Para kay Etta Rosales

Hindi mo ako kilala. Hindi ka na bahagi ng pambansa-demokratikong Kaliwa noong namulat ako. Pero natatandaan kita kahit noon dahil naging lider-masa ka ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Pero mas nakilala na kitang lider ng Akbayan.

Sumusulat ako sa iyo ngayon, syempre pa, kaugnay ng ibinalita mong paghirang sa iyo ni Presidente Noynoy Aquino bilang lider ng Commission on Human Rights. Medyo nakakaasiwa nga dahil ikaw pa ang nag-anunsyo. Bakit ba, para tiyakin ang pangako ni Noynoy sa iyo at sa Akbayan? Nabansagan ka tuloy na “Etta-t” – atat! – ng mga tao.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na tumutol na ang iba’t ibang grupo – oo, mula sa pambansa-demokratikong Kaliwa – sa paghirang sa iyo. Maraming nagsalita: ang Karapatan, grupong tampok sa paglaban sa mga paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng rehimen ni Gloria Arroyo, ang Kilusang Mayo Uno, Anakbayan at iba pa.

Nitong huli, nagulat ako dahil may nagpadala sa akin ng isang larawan mula sa Facebook: ikaw, nakataas ang kamao, aktibistang-aktibista, at may tekstong “We want Etta Rosales as chief of the Commission on Human Rights.” Kampanya na pala ang pagiging hepe mo ng CHR. May permiso mo ba ang kampanyang ito? Sang-ayon ka ba rito?

Simple lang ang punto ko kaugnay nito at sa paghirang sa iyong pinuno ng CHR: delicadeza o, dahil minsang naging islogan ng Akbayan ang “Marangal,” dangal. Hinihimok o hinahamon kita: Tanggihan mo na lang ang paghirang sa iyo sa nasabing posisyon, kung may delicadeza o dangal ka bilang tao o nagpapakilalang aktibista.

“Bakit naman?” maitatanong mo. Kasi ayaw ka ng maraming organisasyon. Tama ka sa isasagot mo, puro pambansa-demokratiko naman ang tutol sa paghirang sa iyo. Pero kahit saang anggulo mo tingnan, dapat silang ituring na mahalagang boses sa pagpili ng mamumuno sa CHR: karamihan ng paglabag sa karapatang tao, sa kanilang hanay.

Tumaas din kasi ang ekspektasyon ng mga aktibista sa posisyon ng hepe ng CHR dahil kay Leila de Lima na huling humawak dito. Ipinakita niya na posibleng kahit hindi aktibista ang maupo rito, basta bukas ang isip, walang galit sa Kaliwa, at malinaw ang konsepto ng karapatang tao, may maiaambag sa pagtatanggol sa karapatang tao.

Walang tiwala sa iyo ang mga aktibista, na siyang puntirya ng malulubhang paglabag sa karapatang tao. Marami nang nasabi: ang paghati mo sa paglaban para sa katarungan para sa mga biktima diktadurang Marcos, kawalang-aksyon mo noong pinuno ka ng House Committee on Human Rights, pagiging red-baiter mo at iba pa.

Sigurado, marami kang sasabihin para ipagtanggol ang rekord mo. Iyun lang, tiwala akong hindi mo masasagot nang sapat ang mga tuligsa sa iyo. Datos kasi ang batayan ng mga akusasyon at galing, muli, sa hanay ng mga nilalabag ang karapatang pantao – na dapat ituring, sa wika ng civil society na nauunawaan mo, na “stakeholders” sa CHR.

Pero kahit huwag na nating pasukin iyan. Isang tanong lang: Gusto mo bang matulungan ng CHR, sa kabila ng mga limitasyon nito, ang mga biktima ng paglabag sa karapatang tao? Kung oo, dapat maunawaan mong hindi magiging epektibo ang pinuno nito kung hindi siya pinagkakatiwalaan ng mga biktima at mga grupo nila.

Ang tantya ko, may pahabol kang sagot sa tanong na ito: “Pero kailangan din ng katarungan ang mga biktima ng paglabag ng New People’s Army sa karapatang tao.” Oo nga pala, bagamat wala ka sigurong nasabing magandang nagawa ng NPA mula nang mamuno ka sa Akbayan, pinuri mo na minsan ang militar at pulisya.

Mismo. Bagamat institusyon ng reaksyunaryong Estado ang CHR, wala pa yata akong alam na termino diyan na todong nag-imbestiga sa mga “paglabag sa karapatang tao” ng NPA. Kapag nagkataon, unang beses na magaganap ito sa ilalim mo, ng isang nagpapakilalang progresibo. Hindi ko alam kung ituturing mong karangalan ito.

Higit pa riyan, pumapatungkol ang paglabag sa mga karapatang pantao sa Estado, hindi sa ibang pwersang pampulitika katulad ng NPA o National Democratic Front. Dapat alam mo na iyan, pero binabaluktot ng mga kapanalig mo ang konsepto ng karapatang pantao para saklawin ang huli. Para diyan mo ba papamunuan ang CHR?

Tanggihan mo na lang ang posisyon, Etta. Batay sa isang panayam kina Frank Pascual, Sonny Melencio at Ricardo Reyes, masama ang loob ninyo dahil hindi sinuportahan ni Noynoy ang pagiging senador ng ika-13 si Risa Hontiveros. Pero marami namang ibang posisyon. Huwag din sigurong Repormang Agraryo, Paggawa, Edukasyon o iba pa.

Tagapagsalita ni Noynoy, ayaw mo? Sakto kayo diyan. Kaunting dangal naman.

13 Hulyo 2010

Grabe talaga si Risa Hontiveros. Ayos lang sanang sabihin niyang “perfect” si Etta Rosales para maging hepe ng CHR. Kaso, red-baiting na naman siya: nabwisit daw kasi ang CPP sa posibleng pagkakatalaga kay Etta kaya maraming tumututol. At isang private army lang daw ang NPA! Talagang minamaster na niya ang mga taktika sa propaganda ng militar. Binanatan tuloy siya ng Kilusang Mayo Uno.

Maraming magandang babasahin para sa mga progresibo ang ipinapaukala ng paboritong website na Kasama Project, kasama ang mga sulatin mula sa rebolusyong Pilipino.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • krguda  On July 14, 2010 at 4:40 pm

    Nung nakaraang buwan, naglunsad ng porum ang Third World Studies Center (bakit nga pala ganyan pa rin ang pangalan nila? Talk about di-na-uso). Imbitado sina Hontiveros at Satur Ocampo. Ang topic, Did the Left Get It Right (noong nakaraang halalan)? Hindi ko na masyado nasundan ang presentasyon ng dalawa, pero naabutan ko ang open forum. Maingat si Risa doon na hindi banatan nang todo sina Satur. May isang propesor (ata, o nag-e-MA sa PolSci — basta, nag-aastang matalino) na nagsabing hindi naman daw nadefine ng dalawa ang “Kaliwa”. Ang naisip ko agad, ano ba ang pinagtuturo sa Political Science at kahit ang Kaliwa hindi alam ng propesor na ito? Anyway. Lumalabas sa diskusyon na hindi naman itinuturing ng mga akademikong ito sa TWSC at ng Akbayan ang armed movement bilang “Kaliwa.” Maraming prejudices at downright wrong notions ng armed left. And they speak, supposedly, from a position of authority. Nagmamarunong.

    On the other hand, baka takot lang sila sa karahasan. Siyempre, when you’re in very previleged positions, hindi mo maiintindihan kung bakit may mga nag-aarmas para baguhin ang kalagayan nila sa lipunan. Lahat ng karahasan sa iyo ay masama, terorista, di-makatao.

    Which is such a shame, dahil napakalaking failure ito ng pag-iisip nila. In short, bobo.

    • Karen  On July 17, 2010 at 2:47 am

      “May isang propesor (ata, o nag-e-MA sa PolSci — basta, nag-aastang matalino) na nagsabing hindi naman daw nadefine ng dalawa ang “Kaliwa”. Ang naisip ko agad, ano ba ang pinagtuturo sa Political Science at kahit ang Kaliwa hindi alam ng propesor na ito? ”

      HAHAHA! Salamat KR sa unang tawa ko ngayong magandang Sabado.

      “Lahat ng karahasan sa iyo ay masama, terorista, di-makatao.”

      Except, kung ang nasa Estado poder ang gumagamit ng karahasan. Ano nga ba yung tawag nila doon? Ah, yes, state terrorism. At isa pa, yung swabe ang dating…. Hmm. Climate of impunity. Ilan na ba ang pinatay sa loob ng 17 days na panunungkulan ni Aquino? He did hit the ground running, di ba. Wala pang isang linggo, pumatay na ng aktibista.

  • diwa81  On July 14, 2010 at 11:43 pm

    natatandaan ko noong mga unang araw ng rehimen ni noynoy, naglabas din ng pahayag si risa na hihirangin din daw siyang undersecretary.

    wala na talaga ang akbayan. nahulog na sila sa pagiging simpleng buntot ng mga naghaharing uri. yung ibang hinirang sa gabinete, tahimik lang sa kanilang appointment. sina risa at etta, kailangan sila pa mismo ang mag-anunsyo ng gagawing paghirang sa kanila umano.

    para bang gusto nilang pangunahan para masubo na si noynoy at mapilitang ituloy ang paghirang. baka kasi mapurnada pa.

    sa madaling sabi, naging tagahimod na sila ng pwet ni noynoy para lang magkaroon ng pusisyon sa gubyerno. tamang-tama para sa pangalan ni e-ta.

  • Tine  On July 15, 2010 at 12:55 am

    Yung mga kasama ko, ang tawag sa kanya ay Ettae. But then I digress…

  • layka  On July 15, 2010 at 5:26 am

    Hindi tatanggihan ni Etta ang CHR Teo. Kita mong atat na atat na nga sa pag-anunsyong iaappoint siya ni Noynoy. Ang kapal ng mukha!

    Sarap lang icaricature nina Noynoy at Etta – mga mababahong tulo laway na mukha ng paglabag sa karapatang pantao.

    Bago na ang mukha ng blog mo ah! Ayos sa mata ang berde, kulay damo. Nakakaadik. Di nakakasawang tingnan at balikan.

  • missphilippines  On July 15, 2010 at 3:07 pm

    God I miss you Teo! Ang sa akin, una, kapag nakakakita ako ng kagaya ni Etta at iba pang rejectionists, laging sumasagi sa isip ko, do you guys really understand national democracy as a theory on revolution brought upon from a material development that is clearly undeveloped and grappled by the foreign capital? Pangalawa, are they even aware of national democracy as a framework for a warfare that is greatly misunderstood for a time by some fellow Chinese comrades as seen in the chinese revolution, which Mao after all has strongly faced? Kasi ang feeling ko sa mga kagaya nila, especially as how I read and listen to their polemics, Etta would not even look like someone who understood this brand of revolution after all.

    In this case, what seems to be the latest ammunition used by those urchins is to claim that there are human rights violations committed by the CPP-NPA-NDF. In this manner, what I have observed is that human rights violations is greatly obscured by these maggots. Rights and freedom have become nothing but commodities that are depoliticized and infringed by their understanding that any violations and atrocities are not political alignments while the number of death and killings become the very positive order of range and gravity of the contending powers. Electing Etta as the CHR not simply displays an outright establishment of fortification walls against the national democracy but her existence is the best foot forward of the regime to dismantle the armed movements and place the right of justice of the national democrats under a state of exception. It simply means that Etta as choice is a strategy to neutralize the very radical potentialities of the armed movements and the capacity of the people to embrace the radical, the painful and the horrifying in intervening on the present social conditions. Etta is a monstrous plea of the present order not to protect human rights but couch the burgeoning antagonisms that might erupt soon as people’s war. More than Etta as a civil society approach on the system, she is also the very plea of the state to save itself in the midst of the impending catastrophe.

    But after, why bother with Etta when there are communities necessary to be organized? In the end, I would like to thank Han Suyin for a writing the Morning Deluge, you wanna photocopy?

  • manuelbuencamino  On July 15, 2010 at 3:20 pm

    “Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na tumutol na ang iba’t ibang grupo – oo, mula sa pambansa-demokratikong Kaliwa – sa paghirang sa iyo. Maraming nagsalita: ang Karapatan, grupong tampok sa paglaban sa mga paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng rehimen ni Gloria Arroyo, ang Kilusang Mayo Uno, Anakbayan at iba pa.”

    Iba’t ibang grupo o isang grupo na maraming alias?

    Hindi ko ini-endorso si Etta kasi hindi ko naman kilala yun tao. Kapansin-pansin lang yun sinulat mo. Sana sinabi mo na lang na “ayaw ni Joma kay Etta kasi socdem siya at sang ayon ako dun.”

    Mas maigi kasi kung you lay your cards on the table. Ipaliwanag mo kung bakit hindi matatanggap ng lider ninyo ang kahit na sinong socdem, kung bakit siya lang at ang mga apostles niya ang okay at tama ang pananaw at paniniwala.

    • krguda  On July 15, 2010 at 6:41 pm

      Bakit, si De Lima progresibo/komunista/natdem ba? Hindi ah. Pero aprub sa mga militante si De Lima. Bobo mo talaga.

    • quistine  On August 7, 2010 at 12:11 pm

      uy, buencamino, andito ka na naman?! So, kumusta naman ang tagapagtanggol ng status quo?

      (hahahhaha! sorry, cant let that chance pass).

      to teo: nice new look! ^_^

  • kapirasongkritika  On July 15, 2010 at 4:58 pm

    Wow! Andaming komento! Hehe. At isa lang ang pumansin sa bagong template ng blog. Ibig bang sabihin, aprub? O naawa na lang kayo sa pagbabago kaya kayo nagkomento? Hehe. Ang gusto ko rito ay iyung font. Na-retain nito ang magandang font sa dating template pero ginawang mas compact. Hiwa-hiwalay ang teksto sa dating template eh.

    Dagdag ko lang: nagladlad na si Ramon “Mon” Casiple, aka “a political analyst.” Hindi talaga nyutral na pampulitikang tagamasid kundi Akbayan to the core. Sabagay, nyutral naman ang tingin ng tao sa Akbayan. Haha.

    http://moncasiple.wordpress.com/2010/07/10/etta-in-the-chr/

    @ KRGuda: Talaga? Hindi raw Left ang armadong Kaliwa? Weird. Baka sa kagustuhan ng mga Left-leaning sa PolSci Dept na maging mabango ang Kaliwa ay inaalis nila sa larawan ang armado. Pero warped sense of the Left ang makukuha mo sa ganoon. Hay, definitions. Diyan mahilig maghinguto ang mga akademiko, para may nagagawa. Hehe. Zizek: Daldal nang daldal para wala nang magawa. Hehe.

    @ Diwa81: Iyan nga ang isang laging bansag kay Etta: Etta-Etta-Etta. Hehe. Baka naman kapag may malaking kontrobersyang sumiklab eh kumalas din sila kay Noynoy. Kanino ko ba narinig iyung quote ni Lenin na sa larangan ng pulitika, “loyalty is for dogs”? Hehe. Ang konsepto nila ng paglakas ay pagdikit sa gobyerno at naghaharing uri. Hihina talaga sila sa long term.

    @ Layka: I super-layk you na, dahil ikaw lang ang nagkomento — at positibo pa — sa bagong template. Salamat! Akala ko, violent ang magiging reactions. Baka naman hindi talaga tanggihan ni Etta. Pero at least ma-expose siya. Lagi kasi silang nagmamarangal, eh wala nang dangal ang ginagawa nila.

    @ missphilippines: Na-miss din kita ah. Hehe. Salamat sa pagba-blog ulit dito! Una, hindi talaga natin kilala si Etta sa polemics. Hindi naman yata talaga siya teorya mode kahit noong pambansang demokrata pa siya. Feeling ko, marami sa kanila, hindi naman talaga sa analysis nagsisimula. Nagsisimula sa kagustuhang tumulong sa mahihirap tapos takot din sa so-called “extreme Left” — tayo. Tapos nabansot na sa ganoon. Kaya wala talaga siguro sa frame nila ang mga tanong mo. Attempt to save the system, kamo. Hindi naman maililigtas ang sistema ng pagtatalaga lang kay Etta sa CHR. Pero pang-neutralize talaga siya. Tuloy ang HRVs tapos ganyan pa ang nasa CHR. Naku!

    @ manuelbuencamino: Oh, napagawi ka. Nabugnot ka na bang makipag-usap kay Anna de Brux at sa mga gawa-gawang nagkokomento ng hallelujah sa blog mo? Ganito na lang: sumama ka na lang sa mga naka-motorsiklo at nakasuot ng bonnet na pumapatay sa mga aktibista. Iyun naman ang gusto mo, hindi ba? Eh kasi ganyan talaga ang taktika ninyo, ng militar: hindi pag-ibahin ang ligal na Kaliwa sa underground. Hindi si Joma ang isyu dito. Nanahimik ang tao, hindi ninyo mapatahimik kasi red-baiting kayo palagi. Ang usapin dito, pagsusuri. Hindi kailangang si Joma pa ang magsabing makakasama si Etta sa CHR. BTW, kumusta na ang appointment mo? Nabinbin ba dahil pinanatili ni Noynoy ang mga diplomats ni Gloria? Haha.

    • krguda  On July 15, 2010 at 6:45 pm

      May certain obsession si Buencamino kay Joma, nakakatawa na. Tama ka Teo, pagsusuri ang usapin. Bakit hindi makipagtunggali sa usapin ng pagsusuri? Kasi hanggang antas-showbiz tsismis (name-calling, pang-iintriga) lang ang kaya nitong si Buencamino.

    • Tine  On July 16, 2010 at 2:30 am

      Nung una akong nag-reply di ka pa kasi nag-iiba ng template. Pero mas gusto ko yung luma. And what’s with the green? Mukha talagang wallpaper. Anyway, kasiyahan naman yan ng may-ari ng blog. BTW, pwede mong palitan yung text thru html kahit anong template man ang gamit mo. Kaso matrabaho kasi ise-set mo pa sa bawat entry.

  • missphilippines  On July 15, 2010 at 9:27 pm

    Hello Buencamino! I just don’t understand, you are 30 years older than me and yet the very notion of ideology and dialectics seem to be very frustrating for you to understand! But after all, I don’t see if we love Joma Sison because look at him he looks so chinito, cute and has a strong charisma as he deliver the communist ideas. I wonder any strong personality from the other camps? Look at Walden Bello, will you be attracted with that boring man? He has no charisma and spunk for me, he is not even as cute as jomar, right? Sure Joma does not like Etta and so we are, deal with it! I love you Joma Sison! Mabuhay ka!

    Unlike Buencamino, such elementary problems like this hindi pa rin magets! Yuck!

  • napadaan  On July 16, 2010 at 12:29 am

    Hahahaha….I love this blog!

  • FreeSince09  On July 16, 2010 at 2:33 am

    @Manuel Buencamino: Etta and her AKBAYAN cohorts are lying hacks of the AFP. The bullshit “hitlist” concocted by the elements of the AFP/AKBAYAN proves that Etta is either unaware or lying to the teeth when she says she was targeted for assasination.

  • Leon  On July 16, 2010 at 5:05 am

    @Teo: Hindi ba naeedit yung header ng layout na ito? Sayang. Gusto ko yung layout at readability ng theme na ito pero namimiss ko yung iconical spectacles na lagi ko nang naaassociate sa KK. Hehe.🙂

    @Topic: Which makes me wonder kung ano ang mauuna — ang pagbalik ni Walden Bello sa ND fold because of the possible disgust he is feeling towards his Aquino boot-licking, neoliberal-subverted “comrades” or death by old age? Sana yung una. Haha.

    @Tine: What’s wrong with green? Isusumbong kita sa Kalikasan-PNE. Echos.

    @Buencamino: Manahimik ka nalang gago. (Do we really need to indulge in his intellectual masturbation?)

    • Karen  On July 17, 2010 at 2:54 am

      Ay. Yun na ba ang masturbation ni Buencamino? So sad.

  • manuelbuencamino  On July 16, 2010 at 6:41 am

    HAHAHA syensya na kayo kasi medyo confused ako. Hindi ko maintindihan kung ang party line ninyo ay galing sa Nacionalista Party ni Villar o CPP ni Joma. Kung sabagay walang naman masyadong pagkakaiba yun diba?

    • Karen  On July 17, 2010 at 2:55 am

      Ay. You must be bored sa blog mo. Kun sabagay, mas maganda dito, may nagbibigay pansin sa iyo.

  • Daniel  On July 16, 2010 at 6:49 am

    @Buencamino: I really wonder where’d you get that idea of personifying Joma himself as the national democratic movement . So you think it is possible that those who oppose Etta’s appointment as CHR chairperson were due to Joma’s personal aversion against socdems, and so all our opinions depend on how Joma would react to certain issues? Or could it be that Joma and the rest of the ND mov’t only happened to believe in one principle, the way Etta and the military share the same opinion on the issue of EJKs? Para ka lang istambay/lasenggo sa kanto maglatag ng argumento e.

    • Karen  On July 17, 2010 at 2:58 am

      Wala ngang argumento e. Name-dropping and using a couple of acronyms, na pinagtuhog-tuhog ng nga parts of speech ay hindi argumento.

  • Manuelbuencamino  On July 16, 2010 at 9:46 am

    Daniel,

    To paraphrase a wise man : “Once you become a Defender of the Idea it affects your thought process and your mind becomes closed to anything that does not fit the Idea.”

    Not all ideas are true. There are ideas that set you free and there are ideas that imprison the mind. I hope that you have the wisdom to tell the difference because if you don’t then that means you can be indoctrinated. Easily. And you will never be free. You will never be able to change your mind because you will look for reasons not to change your mind, even if better ideas comes your way. You will be locked in. And to be locked in, my friend, is to be in prison.

    • diwa81  On July 16, 2010 at 2:27 pm

      may “imprisoning idea” ka pang nalalaman. iyun nga mismo problema sa iyo. ni hindi mo naman sinasagot kung bakit mali sa tingin mo ang argumento namin laban kay Etta, maliban lang sa dahil sinabi ito ni Joma.

      ganun ka ba talaga kababaw mag-isip? mali pa nga ang sabi ni Daniel. kahit tambay o lasenggero, baka mas matino pa sayong mag-isip.

      paano kung sinabi ni Joma na “huwag pumatay ng kapwa,” sasabihin mo ring mali iyon at ang kabaliktaran ang tama?

      ang dami-daming punto ang binanggit sa itaas, at maging ng mga progresibong grupo na siyang pangunahing target ng mga paglabag sa karapatang-tao, bakit hindi iyon ang sagutin mo?

      dalawa lang ang iyan. alinman sa lumalaro ka lang sa palasak nang linya ng gubyerno at AFP na “mga komunista lang naman ang mga nagrereklamong iyan” o talagang tanga ka lang at walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa paligid mo.

      ang malungkot diyan, dahil sa mga ignoranteng pahayag na katulad ng sa iyo, nagpapatuloy ang pamamaslang sa mga aktibista maging hanggang sa kasalukuyang rehimen.

      lumalabas na wala kang pakialam sa mga pamilya ng mga pinaslang at biktima ng iba pang paglabag sa karapatang-tao, mula noon hanggang ngayon. para sa iyo, bale wala na ang lahat ng lehitimong hinaing nila, kabilang na itong pagtutol nila sa paghirang kay Etta sa CHR. at ang tanging dahilan mo, kasi galing lang ito kay Joma!

    • Tine  On July 17, 2010 at 3:02 am

      I think you are referring to yourself.

  • kapirasongkritika  On July 16, 2010 at 10:21 am

    @ KRGuda: Akala niya nakakaasar siya. Mas nakakarimarim. Bakit may mga taong ganyan mag-isip? At iniisip na nag-iisip din tayo sa isang paraan na bulok. Pero tingnan mo naman ang huling komento niya, ha. Nagpapakitang-gilas. Feeling philosophical. Sino kayang kainuman niya ang nagsabi niyan? Haha.

    @ Tine: Naku! Hindi ako nakapagkomento nang hiwalay sa una mong komento. Iyun naman ang sasabihin ko sana. Kagawian na iyan: Etta-Etta-Etta. Naku, ignorante ako sa teknolohiya. Baka mahirapan lang, kaya ito na lang muna. Bakit, green din naman iyung ibang progresibong sites ah? Haha. Lagot ka kay Leon.

    @ missphilippines: Naku, pagpasensyahan mo na. Alak lang ang nagpapalipad ng isip niyan ni Buangcamino. Alam mo na, mga opisyal ng gobyerno. Hindi sa henerasyon nila ang pagbabasa. Sapat na ang mga quote-quote na makukuha sa Google. Best na si Hunter S. Thompson! Walang philosophy iyan, walang teorya. Dialectics, ano iyun?

    @ napadaan: It attracts the best readers. Tapos iyung isa, gustong magpapansin. Wala na kasing kausap. Gustong magkaroon. Haha.

    @ FreeSince09: I’m glad you brought that up! Eh ano, tahimik na sila ngayon? Kasi alam nilang napraning lang sila at gumawa ng gulo. Kung may dangal o delicadeza sila, dapat bawiin nila iyung mga histerya nila, ano?

    @ Leon: Bilang nagsasalamin ka rin. Hehe. Sayang, hindi ako marunong eh. Wala namag spectacles iyung huli ah. Hehe. Naku, hindi ko idi-discount iyang Walden Bello mode mo. Baka siya na ang pinakamarangal ngayon sa kanila. Haha.

    @ Daniel: Haha! Istambay lang iyan talaga, humihirit sa lahat ng dumadaan. Todo-humirit kasi alam niyang hindi nagma-matter ang opinyon niya. Haha.

    @ manuelbuencamino: Naks naman! Kunwari may nabasa ka nang malalim. Sino nagsabi niyan? Sa Peanuts mo ba nabasa? Haha. Si Hegel? Stathis Kouvelakis? Alenka Zupancic? Ide-ideya ka pa diyan. At ano ang idinidikta sa iyo ng Ideya mo ngayon? Ipagtanggol to death si Noynoy? Yuck! Ikaw, sa sarili mo, alam mong mas buo ka pa mag-prisinta ng ideya sa amo mo eh. Iyan ba ang wastong ideya. Noynoy or Joma? Naku, I’ll pick Joma anytime!

  • Manuelbuencamino  On July 16, 2010 at 11:35 am

    Teo,

    masakit ba yun sinabi ko?

    Nga pala sometiimes the truth hurts’ actually tulad nga sabi nga ng isang progressive na hindi katulad mo – the truth will set you free but first it beats you shitless

    • Karen  On July 17, 2010 at 3:08 am

      Ay. High-falluting hilosophical discussions on truth na. Hindi ko na gets.

      Pero sandali, alin yung supposedly truth na sinasabi mo? Na socdem sina Etta at may allergy si Sison sa mga socdem? And THAT is beating Teo shitless?

      Hahaha.

    • krguda  On July 17, 2010 at 8:42 am

      “the truth will set you free but first it beats you shitless”

      Wow mukhang pinag-isipan siguro bago ipost. Profound! Mula sa intelektuwal na tradisyon ng Chicken Soup For The Soul at Celestine Prophesy.

  • missphilippines  On July 16, 2010 at 7:12 pm

    Hey Buencamino!

    First, if you want to push and assert that we are followers of Joma, then we are! Why? who do you want us to follow, you? Yuck! Sa tingin ko mas magugustuhan pa ng mamayan si Joma Sison kaysa ikaw dahil tignan mo nga yang sarili mo, from a stupid logic and an ugly face, the faces of the masses will get sour. My god no one will even get sexually attracted from your face unlike Joma! Look at him, not just he is so chinito, he speaks well and he has a good aptitude on social graces. Have you ever wondered why models love him? Unlike you, do you have any followers? do you have any fans? Wala naman nagmamahal sayo Manuel Buencamino. Unlike us, we love Joma Sison so much!

  • missphilippines  On July 17, 2010 at 1:27 am

    pero may dagdag akong chika sayo Teo, nagdonate si Zizek ng libro sa CNS! Now I love him more dahil sa ganong ginawa niya. winner diba? pati pala si Spivak pero mukhang hindi dumating sa address hahaha

  • kapirasongkritika  On July 17, 2010 at 1:54 pm

    Hala. Um-engage na ang mga tao. Naalala ko tuloy iyung naikwento sa aking may nahuling intelligence agent sa kampuhan sa DAR noong isang gabi. Parang ganoon si Buencamino, pumasok dito. Ayan tuloy, kinuyog.

    @ Karen: You’re having so much fun, ha. Haha. I love that expression! Hitting the ground running. Walang sinasayang na panahon! Masturbation? Parang hindi pleasurable ang ginagawa niya, ano? Well, malay mo, may kakaiba siyang pleasure… “Name-dropping and using a couple of acronyms, na pinagtuhog-tuhog ng nga parts of speech ay hindi argumento.” Sabi nga ni Kris Aquino: Kerrrek! Yeah, that is beating me shitless.

    @ missphilippines: Teka lang, ha. Lab naman natin si Joma pero OA ka naman yata… Haha. Wow! Anu-anong libro? Sabi nga nila, nagsasalita iyan sa iba’t ibang okasyon nang walang bayad. Next level na: Imbitahin mo na si Zizek rito sa Pilipinas! Haha.

    @ Tine: True! Feeling ko, kaya paniwalang-paniwala siya sa quote na iyan ay dahil talagang ginagawa niya ang lahat maipagtanggol lang ang tingin niya sa mga isyu, tampok nga itong si Noynoy. At dahil tingin niya magaling siya, tingin niya, ganoon talaga ang takbo ng mga bagay-bagay. Excuse me. May hangganan ang pagtingin niya.

    @ KRGuda: Haha. Nag-Google ako! Derived ang quote either kay James A. Garfield na dating presidente ng US o kay Gloria Steinem, feminista. Iyung una, ipinapabasa ng mga naghaharing uri sa mga anak nila. O kaya naman ay galing lang talaga sa Google. Iyung ikalawa, well, okey naman si Steinem sa isang antas. I rest my case your honor.

    @ manuelbuencamino: Let me quote Mao Zedong: “The truth is on our side.” Hehe. Napagdaanan na namin iyan, iyang masaktan dahil nalaman namin ang katotohanan. In fact, binubugbog kami sa mga rali at binabantaan ng kamatayan dahil sa pinagsasasabi ng mga katulad mo. Nagsa-struggle kami para maging aktibista; mahirap iyun. Pero ikaw? You have been a reactionary all your life. You defend this system? Where is the truth in this system?

  • Leon  On July 17, 2010 at 4:25 pm

    The truth in this system is only in our dictionaries. (Nakiki-ride sa kunyari profound statements)

  • Manuelbuencamino  On July 18, 2010 at 4:20 pm

    mahirap talaga kausap ang mga religious fanatics

    • Sasha Fierce  On July 19, 2010 at 2:59 am

      Oo naman. Tulad mo panatiko ng sosyal-demokrasya at reformismo.

  • kapirasongkritika  On July 18, 2010 at 6:29 pm

    @ Leon: It is at the center of our solar system. Haha.

    @ manuelbuencamino: Ay, oo. Lalo na kung tanga ka naman…

  • missphilippines  On July 19, 2010 at 12:14 am

    my god mahina ka talaga manuel buencamino, sinabi na yan ni zizek at carl schmitt. ayon nga kay papa carl na ang modern political concepts ay parang mga secularized ideas na. magbasa ka naman para hindi mapaghalatang nawawala ka sa landas.

  • kapirasongkritika  On July 20, 2010 at 12:15 am

    @ missphilippines: Haha. Napapariwara?

    @ Sasha Fierce: … at ng kontra-Kaliwang moda. Salamat sa pagbisita at pagkomento!

  • Manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 2:10 am

    missP,

    dami mo pang name drop dyan. baka ni hindi mo mapronounce ng tame. Mamaya yun zizek no maging sisig.

    Nga pala mukhang parepareho ang mga reading list ninyong lahat. Meron bang nihil obstat ang pope ninyo sa mga authors na yan?

    • Sasha Fierce  On July 20, 2010 at 12:03 pm

      Wahaha nakakatawa nag-joke o…😦

      My golly nakakapagod ka. Wala ka nang ibang linya. Okay lang naman na aminin na mahina kang umintindi at takot kang humawak ng libro.

      Ano ka ba, joke time ka na naman. Ikaw kaya ang mukhang panatiko dahil daig mo pa ang nagro-rosaryo sa paulit ulit na mga linya mong wala namang follow up at page-expound na nagaganap. So ano reply ka uli ha. Tapos ulitin/irecycle mo uli yung mga favorite line mo ha. Repetition-compulsion ito.

      A okay wala kang hilig sa “ismo?” Okay lang yan, the “isms” you are referring to are bigger than you, so even when you adamantly deny their existence, the more their powers take grips on you. So behlat!😛

  • Manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 2:26 am

    KK,

    hahaha nasaktan nga si Fr. KK

    pero nakikiramay naman ako sa kalagayan mo, mahirap talagang buhayin ang isang paniniwalang naiwanan na ng panahon.

    mahirap talaga kung ang maitatapat mo sa bagong kaisipan ay yun lang biblia at gospel na sinulat ng mga puti at dilaw na matagal ng yumaon.

    mahirap talaga manitili bilang isang bible thumper

    • Sasha Fierce  On July 20, 2010 at 2:45 am

      Ikaw naman masyado ka. Look, I can always use your formula to hurl the same shit against you: an Anti-Left, Social-Democrat fundamentalist. [Tingin ko nga maski yung mga SocDem sa Europe mahihiya sa mga pinaggagawa ng Akbayan e. To the highest level na ang ka-cheapan nyo kasi.] Oh, e ano ka ngayon?

      Bagong kaisipan? Anong bago dun? E lahat naman ng basura na ginagamit nyong argumento super laspag na. Tulad ng strategy ni Mama Etta na mang-red bait ng mga progressive organizations bilang communist fronts: luma at nabubulok na. Feeling mo lang bago yun. Claim mo lang yun.

      • Manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 9:17 am

        sasha,

        syensya na poh pero hindi ako Socdem. Hindi ako palasakay sa mga kaismohan.

    • diwa81  On July 20, 2010 at 12:15 pm

      @manuelbuancamino: ang galing-galing mo namang sumagot, pero bakit hindi mo masagot tanong ko. sige nga, ilatag mo ang mga punto mo kung bakit tama na malagay si etta sa CHR, o kung bakit mali ang pagtutol namin, liban sa nabanggit mo nang napalalim at napakatalinong dahilan.

      • manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 2:15 pm

        sinabi ko na nung unang komento ko na hindi ko iniindorso si Etta Rosales.

        At sinabi ko din na kapansinpansin ang pagtutol niyo kay Rosales kasi ang dahilan ay hindi niyo siya kakosa. Tiga ibang partido siya at kung hindi ako nagkakamali eh RJ pa. Heretic kumbaga.

        So maliban dun sa magkasalungat na religious beliefs ninyo, ano pa ba ang tutol ninyo sa kanya?

        Napanood ko si Satur sa show ni Rissa Hontiveros kanina.

        Sabi ni Risa, kung ayaw mo kay Rosales sino ang gusto mong ilagay dun sa pwesto?

        Wala ibinigay na pangalang kapalit si Satur. Basta huwag lang daw si Rosales.

        Yun din ba ang sa iyo, basta huwag lang si Rosales?

      • Leon  On July 20, 2010 at 3:15 pm

        Basta wag kontra-mamamayan tulad mo, bobo.

      • Manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 3:55 pm

        leon,

        Ahahaha hindi makasagot ang matalino.
        Ngawngaw kayo ng ngawngaw tapos wala ka palang maibigay ni isang pangalan lamang mula sa inyong hanay?

        Nga pala, paano naman naging kayo ang naging boses ng mamamayan eh ni hindi ninyo nakayang ipanalo yun kandidato niyo sa pagkapresidente at pagkasenador? Kontra mamamayan ba yun hindi bumoto sa inyo o may sariling isip lang sila? O baka naman sasabihin mo bobo din ang lahat ng hindi nagpabola at lumuhod sa altar ng relihyon ninyo.

      • Leon  On July 29, 2010 at 5:04 pm

        @manuelbuencamino: Di ko na binasa komento mo bobo. Antanda tanda mo na bobo ka pa rin. Ewan ko kung bakit tingin ng ibang mga tao dito na kailangan pang pag-aksayahan ng sensible talk ang isang bobo katulad mo.😀

  • Kontras  On July 20, 2010 at 4:28 am

    Ah, that’s it. Communists are religious fanatics. And Manuel Buencamino is a free-thinking, enlightened individual who takes orders from no one but himself. You gotta love libertarian, pre-Freudian tropes. They never fall out of fashion.

    • Sasha Fierce  On July 20, 2010 at 12:46 pm

      Oo nga. Di ba dogmatic din yun? Yung para bang natural at spontaneous kaagad ang bifurcation between those “who stick to the book” and those who are supposedly critical and free from any ideological/ism baggages? What concerns me at this point is the deconstruction of this so-called dogmatic/critical, communist/liberal binaries. In the first place, are these terms really unproblematic, transparent as they appear? How were these terms produced and contraposed in the first place? Who arbitrates and determines which of these terms are to be given privilege? And in what contexts?

      Sa esensya, Manuel Buencamino hindi lang umiikot sa yo ang mundo. LOL

      • Manuelbuencamino  On July 20, 2010 at 4:03 pm

        Sasha,

        talagang hindi umiikot sa akin ang mundo kasi kanya-kanyang mundo tayo. Tulad mo gumawa ka na ng sariling red planet mo. LOL.

  • kapirasongkritika  On July 20, 2010 at 5:35 pm

    Ang tiyaga ng mga tao! Haha. Please take note, kahit isa sa mga komentong ito, hindi ko inimbento. Di tulad ng iba diyan…

    Anyway, talagang histerikal na itong si manuelbuencamino. At tayo ang audience niya. Hayaan ba natin siya para ma-psychoanalyze lang ang kabaliwan niya?

    @ missphilippines: Nasaan ka? Zizek to sisig daw? Haha. Papatulan mo ba itong tsismoso sa kanto?

    @ Sasha Fierce: Sinabi mo pa. Talagang gripped by the illusion siya na wala siyang “ismo.” Inimbento nga niya ang gulong at isa siyang tabula rasa. Tanga lang ang magsasabi niyan, hindi makakatindig kahit sa mga burgis na social scientist.

    @ diwa81: Tyaga mo tsong! Tinanong mo pa. Haha. Pabalik-balik lang siya sa argumentong mali. Kahit pa usapin ng dalawang, tutal iyun ang gusto niya, ang mga biktima ng HRVs ngayon, lalo na ng pagpaslang, nasa isang kampo. So bakit iyung nasa kabila ang iuupo sa CHR? Para lalong patayin iyung nasa kabila?

    @ Leon: Pwede naman iyun. Though ako, offhand, masasabi ko: Wigberto Tanada.

    @ Kontras: Hindi ka na rin makapagpigil? Karangalan ni Buencamino iyan: siya lang ang nagpalabas sa iyo sa semi-retirement sa pagkokomento rito. Hehe.

    @ manuelbuencamino: Hindi ka ba nahihiya sa pinagggagawa mo? Alam naman naming dati kang government official. Diplomat ba? Tapos kung pumatol ka rito parang wala ka nang ginagawa sa buhay mo kung hindi mag-online. You’re such a loser, yaya. Kung ako anak mo, baka kinutusan na kita. Haha. You’re giving me too much credit. Karaniwang mananampalataya lang po ako, madaldal lang. Haha. Tsaka ito ba ang patay na pananampalataya? Andaming nagkokomento, andaming nag-eenjoy sa mga komento at katangahan mo. How you wish patay na rin ang pananampalataya mo para may pumansin man lang sa blog mo, ano? Kawawa naman you Sir. Kumusta na ba appointment mo? Bakit hindi mo masagot? Haha.

  • Sasha Fierce  On July 21, 2010 at 2:27 am

    @Manuel Buencamino: kanya-kanyang mundo kamo? Ano ka autistic, mongoloid, achuchuchu? Kaya naman pala baliw ka pla e. Nuff said.

    • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 6:38 am

      Sasha,

      ano ka mali-mali? pagsinundot napapasigaw ng lahat na namemorize sa pamphlets?

      • Sasha Fierce  On July 21, 2010 at 7:12 am

        Troll. You don’t deserve my precious attention. Troll

      • Sasha Fierce  On July 21, 2010 at 7:14 am

        Autistic troll to be exact.

      • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:23 pm

        hay naku mali-mali na, oc si pa.

    • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 1:04 am

      Grabe naka-drugs ni Buangcamino o.

  • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 6:35 am

    ang ingay ng choir pero tameme lahat kung ang tanong ay sino ang gusto ninyong mamuno sa CHR? Magbigay naman kayo ng pangalan!

    • Sasha Fierce  On July 21, 2010 at 7:14 am

      Wow. Naman. May deadline? Importante ka te? Guguho ba ang kilusan namin kapag hindi ka binigyang pansin at di pinagbigyan ang bisyo mo? Magbasa ka kaya te, para may alam ka. O kaya alagaan mo anak mo baka natambay na dun sa mga lasenggo sa kanto nyo.

      • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:33 pm

        walang pong deadline. pero kung walang kang ibibigay na alternatibong pangalan eh di hanggang ngawngaw ka na lang

    • missphilippines  On July 21, 2010 at 10:32 am

      si Ka Roger ang gusto kong head CHR, ano keri mo ba yung ganong decision?

      • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:27 pm

        Oo bakit hindi kung magpapakita siya.

      • missphilippines  On July 21, 2010 at 5:31 pm

        ganito kasimple ang problem mo Manuel Buencamino. hindi mo magets na ang lipunan na ito ay hindi maayos at walang kalayaan ang mga tao lalo na ang masang anak pawis. feeling mo egalitarian ang order na ito at makatao. sa tingin mo kapag bumaba si ka roger hindi siya papatayin ng militar? sa tingin mo ba kapag ang mga NPA ay nag-ikot hindi sila babaralin ng militar? sa tingin mo ba kapag sinabi ni noynoy na puputulin niya ang mga policies ng amerika sa Pinas hindi sila maglulungsad ng digmaan laban sa pinas? mas malala ka pa kay GMA manuel. sa mga argumento mo ang gusto mo ay hindi maliwanagan kung hindi ineutralize ang radical na potential ng mga bagay-bagay at sinasabi mo na ang mga ND ay pula lamang na sumusunod kay Joma. Sige kung ganon ang palagay mo, anong mali ba sinasabi ni Joma? Mali ba na manawagan laban sa imperialismo? mali ba na bigyan ng lupa ang farmers? at mali ba na hindi si Etta ang dapat sa CHR kung hindi isang tao na gets ang armed revolution dahil sa kalagayan ng pinas at hindi dahil RJ siya at maraming funding na kalakip dito.

    • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 1:03 am

      What is ngawngaw? So funny. Hoy tonto, ibig sabihin, napaka-delusional at napaka-conceited mo naman na akala mo sa bawat kumpas mo, ijo-join namin yang paghingi-hingi mo ng pangalan at iba pang kabobohan mong nakuha at binasa mo sa pamphlet ng Akbayan. Super tanga.

  • Sasha Fierce  On July 21, 2010 at 7:23 am

    Tsaka ka bat ka naman namin bibigyan ng pangalan? Ikaw ba si Noynoy? LOL! Baliw nga talaga. O wag kang manggagalaiti ha. Bobo ka na nga galit ka pa. XP

    At tignan mo naman yang mga sagot mo te, nakakahiya e wasak na wasak ka na sa blog na ito wala ka ngang ginawa kundi magkalat e, bakit naman namin paptulan yang mga tanong mong tanong ng isang bobo at “may sariling mundo?” Mangulangot ka na lang. Go and cry in your own pathetic dark corner of shame and disgrace. Tsupi!

    • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:39 pm

      parang ikaw ang nanggagalaiti sa pagkapikon ‘tart.

      huwag kang mapikon kung hindi ako tumutulad sa tinutularan mo, ‘tart. kanya-kanya tayong paniniwala sa mundo.

      magbreak ka muna sa kababasa ng pamphlet at makihalobilo ka sa mga taong iba ang pananaw sa iyo para malawakan naman ang isipan mo.

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 12:55 am

        E di lumabas nga na bobing ka at di nagbabasa?

        Nakakatuwa ka naman, ikaw nga itong parang kabisadong kabisado ang mga linya e. Hindi mo ba nase-sense na paulit-ulit ka? San bang pamphlet mo nabasa yan? Pabasa nga. LOL!

        Ang lawak-lawak ng utak mo Manuel! Pramis! Kaya pala paulit-ulit-ulit ka tapos halos mapatid na ang ugat mo sa utak e kaka-epal mo dito ng mga walang kwenta mong kwento. O baka naman naputol na nga yang ugat mo sa utak? Hindi na dinadaluyan ng dugo kaya pala naging tanga ka na ng bongga?

      • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 3:48 am

        talagang hindi ako nagbabasa ng mga binabasa mong pamphlet. dialogo lang sa iyo sapat na. tsaka lumang kwento na yan, ‘tart. kung paulit-ulit ako kasi paulit-ulit ka. at may question mark pa. so siempre naghihintay ka ng sagot. eh ayaw naman kitang isnabin so kahit umay na umay na ako eh pagbibigyan pa rin kita kc nga ikaw ang aking tunay ng ‘tart.

    • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:19 am

      Bobo. Wala pa ang mga comment ko sa blog na ito, paulit-ulit ka na mokong. Penge pamphlet tungkol sa kung pano maging paulit-ulit ang mga sagot.

  • Daniel  On July 21, 2010 at 8:13 am

    @ Buencamino: At ngayon naman humihingi ka ng pangalan kung sino ang gusto naming mamuno sa CHR. Para ano? Para pulaan? Para ikumpara mo kay Etta? Anlabo mo talaga, sobrang labo! Hindi mo ba kayang sapulin ang isyu? Sa lahat ng argumentong nilatag tungkol sa appointment ni Etta, hindi mo pa rin ba maintindihan ang isyu?

    Mali ang tanong! Pang-iintriga, na napansin kong hilig mo, ang habol ng tanong. Nililihis mo ang usapin ng kakayanan ni Etta, na pinagtatanggol ang EJKs sa pamamagitan ng pag sangayon sa pusisyon ng militar sa isyu, na pamunuan ang CHR. Sa pang-aalimura talaga nagreresort yung mga walang kakayahang maglatag ng makabuluhang argumento. Talo na gumagawa pa nang paraan para hindi mapahiya kahit na kung anuano na pinagsasasabi!

    “Ano ba ang dapat katangian at paninindigan ng mamumuno sa CHR?” Mas wasto sana kung ganito ang tanong bago ka humingi ng pangalan. Malakas ka bang uminom? Usapang lasing yata kasi ang forte mo–pagalingan at laitan ng kanya-kanyang mga mga iniidolo!

    • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:29 pm

      O sige. ilahad mo ang dapat na katangihan at paninindigan tapos pagdiskitahan natin

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 12:58 am

        E bakit sino ka ba? Bakit super importante ka ba? May bearing ba ang satsat mo sa results ng selection ng CHR chair? How delusional. Baliw-baliwan nga talaga.

      • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 3:41 am

        ‘Tart hindi mo ba binasa ang comment ni daniel?

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:21 am

        Bobo, ikaw ang magbasa kulang ka sa iodine. Paulit-ulit? paulit-ulit? paulit-ulit?

      • Daniel  On July 22, 2010 at 8:12 am

        Manuel, simple lang naman. Dapat wala siyang political leaning na kagaya ng sayo. Hindi siya dapat biased against national democrats na mostly target ng EJKs. Alam kong kulang ang pang-unawa mo sa pag-iral at tunggalian ng mga uri sa lipunan kaya hindi mo ito maintindihan. Ang tingin mo kasi sa EJKs walang kinalaman sa tunggalian ng mga naghaharing uri at inaaping uri kaya tinatrato mo itong hiwalay na kaso–burges liberal nga kase ang tatak ng pag-iisip mo. Kung maiintindihan mo lang ang mga to, hindi mo sasabihing dahil lang kay Joma kaya ayaw namin sa appointment ni Etta.

        Simple lang. Basta hindi anti-Left, anti-national democracy ang mauupo sa CHR at desididong paimbestigahan ang mga kaso ng EJKs kahit na maging critical siya (actually hindi talaga maiiwasan, dapat) sa AFP-PNP at Malacanang. Is that religious fanaticism? Hihingi ka pa rin ba ng pangalan para matunawan ka dahil hindi mo pa rin ma-gets yung punto?

  • bikolano  On July 21, 2010 at 11:59 am

    nga pala manuel, mali yung napanood mong tv show, kasi nakita ko si ka satur sa show ni PIA hontiveros. P.I.A. Hontiveros. HINDI RISSA. mamimintas ka pa na mali ang pagbikas kay zizek. nakupz pa check up ka na po. o talagang nabighani ka ng kamandag ni miss i-will-be-appointed-as anti-curruption czarina-and-that-akbayan-will-be-the-most-progressive-noynoy-base lady?

    • Manuelbuencamino  On July 21, 2010 at 12:30 pm

      sori bok, pia nga pala. pero tama naman ang sinabi ko na walang naibigay na pangalan si satur. Yun ayaw lang niya ang sinabi niya.

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:57 am

        Bobo nga kasi. Tamo may pagka-buwang paulit-ulit tapos hindi makaalala ng mga facts.

  • Esme  On July 21, 2010 at 1:31 pm

    KK: Wow!! Patok sa takilya tong entri na to ah!
    Nakaka-adik basahin yung mga komento. Naaliw ako.🙂

    BUENCAMINO: HAHAHAHAHA!!!!!!!!!!

  • napadaan  On July 21, 2010 at 11:56 pm

    kk, blockbuster itong post na ito, ah!

    hoy, manuel, ang intriga ay pang showbiz lang. LOL

  • kapirasongkritika  On July 22, 2010 at 12:57 am

    Okey lang sa akin magbigay ng pangalan. Actually, maraming pwedeng ibigay. Ang mahuhusay na sina Marie Hilao-Enriquez at Edith Burgos, halimbawa. Bawal ba kung sila? Magagaling sila! Pwede ba si Wigberto Tanada, para ubra rin sa Liberal Party? Si Bibeth Orteza na involved sa paglaban sa EJK at pagdukot. Malayong mas mahusay si Patricia Evangelista sa usapin ng human rights kaysa kay Etta. What if ang matandang Guingona? Or is that a demotion? Ang punto: maraming pwede, hindi lang iyung minsang tinawag ni Cory Aquino na “prayer partner” niya.

    Ano ba itong sinasabi ni Unwell Buangcamino? Na dapat makihalubilo ang mga aktibista sa mga hindi nila katulad mag-isip? Nakikihalubilo naman. Pero mas produktibong sa masa makipagtalakayan kaysa sa mga katulad niya na wala namang ginawa sa buhay kundi ngumawngaw. Siya iyun eh, hindi ang mga aktibista na kilala sa mga aksyon nila. Etika iyan ng mayayaman, kasi sila kaya nilang makipagkilala sa mga gusto nila. Eh ang mahihirap na mga tibak? Iyang sinabi niyang iyan, call iyan for us to visit his blog and read his columns. Eh nakita na ninyo ang takbo ng pag-iisip niya. Paliligayahin ba natin siya? Wala naman tayong mapapala doon eh. Haha.

    May pamphlet-pamphlet pang nalalaman. Napaka-kaswal at malinaw ng mga sagot ng mga tao. Paanong naging pamphlet? Humuhusga si Buangcamino batay sa kung sino ang nagsasalita — a habit common to anti-Left hecklers and the ruling class. Sa isang blog, sabi niya, pananampalataya lang ng mga tibak ang “ruling class” katulad ng pagtingin ng Taliban sa mga infidels. I’m sure, mas nuanced ang konsepto ng Taliban kaysa sa sinasabi ni Buangcamino, pero wala ba talagang ruling class sa bansa? Para kay Noynoy, wala na talaga siyang kritikal na pag-iisip.

    Tsaka mukhang iyan ang tungkulin ni Buangcamino sa gobyernong Aquino: ang bulabugin ang mga diskusyon tungkol sa mga pagtuligsa sa amo niya. Napaka-anti-democratic. Gusto niyang ipataw ang sa tingin niya’y “demokrasya” — which is bourgeois democracy — sa mga tao sa paraang awtoritaryan. Pinapatahimik nga niya ang mga tao sa kabilang blog! Haha. Napaka-anti-democratic ng mga ginagawa niya.

    http://www.stuartsantiago.com/the-big-abad-wolf/

    Pinapatahimik niya iyung isang magaling na nagkomento. Kasi ang yabang-yabang ng mga Abad: competent daw sila kaya na-appoint. Ang sabi ng isa, itong si Julia Abad, hindi ba ito ang COS ni Noynoy noong senador siya? Anong naipasa nilang panukalang batas? Tama, hindi ba?

    Naaalala ko tuloy iyung ibang bloggers: Kung hindi ka masaya rito sa blog na ito, umalis ka na. Marami kang pwedeng ibang puntahan at gawin sa buhay mo. Pero gusto talaga niyang magpapansin — at sa mga aktibista pa. Haha. Bakit kaya? Tapos sasabihin niya, humihina tayo, parang relihiyon. Eh bakit pa niya kailangang patulan? Kasi natatakot siya sa atin.

    Huwag niyang sabihing nabobobohan siya sa mga aktibista. Kasi kitang-kita rito ang kahinaan ng kritikal na pag-iisip niya. May mga progresibo sa Ateneo, pero kitang-kita mo sa kanya ang dominanteng kabulukan nito. Kahit ayaw nilang pareho kay Gloria, pareho naman silang mag-isip ni Norberto Gonzales at Romeo Intengan pagdating sa Kaliwa. Matagal na akong nag-iisip ng magandang halimbawa ng taong lulong sa ideolohiya pero grabe kung mag-disavow na nasa ilalim siya ng ideolohiya. Heto na ang perfect example!

    missphilippines, Sasha Fierce, Leon, napadaan, bikolano, Esme, Daniel at sa lahat ng mga nauna pang magkomento: Maraming salamat sa inyo! Ang titiyaga ninyo,bok! Haha. Ipinapakita ninyong hindi tayo ang mapapagod sa mga tulad niya kundi siya. Huwag kayong magkokomento sa blog ni Unwell Buangcamino, baka sumaya siya.

    PS. Hindi ko lang kinaya si Sasha, talagang nakasingit pa sa akin sa pagkokomento! Haha.

    • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 3:35 am

      KK

      Iyang sinabi niyang iyan, call iyan for us to visit his blog and read his columns. Eh nakita na ninyo ang takbo ng pag-iisip niya. Paliligayahin ba natin siya? Wala naman tayong mapapala doon eh. Haha.

      check mo ang ranking ng blog at ikumpara mo sa ranking ko. check mo sa alexis. ….(waiting) o ayan nakita mo na? so pasalamat ka pagbumibisita ako dito humahaba ang comments mo maski sila at sila din ang paulit-ulit na nagkokomento.

      Gagawa ka ng away sa ibang blog pagsinagot ka tatakbo ka dito sa blog mo para sumagot para magsumbong sa mga alipores mo. “tart wag ganyan napaka parang kang…di bala na nga…yun lang nga kung gagawa ka ng away huwag kang tatakbong pauwi

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:24 am

        Bobo, ikaw kaya ang nalantad sa blog na ito bilang walang kwenta at tunay na mangmang. O eepal ka uli, ha mangmang?

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:51 am

        Want some pamphlet on how to properly spell words?

        And you do not really answer/refute our arguments. You just simply resort to whining and more whining and then froth in the mouth with argumentum ad hominem (which, by the way, I could gladly indulge you per your request). Behlat again😛

    • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 3:40 am

      KK,

      okay ang mga pangalan na sinagest mo. palutangin mo para makonsider sila.

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:22 am

        Wushu epal. Paulit-ulit. Ikaw kaya ang lumulutang sa hangin ang “supposedly” utak. Penge pamphlet kung pano maging bobo at paulit-ulit.

      • Daniel  On July 22, 2010 at 8:52 am

        Haha! Akala ko pag may nagbigay sa amin ng pangalan i-aasses mo yung tao tapos maglalatag ka ng malupit na argumento. Sasabihin mo lang pala “okay ang mga pangalan na sinagest mo. palutangin mo para makonsider sila.” Nakakatawa ka talaga, Buencabs!

      • Leon  On July 29, 2010 at 5:06 pm

        Bobo kasi yan eh.

  • bikolano  On July 22, 2010 at 2:18 am

    whew, feeling ko lang may mga unresolved childhood issues si manny buencamino. naaawa ako sa kanya. mukhang kailangan nya lang ng konting affirmation. kahit galit sya sa salitang reaffirmation hehehe. hindi ka ba nayakap at nahahalikan ng madalas noong bata ka pa?.dito mo ata nakukuha yung security blanket mo, na nag aasure sayo that you’re still relevant or that you exist man lang. Manny hindi ka naman pathetic, annoying ka lang.. pero sige okey lang punta ka lang dito. magbasa ka lang. Pusta ko, excited ka rin katulad naming mga fan ni teo(heheheh) pag nabubukas na ka na ng site, nauusal ng wish na sana nag post na ulit sya ng bago hehehe. sana matuto ka. closet fan ka nga lang. nag aastang nag aasar pero sa totoo hardcore fan ka hahahaha. kip it up MANNY BUENCAMINO!

    • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 3:38 am

      bikolano

      pa psychology ka pa eh yan ginawa mo ang tawag dyan projection nakikita mo sa iba ang sarili mo. wala bang psyche pamphlets ang partido?

      • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:27 am

        Hoy, you desperately need to go and visit a shrink. Dun ka kay Dr. Phil tutal ayaw mo kay Zizek bilang uber mangmang ka. O kaya kay Oprah. Sakit mo: Repetition-compulsion.

  • Manuelbuencamino  On July 22, 2010 at 4:02 am

    KK

    “Naaalala ko tuloy iyung ibang bloggers: Kung hindi ka masaya rito sa blog na ito, umalis ka na. Marami kang pwedeng ibang puntahan at gawin sa buhay mo. Pero gusto talaga niyang magpapansin — at sa mga aktibista pa. Haha. Bakit kaya?”

    hindi lang pala simpleng religious blog ito, blog ng monastic order pala itong pinasok ko. bawal ang mag-ingay, bawal magtanong, bawal ang ibang pananaw kasi nakakaistorbo sa pagdarasal mo.

    “Tapos sasabihin niya, humihina tayo, parang relihiyon. Eh bakit pa niya kailangang patulan? Kasi natatakot siya sa atin.”

    patulan? salita yan ng feeling api, inaapi ba kita? At kung natatakot ako eh papaano ako mamamatol? oxymoron yata yun pag-characterize mo sa akin.

    ako naman ay kapirasong kritika din.

    • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:29 am

      Pano ka magiging kritiko ay super love ng status quo yang mga stale “ideas” and Neanderthal-like ramblings mo?

      “patulan? salita yan ng feeling api, inaapi ba kita? At kung natatakot ako eh papaano ako mamamatol? oxymoron yata yun pag-characterize mo sa akin.” Now that is what I call non sequitur. Walang connect. Walang sense. Parang sagot ng naka-drugs.

    • Sasha Fierce  On July 22, 2010 at 5:31 am

      Hindi ka talaga pwedeng magingay dito kasi blog to bobo walang sounds. LOL!

      Pwede ka namang tumunggali basta may sense, hindi paulit-ulit, hindi trolling, at lalo na kapag hindi pang- mangmang.

  • Kontras  On July 22, 2010 at 4:48 am

    Palitan nyo na kasi ang litrato ninyo sa altar ng Ninoy-Cory-Noynoy trinity. Bigkasin ang orasyon ng demokrasyang liberal 3 beses isang araw. Bumili at magsuot ng mga ‘i am ninoy’/’i am cory’ shirts. At maniwalang wala kayong ideolohiya.

  • diwa81  On July 22, 2010 at 5:57 am

    @ buancamino: si de Lima, hindi ko kilala noon. kahit ngayon, personally. peron okay siya noong CHR chair siya. maganda ang naging rekord niya at hindi biased, maliban lang siguro sa mga biktima ng HRV.

    hindi mahalaga sa amin ang pangalan ng mauupo sa pusisyon. ang mahalaga ang rekord niya. kaya nga mas pinagtyagaan na namin si Villar kaysa kay Aquino. ganyan naman ang laging argumento laban sa amin. kahit noong Erap Resign Movement, ang laging tanong, sinong ipapalit. noong si GLoria, ganun din, sinong ipapalit. na para bang gustong ipahiwatig na wala namang iba, kaya pagtiyagaan na lang. ganyan mag-isip ang mababaw ang pananaw. bakit hindi muna tanungin kung bakit ba kailangang palitan? ano bang krimen ang ginawa? sa kaso ni Etta, bakit hindi siya pwede?

    kung pangalan, wala rin akong personal na kilala. pwede siguro ang mga binanggit ni KK. pero ang punto, at mukhang hindi mo magets, kailangan ang mauupong chair, may pagkiling sa mga biktima. dito lang masisigurado na magpupursige ang CHR para magawa ang tungkulin nito, bagamat katiting lang ang kapangyarihang ibinigay ng gubyerno dito.

    kaya sa una pa lang, bagsak na kaagad si Etta sa kwalipikasyong ito. iyun lang bayad-pinsala ng mga Marcos para sa mga biktima noong Martial Law, napurnada pa dahil sa kanya. ngayon, ang sagot niya sa mga EJK at iba pang HRV noong rehimen ni Arroyo, imbestigahan din ang mga paglabag ng mga NPA. iyun ba ang makakasagot sa mahigit isang libong buhay na pinaslang?

    sa madaling sabi, legally speaking, may grounds na kaagad para hindi si Etta ang maupo sa CHR dahil sa delikadesa at conflict of interest sa isang banda. nagpakita na siya noon ng pagkiling sa linya ng AFP sa pagsagot sa mga akusasyon sa kanila. at labis na nakakabahala ang bagay na ito dahil sa karamihan ng kasong hindi pa nalulutas sa ngayon, ang AFP ang akusado. hindi pwedeng maging hukom ang abugado ng isang panig.

  • kapirasongkritika  On July 22, 2010 at 11:57 am

    Grabe na itong tinatakbo rito. Haha. Ang kulit mo kasi, Unwell Buangcamino. Matira ang may matatag na Internet connection! Haha. Arriba!

    @ manuelbuencamino: Feeling ko, iyung Alexa — hindi Alexis — ay may bias sa mga blogs sa ibang wika. Gusto ko lang mabasa ang isinulat mo doon, para talagang makahon nila ang moda mo sa buhay.

    Hindi bawal mag-ingay dito, basta may sense. Wala ka nang sense eh. Sa ginawa mo pa lang dito dapat sirang-sira ka na sa blogosphere at mga mambabasa. Napakabaho mong mag-isip at mag-argumento.

    Ang labo mo: Sundan mo ang train of thought ng isinulat ko para makuha mo ang konteksto ng “pagpatol.”

    Hindi makakatindig ang mga moda mo kapag ginawan ng thorough critique. Mahiya ka naman. Mukha ka nang holdaper na sinisipa-sipa ng mga tao — at iyan ay dahil bulok ang argumento mo. Puro ka patutsada. Ganyan ba talaga kayong mga nakapaligid kay Noynoy?

  • manuel buencamino  On July 22, 2010 at 4:16 pm

    oh well mukhang nauubusan na kayo ng lotion. I’ll leave you to your circle jerk…. for now. kasi sobra kong mamimiss naman yun aking ‘tart na si sasha kung masyado naman akong lumayo….mwuaah tart sasha…

    in the meantime hihintayin ko kung sino, hindi kung ano, ang tao na gusto ninyo for CHR.

  • kapirasongkritika  On July 25, 2010 at 11:13 am

    So kami pa ngayon ang dahilan kung bakit hindi ka na sinasagot ng mga tao? Hindi kaya dahil nakita na nilang wala kang kwentang ka-argumento?

    • Manuelbuencamino  On July 26, 2010 at 12:14 pm

      wala kang masagot kasi pilit mong dinadala ang usapan sa ilalim ng iyong relihyon at ako naman ay nasa labas ng simbahan mo.

  • chai  On July 26, 2010 at 2:06 am

    haha, i ll9ove this blog na! lage ko tong bibisitahin …. haha, galing mo teo! fan mu ko sa mga articles mu sa pinoy weekly, ahe….

    haha, kawawang noel buencamino, ipinapakita lng na mas tama tlaga ang linyang pinanghahawakan ng mga natdem kesa sa mga socdem? mga neo-marxist kau ryt?! at alam nyu din na sinbi ni marx na “rebolusyon ang tunguhin ng daigdig ng mapawi ang masang pinasasamantalahan” mygad bobo nyu tlaga…. mga wlang liny! mga opurtunista! sucks…..

  • Manuelbuencamino  On July 26, 2010 at 12:12 pm

    chai,

    ang alam ko ay matagal ng namatay si marx at hindi niya nakita kung paano binaboy ni lenin, stalin, mao at iba pa ang kanyang economic theory.

    At alam ko din na tinalikuran na ng russia ang komunismo. ganun din ang tsina kahit na may partido komunista pa din sila.

    At hindi ako socdem.

    • diwa81  On July 27, 2010 at 5:56 am

      ow, talaga, alam mo iyan?

      matagal na ngang patay si marx, pero nananatiling buhay ang teoryang isinulong nila ni Engels. at hanggang ngayon, lalo na nang pumutok ang krisis sa pinansya sa buong mundo, marami ang muling nagbalik sa mga turo ni Marx.

      syanga pala, ano naman ang mga sinasabi mong pambababoy nina Lenin, Stalin, at Mao?

      nagpapanggap ka pang may alam sa marxismo. sige nga, sabihin mo kung ano ang mga pambababoy na binabanggit mo.

      • Daniel  On July 27, 2010 at 7:34 am

        Wala siyang isasagot, kung meron man pang-iintriga at pang-aalimura lang, dahil hindi naman talaga niya alam ang sinasabi niya. Basta makahirit lang, kahit hindi niya maipaliwanag, kuntento na.

        Manuel, hindi porke’t may partido komunista sa isang bansa ay tama na ang tinatahak nitong landas dahil hindi lahat, at lahat ng pagkakataon, ay tunay na partido komunista sa esensya ang mga ito. Dahil sa pagkakamali ng tao, at hindi ng komunismo mismo, kaya bumagsak ang USSR at nanumbalik ang kapitalismo sa Tsina. Alam kong mahihirapan kang intindihin ang mga ito pero sana wag ka na lang sanang humirit kung hindi mo naman talaga lubusang naiintidihan ang mga sinasabi mo. Sa isyu na nga lang ng appointment ni Etta sa CHR ay hindi mo na maipaliwanag ang punto mo sa wastong paglalatag ng argumento tapos ngayon dadalhin mo pa ang usapan sa mas malalim at masaklaw na isyu. Sino namang papatol sayo?

      • Manuelbuencamino  On July 27, 2010 at 3:32 pm

        Daniel,

        Ganyan din ang sinasabi ng mga pari. Huwag sisihin ang katolisismo dahil sa mga kasalanan ng pari

    • chai  On July 27, 2010 at 7:31 am

      tama! hindi nila binaboy yun…. “KPKK” dre. (KONKRETONG PAGSUSURI SA KONGKRETONG KALAGAYN), nailapat lng nila ng maaus ang teorya ni marx base na rin sa kung anu ang konkretong kalagayan ng bansa nila

  • Salamin  On July 27, 2010 at 6:48 am

    Bakit nga ba laging iniisip na relihiyon ang paniniwala sa mga ideyolohiyang NatDem? Diba ang Religion absolute truth? Absolute ba ang Marxism, Leninism, and Maoism? Haayyy… mga tao nga naman. Sabagay, kung ako ang tatanungin, maari.

    Mr.Buencamino: Ows? alam mong binaboy ni Lenin, Stalin at Mao ang mga teorya ni Marx? bakit buhay ka nung mga panahon na ginamit nila yun? pinag-aralan mo nga rin ba yun? at sa paanong paraan naman aber? Pakipaliwanag nga… kasi ang pagkakaintindi ko, ayon sa mga itinuturo sa Org at sa mga nabasa ko, inilapat lang nila sa kani-kaniyang kalagayan(ng mga bansa) ang mga teyorya ni Marx. Ang husay nga ng pagkakagamit ni Mao sa Marxism. Nailapat niya yun sa tsina. Binaboy? Hindi siguro… inilapat lang sa “konkretong kalagayan, ayon sa konkretong pagkakasuri” ang mga teyorya.(which is I think hindi mo alam kung paano gagawin) Haha! Oo, hindi na komunismo ang russia, kasi bumagsak sila nung panahon ng Sos construction at hindi ang mga teyorya ni Marx o ang komunismo ang mali dun. Kundi ang modreb. Maraming beses na atang naipaliwanag ni KK yun sa Blog na ito.

    Hindi ka SocDem? Whateber… pare-pareho kayong nagpapanggap na maalam sa sa Marxism. ahh.. Liberal ka? ahh… tambay? nakabasa ng isang aklat ni Marx, feeling mo, marami ka nang alam. GOOD!😀

    • Manuelbuencamino  On July 27, 2010 at 3:41 pm

      Salamin read my reply to Daniel.

      Paano binaboy? Naging malaya ba ang mga russo at tsino nung nag take-over si Lenin at Mao?

      • Daniel  On July 28, 2010 at 7:37 am

        Manuel,

        “Ganyan din ang sinasabi ng mga pari. Huwag sisihin ang katolisismo dahil sa mga kasalanan ng pari.”

        Hindi ko alam kung nagpapatawa ka (hindi ka naman siguro kalbo). Hindi lahat ng lohikal ay balidong argumento. Magkaibang usapin ang mga kabulastugan ng mga pari ng simbahan at panunumbalik ng kapitalismo sa Russia at China dahil sa modernong rebisyunismo. Ang una ay tungkol sa moralidad ng mga alagad ng simbahan na naglalako ng ideyalismo pero nagkakasala sa kabilang banda, habang ang ikalawa ay hindi maihihiwalay sa usapin ng tunggalian ng uri sa yugto ng sosyalistang konstruksyon. Malaki ang kaibhan ng katarantaduhan ng mga pari ng simbahan sa pag-inog ng modernong rebisyunismo sa mga partido komunista sa mga bayang sosyalista. Kung magjakol o mang manyak man ang mga pari, hindi ito nangangahulugang gumagawa na sila ng paksyon sa simbahan at binabaluktot ang mga turo nito. Ang mga modernong rebisyunista naman ay nakatuon sa paghahati ng isang tunay na partido komunista at pambabaluktot sa mga saligang prinsipyo nito. Malaki ang diperensya hindi ba? Magsuri ka muna kase bago ka magsalita.

        Oo nga pala, tungkol sa appointment ni Etta Rosales sa CHR ang entry na ‘to–wag mong ibaling sa ibang usapan ang kawalan mo ng malinaw na argumento para depensahan ang oposisyon mo sa stand namin sa isyu.

      • Ms.Pistol  On July 28, 2010 at 9:01 am

        Bakit? Ang pagbagsak ba ng Russia ay nasa panahon ni Lenin? Bobo ka pala talaga eh, hindi naman si Lenin ang may kasalanan kung bakit bumagsak ang Russia kundi ang mga med reb na siloa Gorbachev at ang iba pang namuno matapos ni Stalin.

        Hindi lubusang naging malaya ang mga uri pero unti-unting nako-contruct ang Sosyalismo. Hindi naman basta-basta lalaya ang mga uri sa isang pitik. Nasa proseso yun… Kung sa tingin mo walang nagawang maganda si Mao, bakit marami parin sakanyang gumagalang sa tsina? Bakit hindi lumaya? Ilang beses na bang seinabi sa’yo na modernong rebisyunismo ang dahilan.. hindi ang sistema ng komunismo o si Lenin at Mao. Nakabatay nga kasi sa kini-kaniyang kalagayan ang paglalapat sa mga teyorya. Jusko! bobo talaga.

      • Ms.Pistol  On July 28, 2010 at 9:12 am

        haha… aling reply mo? yung tungkol sa Relihiyon? haha e nasagot na ni KK. Tama na yun. Madali nang intindihin yun, hindi ko na kailangan magbigay pa ng komentong pampa-intindi sa’yo. Kung hindi mo naintindihan… ay… proweba lang yun na wala ka talgang alam.

  • chai  On July 27, 2010 at 7:24 am

    @manuel:

    nkakaawa ka tlaga? ok sbihin na nten na hindi ka socdem…. pero pnu mu nsabi na binaboy nila lenin, stalin at mao ang teorya ni ,marx? san libro mu ba nbasa yung mga ganyan? may eda ka na di ba? pero prang wla kang pinagkatndaan… hindi mu alam ang tunay na nangyri nung mga panahong iyon.

    at bkit bumagsak ang russia at ang china? (f.y.i hindi sila mga komunistang bansa dhil wla pang nkakaabot ng yugto ng lipunang iyon. sila ay nasa socialist na bansa plang at bgo mging komunista ang isang bansa marami pa iton rekisitos na dpat pgdaanan.) bumgsak ang dalwang bansa na ito dhil sa mga modernong rebisyunista! kung kilala mo sila breshnev, gurbachev at deng xiao ping (hindi ko alm kung tama yung ispelling)sila ang mga mod. rev. na nasilaw sa kapangyarihan at opurtunida. the best way cguro para malinwan ka pa ng husto… basahin mu ung “STAND” kung alam mu pang bsahin yun’ ng mlaman mu ang tunay na kasaysayan at pki pnuod na din ng “breaking with old ideas” pnhon ng parereconstruct ng china sa panahon ng pagiging sosyalista nilang bansa aun lng!

    gusto mong mgpa-E.D?! haha

    • Ms.Pistol  On July 27, 2010 at 7:50 am

      Haha.. maganda yung suggestion mong mag-E.D siya.
      Sabagay, ang mga kagaya niya, allergic sa mga pinag-aaralan ng mga re-affirmist. That pompous man should shut his Pentium 1 CPU(his head). Wish ko lang tumatanggap siya ng siggestions.

  • kapirasongkritika  On July 27, 2010 at 9:01 am

    @ manuelbuencamino: Puro ka naman relihiyon. Iyan ang problema sa iyo: iyung kahinaan ng utak mo, at iyung pagiging panatiko mo kay Noynoy at panatikong kontra-Kaliwa, sasabihin mong relihiyon ang dahilan. Tapos sasabihin mo the truth will set you free, blah blah. Ikaw ang nakakulong ang utak.

    Tapos sasabihin mo, binaboy nina Lenin, Stalin, Mao ang “economic theory” ni Marx! Naks! May narinig akong ganyang tuligsa kay Marx, pero hindi “economic theory” ang sinasabi, kundi ang “political theory.” Gets mo ang kaibahan? Tinalikuran ng Rusya at Tsina ang sosyalismo, at niyakap ng mga Pilipino si Lito Lapid. Ganyan na lang ba magsuri?

    Ang gusto mo lang talaga, pagmukhaing diskusyon ito ng Marxismo. Hindi Marxismo ang usapin kay Etta. Common sense lang, pwede na. Ikaw ang dapat humulagpos sa relihiyon mo. Baho mo mag-isip.

    @ diwa81, Daniel, chai, Salamin, Ms Pistol: Salamat sa komento. Nakita niyang alam ng mga aktibista ang kanilang Marxismo. Mulat tayo sa pinapaniwalaan natin; hindi katulad niyang nag-iilusyong nyutral lang siya, walang ideolohiya, at nag-iisip lang nang tama. Pakiramdam ko lang, mas magagalit siya kapag binanatan natin nang todo si Noynoy. Hehe. Salamat ulit!

    • Manuelbuencamino  On July 27, 2010 at 4:34 pm

      Hay political theory ba? hiwalay ba yun sa economic theory? Hindi anak ng economic theory niyo yun political theory niyo?

      Paano kung hindi ginamit ang marxismo bilang justification eh di yun politika ni lenin, stalin, at mao ay walang kinaiba sa rehimen ng mga diktador na kasuklam-suklam. Dahil meron kunwaring sistemang economika na hinahangad eh pwede ng mag purga na mga “counter-revolutionaries.” Si mao, si lenin, si stalin pagkumontra ka sa kanila dead ka. Ganyan din si joma. Tignan mo na lang kung ano ang nangyari sa mga RJ. Hindi ko naman sinasabi na lahat sila ay napatay meron din namang nakaswerte.

      Tignan mo ang USSR. Ilang dekada naghari ang communist party dun parang yun talaga ang gusto ng mamayan ng USSR. pero bakit kaya nung nagkaroon sila ng oportunidad nagalsa sila? Nawala nga i ang USSR nawala sa mapa. yun mga republiks nagkanya-kanya.

      Bakit kaya hindi binitay ng mamamayan si gorbachev at yun pumalit sa kanya? Akala kp maligaya sila sa ilalim ng rehimen na itinakda ni lenin. Wala ba silang natutuhan sa ilang dekada sa ilalim ng partido, hindi ba nila minahal ang sistema? O baka naman na-brainwash sila ng western world? Pero paano kaya nagawa ng west yun eh kontrolado ng partido ang media? Yun East Germany, Poland at iba pa ganun din ang nangyari. bakit?

      • diwa81  On July 29, 2010 at 7:51 am

        at paano naman maisisisi kay Lenin na namatay noong 1920s ang nangyari nitong 1980-90s lamang?
        para ka ngang pari, kung saan-saan pumupulot ng bersikulo na pwedeng magamit sa gustong ipapaniwalang totoo.
        pupulot ng isang bahagi sa kasaysayan ng USSR, kahit hindi naman ipinapaliwanag kung ano ang nangyayari dito noong mga panahong tinutukoy, para maging argumento sa sinasabing pambababoy ni Lenin sa economic theory ni marx.
        magbasa ka nga ng mga akda ni lenin, sabihin mo sa akin, alin doon ang nagsusulong ng economic theory na “bumababoy” sa teorya ni marx? eh, sina lenin pa nga ang nakikipag-away sa mga rebisyunista noon para ipagtanggol ang marxismo.
        natural, may mga pagkakamali rin sina lenin/stalin. tao rin naman silang nagkakamali, hindi tulad na “perpekto”
        para kang elementary student kung magsuri. walang kamuwang-muwang sa kasaysayan ng mundo. saan mo ba nababasa ang alam mo, sa wikipedia?

  • Karen  On July 27, 2010 at 3:34 pm

    OH.MY.GAD.

  • bikolano  On July 28, 2010 at 3:01 am

    alam nyo bang may MUTE capability itong blogsite na to? wala lang f.y.i lang

  • kapirasongkritika  On July 28, 2010 at 4:46 am

    @ manuelbuencamino: “Take-over” nina Lenin at Mao? Distorted ang alam mo sa kasaysayan. Ipinaglaban ng mga mamamayang Ruso at Tsino na maging lider sila at kinatawan ng gobyerno. Hindi iyan kudeta ng iilan, kundi rebolusyon ng marami. Hay naku.

    Huwag ka ngang mang-bluff; aminin mong hindi mo alam ang teoryang sinisiraan mo. Wala gaanong kritisismo kay Lenin na “binaboy” niya ang teoryang pang-ekonomiya ni Marx. Mayroon pa iyung sa teoryang pampulitika. Magkaiba iyun, okey?

    Hindi rin totoong “dead ka” kapag kumontra ka. Si Deng Xiaoping nga, lider ng mga rebisyunista, hindi naman pinatay, nakabalik pa ulit sa partido nila. May mga kalabisan, oo. Pero hindi laging pinapatay. Ang dinadahas, iyung armadong lumalaban sa estado at may malulubhang krimen.

    Eh bakit tayo, nag-People Power na, nandiyan pa rin ang mga Marcos? Hindi simple ang tunggaliang pampulitika, Manuel. Mag-aral ka kasi. Mahabang proseso muna bago nila naibalik ang kapitalismo, mahabang tunggalian dahil nga maganda ang nagawa sa bansa nila. At kahit noong pumasok na sila sa kapitalismo, gusto ng mga mamamayan ang dating kaayusan.

    Huwag mong lunukin lahat ng sinasabi sa iyo ng Time Magazine. At kahit ng Philippine Daily Inquirer. Marami namang website na available sa Internet. Magbasa ka muna bago ka magsalita. Dami mo nang nasabi, kaunti pa lang ang nabasa at naisip mo.

    Tsaka please lang. Huwag mo namang sabihin ang mga black propaganda sa Marxismo at Komunismo na parang ikaw lang ang may alam — o ngayon mo lang narinig. Hindi na nagugulat ang mga mambabasa ng blog na ito diyan. Nabomba rin kami ng Time Magazine at Philippine Daily Inquirer. Ang kaibahan lang, lumabas kami sa relihiyon mo, nagbasa at nagsuri. Hehe.

    @ Karen: Oh-em-gee talaga!

    @ bikolano: Haha. Suggestion ni diwa81, hayaan lang. Totoong tao naman si Manuel, may blog pa. Ang ayaw ko lang, iyung mga inimbentong komento rito na red-baiting. Sino kaya ang gumagawa noon? Haha. Mukha namang maganda ang mungkahi ni diwa81 sa kaso ni Manuel: nalalantad talaga ang kaalaman niya — o ang kawalan nito. Haha.

    • Ms.Pistol  On July 28, 2010 at 9:08 am

      hahaha.. ang kawalang alam niya ang nalalantad.🙂

      Ang alam niya, kapag komuntra ka sa ideya ng kaliwa mapapapatay ka – eh kung ganun, bakit di pa siya patay? hahaha!

  • kapirasongkritika  On July 29, 2010 at 2:30 pm

    @ Ms. Pistol, diwa81, Daniel: Hindi ko alam kung bakit hindi siya sumasagot. Siguro kasi, nakita talagang iyung todo-todong sinisiraan niya, hindi niya alam. Haha. Salamat!

  • Leon  On July 29, 2010 at 5:11 pm

    Ako naiisip ko si Justice Man SIlvestre Bello (incidentally, hindi ako fan ng mga Bello per se. Nagkataon lang, haha.) Sabi ng nanay ko, maganda ang track record niya noon sa peace process, at laging lumalagay sa tama pagdating sa mga usaping involved ang Kaliwa. This, despite being identified with the previous Arroyo administration.

    Sakin lang naman ito. Baka ilahat nanaman ng isang bobo dyan at sabihing “nakikipagkompromiso ang Kaliwa sa makauring katunggali nito!” Bobo talaga pakshet bobo. Hehe.😀

    • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 10:10 am

      Leon,

      Hindi ba yun ten little indians nakatakas nung panahon niya?

  • kapirasongkritika  On July 31, 2010 at 5:58 am

    @ Leon: Iyun ang posibleng gawin kapag nagsabi ka ng pangalan eh, ano? Lalo na’t malisyoso ang nagtatanong. Pero okey iyang proposal mo. Iparinig mo, baka makonsidera ni Noynoy. Haha.

  • Ms.Pistol  On July 31, 2010 at 7:43 am

    well… kung matindi ang banatan ng mga ideya dito, meron akong nakita sa fanpage ng SAMASA PUP(http://www.facebook.com/home.php?#!/pages/SAMASA-PUP/243543296184?v=wall&story_fbid=146427885369169&ref=notif&notif_t=feed_comment_reply). ang alam ko, galing lang ang usapan sa SONA ni PNOy, pero tulad dito nange-alam nanaman ang mga intel ng AFP sa PUP at nagkomento at tinuligsa nanaman ang prinsipyo ng mga aktibista sa loob. Hindi ko alam kung nakikita nilang problema sa pagiging maoist pero mas yun ang lagi nilang tinutuligsa. Parang si Buencamino, kung saan-saan dinadala ang usapan.🙂 at parating kinikwestion ang pagiging “relihiyon” ng NATDEM.🙂

  • kapirasongkritika  On August 1, 2010 at 11:48 am

    Naku, lumang taktika na nila iyan. Kahit iba ang sinasabi natin, dadalhin nila sa paninira nila sa ideolohiya, sa karahasan, sa pagpatay etc. Inililihis nila ang usapin sa mga kabulukan ng sistemang ipinagtatanggol nila. Tapos minsan naman, agit ang mga aktibista, papatulan hanggang dulo. Hehe. Ibalik natin sa paksa lagi. Hehe. At hindi ako magandang halimbawa niyan! Haha. At WordPress ka na rin pala! Good move! Makikibasa, ha.

  • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 5:38 am

    Teo,

    “Hindi rin totoong “dead ka” kapag kumontra ka. Si Deng Xiaoping nga, lider ng mga rebisyunista, hindi naman pinatay, nakabalik pa ulit sa partido nila. May mga kalabisan, oo. Pero hindi laging pinapatay.”

    Ay susmaryopes eh minaliit pa ang kalabisan. Eh hindi nga ba yan ang sinabi ni Cardinal Rosales tungkol sa human rights violations under GMA? “It;s just a speck of blood compared to…”

    “Mag-aral ka kasi”

    Get a life. Ang buhay ay hindi puro oracion na lamang ng mga prayer books na sinulat ng mga santo mo. There is a life outside the cloister. When was the last time you got laid by someone who didn’t belong to your order?

    “Eh bakit tayo, nag-People Power na, nandiyan pa rin ang mga Marcos?”

    Hijo, ganyan ang isang bayan na demokratiko at gumagalang sa rule of law. Ibinoto ng taong bayan ang mga Marcos so bow tayo maski hindi tayo agree sa desisyon nila. Hindi ito national democratic tulad ng USSR at Tsina kung saan pwede natin pagpapatayin o i-reeductaion camp ang lahat ng hindi uma-agree sa atin paniniwala.

    “Ang dinadahas, iyung armadong lumalaban sa estado at may malulubhang krimen.”

    Eh parang nadinig ko na ito salitang ito mula sa mga tipo ni Palparan.

    Yan na nga ba ang sinasabi ko na kapareho lang kayo ng mga kinakalaban ninyo. Hindi lang sa pariisip na nakasara kundi pati sa gawa.

  • kapirasongkritika  On August 2, 2010 at 8:52 am

    manuelbuencamino: Aba, lumalaban ka pa, ha. Di ka pa nahiya. Hehe. Grabe ka mag-distort ng binabasa mo.

    Malaki ang kaibahan ng mga kalabisan sa pagpatay. Kalabisan pa rin ang kalabisan, pero hindi ito pagpatay. Sabi mo kasi, pinapatay ang mga tumutuligsa. Oo, maraming pinatay. Mabigat iyun. Pero mali ang sinabi mong pinapatay ang mga tutol.

    Haha. Getting laid by someone outside the order ang sukatan? Marami akong kilalang nakarami pero hindi naman nabago ang isip nila. Pero that’s not the point, hindi ba? Haha. Mas malawak ang sirkulo ko sa iyo, Manuel. May kilala ka ba talagang kaliwete? Ilan? Manggagawa, ilan? Maralita, ilan?

    Wala na. Sira ka na talaga. Demokratiko ang lipunang ito? Papaano nakakalahok ang masa sa pagpapasya? Tuwing eleksyon? Nasaan ang community meetings? Iyung mga social scientists, laging may pasubali sa pagsasabing demokratiko ang bansang ito — elite democracy, etc. Ikaw, wala. Iyun yata ang kaibahan ng mga pino mag-isip kumpara sa defender lang ng status quo.

    Kung magbabasa ka, Mr. Unwell Buangcamino, makikita mo ang demokrasya sa Tsina. May townhall meetings, konsultasyon, kolektibong pagpapasya — hindi pana-panahong eleksyon lang.

    National democratic ang USSR? Mali na naman. Haha. Pumasa ka sa eskwelahan sa ganyang pag-iisip? Ang tapang mo manuligsa ng hindi mo naiintindihan! Haha.

    Dapat talaga mag-aral ka pa, kahit sabi sa isang artikulo, marami ka nang pinag-aralan: Baguio Colleges Foundation, “De La Salle, Ateneo de Manila, University of the Philippines, University of Sto. Tomas, and Georgetown in Washington D.C.” Naks! Ganyan na ba kabulok ang sistema ng edukasyon sa bansa? At sa mundo? Haha.

    Excuse me po. Ang mga pinatay ni Palparan ay hindi direktang sangkot sa armadong paglaban. Ang mga sinupil noon sa Rusya, direktang sangkot — as in sila ang may hawak ng baril. Ang mga pinatay ni Palparan, plakard ang dala-dala. Gets mo ang kaibahan?

  • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 9:46 am

    Teo,

    “Excuse me po. Ang mga pinatay ni Palparan ay hindi direktang sangkot sa armadong paglaban. Ang mga sinupil noon sa Rusya, direktang sangkot — as in sila ang may hawak ng baril. Ang mga pinatay ni Palparan, plakard ang dala-dala. Gets mo ang kaibahan?”

    Aba naman bototoy, talaga naman, dedepensahan mo pa ang milyunmilyun na pinagpapatay sa USSR. At nag nitpik ka pa.

    “Malaki ang kaibahan ng mga kalabisan sa pagpatay. Kalabisan pa rin ang kalabisan, pero hindi ito pagpatay. Sabi mo kasi, pinapatay ang mga tumutuligsa. Oo, maraming pinatay. Mabigat iyun. Pero mali ang sinabi mong pinapatay ang mga tutol.”

    Hay bototoy lokohin mo ang leleng mo. Ano ang ibig mo sabihin na “mali ang sinabi mong pinapatay ang mga tutol” ? Ano pinagpapatay nila ang kanilang mga kakampi? Ay oo nga pala hindi naman lahat pinagpapatay. marami din nga pala na nabuhay ng maaliwalas sa siberia at iba pang mga gulag.

    At kung ang kalabisan siguro ang intindi mo din sa salitang yun ay pangaabuso ng karapatan pang tao, illegal detention, torture at kung ano-ano pa. Malaki nga ang kaibahan nun sa pagpatay lalo na kung biktima ka kasi kung patay ka eh wala ka ng nararamdaman. Bakit hindi ninyo pinaguusapan ang mga kalabisan at pagpatay sa mga RA, sa inyong mga private sessions na lang ba ang paganalisa kung bakit mali yun nangyaring yun? At kung mali nga eh bakit hindi napalitan ang liderato ng partido?

    At ang Tsina democratic? O sige nga maginternet ka dun at tignan mo kung pwede ka magblog ng maski- ano. Sige nga mag rally ka sa maski saan dun kontra sa partido at bakbakan mo ang sosyalismo at ang sistema ng gobyerno nila. Para malaman natin kung gaano ka demokratiko yun Tsina.

    “Demokratiko ang lipunang ito? Papaano nakakalahok ang masa sa pagpapasya? Tuwing eleksyon? Nasaan ang community meetings?”

    Oo at sa tuwing election. Community meetings kamo?Eh nasa kung gusto ba naman ng community mag miting. Democracy ito bototoy.

    “Kung magbabasa ka, Mr. Unwell Buangcamino, makikita mo ang demokrasya sa Tsina. May townhall meetings, konsultasyon, kolektibong pagpapasya — hindi pana-panahong eleksyon lang.”

    Hahaha. Eh organized by the party yan. Sana kung pwede yun mga ganyan miting na gawa ng mga kontra-partido. Meron bang demokrasya sa ilalim ng democratic centralism? Kaw naman nung panahon ni Marcos hindi ba yan din ang style niya pagkailangan niya ang approval ng taong bayan? Hindi ba yan ang paraan na ginamit niya para maratify yun constitution niya?

    joskopo bototoy ang dali mo palang lokohin kung imported yun idea.

    • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 10:13 am

      Ay mali hindi pala RA. RJ pala. Nakakahilo kasi yan mga terminology ninyo.

  • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 10:08 am

    teo,

    “Dapat talaga mag-aral ka pa, kahit sabi sa isang artikulo, marami ka nang pinag-aralan: Baguio Colleges Foundation, “De La Salle, Ateneo de Manila, University of the Philippines, University of Sto. Tomas, and Georgetown in Washington D.C.”

    Hindi ako nag=aral sa georgetown. sa american university ako. pero nakalimutan ng manunuat na nag-aral din ako sa philippine women’s at sa St Paul. Maganda yun palipat-lipat kasi nakakalawak ng pananaw. Maraming iba-ibang klaseng tao at pananaw ang makikita mo.

    “Mas malawak ang sirkulo ko sa iyo, Manuel. May kilala ka ba talagang kaliwete? Ilan? Manggagawa, ilan? Maralita, ilan?”

    Eh puro naman pala sa isang sektor lang ang iniikutan mo. Kumusta na nga pala ang agoraphobia mo, kaya mo na bang pumunta kahit man lamang dun sa tindahan sa kanto o nagtatago ka pa din sa llalim ng mga pamphlets mo?

    Hay naku bototoy ang mga kaibigan ko ay mula sa pinakamatataas hanggang sa pinakamababa, pinkamayaman hanggang sa pinkamahirap, pinakakaliwa hanggang sa pinakakanan, magnanakaw at ninanakawan.

  • kapirasongkritika  On August 2, 2010 at 11:34 am

    manuelbuencamino: Talagang bilib ako sa labo ng lohika mo. Kakaiba talaga.

    Simpleng lohika: Pinatay nila ang mga kalaban nila, hindi ang mga kakampi. Pero hindi lahat ng kalaban nila, pinatay nila. Malinaw na? Kung talagang interesado kang ipagtanggol ang buhay, hindi nitpicking iyun, kasi marami ang hindi pinatay. Malinaw na?

    Sige nga, magpatunay ka ng kalabisan sa mga RJ. Dapat hindi lang iyung pinatay si ganito. Dapat iyung may patunay at pinapawalang-bisa rin iyung sinabi ng pumatay.

    Paulit-ulit na ito: Ang tinutukoy na demokratiko, iyung panahon ni Mao Zedong. Hindi na demokratiko sa Tsina simula 1979, noong maupo ang mga capitalist roaders. Labo mo.

    Hindi lang sa punto na gusto ng community. Iyung tipong papakinggan ng gobyerno ang sinasabi ng community — lalo na kung hindi Barangay Bel-Air at Barangay Wack-wack. Hehe. Organized ng Partido iyung dating sa Tsina, pero pinakinggan.

    Mukhang hindi sinupil ang mga pulong ng mga capitalist roaders: nakabalik nga sa pwesto pagkatapos ni Mao. At nakapag-organize ng mga rallies bago mamatay si Mao. Laban ka doon? Hindi si Marcos iyun.

    Imported? Eh iyung demokrasyang mahal na mahal mo, saan galing iyun? Itong Internet? Nakabahag ka? Haha.

    Alam mo, sa mga pinagsasabi mo, hindi ako naniniwalang marami kang kaibigan. Una sa lahat, ang dami mong oras mag-Internet. Pangalawa, hindi ka marunong makinig sa sinasabi ng iba. Iyung sa Tsina, ilang beses ka nang iwinasto ng mga tao, di mo pa rin mapakinggan. Puro sariling kaisipan mo lang ang naririnig mo. Hindi ka friend material, in short. Haha.

    Kung aasahan mong bibilib o matatakot kami dahil marami kang eskwelahang pinag-aralan, hindi po. Ibig lang sabihin niyan, marami kang pera. Magpaaral ka na lang ng mahihirap, baka makatulong pa sa kanila. Kasi hindi naman makita sa iyong may pinag-aralan ka.

    Ano ba pinag-aralan mo sa mga eskwelahang iyan? Paano mo nasabing lumawak ang isip mo? Wala ka ngang itinama sa mga iginigiit mong datos tungkol sa sosyalismo. Hehe.

  • Manuelbuencamino  On August 2, 2010 at 5:32 pm

    “Simpleng lohika: Pinatay nila ang mga kalaban nila, hindi ang mga kakampi. Pero hindi lahat ng kalaban nila, pinatay nila. Malinaw na? Kung talagang interesado kang ipagtanggol ang buhay, hindi nitpicking iyun, kasi marami ang hindi pinatay. Malinaw na?”

    Hay bototoy di mo ba binasa ang sinulat ko? “Ay oo nga pala hindi naman lahat pinagpapatay. marami din nga pala na nabuhay ng maaliwalas sa siberia at iba pang mga gulag.” Anong hindi mo naintindihan dun?

    “Simpleng lohika: Pinatay nila ang mga kalaban nila, hindi ang mga kakampi. ”

    Naknampucha naman hindi mo ba magets ang sarcasm bototoy? But on a serious note, ang pinatay nila ay milyun-milyun. At dahil lang iba ang pulitika nila.

    “Paulit-ulit na ito: Ang tinutukoy na demokratiko, iyung panahon ni Mao Zedong. Hindi na demokratiko sa Tsina simula 1979, noong maupo ang mga capitalist roaders. Labo mo.”

    Ano? Walang forced labor at walang pinagpapatay si Mao? May freedom to oppose ba nung panahon niya? Labo mo, bototoy.

    “Hindi lang sa punto na gusto ng community. Iyung tipong papakinggan ng gobyerno ang sinasabi ng community — lalo na kung hindi Barangay Bel-Air at Barangay Wack-wack. Hehe. Organized ng Partido iyung dating sa Tsina, pero pinakinggan.”

    Ah bakit ilang bang partido ang nagtutunggali sa eleksyon nung panahon ni Mao? Yun Tibet matagal ng hinihingi na isauli sa kanila ang independensya nila, nakinig ba si Mao?

    “Mukhang hindi sinupil ang mga pulong ng mga capitalist roaders: nakabalik nga sa pwesto pagkatapos ni Mao. At nakapag-organize ng mga rallies bago mamatay si Mao. Laban ka doon? Hindi si Marcos iyun.”

    One man’s capitalist roader is another man’s freedom fighter, bototoy.

    “Alam mo, sa mga pinagsasabi mo, hindi ako naniniwalang marami kang kaibigan. Una sa lahat, ang dami mong oras mag-Internet. Pangalawa, hindi ka marunong makinig sa sinasabi ng iba. Iyung sa Tsina, ilang beses ka nang iwinasto ng mga tao, di mo pa rin mapakinggan. Puro sariling kaisipan mo lang ang naririnig mo. Hindi ka friend material, in short. Haha.”

    Hay nagsalita yun taong ang daming panahon para sumagot sa akin. At hindi ako friend material kasi ayaw kong maniwala sa mga sinasabi mo tungkol sa tsina. Baka ang ibig mong sabihin ay hindi ako indoctrination material. Syensya na bototoy hindi ako naniniwala kay santa claus.

    “Imported? Eh iyung demokrasyang mahal na mahal mo, saan galing iyun? Itong Internet? Nakabahag ka? Haha.”

    Yun demokrasyang mahal na mahal ko ay nasa puso na ng lahat ng tao. Hindi natututuhan yan sa pagbabasa ng pamphlet kasi inherent sa tao nakabahag man o hindi. Nawawala lang yan kung magsuot ka ng Mao jacket.

    “Kung aasahan mong bibilib o matatakot kami dahil marami kang eskwelahang pinag-aralan, hindi po. Ibig lang sabihin niyan, marami kang pera. Magpaaral ka na lang ng mahihirap, baka makatulong pa sa kanila. Kasi hindi naman makita sa iyong may pinag-aralan ka.”

    Oo may pinapaaral nga akong mga mahirap. May angal ka?

    “Ano ba pinag-aralan mo sa mga eskwelahang iyan? Paano mo nasabing lumawak ang isip mo? Wala ka ngang itinama sa mga iginigiit mong datos tungkol sa sosyalismo. Hehe.”

    Ay bagsak pala ako sa subject mo profesor bototoy? Hay naku dapat siguro balikan ko yun mga pamphlet ninyo at basahin ko kaya lang para ewww na gawin ngayon kasi pinambalot ko na sa tae ng tuta kong si Bow-Mao.

  • kapirasongkritika  On August 3, 2010 at 12:22 am

    @ manuelbuencamino: Ayan, eh di lalong lumitaw na mali ang mga datos mo. Dapat kasi gumamit ka ng ibang porma. Nakakaduda ang sarcasm kapag hindi matino mag-isip ang gumagamit. Heto ang ilang links:

    Milyun-milyon ang pinatay? Tingnan mo itong pambabaluktot sa kaso ni Mao:

    http://monthlyreview.org/0906ball.htm

    May freedom to oppose noong panahon ni Mao:

    http://kasamaproject.org/2009/07/14/mao-zedong-should-reactionaries-have-free-speech/

    Pero may mga weakness nga sa pagpapatupad:

    http://kasamaproject.org/2009/07/15/mao-and-the-dunce-caps-the-contradictions-of-real-socialism/

    Kinikilala iyan ng mga aktibista. Hindi itinatago. Maibalik lang sa naunang punto: may paraan ng pagkilala sa mga ito nang hindi humahantong sa kongklusyon mong binaboy nina Mao at Lenin ang Marxismo.

    May eleksyon din, sa iba’t ibang antas pa. Wala mang ibang partido, may namuo namang maka-Kanang partido sa Tsina noon eh. Nawala nga si Mao sa pagiging chair, hindi ba? Wait, alam mo ba iyun?

    Freedom fighter para sa iyo sina Deng Xiaoping? Walang Tiananmen Square Massacre noong panahon ni Mao. Ang mga nagpapahirap sa Tsina ngayon, freedom fighter?

    Tibet? Basahin ang sinabi ni Slavoj Zizek:

    http://www.lrb.co.uk/v30/n08/letters

    Ang gusto kong malaman eh kung kinokondena mo rin ang mga krimen ng imperyalismo at mga lokal na naghaharing uri. Hindi ko sinaliksik ang blog mo, pero may pagbanat ka ba sa extrajudicial killings? Except to use the issue against Gloria?

    Matagal nga akong hindi nakakasagot sa iyo. Ikaw, maya’t maya. So ikaw ang maraming oras at malamang walang friends. Hehe.

    Mahal na ng mga tao ang demokrasyang burgis? O galit nga sila dahil bulok ang sistema. Sinusupil pa sila tuwing lumalaban sila para sa ibang sistema.

    Mabuti naman at may pinag-aaral kang mahirap. Pero sana hindi ka na rin nag-aksaya ng pera sa pag-aaral mo. Hehe.

    Tsaka bakit bototoy mode ka diyan? Ano ka ba, matandang hukluban?

  • Yun demokrasyang mahal na mahal ko ay nasa puso na ng lahat ng tao. Hindi natututuhan yan sa pagbabasa ng pamphlet kasi inherent sa tao nakabahag man o hindi.

    WOW HA. ANG SAKIT SA BANGS. INHERENT SA TAO ANG DEMOKRASYA. AS IN NASA PUSO NILA!

  • Manuelbuencamino  On August 3, 2010 at 9:09 am

    Teo,

    Sige isulat mo Palparan sa search box ng blog ko. Madaming panahon ka naman para magbasa

    Of course I use EJK as an issue against GMA kasi command responsibility.

    And op kors I condemn instances of imperialism and abuses when they happen. The western powers were imperialists and so were USSR and China, before, during and after the communists took over.

    But now the USSR is gone, Maoism is dead, and America does not rule the world anymore. China owns a lot of America’s debt. Russia continues to terrorize the balkan states. The US continues to dominate the Arab world. So sino ang tinutukoy mong Imperialist?

    Multipolar na ang mundo ngayon kung hindi mo napapansin. At ang poder ay kalat na. Diffused ika nga. Meron mega corporations, meron mga terrorist groups na kayang bumulabog sa mga estado. Mahirap na magdikta ang isang estado sa panahong ito. Kita mo naman kung paano binulabog ng isang grupong fanatics ang western world. So yang salitang imperialismo which implies that one has power over all or most eh nalipasan na ng panahon. At ikaw din

    • diwa81  On August 4, 2010 at 5:09 am

      wow, hindi pa pala tapos ang bakbakan.

      @buancemino:
      sa tingin ko, sa dami ng eskwelahang pinasukan mo, hindi lumawak ang pananaw mo, lumaki lang ang ulo mo.

      milyun-milyon ang pinatay sa USSR kaya dapat sa CHR si Etta? pasensya na, hindi ko na kasi makonek.

      may panahon ka na ring magsaliksik sa nangyari sa Rusya noong panahon ni Stalin, bakit hindi mo na rin pag-aralan ang iba’t ibang obserbasyong inilabas ng mga tagamasid, maraming galing ibang bansa na kalaban noon ng SOviet Union, sa naging mga paglilitis sa sinasabing mga pinatay.

      pero wag na tayong lumayo.

      mahal ng tao ang demokrasya mo? paalala ko lang na sa ilalim ng demokrasya mong iyan, nangyari ang mga pamamaslang na kaugnay ng pinag-uusapan natin dito. sa ilalim ng demokrasya mong iyan, pinatay ang ilang magsasaka sa Hacienda Luisita dahil lang nagwelga sila (syempre palusot na naman ng AFP na NPA ang mga pinatay nila), at hanggang ngayon, hindi pa rin ibinibigay sa kanila ang kanilang lupa na ilang dekada na dapat ibinigay sa kanila. at ganito rin ang kalagayan ng iba pang magsasaka sa buong bansa. kasama kaya sila sa mga sinasabi mong mahihirap na kakilala mo? marami pang iba, pero baka mapuno ang blog na ito kung iisa-isahin pa natin.

      mali na nga ang pagkakaalam mo sa kasaysayan ng ibang bansa, ginagamit mo pa itong pagtatanggol sa isang bulok na sistema sa Pilipinas. anong saysay ng mga sinasabi mong maraming isinulat tungkol kay Palparan at GMA kung ipinagtatanggol mo naman ang demokrasyang sinumpaan ng mga ito na ipagtanggol noong panahon ng termino nila? o ngayon mo na lang nasasabing may demokrasya sa pilipinas kasi nasa Malacanang na ang bossing mo?

  • napadaan  On August 4, 2010 at 2:59 am

    @Manuel: WAHAHAHAHA!

    Matira matibay

  • Kontras  On August 4, 2010 at 5:56 am

    Diffusion of power among imperialists = end of imperialism/qualitative transformation of power relations?

  • Ms.Pistol  On August 4, 2010 at 9:30 am

    hahaha! natawa naman ako sa sinabi ni buencamino… sa internet pala nasusukat ang pagkakaroon ng demokrasya sa isang bansa? CARTOONS KA BUENCAMINO! Bagay kang komedyante! Nasa puso mo pa huh? paano mo ba nasusukat ang pagiging isang demokratiko ng isang bansa? kapag maraming nagrarally? Kapag lahat ng tayo ay may access sa internet at kapag lahat ng tao ay may tatoong yellow ribbon? (Cool naman nun!)

    Agen, iniisip niyang mga dasal ang mga kaisipin nila Mao, Marx, at Lenin… Stupid old guy! graduate ka pala sa mga institusyong pinapatakbo ng mga kapitalista edukador! gudlak sa amapaw mong argumento!

    • Manuelbuencamino  On August 6, 2010 at 8:16 am

      ms. pistol,

      kapag kumontra sa inyo at hindi makukulong o mapapatay,

      • Ms.Pistol  On August 6, 2010 at 4:07 pm

        Ikaw nga kinokontr mo kami dito sa mundong ibabaw ng virtual world eh. Napatay ka ba? Buhay ka pa nga oh… nakapag-reply ka pa. hahaha
        Hindi ka naman makukulong dahil sa paniniwala mo eh. Samin lang naman nangyayari yun. Kasama kami sa mga tinutugis ng anti Insurgency program ng reaksyonaryong gobyerno kasi naniniwla kami sa komunismo. E anlaki kaya ng takot ng mga kauri ni Noynoy dun. Kasama ka ba sa anti-insurgency program ng kaliwa? haha! wish ko lang may ganun.. para malost na sa mundong earth ang mga utak bugok na tulad mo. RAK EN ROL!

      • kris  On August 12, 2010 at 12:23 am

        panu mo nasabi yan? ikaw nga buhay pa…mapapatunayan yan kapag patay ka na….

  • kapirasongkritika  On August 5, 2010 at 10:19 am

    @ manuelbuencamino: Ano ba iyun, puro naman laman ng mga artikulo ng ibang tao, o kaya laman nga ng entri mo pero si Gloria lang talaga ang gustong idiin?

    Kung ako ang tatanungin, hindi na ako masyadong sasagot sa huli mong komento. Save the best for last!

    Hahayaan ko na sa mga mambabasa at sa iyo na ipaliwanag ang sumusunod:

    (1) Na ang Rusya at Tsina ay mga imperyalistang bansa noong panahon nina Lenin at Mao, respectively, katulad ng US ngayon — batay, I suppose, sa limang katangian ng imperyalismo.

    (2) Wala nang bansang imperyalista at multipolar na ang mundo ngayon. Nalipasan na ng panahon ang pagsusuring may mga bansang imperyalista.

    Ang sarap i-eksamen sa klase: Pakibigyan ng paliwanag, five points each. Saan kaya nahugot ang mga ideyang ito? Iyung kagalang-galang naman, huwag iyung Time Magazine lang. Hehe.

    @ sa lahat ng ibang nagkomento: Salamat! Mahirap kumbinsihin ang taong walang gagap sa mga batas ng kasaysayan at kapitalismo, at naniniwala sa propaganda ng imperyalismo. Hehe.

    • Leon  On August 6, 2010 at 4:55 pm

      Pluralista na kasi ang lipunan ngayon, Ginoong Teo. Lahat na ng tao ay magkaka-holding hands habang kumakanta ng “Welcome to the Family.” Hindi totoo yung imperyalismong US — propaganda lang yan ng mga Jihadists.

      Itigil na po natin ang pagpatol sa isang 2nd-childhooder na at mag-alay nalang ng biskwit na niluto sa kandila para sa mga estatua natin ni Mao at Polpot. Jai Guru Deva. Oooohm.

      • Ms.Pistol  On August 7, 2010 at 4:51 am

        Haha! winner ka Leon!

  • kris  On August 12, 2010 at 12:22 am

    haha..tama…wag nang patulan iyong mga taong walang kwenta kausap tulad ni buencamino….masasayang lang effort mo di ka rin naman niya iintidihin, diba?

    ms. pistol, andito na ako….hehe…

    • Ms.Pistol  On August 13, 2010 at 4:38 am

      kay Teo ka dapat magsabi ng ganyan. Siya ang may ari ng blog.🙂

  • kapirasongkritika  On August 14, 2010 at 12:48 am

    @ Leon: Oo nga. Maniwala na lang tayo sa isang dating government official na isa na ngayong kolumnista. Kasing-dakila siya ni Lenin! At kaya niyang pabulaanan ang mga katangian ng imperyalismo ayon kay Lenin sa kanyang matalinong blog! Hehe. Pwede na nga nating tigilan. Bakit ba tayo mag-aaway, pareho lang naman tayong sumasamba? Tayo kay Marx at sa sosyalismo, siya kay Noynoy at demokrasya?

    @ Kris: Welcome sa blog! Pero bakit parang sira ang link sa blog na inilagay mo?

    @ Ms Pistol: Pwede mo rin naman siya i-welcome, suki ka na naman dito. Hehe.

  • Ms.Pistol  On August 21, 2010 at 4:53 am

    hehe… sabagay. welcome kris!

    Wala na si buencamino? naubusan ng sasabihin o nagrekurso sa georgetown? hahaha

  • revosoc  On June 15, 2011 at 7:12 pm

    asteeg ang flow ng usapan dito, kahit luma e nakakaaliw! huwag magpasindak sa tulad ni manuel buencamino na tuta ng reaksyonaryong estado! patuloy na magmulat at mag-organisa para sa tunay na kalayaan at demokrasya sa ating bansa!🙂

  • kapirasongkritika  On June 16, 2011 at 10:56 am

    Salamat! Nakakaaliw talaga, lalo na ang sagutan dito. Hindi naman nagpasindak ang mga tao. Kita namang nalantad na heckler lang si MB, hindi na makapag-isip nang wasto sa galit sa Kaliwa at pagmamahal sa sarili.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: