Nagkaisa para kay Noynoy

Isang linggo bagoang Mayo Uno, inanunsyo ang pagkakabuo ng isang alyansa ng mga manggagawa na pinangalanang Nagkaisa. Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo sa paggawa rito, bagamat kapansin-pansing wala ang Kilusang Mayo Uno o KMU.

Bagamat may pagkakatulad ang mga tindig ng KMU sa mga miyembro ng Nagkaisa sa iba’t ibang isyung pangmanggagawa, may isang tampok na kaibahan ang KMU: konsistent itong kritikal sa gobyerno ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Mahalaga ang huling punto dahil tumampok ang Nagkaisa sa naging hakbangin nito noong Araw ng Paggawa: ang magrali sa Mendiola kasabay ng pakikipagdiyalogo sa pangulo. Kaiba rito, namuno ang KMU sa isang raling bumabanat kay Aquino.

Kakatwa ang naging diyalogo. Parang dinuraan sa mukha ang mga lider-obrerong humarap, bukod pa sa mga manggagawa mismo. Harap-harapan, ibinasura ni Aquino ang mga panawagang dagdag-sahod at pagbasura sa kontraktwalisasyon.

Kaalinsabay, hinarap ng mga opisyal ng gabinete ang rali ng Nagkaisa. Dito, nag-anunsyo sila ng mga “sorpresa” para sa mga manggagawa. Hindi nasorpresa ang mga raliyista, at hindi rin natuwa. Hindi dagdag-sahod o anuman sa kontraktwalisasyon.

Malinaw ang pagpapanggap. Habang ibinabasura ng pangulo sa loob ng Palasyo ang mga panawagan ng mga manggagawa sa kanyang nakahandang talumpati, kinuha pa ng mga tauhan niya ang mga karaingan ng mga raliyista sa labas, sa Mendiola.

Sa ganitong kalagayan, maging ang promotor ng Nagkaisa, ang Alliance of Progressive Labor o APL, ay napwersang tumuligsa sa pangulo. Kailangan nilang isalba ang mukha nila, silang alyado ng Akbayan na alyado naman ng pangulo.

Sa pamamagitan ng Nagkaisa, hinatak ng APL ang iba’t ibang grupo ng paggawa para idikit kay Noynoy at pabanguhin si Noynoy sa proseso. Pero lalo lang ginalit ni Noynoy ang masang manggagawa sa mga pahayag niya nitong Araw ng Paggawa.

Sa mga sinabi ni Noynoy, lalo lang niyang inihiwalay ang sarili – at maging ang mga lider-manggagawa na mangungunyapit sa kanya – sa mga manggagawa. Sa halip na bumango, nangangalingasaw na pagbaho niya ang naganap sa harap ng Nagkaisa.

May dagdag na pakinabang si Aquino. Sa bisperas ng pulong ng Asian Development Bank sa bansa, naipakita niyang kontrolado niya ang tila malaking seksyon ng kilusang paggawa, katuwang niya sila sa paghahain ng mura at siil na lakas-paggawa.

17 Mayo 2012

Galing ang larawan dito.

Rebyu ng librong Pook at Paninindigan ni Ramon “Bomen” Guillermo. Magandang sipi at salin ni Bolix sa isang maikling sulatin ni Jose Saramago, Komunistang Espanyol, este Portuges pala.

Magandang panayam kay Aijaz Ahmad, Marxistang teorista at aktibista. Dalawang mahalagang punto: tungkol sa mga “masters” at tungkol sa probinsyalismo ng Mayo 1968 para sa mga intelektwal na Pranses.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: