whatever reason, baka magbago ng timpla ang mga iyan. Hmmm. Napaisip tuloy ako kung may particularities ba ang pagteorya ni Althusser sa ISAs at kung aplikable sa lipunang katulad ng Pinas. Baka in a general sense lang.

    @ Layka: Hindi ba, bahagi na si MLQ3 ng propaganda team ni Noynoy para sa June 30 inauguration? Baka kahit pagkatapos pa. At malamang, kahit noong kampanya pa lang.

    @ Gingmaganda: Not that anti-smoking ka. Haha. Parang hindi istable ang dating ng mukha niya sa akin. Hehe.

  • diwa81  On June 21, 2010 at 4:55 am

    maganda nga at inilalabas nila ito ngayon. sigurado namang hindi rin magtatagal at sisingaw na ang baho ng papasok na administrasyon. antayin na lang natin, at lalamunin din ng mga iyan ang kanilang mga salita.

  • wakasanangarmadongpakikibaka  On June 21, 2010 at 12:21 pm

    oi wag naman sana diwa81. siguro kung may malasakit talaga tau sa ating bansa sana wag tau magbitiw ng ganyang mga kataga. emo lang.hehe

  • kapirasongkritika  On June 21, 2010 at 2:16 pm

    @ diwa81: Malamang na bibiguin sila ni Noynoy. Pero lalamunin kaya nila ang mga salita nila? Baka matinding pagbaluktot sa katotohanan ang harapin natin.

    @ wakasanangarmadongpakikibaka: Bakit naman ganyan ang pangalan mo? Hehe.

    Kung may malasakit talaga tayo sa ating bansa, haharapin natin ang katotohanan — na bukod sa pagposturang malinis, walang indikasyong magiging malaking pagkakaiba ang rehimeng Aquino sa rehimeng Arroyo. Hindi naman wini-wish iyan ni diwa81, sinasabi lang niya ang lumilitaw na katotohanan.

  • diwa81  On June 22, 2010 at 10:24 am

    ok lang ang optimismo, wakasanangarmadongpakikibaka. basta wag ka lang tumulad sa mga tinutukoy ni teo. basta ang hamon ko lang naman sa mga ganyan ang opinyon, balikan niyo ang mga sagot niyo ngayon matapos ang kahit 100 araw lang. tingnan natin kung ganun pa rin nga ba ang magiging pananaw niyo kay Noynoy.

    Teo: sa katangian naman ng mga paintelektwal na mga iyan, sigurado, magkaka-amnesia ang mga iyan kapag nagbago na ang ihip ng hangin. syempre, bagong administrasyon, mas maganda pa ang sumipsip kaysa mamuna kaagad.

  • kapirasongkritika  On June 23, 2010 at 3:26 am

    Korek. Naku, iyang si wakasanangarmadongpakikibaka, may pattern na siyang sinusunod dito:

    Una, magkokomento ng tila harmless sa entri.

    Tapos, todong banat na sa Kaliwa ang moda, kay Joma, lalo na. Red-baiting, akala mo kung sinong matatalino at magagaling.

    Marami nang gumawa ng ganyan dito sa blog na ito. Hindi ko alam kung militar o si Manuel Buencamino lang. Anu’t anuman, pareho sila ng pagtingin sa Kaliwa — at nagsimula ang ganyan noong tinuligsa ko na rito si Unwell Buangcamino. Haha.

    Bakit daw ako nagbubura ng komento, sabi ng mga iyan/niyan. Ang lawak-lawak ng internet para magkalat sila ng basura, dito pa sa blog ko gusto nila. Ha!

  • diwa81  On June 23, 2010 at 10:09 am

    relax lang teo. hayaan mo lang silang magsalita. ika nga, sa bibig naman nahuhuli ang isda. kahit naman gaano karaming basura ang ikalat nila, mas madaling makikita ang kahungkagan ng kanilang mga punto. ang kaya lang gawin ng mga iyan ay ang ulit-ulitin ang kanilang mga salita, pero walang kwenta naman ang mga sinasabi.

  • napadaan  On June 24, 2010 at 12:11 am

    hayaan niyo lang na mag comment yang si wakasanangarmadongpakikibaka. nilalantad lang niya ang kanyang katunggakan at intensyon sa pagsali sa mga diskusyon dito.hindi naman makitid ang pagiisip ng mga mambabasa ng blog na ito. LOL

  • kapirasongkritika  On June 24, 2010 at 4:22 am

    @ diwa81 & napadaan: Katulad ninyo, tiwala naman ako sa mga mambabasa ng blog na ito. Tiwala rin ako sa progresibong prinsipyo natin, na kaya nating ipagtanggol ito sa mga paninira.

    Pero feeling ko, ang layunin talaga nila ay bwisitin at pagurin tayo. Isipin ninyo: pagkarami-raming komentong puro pang-uurot lang ang laman. Pwede namang sagutin, pwede namang hindi. Pero mas maganda sigurong wala na lang. Hehe. Kung argumento pa, pwede. Pero iyung mga pasaring, nakakainis.

    Hahamunin ko pa siya: Magtayo na lang siya ng blog at sagutin ang mga punto dito. At least, makikita nating interesado siya sa mga argumento, sa talakayan. Hindi iyung puro pambubwisit lang.

    Tinatanong ako tungkol sa so-called Aquinobamarroyo theory daw ni Joma — eh iisang taong walang magawa sa buhay lang naman ang nag-coin ng katawagang iyan, si Unwell Buangcamino. Kung hindi man siya iyan, malinaw na magkakampi sila ng mga tila militar na nagkokomento rito. O baka split personality niya. Haha.

    Nakakatuwa ang tindig ninyo. Pag-iisipan ko pa rin ulit. Hehe.

  • diwa81  On June 24, 2010 at 5:13 am

    kahit pa kung anu-ano lang ang sabihin nila, kahit bahain nila ito,
    lalo lang nilang inilalantad ang kabobohan ng kanilang mga argumento.
    lalo lang mag-iingay ang mga iyan kapag nasensura.

    @ waksan… (haba naman pangalan, alam kaya ang kahulugan), hindi
    sarado ang isip namin. kung mga katulad lang naman kasi ng argumento
    mo ang ihaharap mo sa amin, malayong makumbinsi mo kami.

  • napadaan  On June 24, 2010 at 6:31 am

    Sa pagtingin ko ang mga katulad ni wakasanangarmadongpakikibaka, ay bahag ang buntot. LOL

  • kapirasongkritika  On June 24, 2010 at 3:25 pm

    Nagkomento na naman kanina si wakasanangarmadongpakikibaka. Naka-tatlo!

    @ diwa81: Winner! Baka iyan ang gusto ko talaga, ang magwala siya. Hehe. Pero sige, pag-isipan ko pa rin. Hehe.

    @ napadaan: Siya raw ang sinesensura, bakit daw siya ang sinasabihang bahag ang buntot. Eh kasi hindi magpakilala.

    Mas ganoon pa rin ang iniisip ko: Yaman din lamang at may enerhiya siya sa Internet, mag-blog na lang siya. Huwag na rito. Hehe. Pero points taken, mga kasama. Hehe.

  • napadaan  On June 24, 2010 at 11:59 pm

    hahahaha! bahag talaga ang buntot niya,kasi ginawa niya itong blog as an arena na tingin niya eh makakalamang siya at makakapanglinlang. para patas, tama ka, gumawa siya ng sariling blog! LOL

    tignan natin kung anu-ano ang magiging laman sakali.

    LOL

  • diwa81  On June 26, 2010 at 1:26 pm

    napadaan, wag ganyan. below the belt na iyan. lalo lang makakahanap ng butas si wakasan para sumagot sa maliliit na isyu para lumayo sa pangunahing usapin.

    kahit walang kwenta mga sagot, huwag tayong bumaba sa level niya.

  • kapirasongkritika  On June 26, 2010 at 2:33 pm

    @ napadaan: Ganyan din ang paniwala ko. Kaya lang, may ibang pagtingin ang iginagalang nating si diwa 81.

    @ diwa81: Ambait mo, bok, ah. Hehe. Tama ka naman, huwag tayong bumaba sa level niya. Kaya lang, dapat din talaga malantad iyung mga ganitong conscious na paninira sa Kaliwa ang ginagawa. Hehe. What you think?

  • diwa81  On June 26, 2010 at 11:42 pm

    hindi ko pa nakikita mga komento ni wakasan. pero sa tingin ko naman walang pinsalang magagawa ang mga paniniwa niya. parang paninira lang ng AFP na kabaliktaran ang epekto. imbes na masiraan nila ang kaliwa, mas bumabango pa ang kaliwa dahil hindi na sila pinapaniwalaan.

  • napadaan  On June 27, 2010 at 12:24 pm

    @diwa81, sensiya. i believe so na di siya dapat patulan. naisip ko rin nga. siguro hayaan lang natin siya.

    @kk, di naman malaking bagay siguro kung ilang beses siyang manira dito. (^_^) lumulutang naman kung ano ang kuru-kuru sa katotohanan.

  • kapirasongkritika  On June 28, 2010 at 9:18 am

    @ diwa 81 & napadaan: Hindi pa rin ako lubos na sang-ayon na ilabas ang mga komentaryo niya dito, pero napaisip ako ng ating palitan. Pag-isipan ko pa rin. Sayang kasi ang espasyo lalo na kung pambubwisit lang ang gusto niyang gawin — at malinaw ngang ganyan ang gusto niyang gawin.

    • diwa81  On June 29, 2010 at 1:42 am

      okay lang. blog mo naman ito. saka hindi naman na kailangan ng mga tulad ni wakasan para uminit ang diskusyon dito. marami naman nang nagbabasa talaga dito.
      nga pala, kita naman tayo minsan.

  • wakasanangarmadongpakikibaka  On June 28, 2010 at 9:28 am

    wag mo ng pag-isipan kk nagtatampo na ako.hehe

  • kapirasongkritika  On June 29, 2010 at 4:56 am

    @ diwa81: Iyan! Iyan ang gusto kong marinig sa iyo! E-mail na lang, ha?

    Iyun pa nga ang nakakainis. Free rider siya. Komo may nagbabasa sa blog na ito, dito siya aatake. Hehe. Sige, pag-usapan natin!

  • esme  On July 2, 2010 at 5:09 am

    KK kamusta? namiss kotong blog mo. ^_^

    ahehe.. naalala ko tuloy yung article ni Conrad sa INQ… tinawag niyang Messiah si Noynoy.

    Hahaha! hmmm… babasahin ko muna yung iba mong blog. Nahuhuli na ako. Sobra.

  • kapirasongkritika  On July 2, 2010 at 10:08 am

    Matagal ka ngang hindi nakadalaw ah. Kahit ang moderator ng comments ng blog, hindi ka na kilala. Hehe.

    Messiah? Me sayad lang ang magsasabi ng ganoon. Hehe.

    Nagkomento ka ba noong nagsulat ako tungkol sa pagsunog ng mga silya sa protesta sa PUP? O nangangampanya na para sa Kabataan Partylist? Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: