Pagsabog ng Impormasyon

Mahusay ang artikulong “The Most Trusted Name in News?” ni Deborah Campbell, nasa magasing Utne. Ipinapakilala nito ang Al Jazeera, ang nag-iisang pandaigdigang estasyong pambalita na galing sa “global South,” hindi sa mga sentrong imperyalista. Dahil sa tatak nitong “kalayaang editoryal, diin sa pag-uulat mula sa field, at… staff ng mga empleyadong naninirahan sa mga rehiyong kanilang kino-cover,” inani ng estasyon ang galit kapwa ng rehimen ni Saddam Hussein at ni George W. Bush. Dalawang himpilan lang naman ng binansagang “Terror TV”ang binomba ng US – iyung nasa Kabul at iyung nasa Baghdad.

Hinihimok tayo ng artikulong pag-isipan ang malaganap na pagtinging may nagaganap ngayong “information explosion,” na asiwa sigurong isaling “pagsabog ng impormasyon.” Ang totoo raw, nababawasan ang ginagawang propesyunal na pamamahayag (journalism) sa buong mundo. Dahil sa paglakas ng Internet, kumakaunti ang mga tumatangkilik maging sa malalaking pahayagan at estasyong pantelebisyong laan sa balita. Noong 2008 daw, nabawasan nang 40% ang pag-uulat na internasyunal ng midyang Amerikano. Ang sabi, balitang showbiz at mga kontrobersya ang pumalit sa dating reaksyunaryong pagbabalita.

Tatlong obserbasyon: Una, lumalabas na bukod sa pagkontrol ng impormasyon galing ibang bansa, tumutungo ang imperyalistang midya sa pagbura na lang sa malaking bahagi nito. At bagamat nakakatulong, sabi ng isa sa artikulo, ang citizen journalism ay parang “citizen dentistry” – pwede naman pero kulang. Ikalawa, sabi ng awtor, kasabay ng paghigpit ng pag-uugnayan sa mundo ang pagbabaw ng impormasyon mula sa iba’t ibang panig nito. Mas matalas: kasabay ng pagkubabaw sa daigdig ng nag-iisang kapangyarihang pang-ekonomiya at pang-militar ang pagbabaw ng impormasyong nakukuha ng mga mamamayan ng Imperyo.

Ikatlo, masahol ang lagay sa Pinas at mga bansang katulad. May naghahari at panggitnang uri na hyper-aktibo sa pagsagap ng impormasyon sa iba’t ibang midya, habang may nakakaraming naghihirap na inaktibo ang pagsagap – at solong binobomba ng impormasyon ng reaksyunaryong midya.

23 Hunyo 2010

Galing ang likhang-sining ni Jean Tinguely dito.

Magaling daw na ahente ang mga kontra-babae? Pag-uugnay ng pandarahas sa kababaihan at homosekswal sa Kaliwa sa pandarahas ng Estado sa mga radikal – sa US. May mga nage-NGO na hindi NGOista. Itong artikulo ni James Petras, tungkol sa mga NGOista. Larawan ng alon na nilalason ng langis sa oil spill sa Gulf of Mexico.

Ngayong Hunyo 26, apat na taon na ang pagdukot kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan; may magandang sulatin si Kenneth Guda. May hindi raw sinabi si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang talumpati ng pamamaalam, sabi ni Arnold Padilla. Wow! Nanumpa na pala si Kong. Mong Palatino kay Sen. Chiz Escudero. Congrats! Malinaw ang mga panawagan ni Carol P. Araullo kay Pangulong Noynoy Aquino.

May mga kwento si Tine Sabillo tungkol sa mga progresibo sa parlamento. May ulat naman si Carlos Maningat tungkol sa pagsang-ayon ng Department of Labor and Employment sa malawakang tanggalan sa Philippine Airlines. Patuloy ang pagpaparangal sa Komunistang si Joan Hinton; heto ang kay Prop. Giovanni Tapang.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Leon  On June 24, 2010 at 6:33 pm

    Baka isipin nila na blog ni Dok Gani yang blog ko na yan. Hehe.

  • Tine  On June 25, 2010 at 1:16 am

    Salamat.

    Interesante nga ang pag-evolve ng global media. Marami na ring naisulat na ganyan (mga artikulo sa mga magasin na tumatalakay sa midya ng “global South” at mga librong galing US na tumutuligsa sa propaganda ng kanilang gobyerno). Pero makitid pa rin ang naaabot ng mga babasahing ito, tulad ng alternatibong midya na tinatalakay nila.

    Pero inversely proportional ba talaga ang paglawak ng saklaw ng new media sa pagkitid ng propesyunal na pamamahayag? O baka naman mas may ibang correlated sa penomena na ito?

    Parang masarap tuloy bumalik sa Journ school at magbasa ng akademikong mga sulatin tungkol sa midya. Pero syempre, balewala rin naman iyon kung paglabas mo ay hindi ka naman aambag sa alternatibong boses ng mundo.

    Ang paghahangad na maging parte ng mainstream media (habang bulag sa mga patibong nito) ay kasama na sa conditioning ng lib dem na ideolohiya at ng naghaharing impe. Kaya naman dapat basagin iyang hipokritong ideya ng objective reporting. Objective facts lang ang meron. At kahit anong gawin mo, may “bias” ka pa rin – para man yan sa masa o sa naghaharing kultura.

  • Memoy  On June 25, 2010 at 9:53 am

    Dahil sa phenomenon na citizen journalism, nagagawa ng malalaking midya na higit na tipirin ang gastos sa operasyon. Napununan ang airtime ng mga ulat mula sa mga masisipag na Boto Mo patrollers (halimbawa) kahit wala naman silang pasahod. Walang pangangailangang i-edit. Wala ring dagdag na gastos sa logistics. Kung titingnan, parang “outsourced journalism” din sya (posibleng gawan ko ng entry sa hinaharap, hehe).

    Salamat nga pala sa paglink sa blog ko.🙂

  • chantaleco  On June 25, 2010 at 11:30 am

    Kaya nga kahit pa man makapasok sa konting airtime na naibibigay sa mga progresibong ideya, organisasyon o personalidad, pangunahing dahilan pa rin nito ay negosyo.. ^_^

  • kapirasongkritika  On June 26, 2010 at 2:43 pm

    @ Leon: Hindi naman siguro, may picture ka naman sa blog mo eh. Pero wait… Kamukha mo nga diyan si… Haha. Biro lang!

    @ Tine: Walang anuman. Parang ganoon nga ang sinasabi sa artikulo, at sa ibang nabasa ko, na inversely proportional nga. Pero mas iyung Internet pa kaysa sa saklaw ng new media ang tinutukoy na sanhi ng pagbaba ng propesyunal na pamamahayag — iyung mas pagbasa ng mga tao sa Internet ng mga dyaryo at balita.

    Feeling ko, sa alternative media ka rin makakakuha ng magandang sulatin tungkol sa isyu. Definitely, nakakatulong naman sa progresibong pulitika ang mga mamamahayag na may simpatya rito, o kumikilos pa nga rito. Pero ibang bagay pa nga kung ito ang dapat gustuhin ng mga aktibista.

    @ Memoy: Walang anuman din. Iyan na ang paraan ng mainstream media na i-harness ang citizen journalism na nagde-develop nang labas dito. Nakatipid nga sila. May narinig din akong hindi naman inaksyunan ng ABS-CBN ang marami sa nakuhang reklamo, kahit sa naunang mga eleksyon pa. Parang ginagawang giya lang ang mga tao para sa “propesyunal” na pagbabalita nila.

    @ chantaleco: Salamat sa pagli-link! Oo nga. Pero salik din naman, kahit mababang sekundaryang salik, ang paglakas ng kilusang masa sa paglabas nila sa midya.

  • Aki  On June 26, 2010 at 4:34 pm

    Isang haggard/balaj na pangyayari ang naganap sa mundo ng media kamakailan lang.

    May mga journalist sa Miami ay diumano nagkakalat ng black propaganda sa Cuban 5 (Limang political activists sa Cuba na kinasuhan ng terorismo ng US mga 12 mahigit na taon nang nakakaraan) at biased na nagrereport sa kaso nila (for US). Kilala ang kaso ng Cuban 5 bilang ‘poster case’ ng US-Cuba relations.

    Nito lang ay may lumabas na listahan ng mga journalist na ito at ang kanilang ‘price list’, kung magkano ang ibinabayad sa kanila para gawin ang mga diumano’y ginagawa nilang pagpoproject sa kaso ng Cuban 5.

    http://www.freethefive.org/legalFront/FOIA/PressConferencePress60210.htm

    Share lang.

  • kapirasongkritika  On June 28, 2010 at 9:24 am

    Salamat! Oo nga, nakalagay sa links ko ang sa website ng Cuban 5. Inaakusahan silang terorista, gayung hindi naman. At ngayon, heto pa. Talaga naman.

    Gayung ang US, kinakanlong si Posada Carriles, demonyong teroristang pumatay sa 73 inosenteng sibilyan, bukod sa naghasik ng lagim sa buong Latina Amerika sa iba’t ibang paraan. May video-documentary tungkol sa kanya, magandang mapanood:

    http://en.wikipedia.org/wiki/Luis_Posada_Carriles

  • Leon  On June 28, 2010 at 9:44 am

    @Teo: Yun na nga ang punto ko. Hahaha. Nekstaym na ako kokomento sa paksa. Pagiisipan ko muna ito.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: