Dominanteng Diskurso sa RH Bill

(1) Sa ngayon, dalawang panig ang dominante sa tunggalian hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health o RH Bill: ang rehimeng Aquino, tampok ang Akbayan at mga kaugnay na grupo, at ang Simbahang Katoliko. Para sa mga katulad kong sumusuporta sa RH Bill, masamang balita na ganito nagkahugis ang pampublikong talakayan sa isyu.

Dahil mga makapangyarihang pwersa sa lipunan ang dalawa, hindi kataka-takang madomina nila ang debate sa panukalang batas. Histerikal ang pagtutol ng Simbahang Katoliko, na resulta ng irasyunal na relihiyosong batayan nito ng pagkontra. Kung magsalita naman ang rehimeng Aquino, akala mo’y tatapusin ng RH Bill ang kahirapan.

Hatak na hatak kung gayon ang malaking-kapitalistang masmidya. Tuwang-tuwa itong pagmukhaing usaping buhay-at-kamatayan ang anumang “pagbabago” na hindi naman talaga pagbabago ng sistema. Magbisikleta o tumakbo para sa kalikasan. Magparehistro at bumoto para sa pagbabago. At ngayon: Magsuot ng kondom laban sa kahirapan.

(2) Dahil malakas ang pagtutol ng Simbahang Katoliko, kahit hindi naman radikal ang RH Bill, mahalaga ang malaganap na paborableng opinyong publiko at pagkilos ng masa para maipasa ito. Ang problema, malakas ang hatak sa propaganda ng paninira ng Simbahan sa kalaban: na sinisisi ng mga maka-RH Bill ang maralita para sa kahirapan.

Na pinapalakas naman ng wala-sa-pokus at eksaheradong argumento ng mga dominanteng maka-RH Bill sa pangunguna ng Akbayan: na sanhi ng kahirapan ang malaking populasyon at mabilis na paglobo ng populasyon. Imbes na ang karapatang magpasya ng mga tao, lalo na ng kababaihan, ang patampukin, ito ang sinasabi nila.

Lalong hindi nakakatulong na hindi tampok ang Akbayan at mga dominanteng maka-RH Bill sa paglaban para sa kagyat na ginhawa ng maralita sa kagutuman at kahirapan. Hindi sila nakikitang malakas na tumutuligsa sa overpricing sa langis at naggigiit ng makabuluhang dagdag-sahod. Sa madla, walang malasakit sa maralita ang bagsak nila.

(3) Hindi naman labis na populasyon at paglobo ng populasyon ang ugat ng kahirapan. Masasabi rin ito ng Akbayan sa kanilang mga pahayag, pero hindi tumatampok sa kanilang propaganda, at lalong hindi nakikita sa mga adbokasiyang isinusulong nila. Sa harap ng napakaraming pasubali nila kay Marx, kay Malthus tuloy ang bagsak nila.

Ang pagkontrol ng mga makapangyarihang dayuhan at iilan – at oo, kasama ang naghaharing saray ng Simbahang Katoliko rito – sa bansa ang siyang ugat ng kahirapan. Pinapasahol lang ng malaking populasyon at paglobo ng populasyon ang kahirapan. Totoong may pakinabang ang pagkontrol sa populasyon, pero hindi siyang lunas.

Muli, ipinapakita ng Akbayan sa isyu ng RH Bill ang limitasyon ng pulitikang nakatutok sa salik na nagpapasidhi lang ng kahirapan. Pwede nilang pasinungalingan ito, pero ito ang kakambal ng hindi mapapasubaliang pakikipagsabwatan nila sa rehimeng Aquino: Tahimik sa mga isyu ng mga mamamayan, maingay sa “solusyong” panakip-butas lang.

13 Mayo 2011

Galing ang larawan dito. KommunityX, isang magandang blog sa Tumblr, mukhang ng mga Pilipino-Amerikano. May opinyon si Prop. Luis V. Teodoro tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Willie Revillame. Sa susunod na entri ko na isa-isang ili-link ang mga bagong nag-link sa blog na ito. Pero heto ang isang maganda: kay Maykel Beltran, na nagsasanib ng progresibong pulitika at pagkahumaling sa football.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • m.j. rafal  On May 14, 2011 at 8:23 am

    Tunay, at walang duda, na ang pagkontrol ng iilang hari-harian, ng mga kapitalista at mga uring mapagsamantala ang ugat ng kahirapan, ser.

    Nasi-shit-an ako sa palitan nila ng diskurso. Nakakabuang sila. Hehe.

    Lagi ko kayong binabasa ser. Mabuhay ka!

  • Miss Philippines  On May 15, 2011 at 6:14 am

    may email ako sayo Teo! Nagpadala ako ng scanned pages ng isang chapter sa libro in Teresa Ebert na Class In Culture na tungkol sa abortion at may magandang mga punto siya sa artikulo na may relevance sa usapin ng RH bill.

    • Elvin Rillo  On May 15, 2011 at 7:15 am

      Natuwa ako sa unang paragraph. Badtrip naman talaga. Kitang-kita ang kabulukan ng mga naghahari-harian sa sa lipunan. Sa debate ng kung dapat bang ipasa o ibasura, hindi ang kapakanan ng mamamayan ang isinasang-alang ng magkabilang panig, kaya nakakatamad na makipagdebate sa kanila.

      ‘Di ko pa tapos basahin e. Paalis kasi ako, ANTi RH Bill ako. Magiging pro-lang ako, kapag mapagkakatiwalaan na ang gubyerno.😀 E matagal pa yun.

  • kapirasongkritika  On May 15, 2011 at 10:55 am

    @ M. J. Rafal: Maraming salamat! Nakakabuang nga. Haha. Isa ka sa iniisip kong i-link. Hehe. Kasi dito sa WordPress, malalaman mo kung sino ang nag-link sa iyo kapag pinindot iyun.

    @ Miss Philippines: Ang pagbabalik! Maraming salamat! Medyo masama ang pakiramdam na busy ngayon. Kapag nakaluwag-luwag — siguro mamayang gabi — babasahin ko na. Love natin si Terrie Ebert! Marxist! Maraming salamat!

    @ Elvin Rillo: Sana magustuhan mo pa ang mga susunod na paragraph, kahit pro-RH ka. Pero sa tinatakbo ng prop ngayon sa RH Bill, parang marami pa ang kailangang hikayatin para pumabor. Di naman kailangang lubos na katiwa-tiwala ang gobyerno para sa ginhawang dulot ng bill kung maipapasa. What you think?

  • Mag  On May 15, 2011 at 3:34 pm

    anong tingin mo dito teo? http://www.marxists.org/history/erol/ca.firstwave/cpl-abortion/section9.htm

  • kapirasongkritika  On May 16, 2011 at 2:30 pm

    Salamat sa link na ito, Mag! Napakatalas ni Lenin! Parang inilalarawan niya ang dominanteng tinig sa debate sa RH Bill sa mga sumusunod:

    “The cry of the petty bourgeois is: Nothing can be done about it, so let there be fewer children to suffer our misfortunes and “hard labor,” our poverty and humiliation.”

    Maganda rin ang pag-iiba niya sa tindig ng mga manggagawa sa ibang uri. Syempre, gusto lang nating idagdag, wala namang aborsyon sa RH Bill. Salamat ulit! More links na ganito! Hehe.

  • PULPOLitika  On May 18, 2011 at 2:24 am

    napanood nyo ba ung debate sa congress? lang hiya! eto ang msasabi ko > #5^&$(@3! eto ung ilang malulupet at malalaman na pinagsasabi nina rep. bagatsing at rep. garcia > http://bit.ly/m3yVgC

  • PULPOLitika  On May 18, 2011 at 3:42 pm

    ooops. di pa tpos, eto pa pla si manny pacquiao > http://bit.ly/k71a2d

  • kapirasongkritika  On May 19, 2011 at 9:13 am

    Salamat sa mga komento mo, PULPOLitika! Nakakatawa ang mga entri mo! Sana habaan mo pa ang mga hirit! Pero pinakamaiksi pa ring posible!

  • ma. lorraine b. rigade  On May 20, 2011 at 3:54 pm

    kapag pinag-uusapan ang rh bill sa mga komunidad, batid ng mga tao ang mga argumento (tumutumbok man ito o sablay) pero nakakatuwa minsan kapag pina-imagine sa kanila ang konkretong resulta ng rh bill…hindi nila matiyak kung magiging sapat na ba ang suplay ng gamot sa health centers, kung bababa ang presyo ng pagpapadoktor…nakakatuwa dahil panlipunang serbisyo ang nasa isip ng masa…conscious sila sa lalong polarisasyon ng mga uri…

    kahit saan pa dalhin ni lagman, hontiveros, ng simbahang katolika at ni aquino ang debate sa rh bill, hinihintay ng masa ang sosyalismo…nasa pamamaraan lang ng bawat isa sa ‘tin kung paanong sa ngayon pa lang ay naipadadama natin ang taglay nitong superyoridad…

  • kapirasongkritika  On May 21, 2011 at 6:34 pm

    Salamat ulit sa komento, Ma. Lorraine B. Rigade! Hehe. Maganda nga ring imagine-in, ano? Ang Gabriela, ang nakikitang pakinabang ng RH Bill ay ang pagiging available ng impormasyon at tulong sa kalusugan ng kababaihan. Pero kahit ito ay alam nating may hangganan sa gobyernong laging walang pondo.

    Tama ka: Sosyalismo nga ang pangalan ng minimithi ng masa — sa usapin man ng reproduksyon o produksyon mismo. Hehe.

  • guillerluna  On May 22, 2011 at 6:22 am

    natumbok mo TSM! bet na bet ito, nasan na ang kababaihan sa isyung ito, Risa Hontiveros? parang di ba angbalaj pa ng dating na napaka-middleclass ng posturing ng akbayan, para tuloy ang mode, supilin ang mahihirap hindi ang kahirapan. at bet ko na binanggit mo ang emperyong Roman Catholic sa hanay ng mga dayuhang ugat ng kahirapan sa bansa!🙂

  • kapirasongkritika  On May 22, 2011 at 3:12 pm

    Salamat sa pagdalaw at paghikayat! Middle class talaga! Iyung awa mode nila, ang katambal ay pangmamata. Hehe. Ganoon ba ang dating? Kasama sa ugat ng kahirapan? Hehe. Ang implication lang sa practice ay dapat ding i-eliminate. Na hindi naman. So hindi naman sila kahanay ng masasama, baka iyung burgesya-komprador lang sa kanila. Hehe.

  • guillerluna  On May 23, 2011 at 4:48 am

    well siguro ang Vatican bilang sentro ng kayaman/kapangyarihan ng simbahang katolika. pero bilang sa panohon ng feudalizam rumurok ang kanilang kapangyarihan, siguro nga hindi na sila ang primarayng kaaways a panahon ng neokolonyalizmo. pero oh well, kasma pa rin ang istruktura at pamunuan ng simbahang katolika sa IBP. tama ba? hehehe.

  • kapirasongkritika  On May 24, 2011 at 2:58 pm

    Sa pagtaas ng hirarkiya ng Simbahang Katoliko, pataas din ang uri ng mga tao. Feeling ko, iyung mga nasa pinakamataas sa Pinas, nasa lebel ng burges-komprador. Hehe. Feudalizam. Love that word.

  • gingmaganda  On June 9, 2011 at 11:32 am

    never kong ipinagkatiwala diyaan kay rissa hontiveros ang pagtatanggol ng pangangailangan ng rh bill nitong bayang ito. una’y hindi naman niya mai-articulate noong eleksiyon kung para saan ito, ikalawa, wala siyang kredibilidad para sa akin, ginawa kasi niyang plataporma ang pagiging maganda niya nung kampanya. haler.

    kung sablay ang argumento ng mga pro-rh bill (ito ang dahilan ng kahirapan vs ang pagpapalawig ng karapatan ng mga kababaihan na gumawa ng mga pasya para sa kanilang mga katawan at pamilya), sablay din naman ang sinusulong na argumento ng simbahan na abstinence at rhythm lamang ang tunay na katanggap-tanggap na uri ng control ayon sa bibliya. iyong argumentong isa lamang itong panukala ng mga pharma companies at ng pamahalaan para kumubra ng mas maraming kita ay hindi naman ibinabanggit sa mga hindi mabilang-bilang na homiliy ng mga pari. bakit kaya. mas rational naman ang ganoong line of thinking, mas grounded.

    inaantay ko ang pagdating ng morning-after pill sa bansang ito. excited na ako!

  • kapirasongkritika  On June 10, 2011 at 12:15 pm

    Ah, talaga bang noong eleksyon pa lang ay dala-dala na niya itong isyu na ito? Ngayon ko lang nalaman. Akala ko naman, pangalawa, dahil ang sabi niya, natural ang family planning method na ginamit nilang mag-asawa.

    Actually, mas malaking sablay talaga ang Simbahan. Kaya lang, sobrang sablay din itong sina Risa, nasasamantala tuloy ng Simbahan (BTW, nakita mo na iyung TV ad niyang RH on RH? Walang lalake. Ibig bang sabihin, babae lang ang may obligasyon at makikinabang sa RH Bill?)

    Nakakasuya, higit sa lahat para sa akin, ang mga diskurso tungkol sa abortifacients! Lintek, lahat pala ng lalake, aborsyonista na! Lalamunin kayong lahat sa dagat-dagatang apoy ng impyerno!

    Wala pa ba? Akala ko, narito na, matagal na? Hehe.

  • gingmaganda  On June 10, 2011 at 1:16 pm

    oo, dala-dala na niya ang isyu na iyan noon pa! sa isang senatoriable debate ay iyan ang claim to fame niya.

    tama ka, sobrang sablay talaga ng simbahan. iyong parang ikamamatay nila lagi na di makisangkot sa pulitika ay isang kasablayan na. wala naman akong naririnig na mga islamic groups na nagpepress statement tungkol sa mga kung ano-anong isyu a.

    kaasar nga yung diskurso na lahat na lang naging abortifacient. mamaya pati mga inosenteng gulay gaya ng pechay at talong abortifacient na rin. ang kitid ng mga utak. kaya ng contraceptive ang tawag dahil kumukontra sa conception. what duh.

    sa pagkakaalam ko, wala pang morning-after pill dito sa pinas. nag iimprovise lang ang mga kababaihan gamit ang ilang tableta ng normal na contraceptive pill. although mahirap talaga ang nagseself-medicate at may tendency kasing sumablay ang dosage nito. *trivia trivia*🙂

  • kapirasongkritika  On June 10, 2011 at 2:46 pm

    Ah ganoon ba? Hehe. Hindi talaga ako fan niya — at alam kong ikaw rin! Hehe. Okey naman sana ang Simbahan na makialam sa ibang isyu — na hindi naman nila pinapakialaman tulad ng Oust Gloria.

    Wait, wait. Pechay? Talong, pwede pa. Haha. Hindi ko gets ang pechay.

    Talaga? Wala pa palang morning-after. Ipagtatanong ko iyan! Hehe. May narinig akong parang mayroon eh. Salamat sa trivia. Kaya nga sana rin may information campaign talaga sa kababaihan.

    BTW, sana hindi ka na depressed.

  • gingmaganda  On June 15, 2011 at 6:05 am

    pakitimbre sa akin ang holy grail na morning-after pill kung meron a? hehehe. pechay na siningitan ng makabuhay at cytotec… ayyy ooops.

    medyo di na ako depressed, nahimasmasan na. pero sinasakit-sakit pa rin. tumigili na ako magblog on all aspects. lumiliit ang mundo. kailangan ko na rin ng code name! haha!

  • kapirasongkritika  On June 16, 2011 at 11:02 am

    Sige, kapag naberipika ko na kung mayroon na nga. Hehe. Kaswalan lang tayo dito sa ere. Ay. You are provoking the conservatives! Haha.

    Naku. Sana nga okey ka na. Parang ang bigat ng mundo kapag nagba-blog ka ng mga kalungkutan. Pero sana makapagsulat ka pa rin, baka therapeutic. Sasabihin mo sa akin kapag may code name ka na, ha? Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: