Dani Misalucha

Ganyan kung tawagin ng mga kaibigan at kasama niya si Daniel C. Imperial, Jr., 29, aktibistang mula sa College of Music sa Unibersidad ng Pilipinas–Diliman na naging kasapi ng New People’s Army at napatay sa pagsalakay ng militar nitong 27 Oktubre sa Cagayan Valley. Naging kagawian ng mga aktibista ang magbansag, at may mga panahong nagagamit ang mga alyas – lalo na kay Daniel mula nang siya’y maging NPA.

(1) Maraming pakahulugang natitipon sa pangalang iyan. Ang paghanga niya sa mahuhusay na mang-aawit na babae, kasama na si Lani. Ang husay niya sa pagkanta, gayundin sa pangkalahatang pagpapasaya o pag-entertain sa kausap. Isama na ang pagiging “diva” niya sa totoong buhay: napaka-talentado, napaka-maalab sa mga bagay na kinatutuwaan at kinaiinisan, napaka-demanding sa sarili, sa mga kasama at kaibigan.

“Napaka-demanding.” May nagbago at hindi nagbago kay Daniel sa pagiging NPA, na makikita sa pana-panahong pagdalaw niya. Ang dating mabilis uminit ang ulo, naging mapagpasensya. Ang dating mapangutya, naging mapagpaliwanag. Ang dating nakakanerbyos kausap, naging magaan. Pero hindi siya nagbago sa pananalig na pwedeng magbago at umunlad – ang sarili, ang pakikibaka, at syempre ang lipunan.

(2) Bakla siya, bagay na hindi niya ikinaila kahit kailan at ipinagmalaki pa nga. Alam niya kung paanong hindi matanggap ng iba ang pagkabakla kaya isinisisi ito sa iba’t ibang dahilan, na para bang kaya niyang gumising isang araw at hindi na maging bakla. Nakatulong ito para maunawaan niya ang mahihirap – na ang kahirapan ay isinisisi ng mga hindi umuunawa sa “katamaran,” “hindi pagsusumikap” at kung anu-ano pa.

Alam niya kung paano isantabi, maliitin at kutyain dahil sa kung sino siya. Sa ganito, mas naunawaan niya kung paano maging maralita. Naging lagusan ang personal na karanasan niya ng pakikiramdam, o pakikibahagi sa nararamdaman, ng iba. Syempre, alam niyang hindi sa antagonistikong pakikitunggali mareresolba ang diskriminasyon sa mga bakla – hindi tulad ng pagsasamantala, pambubusabos at panunupil sa mahihirap.

(3) May mga aktibista, lalo na iyung mga galing sa uring petiburges, na dumaan sa yugto na lubos ang paniniwala sa rebolusyon at mga prinsipyo nito, pero may huling personal na reserbasyon bago yakapin nang buung-buo ang pakikibaka. May iba, kinailangan munang makita ang suporta ng mga magsasaka. May iba, gusto munang makitang hindi paulit-ulit lang at may pag-unlad. May iba, gusto lang makita ang sariling lugar sa lahat.

Si Daniel, ang huling reserbasyon ay sa paggamit ng mga kanta ng kulturang popular para maghatid ng rebolusyunaryong mensahe. Hanggang minsan, narinig niya ang ilang magsasaka na kinakanta ang “Boulevard” ni Dan Byrd na nilapatan ng mga titik na rebolusyunaryo. Sa puntong iyun, sabi niya, nabuo ang pasya niyang sumampa. Nitong huli, mga rebolusyunaryong kantang mala-Aegis ang ipinagmamalaki niyang likha nila.

(4) May kakaiba siyang gamit sa wika. Noong uso ang pa-sosyal na wikang bakla, parang pinulot sa kung saang parlor ang mga salita niya: “lapes,” hindi “lafang” (pagkain), “was,” hindi “wiz” (hindi). Nitong huli, may magagandang baon siya, malamang mula sa erya. “Ayan. Ayan tayo eh…” kapag may pinupuna. Sinabihan daw sila na paghusayan ang gawaing pagpapalawak. Ang sagot niya: “Oo na, oo na. Heto na nga kami eh.”

(5) Diva si Daniel, pero hindi mapagmataas. Mas gusto niya sigurong inaalala nang tumatawa, higit pa sa humahanga. Wala yata siyang nakausap nang matagal-tagal na hindi niya napatawa. Kaya mahal na mahal daw siya ng mga kasama at masa. Hindi siya pa-star, pero star: isa sa mga bituin ng pakikibaka sa buong bansa. Namatay man siya, patuloy siya sa pagbibigay-liwanag sa mga gustong kumuha ng direksyon at sumunod.

Napakahirap isiping patay na si Daniel. Hindi maiwasang maisip na kung buhay pa siya, pinatigil na niya ang pagbuhos ng mga parangal. Hindi siya komportable kapag siya’y pinupuri. Nagluluksa lang kami ngayon, Daniel. Pero oo na, oo na. Heto na kami.

04 Nobyembre 2011

Tagahanga si Daniel ni Whitney Houston. Ako naman, natutuwa sa gospel music – pero dahil pa todo-bigay ang mga mang-aawit. Matutuwa siguro siya rito.

Napagsama-sama ni Slavoj Zizek ang mga tema ng sulatin niya sa isang sanaysay na ang kalakhan ay sinasang-ayunan ko. Ilang kakatwang obserbasyon ng siyentistang si Flor Lacanilao sa mga namamatay.

Maganda’t pinaksa ni Marocharim ang pagbaba ng gobyernong Aquino sa pamantayan ng kahirapan sa bansa. Kahirapan ba kamo? Pinaksa ni Mong Palatino ang solusyon, na makakapagbigay-saya sa lahat.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • gingmaganda  On November 12, 2011 at 4:10 pm

    tuwing may nababalitaan akong napatay na npa, ang dami kong nararamdaman at di ko na mahimay kung ano-anong pakiramdam ang mga iyon😦 karangalan ang mamatay na nakikibaka, nakakatuwa na makabasa ng mga parangal kagaya nito, pero ayun, malungkot pa rin in the end lalo para sa naiwang pamilya ng mga napaslang (lalo na yung hindi nai-intellectualize kung para saan nga ba ang pakikisangkot). ayaw ko na balang araw ako na ang susulat ng ganito dahil may minamahal akong namatay nang dahil sa mga ganitong bagay.

    nasabi ko lang naman. hehe.

  • kapirasongkritika  On November 13, 2011 at 1:43 pm

    Totoo malungkot. Sabi nga ng mga aktibista, “Mabigat pa sa Sierra Madre.” Pero sa kabilang banda, talaga namang natural na bahagi ng buhay ang kamatayan.

    Sa pagpaparangal talaga naihahabol madalas sa pamilya ang buong pagpapaunawa sa buhay na pinili ng mga namatay.

    May minamahal? Hmmm. Hehe.

    Pagkakataon pala ito para maihabol ang isang paragraph kasunod ng (4):

    Pero hindi dapat kalimutang siya ang nagpauso, sa hanay ng mga aktibista, ng dalawang ekspresyon na madalas sabihin nang magkasunod. “Walang panahon” at “join lang nang join” na parehong tumutukoy sa mapagpasyang pagkilos. “Naka-30 rekluta siya ngayong araw. Walang panahon!” at “Punta tayo sa piketlayn. Join lang nang join!” Napauso niya ito sa kakatwang pagbigkas, na may tango pa ng ulo. Pero lalo’t higit ng halimbawa niya.

    Belated happy birthday, Ging! Nasilip ko sa FB ng isang kaibigan. Secret kung sino. Hehe. At nakumpirma ko sa blog mo. Hehe. Pasasaan ba’t makakarating ka rin sa lupa mula sa paglangoy mo sa dagat. Hehe.

  • gingmaganda  On November 15, 2011 at 2:25 am

    “May minamahal? Hmmm. Hehe. ” – pamilya teo, pamilya. hehe.🙂

    maraming salamat sa bertdey greetings! sana nga hindi ako malunod. wish me luck!🙂

  • kapirasongkritika  On November 15, 2011 at 5:50 am

    Okey. Sabi mo eh. Naniniwala na ako. Pwede ka bang i-link dito? Kasi password-protected ang blog mo. Ang ganda ng pagmumuni mo kay Allysa. Walang magulang at nangangarap maging magulang ang hindi maaantig.

    Kaya mo iyan. Batay lang sa blog mo eh ang dami mo nang pinagdaanan. Warrior ka kaya. Hehe.

  • gingmaganda  On November 22, 2011 at 4:18 pm

    hi teo! salamat sa suporta, warrior, parang amazona! hehe🙂

    narito ang link http://gingmaganda.wordpress.com/2011/10/10/facebook-nanay/ (oo, wordpress yan). medyo inaayos-ayos ko pa at ina-update pero pwede mo na gamitin yang link.

    maraming salamat muli!

  • kapirasongkritika  On November 23, 2011 at 12:56 pm

    Naks! Lumipat na! Hehe. Go! WordPress fan talaga ako.

  • gingmaganda  On November 23, 2011 at 1:18 pm

    hehe! powers of bilocation lang hindi naman lipat portion talaga🙂 and wordpress, balak ko, for public consumption.🙂 salamat ulit🙂

    ps. feeling ko ang wordpress, panglalake! haha sexist ako

  • kapirasongkritika  On November 24, 2011 at 3:03 pm

    Yehey! Mali-link na kita!

    Paano kaya? Kasi iyung sa Blogspot, masyadong intricate. Itong WordPress parang masyadong publiko. Pero baka sexist din ang assumptions ko. Hehe.

    Gusto ko na mag-blog! Huhu. Busy lang, pero magsusulat ulit ako. Hehe.

  • gingmaganda  On November 27, 2011 at 3:19 am

    yehey! malilink mo na ako! (ikaw lang yata ang naglilink sa akin, haha)

    yung sa blogspot, ang daming dekorasyon ata. itong look ng wordpress, mas malinis, ang template. therefore mas masculine ang dating? haha, ang labo nga. pero sa tingin ko mas seryoso ang dating ng wordpress… pero may mga wordpress blog din ako na nakikita na ang sakit sa mata (lalo yung ang daming ads, hanapbuhay ba). nasa taste lang din siguro ng blogger.

    sulat lang nang sulat! kainis ang busy skeds anu?

  • kapirasongkritika  On November 27, 2011 at 1:06 pm

    Ako lang ba? Ako lang ba ang katulad mong madrama at maangas? Na nakakakita ng kabuluhan sa mga stream of consciousness mong kwentong walang effort mang-antig pero nakakaantig naman?

    Iyun na nga — mas publiko ang WordPress kaya mas masculine. Ganoon siguro. Gawin mong mas feminine. At sa mga lalakeng naniniwala sa ecriture feminine ni Derrida, pati sila rin.

    Masaya naman ako kahit/dahil busy. Sana lang may kaunting oras para rito. Hehe.

    • gingmaganda  On November 29, 2011 at 12:39 pm

      nako, di ko alam teo, di ko alam! so magkaibigan tayo dahil parehas tayong madrama at maangas? haha.

      ecriture feminine! ayun ang keyword.

      ako hindi masaya na busy. feeling ko gunaw na hindi pa ako tapos sa mga things to do ko. *hikbi*

  • kapirasongkritika  On November 30, 2011 at 1:16 pm

    Malamang, di ba? At nagkakasakayan ng mga drama at angas.

    Hindi naman sa pagdidiin, ha. Pero masaya talagang maging tibak. Parang mas nakakataka kapag wala masyadong gagawin. At kapag maraming gagawin — masa masaya kasi sinisikap umabante.

    Ibang bagay pa na mukha ka pa ring bata habang marami na akong kulubot sa mukha. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: