Sinimulan ni Teo S. Marasigan ang kolum na “Kapirasong Kritika” noong kalagitnaan ng 2005. Laman ng kolum ang dalawa niyang interes: progresibong pulitika at popular na kultura. Noong 2007, ginawa niya ang blog na ito para maging arkibo ng naturang mga kolum. Sa pagtagal, gayunman, napadako na siya sa kung anu-anong paksa.
Noong 2009, naging kolumnista siya ng PinoyWeekly.org. Nagsimulang lingguhan, naging mas madalang ang pagkokolum, bagamat mas mahaba. Nitong 2019, inilathala ng University of the Philippines Press ang Na Kung Saan: Kapirasong Kritika, Mahigit Isang Dekada. Libro itong koleksyon ng pinakamaiinam na kolum-entri na narito.
Pwede siyang sulatan sa teosmarasigan@gmail.com.
Salamt sa iyong pag-link, at maraming salamat para sa iyong blog. Matagal na akong taga-basa, kaya’t matagal mo na akong pinag-iisip. Hala, kailangan kong mag-insayo sa pagsusulat sa Filipino 🙂
hello teo. pls visit our website– ctuhr.org
may essay doon regarding PDI editorial titled “Ka Bel”
help us also na pasikatin ang website namin. thanks,,
Salamat sa pagbisita, Flip. Oo nga, wala pa kayo sa Links ko. Ilalagay ko na kayo ngayon din. Hehe. Pero hindi ko alam kung ano pang magagawa ko para “pasikatin” ang inyong website. Hehe. Hindi rin naman sikat itong blog ko.
Napasadahan ko na nga ang sagot ninyo sa editoryal. Maganda talagang masagot ng mga progresibo ang ganoong pagtingin. Maraming salamat sa pagbisita!
oi teo, sikat kaya blog mo, harharhar. hindi ako mahilig magbasa ng mga blog, yung sayo lang ang binabasa ko.
sa lahat ng visitors mo, please chek our website, at paki-add na rin sa link niyo:
http://ctuhr.org…/
may bago kami statement against DoLE.
teo, pwede ka ba namin i-add sa mailing list namin?
thanks,,
Sobra ka naman, Flip. Hehe. Nakakatuwa. Puwedeng-puwede ninyo ako i-add. Nariyan na ang e-mail address ko para sa lahat ng gustong magsama sa akin sa mga mailing lists. Hehe. Salamat!
parang mas magandang title kung: Magjo-jollibee kami… or magdyo-jollibee… instead of magja-jollibee.
wala lang
Salamat ulit sa komento, Flip.
Pero hindi ba old school iyung ganoon? Hindi ba’t dapat nakabatay din sa bigkas ng salitang Ingles na dudugtungan? Hehe.
Sana sa mismong entry ka magkomento, para mabasa rin ng iba. Hehe.
kamusta teo?
nga pala, isa lang ako sa nakabasa o nakapasada sa blogsite mo ngayon lang at gayun din di kita kilala kung sino ka. (sa paghahanap ko ng Gloria Arroyo sa google ikaw ang binigay na link mula sa photo) pero tila parang magneto ang mga kritika mo kaya nagulat nalang ako at nandito na ako sa LEAVE A REPLY page mo at eto nagsulat na nga..
Hanga ako sa tabil ng iyong panulat at talas ng iyong sanaysay. isa akong simpleng mamamayan lamang na nag oobserba at kumikilos din para sa pagbabago.
Makakatulong ito ng malaki para sa mga taong sadyang ang preparasyon sa higit na pagintindi ng mga sulatin ay sa tagalog na “pormat”
hayaan mo uugaliin ko ng bisitahin ang blog mo para naman makatulong din sa aking pagaaral sa lipunan.
Maraming salamat at mabuhay ka!
Riyu
Riyu, salamat at napadpad ka. Salamat din at nagustuhan mo ang “tabil ng panulat” ko. Totoo, iyun din ang gusto ko: Ang mas makaabot sa mas marami sa paggamit ng wikang Filipino. Tsaka para matanggal na rin ang takot sa pag-intindi sa mga argumento — na madalas nangyayari kapag Ingles. Sana nga mapagawi ka at magkomento kung kailangan. Salamat!
meron na po ba kayong libro na compilation ng mga naisulat ninyo? kung meron, saan makakabili? tnx
Ikaw, ha. Nakaka-flatter ka. Hehe. Wala (pa). Pero may nagpayo na sa akin minsan. Pwede naman. Hehe. Sabihin ko rito kapag mayroon na. Baka si Teo S. Baylen ang iniisip mo, iyung makata ng apokalipsis. Hehe.
nagrarally ang mga right-wing libertarian sa US. Fox news fuels calls for a revolution. obama is a marxist/socialist and a fascist-totalitarian at the same time. siya si hitler at stalin. they want an end to bailouts, wasteful spending and big government, the same one which spends more on defense than the rest of the G7 combined to secure their global dominance. duh. nakalimutan kaya nila na ang nakinabang sa bailout ay ang core upperclass constituency ng republican party, the same demographic that the government lifted regulation and taxes on for the last 3 decades leading the economy and the rest of the world into bubble and bust. oops. and these right-wing libertarian populists..nasan sila when bush expanded government and cozied up to big business under the banner of economic conservatism the last 8 years? ang weird nila, sila na ngayon ang mga radikal at aktibista. ah hello, sinagip nga ni obama ang sistema, di ba? ang weird ng american ideological consensus.
I think America has the sickest right-wing demographic in the world.
Siguro kaya ako naiirita ah dahil imbis na ang kaliwa sa amerika ang naghaharvest na galit ng mga tao sa pagsagip ng gubyerno sa mga bangkero at korporasyon eh ang kanan pa ang nakikinabang – sa galit sa sistemang bumagsak dahil sa pangyayari ng mga ideya nila – fiscal conservatism, neconservatism, neoliberalism. tapos sila pa ngayon ang galit? leche.
Magandang ideya ito, Kontras. Dito ka na sa section na ito mag-blog! Hehe.
Ano kayang laro ng Fox News at ng mga katulad nitong ahensya? Ano’ng partikular na interes ang ipinagtatanggol nito? Doctrinaire neoliberals lang ba sila? O baka naman choreographed ang ganito para mapanatili ang balanseng imperyalista ng US?
Siguro matuwa ka na na ganyan ang propagandang kailangang sagutin ng mga maka-Kaliwa sa US. Isipin mo: Dati sina Rush Limbaugh at Newt Gingrich! Hehe.
Maganda iyang usapin ng demographics ng Republican at Democrats. Maganda ang sinabi diyan ni Joan Didion, hinggil sa pagkitid niyan — kung saan ang nangyari sa Florida ang rurok at magandang paglalarawan.
hi teo. 20 years na mula 1989. we all know what that year means for socialism. the fall of ‘really existing socialism’ in eastern europe, the tiananmen massacre…. it’s the ‘crowning glory’ of the 80’s qua capitalism’s resurgence/neoliberal offensive, the prologue to the 90s qua ‘the end of history’ aka capitalism as the ‘only game in town’. cnn is running a special titled ‘autumn of change’. magsulat ka naman tungkol dito. 😛
oist ngayon ko lang nabalitaan to:
http://www.ivanhenares.com/2009/05/ups-mommy-thai-reopens-at-ortigas-home.html
wala lang hehe
@Kontras: Salamat sa pagtitiwalang makabuluhan ang maisusulat ko tungkol diyan. Naalala mo, may isa pa akong pangako sa iyo? Iyung rebyu ng libro ni Tariq Ali tungkol sa 1968, na dapat last year. Hehe. Gagawin ko na lang na back-to-back. May isinusulat ako, sana magustuhan mo. Hehe.
@Moriarty: Salamat! Kilala ba kita? Manlibre ka naman! Hehe.
oi peram nung chile.
Moriarty! Kilala nga kita! Hehe.
Bagay sa iyo ang libro, dahil mahilig ka sa kasaysayan. Sana inili-link mo ang blog mo, para marami ang makabasa. Hehe.
Apat na kayong nanghiram. Nasa pahiraman nga ngayon eh. Sorry, Guiller — isa ka sa susunod. Hehe.
Ganito na lang: Papahiramin kita kapag inilibre mo na ako kay Mommy Thai. Hehe.
inaayos ko pa e. hehe
mommy thai? hmm…sige proyektuhin natin.
Go! Hehe.
Where’s this “mommy Thai” at? Thai food?
Tingnan mo iyung link na inilagay sa itaas ni moriarty. Sa may Ortigas Avenue na siya, dating sa likod ng UP. Oo, Thai food. Join ka? Hehe.
University of the Philippines Baguio
Governor Pack Road, Baguio City
On the first week of August (date to follow), the College of Social Sciences, College of Arts and Communications, and various student institutions and organizations in the University of the Philippines Baguio (UPB) such as the University Student Council, UPB Outcrop and the Alliance of Concerned Students will be sponsoring a forum entitled “Marxist Critique on Postmodernism”.
In view of this, we would like to invite you to be a guest speaker on the said forum. We are also inviting Prof. Sarah Raymundo for the said event. Prof. Ramon Guillermo Jr. was also supposed to be a speaker but he will be leaving for Indonesia on the said month. The event would be a better venue where students could gain deeper understanding on postmodernism.
For more details of the forum, please feel free to contact Annalyn Rebecca Eisma of UPB Outcrop and the League of Filipino Students at 09056575248.
Sincerely,
Cori Alessa Co
Chairperson
University Student Council
Ruel Caricativo
Editor-in-Chief
UPB Outcrop
Aprille Erika Ginne Mangubat
Chairperson
Alliance of Concerned Students
Salamat sa imbitasyon! Malaganap ba ang postmodernismo sa UP Baguio at kailangang tunggaliin?
Tingnan ko, ha. Depende sa schedule. Siguro sa email na lang tayo magsulatan. Padayon!
Astig ka.
Wala pang pumuri sa akin nang ganyan. Hehe. Salamat!
Mas masugid na ako ngayon habang bakasyon ko pa.
Hala! Ang bilis sumagot! Hehe. Bakasyon? Trimester sa school mo? Hehe. Parang di tugma sa usual na takbo ng mga paaralan sa bansa. Hehe. Salamat!
Oo Trimestral siya. Hindi tugma, paurong.
teo, magandang araw,
lagi akong nagbabasa sa iyong blog,panapanahon kong binibisita ito marami rin kasi akong natututunan at higit sa lahat ay hindi mahirap unawain…mula nung hindi na nakakapaglabas ng pinoyweekly dito na lang ako bumibisita..oo nga pala baka matulungan mo ako sa hinahanap ko at pinapaunlad na pag-aaral hinggil kung ano ba yung magandang maidudulot ng pag-uunyon ng mga manggagawa kasi may mga sira ulo na nagsasabing hindi maganda ang pag-uunyon lalo na yung nasa loob ng akademya. bagamat may ilan na akong alam ay gusto ko pa ring maghanap ng iba at itanong na rin sa katulad mo na baka meron ka at matulungan mo ako..maraming salamat po..
Salamat sa pagdalaw at pagbabasa! Mayroon namang http://www.pinoyweekly.org! Tagasubaybay pa rin po ako noon. Hehe.
Ay naku. Marami pong ganyang sira-ulo. Hehe. Hindi lang sa akademya. Pero siguro nasa akademya ang pinaka-artikulante nilang tagapagsalita. Kaya mainam masagot.
Ang maipapayo ko? Dalawin ninyo ang national office ng Kilusang Mayo Uno, bilang hindi nagmamaliw na matatag sa pagtataguyod ng unyonismo sa bansa. Pwede rin kayong makipag-ugnayan sa kanila sa website nilang http://www.kilusangmayouno.org.
Sana makagawa kayo ng papel tungkol sa paksang iyan. I-lagay ninyo sa blog, para marami ang makabasa. Maraming salamat!
oi peram na nung tungkol sa chile. hehe
tsaka may ikokunsulta pala ako sa iyo.
Naku, na kay Kenneth Guda ngayon. Pero patapos na siya. Hehe. Nakapagsulat na nga ng blog entry galing sa libro eh. Hehe. Ito:
http://krguda.wordpress.com/2009/09/23/today-is-pablo-nerudas-36th-death-anniversary/
“Ikokonsulta”? Nakakatakot. Hehe. Sige, text kita. Kitakitz!
o nga nabasa ko yun. hehe
ikokunsulta? hehe may nirereview lang ako. gusto ko lang marinig insights mo. naks
huy ano ang masasabi mong epekto ni Ondoy sa postmodernismo sa NCR, lalo na sa Marikina at Pasig?
Tara na kasi, take a break, kape at biritan na.
postmodernism is not as big a snag to science and modernity (and hence secular progressive thought) as religion, patronage, and populism are. so baka puede na natin pagpahingahin ang postmodernism which never really got beyond the academe, art galleries, and isolated coffee houses.
@ Moriarty: Sige, text-text na lang.
@ Anita Bakery: Nanloloko ka, ayan tuloy, sumagot sa iyo si Kontras. Sige, text-text din!
@ Kontras: Well, tama ka na naman, kaibigan. Hehe. Napaka-limitado nga ng inabot ng po-mo. Hehe.
Okay ka lang ba mula sa baha, Teo?
Ayos naman, mas iyung tanawin ng iba at iyung pagkatapos ang nakakamatay sa pighati.
anu naman para sa inyo ang ibig sabihin ng import?
Loko ka, omer, ah. Minsan ka na nga lang magkomento, nang-aasar ka pa yata. Hehe.
teo, ngayon lang ulit ako nagawi sa blog mo. lam mo na, busy-busyhan. ingatz.
@omer, you made my day
Langya. Salamat Teo sa pag-link mo sa akin, kahit walang kapuli-pulitika [at kung minsan, walang katuturan) ang mga isinusulat ko sa blog ko. Hehe.
Honored ako ha. Langya talaga. 🙂
Walang anuman. Kahit personal na buhay ang isulat ng isang tao, kung nahubog din naman ito ng wastong tindig na pampulitika, o kahit ba nasa tamang lugar lang ang puso niya, magiging makabuluhan na itong mabasa ng marami. Sa tingin ko lang, ha. Hehe.
Congrats, Teo, sa paghirang ng Pinoy Weekly sa iyong blogsite bilang “Natatanging Progresibong Blog” sa taong 2009!
http://pinoyweekly.org/new/2010/01/natatanging-mga-progresibo-ng-2009/
Hindi ko alam kung paano mag-react. Sobrang nakakatuwa ang pag-appreciate ng mga kapwa-progresibo. Ikinararangal ko ang maituring ninyong natatangi. Maraming salamat.
napadpad lang ako dahil sa isang research work kaya naisipan ko na ring magparamdam..sana mas maraming kagaya mo, mulat at di gulat… sana mabisita ko ulit ‘to… padayon!
Salamat po! Padayon din sa paglilingkod sa bayan!
magaling … ^_^
napapaisip ako…
kung ano at sino ba ang dapat na paniwalaan ko…
Dati na akong napupunta dito, bahagi ng aking muling pag-aaral sa aking mga naging pagkilos noon na mali – ang pagtuligsa sa mga progresibong grupo. At unti-unti, muli kong iminumulat ang aking sarili sa mga bagay na ayaw ko makita at marinig noon.
Maraming salamat. 🙂
Naidagdag po kita sa aking mga links. 🙂
STP!
Salamat! Dati ka kamong tumutuligsa sa Kaliwa? Nakakatuwa namang may nakukumbinsi! Hehe. Walang anuman. Ikaw rin, idagdag ko.
Opo. 🙂 At lubos ko itong pinagsisisihan dahil naging mababaw ang aking pang-unawa. Salamat po. 🙂
Mabuting balita. Hehe. Mas matuto na lang siguro ng aral, kaysa magsisi. Hehe. At sana nice naman ang pagturing sa iyo ng mga maka-Kaliwa. Hehe.
Uhm, noong dati po eh dahil sa may nakaaway po ako eh, aun, di po nice ang natanggap ko na treatment, haha.. 😀 Kasalanan ko din naman. Pero sana next time eh wag masyado ganun baka kasi madami masyado maturn-off gaya nung nangyari sa akin. 🙂
By the kelan ko lang nabasa sa Pinoy Weekly, congrats po! 😀
Hi Teo! Natatawa talaga ako sa mga tanong sayo dito sa about page mo. Tanungan ng assignment at kung anik-anik?
Pa-update naman ng link. Lumipat na ko sa http://www.tinesabillo.wordpress.com. Salamat!
Haha. Oo. Isa lang naman talaga ang sinagot ko nang seryoso. Hehe. Iyung iba yata, nanloko na lang.
Salamat sa pagdaan. Huwag ka na lumipat mula diyan, ha. Hehe. Sige, update natin!
parang mas masarap sa mata yung puting layout 🙂
Talaga? Maraming opinyon, hindi ko matimbang. Hehe. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay ang ganda ng font dito. Hehe.
kuya teo,
may itsetseka ako sayo, tungkol sa probinsya ko sa Aurora. May ipapatupad kasing economic zone yung ruling pol faction with impe dun sa amin, pangalan nung project ay ASEZA/APEZA. Sa ngayon gumawa ako ng account sa fb “mahalin_aurora@yahoo.com” para sa mga kababayans, pero maganda sana mapalawak pa siya. baka sakali sana, lagyan nyo ng critic dito sa blog nyo para mapopularize yung isyu sa buong pil. malaking proyekto kasi talaga yun, actually sasaklawin nya hindi lang ung probinsya maging ung buong CL region.
salamat!
elow teo,
taga tudla productions nga pala ako, nababasa ko ang mga sulat mo sa pinoy weekly…mainam, napakagaling. sinubukan ko rin magsulat sa blog, sana makita mo at mapadaan.
dazaibaonigodson.blogspot.com
mabuhay ang mga manunulat ng sambayanan para sa hustisya at pambansang kalayaan!
@ Aurora Ipagtanggol: Narinig ko nga ang proyektong iyan. Mukhang malaking isyu kasi sa iba’t ibang kaibigan ko narinig. Ruling faction? Ang mga Angara? Talagang mahalagang bahagi ng pangkalahatang patakaran ng gobyerno sa ekonomiya ang pagtatayo ng ganyang mga sona ng kontraktwalisasyon. Sige, maganda ngang makapagsulat tungkol dito. Ingatz!
@ Godson: Salamat sa komento rito, kahit nagi-email-an tayo. Pasensya na, hindi ako nakadalo sa Pandayang Lino Brocka. Nasa akin ang kawalan; sorry talaga. Maganda at makabuluhan ang blog mo, kaya lang hinanap ko pa sa Google. Ili-link kita. Pero para sa mga naghahanap, ito talaga ang blog mo:
http://dazibaonigodson.blogspot.com/
Mabuhay!
ok lang. madami pa na namang mga pagkakataon para makadalo sa PLB… tuloy-tuloy na proyekto yan ng tudla ^_^… pasensya ka na dun sa URL na binigay ko, mejo nagkamali lang sa pagtype ^_^
salamat. ,! ingat
oo mga angara nga. administrative at legislative hanggang mga konsehal sila ang nakaupo dun.
@ Godson: Oo nga. Marami kayong audience. Ako ngang matagal nang aktibista, hindi pa nakakapanood ng maraming progressive Pinoy films! Kaya tiyak akong maraming dapat makapanood! Ayos lang. Tiyakin nating tama iyung nasa link. Hehe.
@ aurora ipagtanggol: Haha. Parang mga Ortega sa La Union. Kung hindi lang daw kapos ang bilang ng pamilya nila, pati barangay captain sana, kamag-anak nila. Haha.
ah. ganun din ba dun? akala ko sa aurora lang. umm nung huling uwi ko pala sa baler, may lumalabas pang balita na papalitan ang pangalan ng aurora at gagawin na itong “Angara province”. nasa congress na ata ito?
Totoo ba iyan? Masyado namang garapal! Baka may makabasang nagtatrabaho sa Kongreso, paki-verify naman. Kanino ba nakapangalan ang Aurora? Sa misis ni Quezon? Baka kasi hindi na naaalala ng mga tao kung kanino nakapangalan, sayang naman. Hehe.
oo. sa asawa ni pres.quezon. narinig ko ung balita sa kaibigan kong nagta-trabaho sa kapitolyo at ginagapang na sa congress through sa cong. ng aurora.hehe. umm, hindi ko pa pala naririnig reaksyon dito ni mlq3. sigurado aalma siya.
Aalma iyun. Tagapagtanggol iyun ng dangal ng mga ninuno niya. Actually, pwede mong ipaliwanag ang tindig niya sa lahat ng isyu sa ganyang balangkas — na ipinagtatanggol niya ang nagawa ng mga ninuno niya sa kasaysayan. Tsk, tsk.
ah. edi ayos na makaalyadong taktikal si mlq3?dun sa usapin ng pagpapalit ng pangalan.hehe
Haha. Baka tayo ang mas magamit. Unless makipagkaisa rin siya sa ibang isyu, na nasa balangkas ng pagpapalit ng pangalan. Hehe.
ei minsan pasyal ka ng baler! 🙂
Hehe. Sige. Sana kung may fact-finding mission. Hehe.
balita?
kuya wala po ba tayong bagong blog?.
Mayroon na po. Nasa PinoyWeekly.org na po. Bukas, upload ko na ulit dito. Salamat sa paghahanap!
cge kuya pinoyweekly n lng ako iwan ku n 2ng wordpress mo salamat!. haha..
kuya blik n ulit ako syo. haha..
Sana wag ka nang magfree hosting. Bili na ng domain!
Okey naman ang WordPress, ah. Hehe. Para pating hindi blog ang dating kapag may “.com” na karugtong, too formal for me. Hehe.
Ang primary advantage naman talaga ng may sariling domain ay mapagkakakitaan mo ang blog mo. Ikalawa, mas maooptimize mo ang iyong website for search engines, ie mas dadami ang iyong mambabasa at makararating ang iyong mensahe sa mas maraming tao. Hindi ba’t yun naman nga ang layunin ng blog na ito?
Ah, ganoon ba? Hehe. I thought pwede namang pagkakitaan ito sa WordPress, kaya lang noong nagtanong ako, hindi raw Google-supported language ang Filipino — a few years ago ito, ha. Syempre, happy ako kung makakamit ang layuning iyan sa proposal mo. Hehe. Pag-iisipan ko. Hehe.
hi sir. was searching for migrante site and mr. google directs me here, do you have any contact numbers for migrante Riyadh, KSA? Thanks, it’ll help a lot.
Magandang gabi po G. Teo M. Estudyante po ako ng UPB at nasa publication nito, gusto ko lang po itanong kung ano ‘yung take ninyo sa “left-wing blogs”? May nabasa po ako na nagsasabing ang blogosphere ang bagong coffehouses ng ating panahon. Sa ganitong kalagayan ay naalala ko si Habermas at ang kanyang diskusyon hinggil sa public spaces nung 18th century (o 19th?). Dito nabuo ang binhi ng pakikitunggali laban sa monarkiya ng panahon iyon, kung tama ang pagkakaintindi ko. Kung gayon, ganito rin po ba ang ilang mga blog katulad ng sa inyo? At maaari po ba nating i-invoke ang mga ideya ni Foucault hinggil sa “specific intellectuals” dito? Sa huli, paano po ito susuriin sa isang Marxistang pananaw? Salamat po.
@ Pong: Naku, wala po. Pero baka makatulong ang sumusunod:
http://migrante-ksa.blogspot.com/
http://migranteinternational.org/
@ Ruel: Salamat sa pagtatanong. Iyung kay Habermas, malayong maging public sphere ang blogosphere, dahil walang ideal communication na nagaganap dito: dominante pa rin ang mga burgis na blogger at hindi naman ito ang ideyal na sitwasyon para rasyunal na mapag-usapan ang mga argumento. Mas madalas, tunggalian ito ng iba’t ibang pagtingin — walang rasyunal na pagresolba o pagbubuo. Hindi ko itinuturing ang blog ko na bahagi ng ganyang imagined public sphere, dahil illusory nga. Maaari sigurong makakita ng specific intellectuals sa pakahulugan ni Foucault sa blogosphere, though hindi lahat ng bloggers ay ganoon. Naku, mahaba ang Marxistang pagsusuri sa blogosphere at left-wing blogs. Pero sa panig ng mga Marxista, mas pagtunggali sa larangang ito ang ginagawa, at hindi na naman mapapalaki o mas mabibigyang-timbang pa kumpara sa direktang pakikipagtalakayan sa masang anakpawis — at kahit sa mga petiburgis na tampok sa blogosphere. Sana nakatulong.
Salamat po. Makakatulong ng malaki.
Mukhang kailangan kong i-review si Habermas. Hehe. Balak po naming magsulat ng isang artikulo ukol dito. Magpapadala po kami ng kopya sainyo pag tapos na nang sa gayon ay mabigyan niyo ng komento. Salamat po.
Salamat at nakatulong. I-rebyu mo rin ang mga Marxist critique kay Habermas. Mayroon si Alex Callinicos. Sige, pa-email na lang para makibasa. Hehe.
hello teo. dumaan lang ako para mangumusta. namiss ko basahin yung blog mo 🙂
Salamat sa pagdaan, Richard! Ako, laging dumadaan sa blog mo. Humuhugot ako doon ng enerhiya sa masinsing pagbasa at malikhaing pagsulat. Di lang masyadong makakomento dahil bihira manood ng pelikula. Hehe.
G. Teo Marasigan, masugid akong tagabasa ng iyong blog. Baka may tips kang maibabahagi ukol sa kung paano makakapagsimula ng isang mahusay na blog tulad nito. Salamat!
Totoong tao ka ba? Baka may nagloloko na naman sa aking kaibigan. Hehehe. HIndi pa maganda ang timing mo dahil may bagal nga ako sa pagba-blog ngayon.
Anyway, basic lang naman siguro: Isulat mo iyung gustung-gusto mo, sikapin mong may naiaambag na bago sa talakayan hinggil sa paksa ang isusulat mo, respetuhin mo ang mambabasa mo. Tsaka syempre sarili mo. I-enjoy mo. Hehe.
Salamat sa iyong maikli ngunit malaman na payo! Sige at susubukan ko iyan, lalo na ang respeto sa sarili.
Nabanggit mo na din na medyo madalang ang mga bago mong post, baka pwede akong magbigay ng mungkahi. Baka interesado kang magsulat ukol sa kahusayan ng mga Gospel music tutal sikat naman si Pope Francis ngayon lalo na sa pagpunta niya sa Brazil.
At opo, totoong tao ako.
Hahaha! Salamat sa mungkahi. Kailangan ko ng maraming mungkahi. Pero iyang mungkahi mo… Hmmm. I don’t mix business with pleasure. Hahaha!
Mahalaga ang mga pahayag ni Pope Francis. Pero naiisip ko lang kung may kinalaman din sa pulitika sa Brazil? Hindi ba’t kaaway siya ng mga Kirschner na alyado nina Lula-Dilma? Kailangan ko pang saliksikin. Hehe.
Sir Teo, Bakit mo po naisipang mag sulat ng mga blog?