Alex Remollino: Makata mula sa Malayo


(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

(2) Itinatangi ng mga aktibista ang mga makata nila. Sa mga pormal na pagtitipon at kahit sa mga rali, bihirang walang pagsalitaing makata o basahing tula. Sa mga usap-usapan, pulong, pag-aaral at parangal, may mga taludtod na laging nababanggit:

“Napopoot tayo pagkat tayo’y nagmamahal”
Awakened, the masses are Messiah
“Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma”
“Hindi ito kabaliwan, kundi katapusan ng kabaliwan”
”Ang gerilya ay tulad ng makata”
“Sa iyong katauhan, maliwanag ang tala ng rebolusyon”

Bayan kasi tayong mahilig sa mga kanta at himig ng mga salita. Mga mananalig kasi tayong naniniwalang nakakapagbago at nakakapagpatatag ng kalooban ang salita ng Diyos. Kapit-bahay kasi tayong mahilig sa kwento-kwento at balita. Kilusan kasi tayong ibayong nagpapahalaga sa linya sa iba’t ibang usapin at sa paghawi sa panlilinlang ng mga naghahari. At ang mga makata, sila ang ating mga mang-aawit, mangangaral, tagapagbalita, edukador at lider-masa – silang sa atin ang kung ano tayo sa bayan. Katulad ng ibang likhang sining na angkop sa mga lugar ng mahihirap, walang gaanong instrumento ang kailangan sa pagtula – tulad ng ginagawa ng mga aktibista.

(3) Noong 1966, tinanong si Hen. Vo Nguyen Giap ng Vietnam tungkol sa “mga thesis na Amerikano” na nagsasabing maipapanalo ng US ang gera sa Timog Vietnam sa pagparalisa sa isang pier at pagwasak sa potensyal ng ekonomiya ng Hilaga. Ang sagot niya: “Hindi mga ‘thesis’ ang kulang sa estratehiyang Amerikano… Ito lang ang wastong thesis: gerang agresyon ang gerang inilulunsad ngayon ng gobyerno ng US sa Timog Vietnam, gera ng neokolonyal na agresyon. Nagsusulong ang mga mamamayan sa Timog Vietnam ng lehitimong depensa para tiyakin ang mga karapatang pambansa nila… Makatarungan ang aming digma ng pagpapalaya. Magtatagumpay kami.”


(4) Mula sa malayo, mukhang masipag na makata, manunulat at aktibista si Alex. Kahit ang mga nakasama niya sa gawain, ganito rin ang sinasabi. Masayang katrabaho rin daw. Sa paksa at nilalaman ng kanyang mga sulatin, malinaw ang pagsisikap niyang masapul at mailahad ang pinakamatalas na pagsusuri. Sa porma at himig ng mga ito, malinaw ang pagsisikap niyang mang-antig at magpakilos ng kapwa at kasama. Hindi ko man personal na nakilala si Alex, alam kong ganitong klase siya ng aktibista. Ang tahimik niyang presensya, at ng maraming iba pa, ay nagbibigay-katiyakan na patuloy ang pagpupunyagi ng mga kasama, magkakilala man o hindi, para sa paglaya ng bayan.

(5) Nagulat siya sa balita. Nasa bahay na siya nang mabasa niya ang text, sinuong ang malakas na ulan ng gabing iyun. Galing ito sa kaibigang nasa poetry reading na fund-raising activity para sa pagpapagamot sa makata. Galing din siya doon, may inabot sa isang kaibigan at ipinaabot sa isa pa. Hindi siya pumasok dahil tila masikip ang lugar at wala naman siyang pandonasyon. Sa labas, dinig na dinig ang boses ng mga bumabasa ng tula. Lumalakas na raw si Alex. Natawa pa siya: hot, kumbaga, ang pinagdausan ng aktibidad habang cool na cool ang katapat nitong sosyal na kapihan. Ano pa’t nangagsitahimik daw nang matagal ang maiingay noong inanunsyo ang pagpanaw…

06 Setyembre 2010

Galing ang mga larawan sa itaas sa website ni Willi Baumeister.

Nagngangalit na rebyu ni Richard Seymour sa talambuhay ni Tony Blair, dating pinuno ng bansa niya. Inatras tuloy ang book signing ng mokong. Ang pamanang Amerikano sa Iraq, ayon kay Patrick Cockburn: istabilidad na parang hindi rin. Kumusta na ang ekonomiya ng Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez?

Magandang epekto ng tenure sa mga propesor, ayon kay Jodi Dean. Blast from the past: matinding pagtuligsa ng Marxistang si Terry Eagleton kay Gayatri Spivak at isang tipo ng teoryang post-kolonyal. Maganda bagamat mahabang kritisismo sa kapitalismo kaugnay ng krisis sa kalikasan.

Maagap at madamdaming parangal ni Ina Silverio-Gargar sa namatay na makatang si Alex Remollino, 33. Parangal ng Bulatlat.com at ng maraming iba pa, ng tambalang Tine Sabillo at Carlos Maningat, at ni Kenneth Guda. So Blogspot ang bagong template ng huli. Simple pero magandang artikulo ni Jonnah Marie D. Morado — at mas magandang prinsipyo.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Ms.Pistol  On September 7, 2010 at 12:25 pm

    Masaya ako, dahil kahit hinid ko nakita si Alex o hinid ko man siya kilala ng personal, may mga bagay parin na makapagpapakilala sa kanya sa mga tulad kong hinid siya nasaksihan – ang kanyang mga akda.

    Pagpupugay kay Kasamang Alex!

  • louis  On September 8, 2010 at 4:55 am

    Magaling at determinado. Malalim at malawak ang isip. Malapit sa masa. Masiyahin at malusog. Yan ang pagkakilala ko kay Alex Remollino. Sa iilang pagkakataon na nakasama ko siya sa mga kuwentuhan, hindi nawawala ang talas ng kanyang isip at maagap na pagwawasto sa tingin niya ay mga maling gawi at kaisipan sa larangang politikal man o kultural na mula sa peti-burgesyang katulad ko na kahuntahan niya sa isang tindahan sa kanto ng Welcome Rotonda o di kaya’y saan mang tirahan.

    Ni hindi na naulit ang masaya ngunit makabuluhang huntahan namin. Huling kita ko sa kanya, siya ay payat na ngunit nabanggit niya na siya ay nagpapayat lang nga. At nakakagulat nga na siya ay biglaang pumanaw.

    All men must die, but death can vary in its significance. The ancient Chinese writer Szuma Chien said, “Though death befalls all men alike, it may be weightier than Mount Tai or lighter than a feather.” To die for the people is weightier than Sierra Madre, but to work for the fascists and die for the exploiters and oppressors is lighter than a feather. Comrade Alex died for the people, and his death is indeed weightier than Sierra Madre.

    “Cut and paste lang itong quote na ito. Sorry. Just the same, its the thought that counts, i guess.”

  • kapirasongkritika  On September 8, 2010 at 6:03 pm

    @ Ms. Pistol: Marami talagang nakakilala sa kanya sa mga isinulat niya. Marami nga, hayskul pa lang, ginagamit nang research materials ang mga isinulat niya sa Bulatlat.com. Nag-iwan siya ng mga tula at sulating babasahin kahit ng mga anak natin.

    @ Louis: Salamat sa mahabang komento! Cut and paste man, totoo naman. Kaya ayos lang. Mabuti at nakilala mo siya nang personal. Sa kabilang banda, maraming Alex sa hanay ng mga aktibista, at may Alex sa bawat aktibista na kailangan lang nating paunlarin, palabasin.

  • makoy  On September 9, 2010 at 4:39 am

    >>The ancient Chinese writer Szuma Chien said, “Though death befalls all men alike, it may be weightier than Mount Tai or lighter than a feather.”<<

    sya pala ung ni-quote ni mao..

  • kapirasongkritika  On September 10, 2010 at 8:59 am

    Oo nga, ngayon ko lang ulit narebyu ang bagay na ito. Salamat sa pagdalaw, makabayang makata! Hehe.

  • kris  On September 15, 2010 at 11:54 pm

    kahit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita at makilala si kasamang Alex gusto ko siyang pagpugayan dahil sa mga naisulat niya tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. MANANATILI SIYANG BUHAY SA KANYANG MGA AKDA…

  • kapirasongkritika  On September 16, 2010 at 2:08 pm

    Oo nga. May panawagan nga sa Facebook na buuin na ang libro ni Alex. Mananatili siyang buhay doon, pero bilang aktibista rin, sa mga taong namulat, naorganisa at kumilos sa tulong niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: