Force of Hobbit

Neil Doloricon

Dahil libre ng isang kaibigan, nanood siya ng The Hobbit noong Disyembre sa sinehan. Napanood din niya ang The Lord of the Rings pero hindi nabasa ang pamosong libro ni J.R.R. Tolkien. Hindi kinaya ng paghanga niya kay Lean Alejandro, lider-aktibista, na basahin ang umano’y paboritong katha nito.

Kahit may ideya siyang buhay at makakaligtas ang mga bida sa dulo, kapana-panabik kung paano magsisimula ang bawat labanan at kung paano sila makakaligtas. Kahanga-hanga ang paglaban ng engkantadong si Gandalf, ng hobbit na si Bilbo Baggins, at ng grupo ng dwarves sa pamumuno ni Thorin Oakenshield sa harap ng mga kalaban na lagi’t laging marami at mabagsik, bagamat hindi laging matalino. Interesante at nakakatakot ang kontrabidang si Azog.

Nakakabilib ang katatagan ng mga bida at ang ilang beses nilang pagpapatagal hanggang matalo ang kontrabida sa bawat salpukan. Malinaw na naikwento kung bakit nagsasakripisyo at lumalaban ang mga bida – dahil sa paghahangad ng mga dwarves na mabawi ang kanilang tahanan-kaharian-bansa.

Kaya naman lutang na lutang ang sinabi ni Gandalf sa pagkausap sa diwatang si Galadriel na “Ang paniwala ni Saruman, tanging dakilang kapangyarihan ang makakapagbalanse sa mundo, pero hindi iyan ang natuklasan ko. Natuklasan kong ang maliliit na bagay, mga pang-araw-araw na aksyon ng karaniwang tao ang siyang nagtataboy sa kadiliman, mga simpleng hakbangin ng pagmamalasakit at pagmamahal.”

Sinalubong ito ng bulong na parang parinig: “Socdem ang lintek! Nag-aarmadong pakikibaka na nga ang mga duwende, kung anu-ano pang ka-socdem-an ang sinasabi mo diyan!”

Lutang na lutang, dahil kung may ipinapakita man ang The Hobbit, iyan ay ang pangangailangan ng malalaking hakbangin para kamtin ang malalaking hangarin. Hindi talaga sapat ang pagboto o pana-panahong pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan kung gusto ng tunay pagbabago. Hindi sa progresibo ang pelikula, pero sapat ang saklaw at kitid ng kahulugan nito para magpahintulot ng progresibong pagbasa.

Lalabas na konsesyon ang sinabi ni Gandalf sa nakakaraming apulitikal na manonood; hindi lubos na matanganan ng nagsulat ng diyalogo ang radikal na mensahe ng mga aksyon ng mga bida. Pero hindi nakaligtas ang huli sa isang kasama niyang kagagaling lang noon sa integrasyon sa mga magsasaka at sa isa pang patungo pa lang doon noon. Sa kanila, may ekstrang kabuluhan ang pelikula.

Matutuwa kaya ang mga rebelde na panoorin ito katulad ng Avatar? Iyun lang, hindi sa tagumpay nagtapos ang pelikula, kundi sa pagkilala ng isa na mali siya sa hindi pagtitiwala sa isang kasamang umani naman ng respeto dahil sa kahandaang magbuwis ng buhay sa paglaban. Hindi na rin masama.

19 Enero 2013

Galing ang larawan kay Tilde Acuña.

May isa, dalawang sulatin si Anton Dulce hinggil sa mga paglabag ng mga tropang militar ng US sa bansa. Nakakatawa naman si Vencer Crisostomo tungkol sa pork barrel ng isang dating mambabatas ng Akbayan at ibang balita.

May dahilan daw sa paggamit ng droga ng atletang si Lance Armstrong. May tunggalian ngayon sa Trotskyistang Socialist Workers Party: Heto ang sulatin nina Richard Seymour at China Mieville, dalawa sa mga kilalang miyembro nito.

Alam na raw ni Adam Kotsko ang librong imumungkahi sa mga nagtatanong kung anong libro ni Slavoj Zizek ang dapat unahin. May isinulat naman si Andang Juan tungkol sa paggamit sa artista ng gobyerno para ikampanya ang Oplan Bayanihan nito.

Masaya tayo sa munting tagumpay ng paglaban para sa makataong pagtrato para sa bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Carlo  On April 24, 2013 at 7:32 am

    Kung wala pang nababasang akda ni Tolkien, lalo na ang trilogy ng LOTR at The Hobbit, wag tawaging SocDem si Gandalf. Maiging basahin muna yung mga akda ni Tolkien. Makikitang isa si Gandalf sa namuno ng armadong paglaban sa Dark Lord na si Sauron. Protracted pa nga kasi talagang mahabang panahon ang ginugol niya para makapag-organisa sa mas malawak na mga pwersa.

  • kapirasongkritika  On April 24, 2013 at 1:09 pm

    Paumanhin kung nagmukhang binansagan kong socdem si Gandalf. Pero kahit naman sa pelikula, kasama siya sa armadong paglaban. Mas ang sinisi ko ay ang mga nasa likod ng pelikula, kaugnay ng sinabi kong “konsesyon.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: