Decaf: Try Mo!

Marami na siguro ang nakapanood ng patalastas ng Nescafe Decaf na may titulong “Why Not?” Dalawang babae ang sinubaybayan mula paglalakad pauwi hanggang bago matulog, kung saan inisa-isa ng isa ang mga naengkwentrong “bawal” gawin sa gabi: magwalis, dumaan sa ilalim ng hagdan, manahi, maglabas ng pera, matulog nang basa ang buhok, hanggang sa, syempre pa, uminom ng kape dahil “baka hindi ka makatulog.” Ang sinasabihan, sa wakas, ay parang hindi na nakapagpigil at nagsabing:

Bawal-bawal ka diyan.
And so what kung gabi?
Magkakape ako kung gusto ko, ’no?
Decaffeinated naman.
So pwede pa rin akong makatulog.
Ang sarap kaya.
Try mo!

Sa propaganda-ahitasyong ito para sa kapeng decaffeinated, makikita ang linya-por-linya o hakbang-hakbang pero mabilis na pang-aakit at pagbibigay-katwiran sa pagkonsumo ng ibinebentang kalakal: pagkutya sa pagbabawal >> pagkwestyon-pagrerebelde sa pagbabawal >> pagdeklara ng indibidwal na pagpapasya >> paghahayag ng siyentipikong batayan at sa gayo’y ng pagpawalang-bisa sa batayan ng pagbabawal >> paghahayag ng sarap sa aksyon >> paghikayat sa kausap na gawin din ang ginagawa.

Bago ang ganitong pagbulalas, nasabi ng nangangaral ang malaganap na kumbaga’y argumentong pang-nagkakaisang prente ng mga mapamahiing siya namang promotor ng mga nabanggit na paniniwala-pagbabawal: “Sumunod ka na lang; wala namang mawawala.” Kahit hindi naman talaga pamahiin ang hindi pag-inom ng kape bago matulog (dahil paalala lang ito), kahit hindi naman talaga relihiyoso o metapisikal ang batayan nito (dahil siyentipikong sabihing nakakagising ang caffeine), at kahit may lusot naman ang ibinebentang produkto sa pampagising na talab ng kape (dahil “decaffeinated naman”), ibinungkos ang hindi pag-inom ng kape sa mga nabanggit na pamahiin.

Sa ilalim ng kapitalismo, sabi nina Karl Marx at Friedrich Engels sa Manifesto ng Partido Komunista, “Ang lahat ng solido ay nalulusaw sa hangin, ang lahat ng banal ay binababoy.” Sa ganitong tunguhin ng kapitalismo mailulugar ang kontra-pagbabawal at kontra-awtoridad na diwa ng patalastas. Sabi naman ng pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek sa marami niyang sulatin, ang paglabag sa mga pagbabawal at awtoridad ang tampok na estilo ng panawagan ng kapitalismo sa mga konsyumer sa kasalukuyan.

Mga babae ang bida sa patalastas at mga babae rin ang target nito. Hinihikayat nito ang pagkonsumo ng kababaihan ng kape sa panahon ng pagpapahinga-pagsasaya (leisure). Sa kanyang napakagandang sanaysay na “Permanent Daylight,” inilahad ni Anwyn Crawford, Australyanong manunulat, ang isang feminista at kontra-kapitalistang pagsusuri sa panahon ng pagpapahinga-pagsasaya na iniaalok ng kapitalismo. Aniya, “ang panahon ng pahinga-pagsasaya… ay itrinansporma, sa ilalim ng kapitalismo, sa pagsisikhay ng pagpapahinga-pagsasaya bilang pagpapaunlad sa sarili (self-improvement) para sa pakinabang ng kapital, ginawang ultimong kalakal ang sarili…”

Sa patalastas, ang pagkonsumo ng kape ng kababaihan ay paglabag sa mga pagbabawal at awtoridad – partikular kaugnay ng gabi. Hindi ba’t tugma ito sa pagpapatrabaho sa kababaihan sa mga call center, kung saan mabenta ang kape? Hindi ba’t tugma ito sa panawagan ng Employers Confederation of the Philippines na tanggalin na ang pormal o ligal na pagbabawal sa kababaihan na magtrabaho sa gabi? Ani Crawford, “Sapatos, pornograpiya, maramihang pagrerelasyon, hindi pagtatalik, vibrator, yoga, handbag – wala sa mga ito ang may bitbit ng di-hayag na halagang moral o pulitikal, pero mahusay ang kapitalismo sa pagbebenta ng mga ito sa atin sa batayang magbitbit sila.”

Dahil ang pagkakape ay naging tampok na bahagi na ng pagpapahinga-pagsasaya ng mga propesyunal, naalala ko ang pagbibigay-katwiran ng notoryus na si Tim Yap, “Ambassador of Pinoy Party,” sa pagpa-party ng mga propesyunal sa gitna ng kahirapan at ligalig sa bansa. Aniya, nagpa-party sila dahil karapat-dapat sila rito (“they deserve it”) dahil nagtatrabaho sila nang husto (“they work hard”). Sa sipat ni Crawford, bahagi pa rin ng pagtatrabaho ng mga propesyunal ang kanilang pagpa-party. Hindi lang sa pakahulugang kumokonsumo sila sa pagpa-party, kundi pagyakap ito sa pagtatrabaho para sa kapitalismo, sa indibidwalistang ethos o diwang gusto nito.

May isa pang magandang punto si Crawford, kaugnay ng patalastas ng Nescafe Decaf: “Nakasandig ang kapitalismo sa bisibilidad ng kababaihan bilang imahen para supilin ang Real ng kanilang kawalan ng bisibilidad – ang kanilang hindi pag-iral – bilang mga subject” o mga taong kumikilos sa sariling pagpapasya. Lumalabas sa telebisyon ang mga propesyunal na kababaihan sa kanilang mga opisina at bahay, pero hindi ang mga manggagawang kababaihan bilang mga manggagawang kababaihan. Kung lumabas man, iyan ay bilang misis na naglalaba, nanay na nag-aalala sa kalusugan ng pamilya, tagalutong nag-aalala kung paano pasasarapin ang ihahain sa mga anak, at iba pa…

Sa mga nagbabasa kay Zizek, hindi na mababanggit ang “decaffeinated coffee” nang hindi naaalala ang kanyang paulit-ulit na punto rito: ang pagtanggal ng substansya ng mga bagay-bagay – serbesa na walang alkohol, panghimagas na walang asukal – sa kasalukuyang lipunan na mapagpahintulot at konsyumerista. Madalas, dinudugtungan niya ito ng sipi kay Robespierre, ang rebolusyunaryong Pranses, na minsang nagsabing ang mga rebolusyunaryong ayaw sa paggamit ng dahas kontra sa mga kalaban ng rebolusyon ay may gusto ng “rebolusyong walang rebolusyon.” Pwede palang decaf ang maging simbolo ng rehimen ngayon. Pagbabagong walang pagbabago? Sakto!

para kay Lila,
mahilig sa kape,
at nananatiling matatag

19 Setyembre 2010

Galing ang mga mga larawan ng mga likhang-sining ni G. Ricky V. Ambagan sa blog ng Pinoy Biswal Arte.

Bago ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa hostage crisis, sinabi ni Presidente Noynoy na huwag gumawa ang mga tao ng padalus-dalos na kongklusyon na, halimbawa, ang mga pulis mismo ang nakapatay sa mga hostage. Eh bakit may sinabi siya noong una na ginamit ng hostage taker ang mga hostages bilang panangga sa atake? Ang labo.

For more pagbabagong walang pagbabago: pinakamababa ang badyet kada estudyante sa ilalim ng rehimeng Noynoy, sabi ni Victor Villanueva (mas mature na ang screen name. Hehe). Sanaysay ni Raymund Villanueva tungkol sa naudlot na karera niya sa pagmomodelo – ng produktong Nestle. Maganda ang mga punto ni Marck Ronald Rimorin kaugnay ng pagbabawal ng DepEd sa pagpapabaon ng homework kapag weekends.

Matindi ang parangal ng unrepentant Marxist sa pelikulang Tirador ni Brillante Mendoza. Parangal kay Salvador Allende, sosyalistang dating pangulo ng Chile, kaugnay ng anibersaryo ng unang 9/11 (1973). Sana hindi tayo ang inilalarawan ni Mark Fisher (aka K-Punk): Too wired to concentrate.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Raymund Villanueva  On September 20, 2010 at 4:56 am

    ililibre sana kita ng kape kung natuloy ako. kaso lang, di ako nag-iiendorso ng dinuguan-flavored coffee.

  • kapirasongkritika  On September 20, 2010 at 3:51 pm

    So comment na lang? Hehe. Mas maganda nga kaysa sa blood-laced coffee. Hehe. Sana lahat ng posibleng maging modelo ay may konsensya mo. Hehe.

  • aurora ipagtanggol  On September 21, 2010 at 1:53 am

    pare-parehas sila ng coke-zero, cyber-sex at kapeng decaf

  • Ms.Pistol  On September 22, 2010 at 11:06 am

    hahaha! naalala ko yun pagtatalo namin ng tita ko… Sabi ko kasi “saan ka nakakita ng kapeng walang caffeine?” ang sagot niya ayun daw… nescafe decaf. Tawa ulit ako ng malakas. Kaya nga kape. kasi may caffeine. Ang pangunahing sangkap ng kape ay caffeine. Kung wala itong caffeine, hinid na ito kape. Dapat iba ang tawag.

    Kung ano-ano nang naiimbento ng mga kapitalista ngayon kumita lang ng pera.
    Sige… Magpaloko tayong lahat sa kapeng walang kape! haha

    • jheanne  On October 5, 2010 at 7:37 am

      haha nakakarelate ako sayo=) ganito din kasi ang usapan naming mag-ina

  • kapirasongkritika  On September 22, 2010 at 3:00 pm

    @ aurora ipagtanggol: Korek! Lahat inalisan ng esensya. Dapat doon pa rin tayo sa Totoo. Hehe. Buti sa entri ka na nagkokomento, hindi sa pagpapakilala ko sa aking sarili. Hehe.

    @ Ms. Pistol: Buti ka pa, naisip mo nang natural. Ako, kung hindi pa kinwestyon ni Zizek, hindi ko maiisip na weird. Hehe. Totoo. Lahat ginagawa ng kapitalismo para kumita — maging ang magmukhang kontra sa mga pagbabawal at awtoridad. Kaya tayo rin, gawin ang lahat para ibagsak ito.

  • gingmaganda  On September 23, 2010 at 1:07 pm

    malakas ako uminom (ng alkohol), pero sa kape ako lubos na tinatamaan at naghahang-over so baka ako ang market ng nescafe decaf kaya lang masyado akong macho para dito, haha. pero nakakalalake ito ha, pang-asar na sa babae nakatarget ang pekeng kape. as if! ‘ika nga ni alicia silverstone. naalala ko tuloy yung sabi ni sir roland: kape nang kape, wala namang nagigising… ayun na nga.

  • Ms.Pistol  On September 23, 2010 at 1:07 pm

    Totoo namang nakakatawa yung kapeng hindi nakaka antok. Kaya nga kapag umiinom ako ng kape sa oras ng puyatan at inantok ako, ang ootomatik na tanong, “KAPE BA ‘TO?” kasi pampagising ang kape. hahaha
    GO! hehe
    Imperyalismo Ibagsak!

  • kapirasongkritika  On September 24, 2010 at 10:56 am

    @ gingmaganda: Haha. Galeng. Ako, nito lang napapadalas uminom ng kape. Iyung alkohol, hindi talaga ako malakas diyan. Hehe. Bakit nga kaya babae? Kasi barako pa nga talaga ang gusto ng mga lalake? Feminine din ba ang moda ng Starbucks? Iyung planner nila, alam ko, so feminine. Hehe. Ganda ng quote. Hehe.

    @ Ms. Pistol: Weird nga eh. Siguro, nakukuha mo ang feel ng pag-inom ng kape nang wala talagang epekto nito. Pero kung sa lasa din lang, mas masarap talaga ang chocolate drink. Hehe. Ibagsak!

  • aurora ipagtanggol  On September 25, 2010 at 5:41 am

    ang hindi ko malimutang kape, ung gawa ng masa,galing sa sinunog na bigas!hehe.sarap nun.try nyo

  • art  On September 30, 2010 at 12:11 am

    glingh mu sir! nbgyan mu agad ng pliwnag ang decaf? tas s npkalwak at katanggap tanggap ng masa. haha. 2 thumbs up!
    pde pla ung kapeng wlang caffeine! haha.
    panmu ngwa ng nestle un?
    s bgay wla nmang imposible s kapitalista eh.
    bsta my mgwa lng produkto ayus na! haha.
    teka? panu kung my dugo ang iyong kape panu ka makakatulog sa gabi?
    tyak un my dugo yung decaf. hahaha…
    sori nestle. bagsak ka agad sa kapirasong kritika.hihi.

  • kapirasongkritika  On September 30, 2010 at 4:19 pm

    @ aurora ipagtanggol: G&D ka, ah. At hindi Gabbana and Dolce ang tinutukoy ko. Hehe.

    @ art: Salamat! Bampira ang dating ng mga manginginom ng kape! Haha.

    • art  On October 4, 2010 at 11:02 pm

      wlang anuman! issue n nman dati p yan. tinuldukan lng ng mga pambihirang kapitalista. pano my pera eh. db? haha.. pero pagdating ng tamang panahon aamigin din ntin yang mga kapitalistang yan! hahaha…

  • Ms.Pistol  On October 1, 2010 at 5:13 am

    talga… masarap ang kape. Pero kung walang tama at sipa para gumisinmg, hindi yun kape.🙂
    Chocolate drink? Alin ba, yung gatas na choco o choco na gatas? haha

  • kapirasongkritika  On October 3, 2010 at 5:27 am

    Korek. Feeling paslit ka diyan, ah. Haha. Doon na ako sa choco na gatas! Hehe.

  • gingmaganda  On October 4, 2010 at 3:31 pm

    galing ako sa grocery last week, mas mahal ang decaf sa caf na kape! mas mahal uminom ng pekeng kape! ayy!

  • kapirasongkritika  On October 5, 2010 at 9:03 am

    @ gingmaganda: Iyan ang pasabog! Talaga? At batay sa commercial ay geared sa working women. So ang assumption ay talagang bibili ang mga tao ng produktong ito dahil gusto nilang — nating? — uminom ng kapeng walang epektong kape. Hehe.

    @ art: Talagang todo-gamit ng pera para matuldukan ang isyu. Ano ibig mong sabihin ng “aamigin”? Hehe. Parang hahamigin. Pero bakit naman natin sila hahamigin? Hehe.

    @ jheanne: Talaga palang maraming nakapansin ng kabalintunaan. Ano pa nga bang habol natin sa kape kung walang caffeine? Ang sarap nito? Sabagay…

    • art  On October 5, 2010 at 11:30 pm

      kya ko nsbi n aamigin nten cla, kc s panahon ng tagumpay prolet n ang magpaptakbo s kompanya nla ndi clang mga kapitalista. sa realidad my tulong din nman clang mga kapitalista db? ndi nga lng nla naiintindihan ang mga hinaing ng mga manggagawa kc nsa utak nla puro profit!.

  • Ms.Pistol  On October 5, 2010 at 11:12 am

    ang galing na pang akit ng advertisement na yun ano? gawing tanga at curious ang mga audience para mahikayat silang bumili.🙂

    Reply

  • kapirasongkritika  On October 7, 2010 at 10:11 am

    @ art: Kung si Marx ang tatanungin, mahalaga ang papel ng mga kapitalista sa pagsulong ng kasaysayan ng mundo. Pero nasagad na nila ang hangganan ng mahalagang papel na ito ngayon. Oo, sa panahon ng tagumpay ng rebolusyon, mga manggagawa at magsasaka na ang magpapatakbo ng mga pagawaan.

    @ Ms. Pistol: Mas ang pang-akit ng commercial ay ang cute na bidang babae. Kamukha ni Sitti. Pero then again, sa pamamagitan niya gumagana ang “magic” ng commercial: ang maganda, bata, at petite na babae, lumalaban sa mga pagbabawal at pamahiin. Makaka-identify ang mga kababaihang gusto ring maghimagsik. Kung iyung pagiging decaf ng kape ang tinutukoy mo, malay mo, may mga magkagusto talaga. Hehe.

  • art  On October 9, 2010 at 8:09 am

    sir yoko tnungin un bka mlunod n ko s sobrang lalim nun.. hehe..

  • kapirasongkritika  On October 10, 2010 at 3:31 am

    Hehe. Di ko pa naiisip ang ganyang pangungulit, pero magamit nga sa iba. Hehe. Mabuti naman at nagbalik ka na rito. Hehe.

Trackbacks

  • By Decaf: Ang Kapeng Hindi Kape « *Piyesa* on October 6, 2010 at 9:36 am

    […] @ 5:36 pm Tags: Axel Pinpin, coffee, decaf, Ka Fort, kape, Nestle Habang binabasa ang artikulong Decaf: Try Mo! ni Teo S. Marasigan, nakita ko ang link ng blog ng isang nagngangalang Raymund Villanueva (at […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: