Hallowed Binay Name

Napakagarapal ng mga maniobra ng pangkatin ni Noynoy Aquino laban kay Jojo Binay. Tinitiyak na hindi siya magiging makapangyarihan at magiging popular. Ang masahol ay isinusubo siya sa mga isyung posibleng makabawas sa popularidad niya.

Hindi kaila sa marami kung ano ang layunin ng ganitong mga hakbangin: ang pigilan ang posibleng pagpapatalsik ng bise sa presidente. Hindi ito alam ni Erap Estrada kaya napalitan siya. Alam ito ni Gloria Macapagal-Arroyo kaya naglagay siya ng bise-presidenteng hindi maubos-maisip ng mga tao na magiging pangulo. Alam ito ng marami kaya nangingiting natatawa na lang sa mga walang pagpapanggap na hakbangin ng pangkating Aquino.

Pero sa pagbangga ng ganitong mga hakbangin sa diskurso ng pangkating Aquino at ng mga kakampi nito, lumalabas na kung anong sintomas ng rehimen si Jojo.

(1) Maingay ang pangkating Aquino sa pagpuri sa “demokrasya,” lalo na sa pagkahalal sa pangulo. Pero wala sa hinagap nila na nahalal din ng demokrasyang iyan si Binay. Balewala sa kanila ito; kailangang mailuklok sa makapangyarihang pwesto si Mar Roxas, ang kanilang hindi-halal na kandidato – kahit ang gusto nila’y parang ito na ang umaktong pangulo.

(2) Ipinagmamalaki ng pangkating Aquino na napatalsik nito si Gloria sa pamamagitan ng eleksyon. Pero hindi nito idinadamay sa ganitong pagtingin si Binay. Sinwerte lang siguro para sa kanila ang mokong, hindi nakinabang din sa sentimyentong kontra-Gloria kahit ito naman talaga ang may “B” noon sa paglaban, hindi ang pangulo ngayon.

(3) Ang pagyayabang ng pangkating Aquino, ibang-iba ito sa naunang rehimeng Arroyo. Pero natatakot pa rin itong mapatalsik. Alam ba nitong hindi sapat ang retorikang kontra-korupsyon? Alam na ba nitong hindi nito ibibigay, sa kabila ng pangako nito, ang kahilingan ng mga mamamayan para sa tunay na pagbago sa mga patakaran ng gobyerno?

Sa usapin ng paglulugar sa bise-presidente, pareho lang ng pag-iisip sina Noynoy at Gloria. Wala na ang kwentong kasamaan laban sa kabutihan. Lalong wala na ang People Power dahil P-Noy’s Power na ang mahalaga. Realpolitik ito, politics as usual. Wala kasi silang pagkakaiba sa batayang patakaran, the economy as usual, kaya pareho ng kinatatakutan. At, malamang sa tinatakbo ng mga bagay-bagay sa gobyerno, ng kahihinatnan.

10 Hunyo 2011

Galing ang kuha ni Mike Mitchell sa Beatles dito.

Matagal ko nang pinag-iisipang magsulat tungkol sa mga kabwisit-bwisit sa araw-araw. Hindi ko alam kung itutuloy ko, pero may magandang paraan si Terry Eagleton.

Wirdo pala itong si Gil Scott-Heron. Dapat basahin ng lahat ng nagmamahal sa mga bata: si Gabor Mate tungkol sa ugnayan ng stress at karamdaman, lipunan at kalusugan.

Pinag-iiba ni Prabhat Patnaik, Marxista mula India, ang mga komunista at sosyal-demokratiko. Ang kaibahan daw, ang una, kinikilala ang imperyalismo at ang ikalawa ay hindi. Totoo kaya ito sa Pilipinas?

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • ma. lorraine b. rigade  On June 19, 2011 at 4:24 pm

    kamukha ni jesse robredo yung bust.

  • kapirasongkritika  On June 20, 2011 at 9:57 am

    Ibig mong sabihin, iyung kay Lionel Richie? Haha! Totoo!

  • Karlo Mongaya  On October 31, 2013 at 7:09 pm

    Yung tungkol sa mga sosyo-demokrata, sobra pa sa totoo! Pero ang tanong ko meron pa bang maituturing na sosyo-demokrata dito sa Pilipinas? Di kaya brand name nalang ito pero sa totoo mas sa kanan na yung politika?

  • kapirasongkritika  On November 2, 2013 at 6:44 am

    Mukhang sa pandaigdigang pulitika, talagang mas ahente ng Kanan itong mga sosyal-demokrata kaysa kampi ng Kaliwa. Si Irving Howe, halimbawa, na nagpapakilalang social-democratic, ang gusto ay gawing pangunahin ng New Left ang prinsipyong anti-komunismo. Pero may pagpapanggap na Marxian, gusto ng reporma, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: