Inauguration Porn

Nakakasuya manood ng balita sa telebisyon ilang araw bago ang inagurasyon ni Pangulong Noynoy. Lalo na sa ABS-CBN; akala mo artista nila ang naging pangulo. Lahat na lang ng kaliit-liitang detalye kaugnay ng inagurasyon, ibinalita: ano ang isusuot, saan dadaan, ano ang gagawin, ano ang kakainin, sinu-sino ang dadalo, sinu-sino ang magtatanghal, ano ang kakantahin, magkano ang gagastahin, walang katapusang kung anik-anik.

Na wala namang masama kung naibabalita ang mahahalagang kwento. Sa bakuran mismo ng ABS-CBN, mahigit 25 manggagawa ang tinanggal sa trabaho at daan-daan ang nalagay sa panganib dahil sa desisyon ng pangulo nitong si Eugenio “Gabby” Lopez III. Kaugnay naman ng inagurasyon, kanya-kanyang pagsisikap ang mga militanteng organisasyon ng iba’t ibang sektor na tawagin ang pansin ng bagong pangulo sa kani-kanyang isyu.

Higit pa diyan, itinambol ang panunumpa ni Noynoy bilang mahalaga para sa sambayanan. Na mahalaga naman, dahil hudyat ng pagpapalayas at pagpalit kay Gloria, at ng posibilidad na maparusahan na siya. Pero ano na bang mahalaga sa sambayanan ang ginawa ni Noynoy? Binuo ang Truth Commission para parusahan si Gloria. Eh bakit ang maka-Gloria na si Hilario Davide, Jr. ang mamumuno? Nagbuo ng gabinete. Karamihan naman, negosyante o dati ring burukrata, at ang iba’y naglingkod kay Gloria mismo.

Kahit ang trato niya kay Bise-Presidente Jejomar Binay, hindi nagpapakita ng pagbabago. Magsasampa ng reklamong elektoral si Mar Roxas at malinaw na hindi pa nito tanggap ang pagkatalo. Pero bakit parang hindi rin matanggap ni Noynoy? Si Binay ang biktima, gagawing spare tire ang dark horse noong eleksyon. (Bakit puro pang-maitim ang metaporang Ingles na ito?) Eh talaga namang kontra-Gloria si Binay at may suporta ng publiko?

Siguro, kung may malalaking hakbanging para sa sambayanan si Noynoy, hindi na kailangan ang mga detalyeng iniulat. Pero dahil hindi siya nagpakitang-gilas, gumawa na lang ang midya ng mababaw na palabas.

02 Hulyo 2010

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Karen  On July 3, 2010 at 11:56 am

    Hindi man lang nakaka-arouse ang porn na ito.

  • Tine  On July 4, 2010 at 5:42 am

    @Karen I agree!

  • K  On July 5, 2010 at 4:42 am

    Well. This should end definitely ang honeymoon stage, although sa pagkakarinig ko, wala naman talagang honeymoon dahil nang-iisnab sa umpisa pa lang:

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/07/05/10/activist-leader-killed-aklan-1st-under-aquino-admin

  • layka  On July 5, 2010 at 5:11 am

    Pansin ko lang. Si Ces Drilon ang no.1 fan ni Noynoy sa ABS-CBN. Talagang wala nang pagpapanggap ang Dos na maka-Noynoy sila. Dagdag dahilan ito, bukod pa sa pagiging kontra-manggagawa ng istasyon, para iboykot ang Dos!

    Ayoko nang magkomento tungkol sa inagurasyon.

    Last na, bakit nawala na ang mga rekomendado mong artikulo o links sa dulo ng entri? Ibalik! Ibalik!

  • kapirasongkritika  On July 5, 2010 at 5:52 am

    @ Karen: Agree ako kay Tine: True! Haha. Iyan na ang sharpest line.

    Nakakabahala nga ang pagpapatuloy ng pagpaslang sa ilalim ni Noynoy. Either hindi niya hinaharap para pigilan o patakaran din niya.

    @ layka: Si Ces Drilon? Iyung reporter na ngumuya ng lechon na handa sa pakain ni Noynoy? Hehe. Naku, noong caravan sa Hacienda Luisita pa lang noong November 16 last year, kitang-kita mo na ang pagpanig niya! Ni hindi tinawag na masaker ang naganap!

    May nagsabi nga: Tutal, si John Lloyd at Shaina na, tara, iboykot na natin! Hehe.

    Pana-panahon iyan, hindi naman nawala. Babalik sa mga susunod na entri.

  • rocky06  On July 6, 2010 at 11:13 am

    right .. I agree in this column… because dapat maging simple lang si President Aquino sa lahat ng bagay.. =))

  • K  On July 14, 2010 at 5:17 pm

    @ Rocky: HUH?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: