Sikolohiya at Seksismo

Sa ngayon, alam na ng marami ang kasong sexual harassment na isinampa ni Cristy Ramos, anak ni dating Pang. Fidel V. Ramos at match commissioner ng FIFA, laban sa dalawang manlalaro ng Azkals. Aniya, nagsasagawa siya ng “team check” sa dugout ng koponan ng football nang mangyari ang insidente. Ang manlalarong si Lexton Moy, humirit daw tungkol sa size ng bra niya, at nagtawanan ang mga manlalaro. Si Angel Guirado naman, hinarap siya nang naka-brief, parang nanunubok at hindi nagtakip.

Ilang araw pagkatapos pumutok ang eskandalo, lumabas ang balita: “Welfare chief suggests psychiatric exams for Azkals.” Ang tinutukoy, syempre pa, ay si Sek. Corazon “Dinky” Soliman ng Department of Social Welfare and Development. Halu-halo ang panukala niya sa Azkals: pumailalim sa ebalwasyong psychiatric at sikolohikal, unawaing iba ang kultura ng Pilipinas sa kinalakhan nila, magkaroon ng pag-aaral sa pagpapahalaga (values education). Kailangan daw maganda ang asal ng mga iniidolo.

Ano ang lumalabas sa mga pahayag ni Soliman, sadya man o hindi? Na ang seksismong ipinakita umano ng mga Azkals ay isang anomalya, hindi pangkaraniwan – na may problema sila sa pag-iisip o pagpapahalaga at ang lipunan natin ay hindi seksista. Itinuturing niyang sakit ang ipinakita umano ng mga Azkals, pero kinokordonan niya ito, para hindi makitang nananalaytay ito sa buong lipunan. Ang mga Azkals lang ang may problema, hindi ang ating lipunan. Dapat silang gamutin, hindi ang ating lipunan.

Pero hindi abnormal kundi normal, hindi anomalya kundi karaniwan, ang seksismong ipinakita ng mga Azkals. May katotohanan ang pahayag ng team manager ng Azkals na si Dan Palami, na humihingi na ng paumanhin ay nagdadahilan pa: “Sa personal kong karanasan sa karaniwang nagaganap sa locker room ng mga lalake, nagdudulot ang tensyon, excitement, at nerbyosong enerhiya bago ang laban ng sangkatutak na maingay na yabangan.” Pwede raw talagang mapagkamalang “kawalang-respeto” ang ganito.

Hindi ito pag-abswelto sa mga Azkals. Dapat silang managot sa ginawa nila, at kahanga-hanga si Ramos sa pagsasampa at pagpupursige ng kaso laban sa sikat na koponan. Pero maraming tanong ang sinasagkaan ng banat ni Soliman. Ito lang ba ang kaso na ang babae ay awtomatikong itinuring na humihingi ng atensyong sekswal? Na ang babae, na sa kasong ito’y nasa awtoridad, ay “inilugar” ng kalalakihan? Paano ang sexual harassment sa kababaihan sa mga call centers, mga export-processing zones, at iba pa?

Sosyal-demokratiko ang pulitika ni Soliman, na umaasa sa indibidwal na pagbabago ng ugali at pagpapahalaga para sa pagbabagong panlipunan. Sa kasong ito, itinuturing niyang pribado – isinasapribado, pribatisasyon? – ang isang suliraning panlipunan. Tugma rito ang galaw ng neoliberalismo na tinukoy ni Mark Fisher, progresibong blogger na Ingles. “Ang tanong,” aniya, “ay hindi na ‛paano ka nagkasakit dahil sa trabaho?’ kundi ‛ano’ng mayroon ka at hindi mo nagawa nang tama ang trabaho mo?’”

Nasa saklaw ng normal para sa kalalakihan ang inasal ng mga Azkals. Kaya higit sa kanila, ang nangangailangan ng psychiatric exams ay ang ating buong lipunan.

08 Marso 2012

Galing ang mga larawan dito.

Magandang tula ni Sojourner Truth tungkol sa pagkababae na binasa ni Alice Walker. May nagsabi dati – si Simon Cowell ba? – na ang layunin talaga ng mga talent shows sa Amerika ay makatuklas ng bagong Whitney Houston. Isang Pinay lang pala ang kailangan.

Tungkol sa umano’y feminismo ni Margaret Thatcher. Marxistang tuligsa sa huling sulatin ni Slavoj Zizek. Si Lenin tungkol sa kalayaan.

Kawawa naman sila: Paano naging Karl Marx ng Bagong Kanan si Ayn Rand, ayon kay George Monbiot. Maganda ang website na laan sa buhay at pakikibaka ni dating Sen. Jose W. Diokno.

Tsk, tsk: May carcinogens daw sa Coke at Pepsi.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Tine  On March 9, 2012 at 12:13 am

    Nakakainit talaga ng ulo yang ginawa kay Ramos pero ang mas nakakaasar ay kung pano mag-react ang mga katulad ni Soliman at kahit ang publiko (ilan lang naman). Kaya din naman nagawang magreklamo ni Ramos ay dahil may posisyon nga sya at anak pa ng dating presidente. Hindi sya basta-basta pwedeng pasinungalingan ng Azkals. Pero kung ordinaryong tao lang sya baka sya pa ang ipahiya. Nag-away nga kami ng Tatay ko ng sabihin nyang baka naman daw pumasok talaga sa locker room si Ramos para makita ang abs ng mga myembro ng Azkals. Hay.

    Anyway, salamat sa link tungkol sa “feminismo” ni Thatcher. Binabasa ko pa naman ngayon ang History of Neoliberalism ni David Harvey at iniisip panuorin ang The Iron Lady (pero sa susunod na dahil alam ko namang propaganda sya at hindi ko dito makikita ang tunay na Thatcher).

  • kapirasongkritika  On March 9, 2012 at 3:17 pm

    Salamat sa (mahabang) komento, Tine! Magandang punto ang tungkol sa katayuang panlipunan ni Ramos. Oo nga, kung karaniwang tao ang nagreklamo, tiyak, maswerte pa ang tingin sa kanya ng ibang tao.

    Gusto ko ring panoorin ang The Iron Lady. Ayaw ko munang isiping propaganda para masubukan muna, kumbaga. Hehe. Willing akong magpaloko muna. Hehe.

    May nagsabi sa akin, okey raw si Harvey pero maganda rin si Harry Shutt sa paliwanag sa neoliberalismo dahil mas masinsin. Nasabi ko lang para masubukan itong huli. Ingatz lagi!

    • Tine  On March 9, 2012 at 3:43 pm

      Salamat. Sige hahanapin ko si Harry Shutt. Kailangan ko din kasi para sa isang term paper. Haha.

  • amihaneuza  On March 13, 2012 at 7:34 am

    Eternal wish ko ang matigil ang ganyang ka-macho shitan ng mga lalaki. It all boils down sa pagpapabagsak ng pyudalismo.

  • amihaneuza  On March 13, 2012 at 7:48 am

    At hindi lang carcinogens ang nasa Pepsi, Nestle at iba pang produkto – pati daw human fetal cells – http://networkedblogs.com/uLexq

  • kapirasongkritika  On March 13, 2012 at 8:13 am

    @ amihaneuza: Normal pa iyang lebel ka-macho-shit-an na iyan, hindi ba? Tama ka, iyung lipunan talaga ang may problema. At napakomento ka sa galit! Hehe.

    Human fetal cells? Sobra na iyan! Sabi nga ng komedyanteng si Arsenio Hall dati noong nabalitang may syringe sa Pepsi: I know Ray Charles is doing the commercial, but is he also doing the bottling? Hehe.

    Seryoso naman: Naghahanap pa ako ng oras, pero obligasyon kong magsulat ng parangal sa ating pinakamamahal na Sheena Trinidad. Hay.

  • amihaneuza  On March 13, 2012 at 8:18 am

    *observation lang: nakakalungkot na may mga kasama tayong kalalakihan na hindi pa din nababaka ang pagiging pyudal at patriyarkal. kailangan talaga ng cultural rv.

  • kapirasongkritika  On March 13, 2012 at 4:56 pm

    Huwag kang malungkot, makibaka. Hehe. Sa isang banda, ang mga kasamang lalake ang pinakamaaasahan na sa mga lalake sa paglaban sa pagiging pyudal at patriyarkal.

    Talagang carried away ka, hindi mo napansin ang komento ko tungkol kay Sheena. Hehe. O sabay ba tayong nagkomento?

  • Gia Santos  On March 13, 2012 at 6:30 pm

    andami kong hinabol na artik. hindi ako tumakbo ha. he he. marami lang akong binasa. (nag-explain talaga? haha!)

    matagal na rin kase akong di nakakabasa ng blog mo teo. at in all fairness, nabuhay mo ang utak kong… hmm. medyo kinakalawang o di na nalalangisan ang marxismo. hehe. salamat. salamat. walang katapusang pasasalamat. alam mo na yan.😉

    sana marami pang makadalaw at makapagbasa ng iyong blog. nakakatuwa talaga kung paano ka magsalaysay gamit ang popular na kultura.

    more power to you and your blog! chos! for more cliche lang. haha!

    at dahil dyan, ishe-share ko ito.🙂

  • kapirasongkritika  On March 14, 2012 at 11:49 am

    Salamat — sa pagdaan, sa papuri, sa wish at iba pa! Alam na natin iyan. Baka may panahon lang na nawaglit, pero hindi naman nawala.😉 At kailangang mapasigla, lalo na sa kalagayan ngayon!

    Salamat sa mga nagbabasa at nagkokomento, nagpapatuloy pa ang blog na ito. Hehe.

  • Lyds78  On March 26, 2012 at 8:37 am

    lam mo ba iyung naging isyu dun sa komento ni Arnold Clavio na nagkukunwaring pinoy lang naman daw ang mga azkals kaya hindi nila gagap o unawa ang anumang kulturang meron tayo dito? Medyo beside the point na pero naisip ko lang, bakit kasi kailangan pang mag-import ng magrerepresent sa ating bansa sa mga national sports competitions? Kung mage-effort lang talaga ang mga powers-that-be sa sports na maglibot ng Pilipinas at magtrain ng mga athletes mula sa mga mahihirap na probinsya, hindi na kailangang ma-sidetrack pa tayo ng mga atletang kwestyon pa ang nasyunalidad sa isip at sa puso.

    Hehe, alam kong medyo malayo sa punto pero kaugnay pa rin naman. Mas maraming homegrown talents na naghihintay lang ng lilinang sa kanila. Sadly, hindi magaganap ito sa ganito kabulok na sistema sa ating lipunan.

  • kapirasongkritika  On March 26, 2012 at 10:06 am

    May punto naman si Arnold Clavio doon. Pero hindi naman excuse ang pagiging dayuhan sa pagiging bastos sa kababaihan.

    Pero sa punto mong hindi nililinang talaga ang sports, sang-ayon ako. Hindi pa siguro sa puntong kontra-dayuhan kundi maiisip mo lang ang napakaraming talento sa mga probinsya na nababalewala dahil may kagyat na pagpapahalaga sa mga katulad ng mga Azkals. Hindi rin sa puntong lokal muna bago dayuhan kundi ang pagsasanib nila.

Trackbacks

  • By IBON Bookshop’s Summer Sale (’til May 19) on May 15, 2012 at 1:53 am

    […] researching about the electronics industry and neoliberalism (for my MA paper), progressive blogger Kapirasong Kritika referred the author Harry Shutt. It then led me to another great read Globalisation and Labour. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: