40% Hanap-seks

Little brown fucking machines – powered with rice
– Kamiseta sa paligid ng mga dating
base-militar ng US sa bansa

Sumikat, lalo na sa Internet, ang “It’s more fun in the Philippines,” ang bagong islogang panturismo ng gobyernong Aquino. Tama si Katrina Stuart-Santiago: pinagkatuwaan ang islogan pero hindi gaanong nakwestyon ang pinagmumulan nito – ang patakaran ng gobyerno na ibayong palakasin ang turismo sa bansa. Kung titingnan nga ang Philippine Labor and Employment Plan ng gobyernong Aquino para sa 2011-2016, nangunguna ang turismo sa itinuturing nitong dapat palakasin para makapagparami ng may-trabaho.

Noong nakaraang taon, may isang insidenteng hindi gaanong tumampok sa balita pero mahalagang iugnay sa nasabing islogan at sa kampanyang panturismo ng gobyerno. Tinutukoy ko ang pagsasabi ni Harry Thomas, Jr., ambassador ng US sa Pilipinas, na sa pagtaya niya, 40% ng mga lalakeng turista ang pumupunta sa bansa para sa seks. Kung tama ang alala ko, kumbaga’y pinagsisigawan siya para bawiin ang kanyang pahayag. Hindi ang nilalaman ng sinabi niya ang naging usapin, kundi ang pagsasabi niya nito.

Binawi ni Thomas ang pahayag, sa batayang wala siyang datos para suportahan ito. Pero alam natin ang karanasan ng bansa sa WikiLeaks. Maaaring may pinagkukuhanan ng datos ang ambassador ng US na hindi nito sinasabi sa publiko. Maaari ring walang datos pero mahalaga ngang siya ang nagsabi, dahil mangangahulugan ng patakaran na magpapatibay sa kanyang sinabi. Anu’t anuman, ipinapakita nito ang persepsyon ng isang nasa kapangyarihan sa kalakaran ng turismo, at sa lugar rito ng seks, sa bansa.

Kaya mahalaga ang mga tanong ni Santiago: Ano ang panlahi, pangkasarian at pang-uring dimensyon ng islogan at kampanyang panturismo ng gobyerno? Ano’ng bahagi nito ang pagbebenta sa maralitang Pinay sa mga lalakeng dayuhan? Paanong ang pagpapalakas ng gobyerno sa turismo ay aktwal na pagtalikod nito sa pagpapalakas ng mga batayang industriya sa bansa – na tunay na lilikha ng trabaho sa sariling bayan? Sino ang nagbabayad para sa saya (fun) sa Pilipinas? At sino naman ang nakikinabang?

Sa kanyang librong Bananas, Beaches and Bases [1989], pinalutang ni Cynthia Enloe, sosyalistang feminista, ang papel ng kababaihan sa industriya ng turismo sa Pilipinas at ibang bansa. Aniya, mula flight attendants sa eroplano hanggang sa mga manggagawa sa otel hanggang sa mga ikinakama sa mga kwarto nito, mga maralitang kababaihan ang siyang nakataya. Sa kanila nagmumula ang malaking kinikita ng gobyerno sa turismo – na napupunta, syempre pa, sa pambayad-utang sa dayuhan at kurakot sa pamahalaan.

21 Enero 2012

Galing ang larawan dito. Binanatan ng Marxistang si Terry Eagleton ang sikat na awtor na si Alain de Botton. Magandang pagmumuni hinggil sa epekto ng Twitter sa pagba-blog ng mga akademiko. Rebyu ng isang libro na nagpapakita ng paiba-ibang pagbasa sa pilosopong si Friedrich Nietzsche sa Amerika.

About these ads
Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • jef  On January 28, 2012 at 11:40 am

    hello po, mukang mapapa-away ako dito o:

    http://www.interaksyon.com/article/23066/activists-picket-us-embassy-over-troop-buildup-plans-in-philippines

    di ko kasi talaga matagalan ung mga comments e. haha. haaay pasensya na kung di related sa topic. ayun

  • kapirasongkritika  On January 29, 2012 at 5:28 pm

    Naku. Sorry, late ko na nabasa. Ganyan din halos ang laman ng balita sa Inquirer.net tungkol sa protestang iyan. Parang ang sarap nang tugunan.

    http://globalnation.inquirer.net/24321/protest-against-greater-us-role-in-philippines

    Pero baka naman kailangan mo ring mag-blog. Hehe. Para masagot ang mga ganito. Tutal may pasensya ka naman sa kanila — at dapat talaga ang pasensya. Pero isulat mo nang isang beses at i-link sa kanila. Ang hirap ng maya’t maya ka sasagot sa kanila. Hehe.

  • boyongantonino  On February 1, 2012 at 5:44 am

    hehe salamat po. yun nga, matagla ko nang pangarap mag-blog, kaso wala talaga panahon e. sabi pa ng isa kong kaibigan, di na daw dapat pinapatulan yung mga ganun. siguro wengwang lang talaga ako. haha. salamat po ulit

  • kapirasongkritika  On February 2, 2012 at 4:41 am

    Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Hehe. Kahit maiksi lang naman mag-blog.

    Sa isang banda, backward talaga ang mga pagtingin doon sa websites. Sa kabilang banda, mainam din talagang matunggali.

  • nunal  On February 6, 2012 at 7:53 am

    Natatandaan ko pa ang sinabing iyan ni Thomas. Ako naman, araw-araw nararamdamang parang nagbebenta ng aliw sa mga retiradong Hapong nagpapalipas ng oras sa pakikipaghuntahan sa mga online ESL teachers. Lumalala ang krisis. Marami sa aming mga magkaka-batch sa elbi, kung hindi online tutor, e nagtatrabaho ngayon sa mga multinational na corporation at lokal na malaking kapitalista. Ako nama’y apat na beses nang nasipa sa eskwelahang pinapasukan. Kailangang may gawin talaga. Kailangang magparami. Kailangang magpakilos. Nakakaahita lalo.

  • kapirasongkritika  On February 7, 2012 at 4:43 pm

    Salamat sa komento, Andang Juan!

    Ang posible talaga ay tanggalan dahil sa matinding krisis. O kaya naman ay pagpapatindi ng pagsasamantala.

    Bakit ka naman napatalsik? Dahil sa mga pampulitikang aktibidad mo?

    Oo, pambihirang pagkakataon ang ganito ka-grabeng krisis para mag-organisa ng pinakamarami!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 151 other followers

%d bloggers like this: