Hostage Taking bilang Larawan ng Bansa

Sang-ayon ako sa mga komentaristang sina Angela Stuart-Santiago at Conrado de Quiros. Dapat ipinangako na lang ng pulisya at gobyernong Aquino na ibibigay ang hinihingi ng nang-hostage sa Luneta na si Rolando Mendoza noong Agosto 23. Hindi naman masyadong matayog: maibalik lang naman sa trabaho. Ang mahalaga ay kalmahin ang loob niya para mapalaya ang mga bihag niyang turista sa bus na iyun.

Pinansin naman ng Kilusang Mayo Uno ang tinawag nitong “takot sa dumadaming kahilingan (fear of heightening demands)” ng rehimen ni Presidente Noynoy Aquino. Bukod sa kapalpakan ng pulisya, ang usaping ito ang talagang nakakabagabag ng pag-iisip. Eh ano naman kung dumami pa ang hinihingi ni Mendoza? Napakasimple lang naman ng una, kaya hindi na malamang tumayog pa nang husto o nang major-major.

Lumabas tuloy ang pinagkakaabalahan ng rehimeng Noynoy: ang pahupain ang pag-igting ng mga kahilingan at ekspektasyon ng mga mamamayan sa gobyerno. Katulad ng paglalarawan ni Karl Marx sa ugnayan ng kapitalista at kapital, lumikha ng malakas na pag-asa ang kandidatura ni Noynoy, bagay na pinipilit kontrolin ng rehimen niya pero hindi makaya. Kahit dapat sumalubong na ito sa kahilingan, nagmatigas pa rin.

Kauna-unawa na sensitibo ang KMU sa usapin ng pagtugon ng gobyerno sa mga kahilingan. Kasama ng ibang progresibong organisasyon, binibigyang-boses nito ang kahilingan ng mga mamamayan sa harap ng pagmamatigas ng gobyerno. Pero sa mata ng gobyerno, iba ang mga progresibong organisasyon at iba ang mga mamamayan. Sa mata pa nga nito, bihag ang mga mamamayan at mambibihag ang mga progresibo.

Sa ganitong klase ng pag-iiba sa mga mamamayan at mga itinuturing ng gobyerno na kaaway mailulugar ang mga maniobra sa Hacienda Luisita: Iba ang kahilingan ng mga magsasaka sa kahilingan ng mga progresibo. Hindi ang kahilingan ng mga progresibo ang dapat pakinggan, kundi ang “kahilingan” ng mga magsasaka – kahit pa gawa-gawa lang din ang huli ng mga Cojuangco’t Aquino. Mapapagod din ang mambibihag.

Sa huli, lalabas din ang totoo: hindi nagmamalasakit ang gobyerno kahit sa itinuturing nitong mga bihag. Ang mahalaga talaga rito ay ang mapangalagaan ang sariling interes.

25 Agosto 2010

Muntik na akong maiyak noong nakita ko ang larawan sa itaas. Galing ito sa Pinoy Weekly, pero salamat kay Tanglad sa pagpapatampok!

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Ms. Pistol  On August 27, 2010 at 1:25 pm

    nakakatawa naman talga ang hostage drama na ito. Hindi dahil sa may namatay kundi dahil naipakita nanaman yung kapalpakan ng rehimen ni aquino. Naalala ko, may sinabi yung tagapag-salita ni PNoy, hands off daw si Abnoynoy dun dahil local issue ito (pang manila lang at dapt hinid na pinalaki ng midya… loko loko. Ibinaling pasamidya ang sisi)… napansin ko lang. Sa lahat nalang ng issue, hands off siya. Tulad ng sinasabi niya dati sa issue ng HLI, HANDS OFF din siya. Ngayon lang ako nakakita ng lider ng isang bansa na hindi “HANDS ON” sa pamumuno. Stupid.

    Ayaw nilang ibigay ang demand ni Mendoza… kasi sa araw din ito yung continuation ng oral argument ng mgamagsasaka ng pamunuan ng HLI. Baka daw kapag ibinigay na yung hiling ni mendoza, magulat ang mga tao, bakit yung hiling ni mendoza na makabalik sa serbisyo ibinigay. Pero yung pagbabalik sa lupang dapat pag-mamay-ari ng mga magsasaka hinid maibigay.🙂

  • tanglad  On August 27, 2010 at 11:54 pm

    Hindi ko nakita ang analysis ng KMU, salamat for pointing it out. At salamat din sa analysis mo, sa pag-highlight ng kaugnayan ng krisis na ito sa ibang mga krisis at pag-demanda ng katarungan. At palagi kong tinititigan ang larawan na iyan. I can’t articulate how exactly, but looking at the children’s faces, I feel something break inside me.

  • kapirasongkritika  On August 28, 2010 at 4:46 pm

    @ Ms Pistol: Iyan talaga ang ipinakita ng nangyari, ang kapalpakan ng gobyerno ni Noynoy. Kaya naman nagtatawa rin ang mga alyado ni Gloria, bilang mga garapal na pulitiko. Palpak ang mga taong midya niya, tapos palpak din ang moda nilang sisihin ang midya. Sa HLI, hindi ako naniniwalang hands-off siya. Para siyang si Gloria: malinaw na nakikinabang sa isang hakbangin tapos sasabihin lang na hand-off siya. “Walang kinalaman ang Malakanyang sa pagbasura ng kasong impeachment laban sa pangulo… Proseso ito ng Kongreso…” Takot sila talaga sa tumataas na kahilingan ng mga mamamayan. Oportunista nilang sinakyan, ngayon kinakakatakutan.

    @ Tanglad: Walang anuman. Alam mo naman tayong mga progressive dito sa Internet, sharing resources. Naisip ko tuloy, sana gumawa na lang ako ng nagsasariling entri tungkol sa larawang iyan. May kung anong sobrang nakakatuwa at sobrang nakakalungkot: mga pulubing nagpapahinga at naglalaro. Hay. Nakakatulong kung may kinagigiliwan kang bata. Kung pwede mo lang ibigay sa kanila ang pagkabata nila. Kung pwede lang. Pero hindi.

    • Ms. Pistol  On September 5, 2010 at 2:14 am

      Madalas na ganun ang sinasabi ng mga tagapag-tanggol ng pangulo – magkakahiwalay ang kapangyarihan ng legislative, executive at judiciary – at hindi dapat nakekealam ang isa sa isa. Ito yung pinupukpok sa utak namin ng propesor ko sa PolGov na suporter ng lakas kampi pero galit kay gloria. Pero ayun nga, dahil nga daw magkakahiwalay, dapat hinahayaan ang legislative o ang judiciary sa mga desisyon nila. Laging walang kinalaman ang malakanyang! So Stupid.

      Yung mga hiling ng mamamayan sinasakyan lang nila kapag kailanagn nila, pero kapag sila na ang kaialanagan ng mamamayan, sasabihin nilang, wala kaming kinalaman diyan. Again, so stupid.

  • babbylan  On August 29, 2010 at 2:46 am

    tama. kahit kailan hindi dapat maging hands off ang isang pangulo sa nangyayari sa loob ng bansang pinamumunuan nya. binoto ka ng sambayanan only to tell them na hands off ka sa mga bagay na may kinalaman sila? that’s stupid!

    in a way, may kasalanan ang midya sa nangyari pero in a major major way, ito ay kasalanan ng gobyerno(na ayaw nilang akuin, and worst, kahit sorry ay hindi maibigay ni noynoy). Nung panahon ni gloria, kahit sobrang kurakot nya at pasista, kahit paano, sa mga ganitong issue ay naghahands on sya, halimbawa nung manila pen seige, madaming nadamay pero at the end of the day, walang nasaktan. Kung ikaw ba namang pangulo ka ay nagbibigay ng command sa polisya sa kung anumang dapat na gawin nila,(kung may maibibigay syang magandang command) e di sana hindi humantong sa ganitong pangyayari ang lahat. Sino bang commander-in-chief nila?

    hindi nga ata talaga nag-iisip si noynoy, ngayon palang lumalabas na ung pagiging abnormal nya. paano pa kaya sa mga worst cases na mangyayari sa bansa natin.

    • Ms. Pistol  On September 5, 2010 at 2:16 am

      Oo, may kasalanana din ang midya dahil sa masyadong sensationalized yung pagbabalita kagaya ng isang batikang reporter ng GMA, sabi niya ilang kilometro lang yung layo sakanya ng nabaril na ususerong bata, pero ang totoo sobarang layu. tapos yung pagbibigay din ng sobrang damdamin sa balita. Naka-apekto din yun kay mendoza, akala mo nga hindi hostage yung nagyayari, akala mo srye ng isang drama sa hapon na binigyan ng isang special day marathon.

  • unidentifiedwalkingobject  On August 29, 2010 at 3:43 pm

    Pinakamalinis na presidente ito so far! Napakagaling maghugas kamay.. Kung yung nauna red handed, ito naman hugas kamay. Mula sa isyu ng mga magsasaka hanggang sa mga tensyonadong hostage taking situations, hugas kamay pa rin.. Grabe

  • kapirasongkritika  On August 31, 2010 at 12:33 am

    @ babbylan: Salamat sa pagdalaw. Mukhang hindi na maikakaila na mahalaga talaga ang papel ng mga tagapayo niya sa gobyerno. Sa isang banda, gusto nilang panatilihin ang dangal ni Noynoy. Sa kabilang banda, mayabang sila sa popularidad niya — hindi katulad ni Gloria na laging nasa krisis kaya laging iwas-pusoy. Hindi naman sasapat ang sorry niya sa nangyari, at hindi rin malamang totoo. Mas pagka-abnormal iyan ng haciendero, iyung laki sa layaw. Kahit si Kris, parang may topak.

    @ Totoo ka! Laging walang kinalaman. Talagang mauubos ang “pampulitikang kapital” niya. Hindi naman kasi presidente lang ang problema ng bansa, kundi ang sistema. Aani siya ng galit ng mga mamamayan sa ganyang pagmamalinis niya. True! Pinakamalinis na pangulo ng Pilipinas! Daang matuwid!

  • Manuelbuencamino  On August 31, 2010 at 7:28 am

    “Sang-ayon ako sa mga komentaristang sina Angela Stuart-Santiago at Conrado de Quiros. Dapat ipinangako na lang ng pulisya at gobyernong Aquino na ibibigay ang hinihingi ng nang-hostage sa Luneta na si Rolando Mendoza noong Agosto 23. Hindi naman masyadong matayog: maibalik lang naman sa trabaho. Ang mahalaga ay kalmahin ang loob niya para mapalaya ang mga bihag niyang turista sa bus na iyun.”

    Let’s play out that scenario:

    Negotiator: “Capt. Mendoza, I’m happy to announce that your demands have been met. Will you now let the hostages go, please?”

    Capt. Mendoza: “Yes, of course. Thank you for giving me justice… and lunch.” (Turns to hostages) “Sorry for the inconvenience, you can all go.”

    Negotiator: (Shaking hands with Capt. Mendoza) “You’re a reasonable guy after all. Let’s all pose for a group picture in front of the bus.”

    Hostages: (Chanting) “Group hug, group hug…”

    • Ms. Pistol  On September 5, 2010 at 2:19 am

      SIR!

      PLAGAY KO DAPAT KASALI KAYO SA MGA NEGOTIATOR. TRY MO KUNG GANYAN EPIKTIBO YUNG GANAYANG USAPAAN.

      O SANA ISA KA NLANG SA MGA NA-HOSTAGE.

  • Mag  On August 31, 2010 at 1:59 pm

    Nag-iisip ba si Manuelbuencamino at malakas ‘yung loob niya na magcomment? Di ko alam, ha. Di ako Nat Dem, RA/RJ, o naiinis sa iyo dati pero lagi ko napapansin sa iba’t ibang blog na parang wala namang laman ‘yung mga sinasabi mo. Kunwari magaling pero hindi naman talaga. At may scenario pa siyang nalalaman na akala mo naman ay absoluto na ganoon talaga ang mangyayari o puwedeng mangyari.

    Diyos ko, kung totoo man Kayo, kaawaan po Ninyo si Manuelbuencamino. O sana ho, hindi N’yo na lang siya dinala dito sa lupa. Naawa ho sana kayo sa

    Amen.

  • Manuelbuencamino  On August 31, 2010 at 2:34 pm

    Mag,

    Yun nga ang mangyayari ayun sa palagay nung mga naniniwalang hindi papatay yun hostage-taker kung pinagbigyan ang hinihiling niya. Anong ayaw mo sa sinabi ko yun paglalarawn kung gaano katorpe yun suhestyon na maniniwala naman yun pulis sa mga pangakong hindi naman pwedeng tutuparin? Nagiisip ka ba? Ano sa kinabusan eh pababalikin siya sa trabaho kung pinakawalan niya yun hostages? Ang galing mo!

  • bikolano  On August 31, 2010 at 2:43 pm

    basta ako ang alam ko may mute capacity tong wordpress eh.. hmmmm

  • Daniel  On September 1, 2010 at 1:08 am

    Manuel,

    You are obviously vulgarizing the premise of Teo’s statement apparently to cover up the inutility of the Aquino administration and the “colossal stupidity” of the PNP. The crux of the matter is that result of the hostage-taking would have been different should the gov’t acted appropriately to save the victims.

    So you think that the hostage-taker was determined from the very onset to kill the hostages? and that a clever negotiation was not possible to persuade Mendoza to free them? It seems that you are pretending to be a psychologist, alas Noynoy didn’t send you on the hostage-crisis’ site on time, when it doesn’t take one to realize the barbaric nature of our police authorities. But didn’t you realize that these bribe-driven extortionist police/ex-police officers might capitulate if only the negotiations continued and worked well? Mali ka, ikaw talaga ang magaling! Seryoso.

    • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 1:50 pm

      Daniel ang point ko ay ang hostage situations ay laging unpredictable. Bakit? Kasi ang hostage-taker ay hindi na matino ang kaisipan. Obvious ba na ang kinahahatnan ng kahit anong hostage situation for the hostage-taker ay surrender or die? Ilan na ba ang hostahe situation na natapos sa isang ‘”okay lang pinakawalan mo ang hostages so makakalaya ka na.” ??

      I am not covering up for anyone. The assault was a disaster and the cops have to do something about it. Pero hindi ko babanatan ang mga negotiator kasi they tried their best and they risked their lives. Gabub talaga yun some negotiations turn out well some don’t kasi mind games ang nangyayari between negotiator and hostage-taker. At the end of the day, kahit gano pa kagaling ang negotiator mo kung yun hostage-taker ay decididong manakit at magpakamatay eh wala kang magagawa.

      • Daniel  On September 1, 2010 at 3:42 pm

        “…ang hostage situations ay laging unpredictable. Bakit? Kasi ang hostage-taker ay hindi na matino ang kaisipan.”

        Okey ipagpalagay na nga natin na lahat ng hostage-takers ay wala sa katinuan ang pag-iisip. Ibig sabihin ba non ay malabo nang maresolba ng mga awtoridad, sa wastong pagsusuri ng kalagayan at estratehiya, ang sitwasyon? Hindi naman porket “unpredictable” na ang sitwasyon ay hindi na maaring masolusyonan. Malinaw naman na napakahaba ng oras, bago pa mag-amok si Mendoza, para gumawa ng mga tamang hakbangin para mailigtas ang mga hostages. Hindi ba nakatulong ang pagbigay ng mga demand kay Mendoza at lalo lang lumalala ang sitwasyon? O hindi kaya yung mismong hindi pagtupad sa pinaka-dinedemand niya ang nagpalala?

        Negosasyon ang pangunahing opsyon para mailigtas ang mga hostages. Yung “unpredicatabilty” ng sitwasyon, default na yon. Ang problema ay palpak ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng gobyerno para resolbahin ang problema, at nang magresort na sa final option ay lalong pumalpak ang PNP.

      • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 4:30 pm

        @Daniel

        Ang sinabi ko unpredictable. Hindi ko sinabi na dahil unpredictable eh hindi na mareresolba. Kaya nga unpredictable kasi baka maresolba baka hindi. Kaya nga try everything at sana matumbok yun makaka-ayos ng sitwasyon.

        Kaya yun sinabi mo na “Ang problema ay palpak ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng gobyerno para resolbahin ang problema, ” ay hindi exacto. Kasi nga naconcede mo na din na unpredictable nga ang hostage situations, ang tamang conclusion ay magiging “Ang problema ay PUMALPAK ang paraan…” Kasi hindi naman nagkulang yun mga negotiators, they tried their best. Eh talagang mamamatay tao si Mendoza…eh sa dialogue na lang niya sa interview ang sabi nya “lalagyan ko” ang mga nakaupo sa harap. Wala sa kanya ang pumatay ng inocenteng tao. Killer cop talaga.

        Ngayon tungkol doon sa assault….correct palpak yun!

      • Ms. Pistol  On September 5, 2010 at 2:23 am

        MR. Buencamino sounded so coño

  • babbylan  On September 1, 2010 at 1:59 am

    @teo: salamat din. matagal na po akong nagbabasa ng mga gawa ninyo ngaun lang ako nagcomment.. hehe..

    @manuelbuencamino: walang sense na po ung mga sinasabi ninyo.. so kung mararapatin nyo po, wag na kayong magkomento kung ang gusto ninyong gawin ay “magkomento lamang.”

    • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 1:52 pm

      babbylan, wala kasing sense yung argumentong kung ibinigay ang gusto ng hostage-taker eh magiging maayos lahat. Wala kasing batayan yun paniniwalang yun.

      • babbylan  On September 2, 2010 at 12:26 am

        MERONG batayan yung komento na yun kasi nga kung agarang inensure si Mendoza na maibabalik sya sa trabaho, which is yung kahilingan nya, ee di sana hindi na naging worst yung scenario.. dahil iyon ang hinihingi nya kaya sya gumawa ng ganong aksyon.. lumala nalang yung mga pangyayari dahil na rin sa kabugukan ng iilan..

  • cara  On September 1, 2010 at 5:03 am

    I missed posting my comments here.. madalas hindi ko kasi alam kung ano ang idadagdag ko sa mga matatalinong argumento ng mga tao dito..anyways, astig ang pagkakawing ng particular issue sa general issue..maiksi lang pero malaman..
    isa pang anyways, alam ko na ang magiging kinabukasan ni manuelbuencamino, scriptwriter… bwehehe.. wag na kayo magalit sa batang gustong makisawsaw sa usapan.. poor manuel..gawa ka kasi ng sariling mundo mo… hmmp!

  • kapirasongkritika  On September 1, 2010 at 6:20 am

    @ Manuelbuencamino: Ang sabi mo, wala namang hostage-taking crisis na sumuko lang basta ang nambihag. Eh saan ba mayroong ganyan lang kasimple ang demand? Syempre, hindi mo pababalikin sa trabaho ang ganoon. Ang punto, mapakalma siya, maialis doon sa lugar. O ang tindig mo ba, dapat sniper na lang? Pwede rin, pero dapat sinubukan muna ang pwedeng gawin.

    @ Mag: Actually, dating anti-Gloria iyang si Buencamino. Okey pa siya noon. Pero ganyan naman talaga ang mga burgis, ang gusto lang ay kadikit nila ang nasa pwesto. Kaya lahat ng pambabaluktot sa lohika, gagawin para ipagtanggol si Noynoy. Kawawa naman siya.

    @ bikolano: Mayroon nga. Pero totoong tao iyang si Buencamino, kaya pagbigyan na natin. Gusto niyang gasgasin ang puso niya, eh di bahala siya.

    @ Daniel: Hehe. Napa-Ingles ka tuloy. Alam kasi ni Buencamino na malaganap na ang ganitong pagtingin, kaya inaatake niya. Pero malinaw talagang ang in-exhaust lang ng gobyernong Noynoy ay ang oras, hindi ang paraan ng pagharap sa kaso. Psychologist? Baka iyung kliyente ng psychologist. Hehe.

    @ babbylan: May mga pasilip-silip din pala rito. Hehe. Salamat! Sige, komento ka lang nang komento.

    @ cara: Okey lang ang bata, kaysa matandang walang pinagkatandaan. Hehe. Mapalad ang blog na ito na may mga masigasig at mahuhusay magkomento. Dapat siguro magkaroon ako ng entri na nagbibigay-pugay sa kanila. Hmmm. Hehe. Salamat sa pagbabalik!

    • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 2:02 pm

      Teo,

      ” Ang punto, mapakalma siya, maialis doon sa lugar.”

      Oo nga. at ang punto ko naman eh anong batayan mo na yun sinangayunan mong paraan ay ang tamang paraan? Tulad ng sinabi ko sa sagot ko kay Daniel unpredictable ang hostage situations. susubukab ang lahat na paraan para hindi mapinsala ang mga hostage. siemore. ang kwestyon ay wala kasing formula para dyan. Kahit ano pang training o modeling ang daanan ng negotiator pagdating sa dulo ay mauuwi yan sa pakiramdaman o kaya “feel”/ So mahirap magsalita o humusga dahi walang tama o maling paraan. Ang tama o mali sa mga sitwasyon na ganyan ay masasabi mo lang dahil sa resulta. kung mapayapang natapos eh di tumama ang ginawa.

      Sniper ok kung yun na lang ang paraan para maprotektahan ang mga inosenteng hostage.

  • Buang si Manuel  On September 1, 2010 at 6:29 am

    Cara : hindi naman bata yang si Unwell Buangcamino, siguro ay dumadaan lang sya sa kanyang second childhood. Tignan mo yung ginawa nyang script, hindi nga yan papasa kahit sa isang HS student eh.

    Tsaka may sarili naman syang mundo eh, dun sa kanyang blog kung saan dati ay ginagamit nya iyon para magposturang anti-arroyo at maypakialam – kuno pero ngayon naman ay nagsisilbi na ito bilang propaganda machinery ng idol nyang si Noynoy, na bago maging Presidente at nagbutas ng anim na taon sa Kongreso at tatlong taon sa Senado nang walang nagawang batas, bagkus ay pagra ragnarok lang at pagyoyosi break ang inaatupag.

    Intindihin na lang natin ang kanyang kalagayan.🙂

    • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 2:06 pm

      Cara,

      hanggang ngayon ba eh masama pa ang loob mo na pinulot sa kangkungan yun ka-alyado ninyong kandidatong landgrabber at magnanakaw?

    • Manuelbuencamino  On September 1, 2010 at 4:35 pm

      Buang,

      masama din ang loob mo na pinulot sa kangkungan yun kalyado at idolo mong labdgrabber at magnanakaw. Ganyan talaga ang buhay nonoy.

  • napadaan  On September 1, 2010 at 12:20 pm

    hahaha! i really really love this blog. seryoso ang mga usaping panlipunan, pero ang mga komento ni manuel buencamino ay comedy.

  • mh  On September 1, 2010 at 2:22 pm

    teo! bihira ka nang mag blog? busy busyhan? sana komentaryuhan mo ang panukalang badyet ni pnoy.

  • kapirasongkritika  On September 1, 2010 at 5:46 pm

    @ Manuelbuencamino: Ginagawa mong panakip-butas ang pagiging “unpredictable” ng mga hostage situations para walang masisi. Kung ang layunin mo ay mawala ang pagsisi ng mga tao, hindi ka magtatagumpay. Maraming namatay eh. Talagang babalikan ang pagharap sa kaso, at ang pinakabatayang isyu ay: Bakit hindi man lang ibinigay ang kahilingan? Malinaw na ayaw ibigay. Palpak iyun. Sa Pilipinas, ilang hostage-taking incidents ang naayos? Ilang nagbantang magpakamatay ang nakausap? Kung si Gloria ang nakaupo, nauna ka nang humatol. Kaso hindi. Kaya ka ganyan. Kausapin mo ang mga taga-Hong Kong, baka makumbinsi mo. Ang punto, mas may tsansang magtagumpay ang negosasyon kung ibinigay ang demands kaysa hindi. HIndi iyan formula, pero makatwiran.

    Tsaka bakit mo dinadala dito ang usapin ng pagsuporta sa nakaraang halalan? Bawal ba humusga kung iba ang sinuportahan? Wala ka bang intellectual integrity man lang para kilalaning ang mga aktibista ay kritikal talaga sa nakaupo sa pwesto kahit sino pa ang sinuportahan noong eleksyon? Cheap shot ang banat na iyan. Ang totoo, maraming maka-Noynoy ang nadidisilusyon; nakikita nilang totoong walang kakayahan si Noynoy mamuno sa bansa.

    @ Daniel: Tama ka! Lalo pang nagalit si Mendoza kasi hindi ibinigay ang demand niya. Iyan ang ipinapakita ng tinakbo ng mga pangyayari — at hindi pwedeng pasubalian na iyun ang dahilan ng pagkagalit niya.

    @ napadaan: Oo nga. Nakakatawa ang pagsisikap talikuran ang katwiran.

    @ mh: Oo nga, medyo busy. Tingnan ko. Aralin ko ang badyet. Salamat sa komento!

  • Manuelbuencamino  On September 2, 2010 at 4:41 am

    @Teo,

    Hindi panakip nutas ang pagiging unpredictable. Ilang beses ko bang dapat ulitin na palpak yun assault,
    Ilang beses ko bang dapat ulitin na kahit ano ang ipangako mo sa isang killer o sirang ulo wala kang garantiya na hindi siya gagawa ng karahasan. Kaya sisihin yun assault pero hindi yun mga negotiator.

    At saka ang hindi mo hinaharap ay ito: naniniwala ka bang dapat ibigay ang hiniling at palayain yun hostage taker ? Okay ba yun na magreport siya sa trabaho sa kinabukasan?

    Ngayon kung hindi yun ang paniwala mo, kung ang paniwala mo ay dapat naman parusahan din yun hostage taker eh di ang gusto mo ay bobolahin lang siya na mga negotiator at pagkatapos pakawalan niya yun mga hostage eh arestuhin din siya. Eh hindi ba yan din ang sinubukan gawin ng mga negotiator?

    Isa pa ay ina-assume mo na yun hostage-taker ay maniniwala na talagang ibibigay sa kanya ang hinihingi niya at hindi siya sisingilin sa krimen ng hostage-taking.

    As to my so-called cheap shot – basahin mo ulit yun komento ni buang – “Tsaka may sarili naman syang mundo eh, dun sa kanyang blog kung saan dati ay ginagamit nya iyon para magposturang anti-arroyo at maypakialam – kuno pero ngayon naman ay nagsisilbi na ito bilang propaganda machinery ng idol nyang si Noynoy, na bago maging Presidente at nagbutas ng anim na taon sa Kongreso at tatlong taon sa Senado nang walang nagawang batas, bagkus ay pagra ragnarok lang at pagyoyosi break ang inaatupag.”

    Ang sagot ko ay nakatapat lang sa sinabi niya. Babanatan niya na sumoporta ako kay Noynoy babanatan ko din na sumoporta siya sa land grabber.

    Sana tinumbok niya ang isyung pinaguusapan ngayon. Tulad mo, we have different appreciations of the way the negotiations were handled. Hindi magkatugma ang pananaw natin diyan sa bagay na yan pero magkatugma naman tayo na palpak yun assault.

    Yun lang. Kutkutin natin yun sa negotiation huwag na tayong magbangayan sa atin magkasalungat na politics.

    May mga inosenteng pinatay ang isang pulis na walang paggalang sa buhay kasalanan ng negotiator o kasalanan nung pulis o talagang sometimes shit happens kasi unpredictable ang outcome ng mga negotiation?

    Para sa akin the negotiators tried their best. Sana meron fool-proof na formula kung papaano maresolve yan mga ganyan sitwasyon without harm to the hostages and the hostage-taker pero wala. We keep trying kahit alam natin na meron uncertainty palagi sa outcome.

    Para sa akin yan sobrang pagbatikos sa negotiator, na ginawa naman ang lahat na kaya niyang gawin, ay mauuwi lang sa pagiisip na huwag na lang makipag-usap, upakan na lang ang hostage-taker at the first opportunity. Bakit? Kasi bakit pa magmamalasakit ang isang tao na pumasok at sumubok magresolve ng isang unpredictabe situation kung sisisihin lang siya pag hindi maganda ang kinaroonan.

    Let’s focus on the assault. Dun maliwanag na may pagkukulang. Dun factual at hindi opinion ang tatalakayin. Kulang ang equipment ba? Wala bang element of surprise? Bakit hindi ginamit yun SAF na ang sabi nila ay well-equipped aat well-trained? Yan,, para sa akin, ang dapat tugunan.

  • kapirasongkritika  On September 2, 2010 at 6:06 am

    @ Manuelbuencamino: Pwede mong sabihin sa lahat ng hakbangin ng mga tao iyan, na unpredictable, walang assurance, walang fool-proof. Hindi naman tayo nabubuhay sa ganoon, hindi ba? Ang batayan ng mga hakbangin natin, batay sa tanong na: Aling hakbangin ang mas posibleng magbigay ng magandang resulta? Sa ganoong kalkulasyon nakabatay ang hakbangin natin, hindi sa absolutong katiyakan na magluluwal ng magandang resulta. Kaya ang tanong: bakit hindi ibinigay ang simpleng demand? May problema talaga sa balangkas ng negotiators.

    Ang tingin ko, dapat ipangako sa kanyang ibibigay. Pero ikukulong siya pagkatapos — nang sinisiguro na patas ang pagkaso sa kanya. Tapos batay sa reports, maayos na pulis si Mendoza. So dapat man lang seryoso talagang repasuhin ang kaso niya — ito ang pangakong dapat talagang tuparin. Iyun naman talaga ang mayor niyang layunin sa ginawa niya. May antas-antas din ang kabaliwan, hindi pwedeng praning tayo sa mga praning.

    Nanalo na si Noynoy. Bagong round na tayo ng labanan. Ang tinutuligsa sa iyo ay ang pagtatanggol mo kay Noynoy kahit sa kasong itong hindi talaga katanggul-tanggol. Kahit sa Luisita, talagang pagtatanggol kay Noynoy ang tindig mo. At malalantad na ipinagtatanggol mo lang talaga siya kasi walang batayan ang pagtatanggol — at taliwas pa nga sa mariin at makatwirang pagtuligsa mo kay Gloria. Iyan ang batayan ng sinabi ni Buang, sa pag-unawa ko. Kaya hindi pa rin usapin ang sinuportahan noong eleksyon. Usapin ito ng sino ang sinusuportahan ngayon.

    • Manuelbuencamino  On September 2, 2010 at 9:14 am

      @Teo

      “Ang batayan ng mga hakbangin natin, batay sa tanong na: Aling hakbangin ang mas posibleng magbigay ng magandang resulta?”

      Tama ka diyan. Pero ganun pa man din hindi mo pwedeng ma conclude na yun akala momg tamang hakbangin – ibigay ang gusto ni Mendoza – ay ang tama o ang mangyayari. Unpredictable nga ang hostage situation. Specific ito at hindi ko nilalahat sa lahat ng bagay sa buhay. Meron mga predictable sa buhay yun mga 99.9 percent sure tulad ng kung isubo mo ang isang shotgun at paputukin mo 99.9 percent sure ako na sasabog ang ulo mo.

      “So dapat man lang seryoso talagang repasuhin ang kaso niya — ito ang pangakong dapat talagang tuparin.” Eh di nga ba yun ang sinabi sa sulat na nakuha kay Ombudsgirl at tinawag ni Mendoza na basura ito?

      So binigay na nga ang gusto niya, (tulad ng gusto mong mangyari. pinakain pa siya), pero hindi pa din siya naawat sa pagpatay ng mga inosenteng hostage.

      Kaya nga sinabi ko na dun na tayo sa assault kasi sa doon sa bagay ng tamang paraan ng negosasyon ay opinion mo laban sa opinion ko lang ang mauuwian natin. Wala ako o ikaw na may maipapakitang pruweba para patunayan na ang opinion natin tungkol diyan ay ang kaisa-isang tama. Dun na lang tayo sa assault, doon maliwanag ang pagkukulang.

      “Tapos batay sa reports, maayos na pulis si Mendoza.” Eh yan eh batay sa reports ng mga pulis din. Kung ang report ng pulis tungkol sa isa sa kanila ay ang tanging pagbabatayan natin at hindi natin bibigyang pansin ang mga sinasabi ng nagsampa ng demanda sa kanila eh di bigyan na rin natin ng parangal ang mga ibang criminal award winners tulad ni palparan.

      Tungkol naman sa depensa mo sa komento ni Buang.

      1. “Ang tinutuligsa sa iyo ay ang pagtatanggol mo kay Noynoy kahit sa kasong itong hindi talaga katanggul-tanggol.”

      Unang-una hindi ko ipinagtatanggol si Noynoy sa kasong ito. Hindi kailangan. Ang ipinagtanggol ko yun mga negotiator kasi they tried their best.

      Ni hindi ko na nga sinisi ang coverage ng media sa pag-aresto sa kapatid ni mendoza na sinasabi ng marami ay ang naging dahilan ng pagkasira ng negotiation.

      Ang aking panindigan ay talagang unpredictable ang mga hostage situation kaya ang tinitignan ko ay kung yun mga negotiator really tried their best. At sa lahat ng nakita ko at nabalitaan ko mula sa media ay talaga naman they tried their best. Binigay pa nga nila in writing na rerepasuhin ang kaso ni mendoza kaya lang ang gusto ni mendoza ay abswelto siya, ibalik sa trabaho at bayaran yun sweldong di niya natanggap. Reasonable demands ba?

      2. “Kahit sa Luisita, talagang pagtatanggol kay Noynoy ang tindig mo. At malalantad na ipinagtatanggol mo lang talaga siya kasi walang batayan ang pagtatanggol — at taliwas pa nga sa mariin at makatwirang pagtuligsa mo kay Gloria.”

      Unang una tama ang ginawa ni Noynoy to recuse himself from the case. Bakit? Kasi gusto ninyo paboran niya ang gusto ng mga ilang farmers. Ang gusto naman ng mga relatives niya ay paboran sila. Parehong panig ang nagsasabi na tama sila at na sila ang makatarungan. Kung makialam si Noynoy sa kaso ano ang magiging tamang desisyon na matatanggap na parehong panig? Alam mo naman na kahit sinong panig ang paboran ni Noynoy ay kekwestyunin din naman ng kabila sa korte. Eh nasa korte na ang kaso, bakit hindi na lang sila ang magbigay na final decision? Sinabi naman ni Noynoy na ipapatupad niya kung anuman ang maging desisyon ng korte.

      Ngayon maiba ako. Hindi ba ilang beses na tinanong ang mga tiga-HL at nagsabi na sila kung ano ang gusto nila? Bakit binabalewala ang kagustuhan ng nakakarami?

      So sa bagay na ito ay mauuwi lang tayo ulit sa banggaan ng opinyon. Hindi mo tatanggapin na totoo ang resulta ng botohan doon. Ako naman ay tinatanggap ko ang resulta ng boto kasi yun ang pinaniniwalaan kong batayan sa kung ano ang kagustuhan ng mga tao doon.

      Ngayon kung land reform as an issue ang paguusapan eh boto ako diyan kung yan ang magbibigay ng kapayapaan at ginhawa para sa lahat.

      Usapin pang eleksyon ang komento ni Buang. Pinaliwanag ko na sa iyo kung bakit yun ang basa ko sa sinabi niya.

  • kapirasongkritika  On September 3, 2010 at 7:51 am

    Iyung sinabi ko tungkol kay Mendoza, hindi ko lang nakuha sa mga balita sa masmidya. May kakilala akong may kakilalang malapit kay Mendoza. Maayos daw siya talaga. Mas ang punto rito, may pambalanse sa pagtinging baliw lang talaga siya.

    Ang ibinigay sa kanya ay garantiyang rerepasuhin ang kaso niya. Pwede namang ang ibigay ay mas matapang pa doon. Tapos hilutin na lang sa usap sa kanya. Humiling din siya ng midya, dapat ibinigay. Kung palabas mula sa kanya, ibigay lang. Pero iyung papasok sa kanyang impormasyon, iyun ang kontrolin. Mga ganoong pamamaraan.

    Sasabihin mong makulit ako, pero hindi mo talaga ako makumbinsi na opinyon lang ang pagtinging dapat ibinigay ang demands niya, at kung ibinigay ito, mas mataas ang posibilidad na mas kumalma siya — at naresolba ang krisis.

    Sasang-ayon naman ako sa iyo na ginawa ng mga negosyador ang lahat. Pero iyun nga ang tanong: bakit parang hindi sila nagagabayan ng mas mataas, katulad ng mismong gabinete ni Noynoy?

    Sa Luisita, dapat tumindig si Noynoy. Ang desisyon ng PARC noong 2005 ay desisyon ng gobyerno, na may matibay na mga batayan. Dapat isulong niya iyun. Ang paghuhugas-kamay sa kaso ay pagpanig sa mga Aquino at Cojuangco sa usaping ito.

    Pero nakita mo rin naman na hindi patas ang botohan. At ganoon ang mga panginoong maylupa, hindi ba? Hindi sila patas. So bakit mo kikilalanin?

    Mabuti at pabor ka sa reporma sa lupa. Pero kung hindi maitutulak ang reporma sa lupa sa pinakakontrobersyal na kaso ng lupa sa bansa, saan pa natin ito maipapatupad? Dapat kongkreto ang pagpabor sa reporma sa lupa.

  • Manuelbuencamino  On September 4, 2010 at 5:42 am

    @Teo,

    So okay maliwanag na ang opinyon natin sa nangyari ay magkasalungat. Yun sinasabi mo ay pwedeng mangyari pero pwede din na hindi, yan ang panindigan ko. Yun sa gabayan ng mataas eh ano kaya ang gabay na maibibigay sa ginawang pakikipag-usap ng negosyador maliban sa bigyan siya ng parameters kung ano ang pwede nya i-compromiso.

    Sa Luisita naman hindi ako naniniwala na yan ang test case. At para sa akin hindi maliwanag na hindi patas ang botohan. Nasaan ang pruweba ng coercion?

    Ngayon para sa iyo ang kaisa-isang tamang reporma sa HLI ay paghati-hatiin ang lupa. Para sa akin maraming repormang pwede at ang pagpili niyan ay para sa mga tiga-doon, hindi para sa atin na tiga-labas. Alam ko na sa tingin mo dapat makialam ka. Well, kung maliwanag na may anomaliya sa botohan, dapat ngang makialam. Pero kung yun talaga ang gusto ng mga taga doon, eh dapat galangin natin ang kanilang kagustuhan.

    • krguda  On September 7, 2010 at 5:20 am

      Pruweba: Military detachments sa loob ng Luisita. Pag-a-accost ng mga sundalo sa mga “botante” ng referendum, pagrerekorida, pagbabahay-bahay ng mga sundalo linggu-linggo. Para mapatunayan (o mapawalang-saysay) ito, pumunta ka mismo sa Hacienda Luisita ngayon.

  • kapirasongkritika  On September 6, 2010 at 4:42 am

    @ Manuelbuencamino: Pwede naman talagang mangyari at pwedeng hindi. Tapos ang tindig ko ay posibleng mas maganda ang nangyari kung sinubukan. Ngayon kasi, ang gobyernong Aquino ang sinisisi, so pulitikal talaga ang isyu. Dapat simula pa lang, ginitnaan na ang usapin.

    Hindi talaga patas. Pamilyar ka ba sa kung paano gumagana ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa? Ganoon. Bulung-bulong, takot-takot. Hindi lang coercion, bagamat nandoon iyun. Deception din: walang pera ang hindi boboto sa SDO, nasa malayo ang lupang ipapamahagi, etc.

    Hindi lang usapin ng eleksyon ang pangangailangang makialam, gaya ng sinabi ko sa kasunod na entri.

    @ Ms. Pistol: Hataw ka diyan, ah. Hehe. Hindi talaga nila mapapangatwiranan ang sinasabi nilang hands-off mode ni Noynoy sa harap ng pagsisi ngayon. Hindi talaga iyun uubra, na wala silang kinalaman sa mayor na usaping ito. Iyung sa midya, may kalabisan talaga. Pero ang main pa rin ay ang dapat in command sa sitwasyon — ang pulis o ang pambansang pamahalaan. Sila ang magtatakda ng bakod ng midya.

  • krguda  On September 7, 2010 at 5:23 am

    Meron. Andami-daming kaso ng hostage-taking na sumuko ang hostage taker dahil binigay ang demands nila. Yung kay Ducat lang. Saka maling laging isipin na porke nanghostage e wala na sa katinuan ang pag-iisip. May logic sa maraming panghohostage (di lahat, pero marami), bagamat mali: Palagay nila sa paraang iyon maitatama ang (palagay nilang) inhustisya sa sarili nila (o pwede ring sa iba) na gusto nila. Sa puntong ito kaya nakikipagnegosasyon. At marami ang nagsasabi na lahat ng indictaors nakaturo sa maayos na mareresolba itong partikular na hostage taking (mahinahon kausap, nagpakawala ng hostages, etc.). Talagang may kapalpakan sa government negotiators. At talaga namang may pananagutan doon si Noynoy. C’mon. Siya na nga mismo nagsabi eh, bagamat vague at panakip-butas lang sa kapalpakan nina Robredo etc.

    Pero ang punto dapat ay kung masisilip bang may depekto sa sistema ng pulisya at mentalidad ng mga kagawad nito. Bakit ganoon na lang kadali na ibaling ng isang pulis ang baril niya sa mga inosente? At bago ang hostagetaking na ito, bakit napakadaling mangtortyur ng pulis (i.e. iyung nahuli ng petty crime)? Bakit napakadaling masangkot ng pulis sa private armies ng mga pulitiko, tulad ng pagkakasangkot ng ilan sa private army ng mga Ampatuan na pumatay sa mga inosente sa Maguindanao? Bakit pana-panahong nasasangkot din ang pulis sa extrajudicial killings at pagdukot?

    • Manuelbuencamino  On September 7, 2010 at 4:09 pm

      @krguda,

      Talaga naman may depekto sa sistema ng pulisya at mentalidad ng marami sa kanila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: